- 6 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Sa pagpapatuloy ng kanyang testimonya, naglabas ng supplemental affidavit si former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:38Ito ay para punoon daw ang mga kulang na detalya sa unan niyang binasang affidavit sa Senate Blue Ribbon Committee.
00:45Kasama dito ang mga detalya tungkol kay Sen. Jesus Scudero na sinabi niyang pinadalhan niya ng P160M.
00:53Dagdag niya ngayon, nagkausap daw sila ni Scudero.
01:00Bunaan sometime in August 2022, I was summoned by Sen. Cheese to his room.
01:06When I got there, he told me, hindi na ako bababa sa CA. Marami pa akong kulang na streetlights sa Sorsogon.
01:13Ano ba magagawa niyo para sa akin?
01:16I replied, kakausapin ko po si Sec. Bunaan kung paano ang gagawin.
01:22I relate to Secretary Bunaan what Sen. Cheese told me.
01:25Kasunod nito, nakatanggap daw siya ng listahan ng proyekto mula sa bayaw ni Escudero.
01:31He asked me to confirm if that streetlights project was the one for Sen. Cheese, which I did.
01:38Nasundan umano ito ng pagkikita nila ni Escudero noong 2023.
01:42I met with the latter in a private room in the said establishment.
01:48While we were drinking wine, he told me,
01:51alam ko naman ang galawan niyo dyan sa DPWH.
01:54Okay naman ako.
01:55Sabihin mo kay Sec magbaba sa akin.
02:00Also, the delivery of the 160M for Sen. Cheese referred to in paragraph 17 of my affidavit
02:05happened sometime in the first quarter of 2025.
02:08Around July 2025, I had a chance encounter with Sen. Cheese and Maynard Ngo at the Cork.
02:16Sen. Cheese, Escudero approached me, shook my hand, and said to me, thank you.
02:21Sa panayam ng media, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crespin Rimulla
02:26na narekomenda na ng National Bureau of Investigation na sampahan ng reklamo
02:30ang mga personalidad na binanggit ni Bernardo.
02:33Kasama daw sa rekomendasyon si Speaker Martin Romualdez, Sen. Escudero at dating Sen. Nancy Binay.
02:41Pero pinag-aaralan pa raw ito at ine-evaluate pa si Bernardo.
02:46Sabi pa ni Rimulla, nasabihan na rin nila ang Anti-Money Laundering Council.
02:50Kasama sa Sen. Cheese?
02:51Kasama na siya? Kasama na rin? Kasama na rin.
02:55Si Speaker, kasama na rin.
03:00Recommendation pa rin?
03:01Recommendation pa rin. Pero siyempre lahat na nabanggit doon, sensitive na matter ito eh.
03:05Siyempre, wala tayo sisinuhin dito, lahat na nakasama. Kasama natin.
03:09Indirect bribery, malversation, at may ibang kaso pa sa 301 na rin.
03:15Sa hearing, nagdetalya din si Bernardo kung paano nagaganap ang katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
03:23Tingin niya, masyado raw nabigyan ng laya o otonomiya ang mga district offices ng DPWH
03:28na magpatupad ng mga proyekto basta 150 million pesos pababa ang proyekto.
03:34Ito raw ang dahilan kaya tinitilad-dilad ang malalaking proyekto at hindi na rin nababantayan ang national office.
03:41Sabi niya, halos lahat ng bidding ng mga proyekto, luto na.
03:44Sa pananaw ko po, almost 100% eh.
03:49Kasi wala po talagang ano eh. Napipilitan po ang ating mga district engineer,
03:54ang ating mga regional director.
03:56Pagka po kasi may nagbaba ng pondo at hindi napunta sa kanila,
04:00eh kutakot-takot na pong panggigipit ang gagawin ito.
04:03Kamukha po ng ating mga representative.
04:05Pagka po hindi napunta doon sa mga gusto nila, eh nagagalit po.
04:09Diit ni Bernardo, ang mga ghost project o proyektong hindi talaga na ipatupad,
04:14ay masasabing isolated o hindi umano nangyayari sa ibang lugar.
04:18Pero sabi niya, kailangan ng partisipasyon ng mga opisyal mula baba hanggang taas ng isang district office.
04:24Sa ghost project, it's an isolated case.
04:27Yung mga tao po namin dati dyan ay tinatanong ko din,
04:29at talaga pong existing Mr. Chair yung mga proyekto.
04:32Hindi nga lang po nagmamatch doon po sa nakapost po sa survey ni Pangulo.
04:38Pero binara ni Sen. Kiko Pangilinan si Bernardo.
04:42Kung kayo mismo bilang usek, eh kumukubra at ginagawang negosyo,
04:47eh paano nyo babantayan?
04:50At bakit nyo babantayan yung mga nasa baba?
04:53Hindi ba?
04:54Pasensya na.
04:56Siguro kung tinututukan ninyo yung trabaho ninyo
04:59at hindi itong nakikipag-negosyo sa iba pang mga kasangkot sa sindikato,
05:06eh baka hindi na mangyayari yung mga nangyayari sa district level.
05:11Sinabi rin ni Bernardo na nakakapag-singit na mga proyekto
05:15ang mga mambabatas sa iba't ibang bahagi ng budget process.
05:19Kabilang na dito yung National Expenditure Program mula sa Malacanang
05:23hanggang sa bago maipasa ang national budget.
05:26Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
05:31Muling nangangaba mga taga-nauhan Oriental Mindoro
05:37habang palapit ang bagyong opong.
05:40Kahit kasi may halos apat na po silang flood control project,
05:44eh ang bayan pa rin nila ang pinakabahain sa probinsya.
05:48Live mula sa Calapano Oriental Mindoro, nakatutok si Bea Finlac.
05:53Bea?
05:53Mel Sanay Pero Sawana, sa buhay na lubog sa bahang
06:01ng residente ng Oriental Mindoro, na nakausap natin.
06:05Ang isang barangay sa bayan ng Nauhan,
06:07daing na kahit may ilang flood control project,
06:10hindi pa rin daw sapat para maibsa ng baha sa lugar.
06:17Aligagana si Nanay Flora sa pag-angat ng mga gamit sa bahay
06:20ng abutan ko sa Nauhan Oriental Mindoro kanina.
06:24Bukas kasi inaasahang mananalasa na ang bagyong opong sa lugar
06:28at pinangangambahan niyang maulit ang pagpasok ng baha sa kanilang bahay.
06:34Sana iha huwag na po uling kaming datna ng tubig na ganyan.
06:38Kaso may padating na naman pong bagyo.
06:41Isipin niyo po, liligtas kong mga po.
06:44Anin po yan.
06:45Pag nagkataon, matutulog na naman aniya ang mga apo niya sa mesa
06:52imbis na sa kama para hindi abuti ng taas ng baha.
06:56Sobrang sakit tala po.
06:58Punang hanggang pa po ako talaga.
07:00Baka sa ito, tataas pa.
07:01Isang ko pa dadalin ka akong mga bata.
07:04Bagaman sa Naina,
07:05sawanaan niya siya sa pagiging bahay ng probinsya.
07:08Ang ikasyam na flood-prone province sa bansa,
07:12ayon sa nakalap na datos ng GMA Integrated News Research
07:15mula sa Department of Environment and Natural Resources.
07:20Pinakabahain naman sa probinsya ang nawhan,
07:22na tila kabalintunaan lalot narito ang 37
07:26sa halos 140 flood control projects sa probinsya.
07:32Higit 6 na bilyong piso ang pera mula sa buwis ng bayan na ginasos para dyan.
07:36Kaya lalong masakit para sa mga tulad ni Nanay Flora
07:40na paulit-ulit nagtitiis sa baha.
07:44Hirap talaga po pag binabaha.
07:49Sana po naman masolusyonan po kami ang nagsasakribis ng hirap.
07:56Sila nagmamasarap.
07:57Pinagawa na lang sana nila ng tama.
08:02Baka hindi na maghirap ang mga tao na binabaha.
08:06May dalawang natapos ng flood control project sa barangay Pinagsabangandos sa nauhan
08:15ayon sa Sumbong ng Pangulo website.
08:17Sa bilang ng barangay, may dalawa pang nadagdag pero ginagawa pa rin ang isa.
08:22Gumagana naman ang iba, pero kulang pa.
08:26Nangyari lang siguro talaga na sa sumulakas ang tubig ay maraming pambutas yan.
08:30Kulang pa talaga po yung flood control na yan.
08:32Ang isa sa mga dike, ilang kilometro lang ang haba.
08:36At kapag lumakas ang agos ng ilog, ay nalulusutan ang bahaging walang dike.
08:41Kaya nilulubog ang mga palayan at papasukin ang mga bahay.
08:4624 hours namin kaming gising para bantayan ang ilog dahil lumalampas talaga sa kalasada ang tubig.
08:52Ayon sa pag-asa, posibleng magdulot ng malawakang pagbaha at landslide sa Oriental Mindoro bukas ng tanghali hanggang sa Sabado.
09:01Wala nang pasok bukas sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin sa mga opisina ng gobyerno.
09:07Mel, sa ngayon, hindi muna pwedeng pumalaot ang anumang sasakyang pandagat dito sa Oriental Mindoro.
09:17Kaya wala muna ng biyahe, papunta at paalis dito ng kalapan.
09:21Yan muna ang latest mula rito sa Oriental Mindoro. Balik sa'yo, Mel.
09:25Maraming salamat sa'yo, Bea Pinla.
09:27Good evening mga kapuso! Busy in their very own hobbies ang Akusada stars na si Andrea Torres at Benjamin Alves.
09:38Kung si Andrea hilig magluto at mag-cafe hopping, si Benjamin naman ay abala sa pagtakbo kasamang iba pang kapuso stars.
09:46Makichika kay Aubrey Carambel.
09:48Enjoying her single life si Akusada star Andrea Torres na sa kanyang free time ay naghihilig magluto at sinishare pa ang recipe sa kanyang followers online.
10:02Hilig din daw niyang bumisita sa concept cafes kung saan siya madalas tumambay para mag-unwind o magbasa ng libro at scripts.
10:10Kasi minsan kapag sa bahay ka nagbabasa parang wala lang, minsan parang lalo na pag mahaba yung binabasa mo.
10:17Oo, maganda rin yung mapunta ka sa environment na parang napapaligiran ka rin ng art or ng maganda para lalo kang ma-inspire.
10:28Ang Akusada co-star niyang si Benjamin Alves, into running.
10:32Madalas daw kasama niyang tumakbo si nakapuso primetime king Ding Dong Dantes at kapuso host Kim Atienza.
10:39Tulad nitong linggo, kung kailan nagsuot sila ng End Corruption Now shirt during their run.
10:44I feel like as an artist na nagbe-benefit sa public opinion or sa public na yung suporta ng public, I have to stand with them and say something.
10:55Lalo na pag nakikita ko directly ang apekto ng nang nangyayari sa atin.
11:01For the people that are yung lumalaban ng patas, kailangan talaga natin ipaglaban sila.
11:06Very timely rin daw ang lalabas nilang pelikula tungkol sa buhay ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.
11:13Si Ben ang gaganap as Young Quezon.
11:16Pag-critic tayo sa mga leaders natin kasi talagang sila yung nag...
11:20They are public servants sila eh. So they have to serve us.
11:24So dapat ganun tayo. Hindi tayo nadadala sa konting ayuda, konting tuwa.
11:31Kailangan ano natin, karapatan natin yung bilang Pinoy na kine-criticize sila.
11:35Exciting daw ang mga susunod na episodes ng Akusada.
11:39Nanggulat na ang karakter ni Andrea na si Carol with her new look sa episode kahapon ng Kapuso Afternoon Prime series.
11:46Sabi ni Andrea kinailangan nga raw niyang magpaputol ng buhok para ma-achieve ang Carol 2.0 transformation
11:53matapos mahatulang not guilty at makalaya sa kulungan.
11:58Pakikita niyo kung magbabati na ba ng tuluyan at magkakainlaban na ba ulit si Carol at si Wilfred?
12:05Ano na naman ba ang kaguluhang ibibigay ni Ronnie sa buhay nilang dalawa?
12:09Of course, si Ronnie always naman effective kontrabida si Lian.
12:12So lagi siyang kanainisan talaga.
12:14Ngayon, may pinakita rin kami na parang...
12:16Ang tawag namin ni Lian doon parang adobo wars.
12:19Kasi nasa linyahan yung...
12:23Pakikita niyo ito, nasa linyahan yung toyo, pati suka.
12:27So alamin niyo na lang...
12:28Obri Carampel, updated to showbiz happenings.
12:32Kumakalat online ang mga larawan kung saan isa-isang nakasama ni dating DPWH engineer Henry Alcantara
12:40sa magkakaibang pagditipon sina Senador Jingoy Estrada, Joel Villanueva at dating Senador Bongrevillea.
12:47Dalawar yan ay pagpapasinaya sa flood control projects.
12:50Ang isa, ipinagmalaki sa pagditipo na napondukan sa tulong ng isa sa mga senador.
12:56Nakatutok si Mark Salazar.
12:58Sa salaysay ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
13:06dalawang kasalukuyan at isang dating senador ang kanyang iniugnay sa pagtanggap ng kickback sa mga flood control project.
13:13Sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva at dating Senador Bongrevillea.
13:19Ang ugnayan ni na Estrada at Alcantara unang naungkat sa pagdinig ng House Infrastructure Committee
13:25nang ilabas ng dating Assistant District Engineer Price Hernandez
13:29ang mga larawan ni Estrada kasama ni Alcantara.
13:33Kuha o man na ito sa birthday party ni Estrada.
13:36Dati nang iginiit ni Estrada na hindi niya kilala si Alcantara
13:39at wala raw katotohanan ang bintang na nakinabang siya sa flood control projects.
13:45I do not know. I cannot recall that event.
13:48Pero sa dami naman nagpapapicture sa akin, hindi ka mong pwede tank yan.
13:53Remember, we are all public figures here.
13:54Mga picture din ni Alcantara kasama naman si Villanueva
13:58ang naglutangan ilang linggo matapos pumutok ang kontrobersya sa flood control projects.
14:04Tulad ng larawang ito sa sariling Instagram post ni Villanueva noong 2021.
14:10Sabi ni Villanueva sa post,
14:13inspection ito sa mga pinasinayaang pumping station sa Bukawi River.
14:18Sa Instagram post din ni Villanueva,
14:20may video rin siya ni Alcantara na sakay ng isang pick-up truck
14:24ng pasinayaan ng isang tulay sa Bukawi noong 2021 din.
14:29Ito na po ang bagong tulay ng Bukawi!
14:33Salamat po!
14:35Sa isang panayam naman noong 2022,
14:38ikinwento rin ni Alcantara na naponduhan ang pagkukumpunin ng Manila North Road sa Bulacan
14:43sa tulong ni Villanueva.
14:45Right now po, we have a release of I think 87 million
14:51na pamagitan po ng tulong ng ating Senador Chowell.
14:58Nareleased po iyan.
15:00Ngayon po, ginagawagawin po namin yan.
15:01600 linear meters po iyan.
15:03Sinabi na dati ni Villanueva
15:05na hindi totoo ang bintang na nabigyan siya ng kickbacks
15:09sa flood control projects.
15:11Hindi rin daw siya kailanman nagkaroon ng transaksyon kay Alcantara.
15:15Sir, wala kayong transaksyon with Alcantara?
15:17Lahat ng senador, lahat ng sekretary na pumunta sa presidente ng Pilipinas
15:22na doon nakakasama siya.
15:24So, yun ba? It's an evidence, nasangkot?
15:27Bakit si Joel lang yung tinuturo?
15:30Bibigyan ko kayo lahat ng picture nilang lahat.
15:32Matapos naman banggitin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
15:36lumutang ang mga larawang ito ni Revilla
15:38kasama ni Alcantara.
15:40Sa press release noong 2023 ng DPWH,
15:44nag-inspeksyon noon si Revilla ng mga flood control projects
15:47sa Paumbong at Hagonoy sa Bulacan.
15:50Nauna na rin sinabi ni Revilla,
15:52walang katotohanan ng bintang na nakinabang siya sa flood control kickbacks
15:56at wala raw siyang kinalaman dito.
15:59Sa salaysay ni Alcantara,
16:01iisang tao lang ang nag-uto sa kanyang magbigay ng kickback
16:04sa tatlong senador.
16:05Yan ay ang tinawag niyang boss na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
16:12Sa akin po, boss,
16:16na nabanggit po nung nakarang hearing ng aming kasama,
16:23Undersecretary Roberto Bernardo po.
16:25Matagal at malalim na ang samahan ni Bernardo at Alcantara.
16:29Taong 1997 daw nang sila'y magkakilala sa Laguna 2nd Engineering District.
16:35At nasaksihandaw niya ang unti-unting pagtaas ng posisyon ni Bernardo
16:39hanggang maging Undersecretary ito ng DPWH.
16:44Lumabas din noon na nagkasama si Bernardo at Alcantara
16:48sa District Engineering Office ng Maynila
16:50nung administrasyon ni Mayor Joseph Estrada.
16:53Magkasama ko sa Maynila, magkasama ko sa DPWH.
16:58Tapos tinatanggi mo ngayon na wala kayong koneksyon
17:00kay Jingoy Estrada, Senador Jingoy Estrada.
17:03Paano naman nangyari?
17:04Tingin nyo maniniwala yung mga taong bayan?
17:06Wala po kong personal na koneksyon po kay Senador Jingoy, Your Honor.
17:10Siya yung magiging susi dyan kasi siya yung naglagay sa kanila dito sa Bulacan.
17:16So siya yung parang tinuturo nila lahat, dilan tatlo.
17:20Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
17:27Sinimulan ng ilikas ang mga residente mula sa ilang barangay sa Eastern Samar
17:34bilang paghahanda sa inaasahang pagtama sa lupa ng Bagyong Opong.
17:39At nakatutok live si Fem Marie Dumabok ng GMA Widgeter News.
17:44Fem!
17:44Yes, VK, bilang paghahanda sa Bagyong Opong,
17:51nagpatupad ng force evacuation sa ilang lugar sa Eastern Samar,
17:55pati na rin dito sa Northern Samar.
17:57Tulad na lang dito sa barangay Paisod sa Bayan ng Palapag, Northern Samar,
18:01kung saan itong barangay hall nila ang nagsisilbi nilang evacuation center.
18:06As of 5 p.m. volatility ng pag-asa, posibleng sa Northern Samar
18:10o sa northern portion ng Eastern Samar, maglalandfall ang Bagyong Opong.
18:15Bukas ng umaga.
18:19Panakanaka ang pagulan sa G1 Eastern Samar.
18:23Sa gitna nito, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng force evacuation
18:26sa mga coastal barangay particular sa Victory Island
18:29at dinala na sila sa mainland.
18:31The first action nga buhat would be to identify yung kinahilan natin
18:36of preemptive evacuation sa itong mga coastal communities
18:39and we are in fact conducting force evacuation sa Osaka Island barangay.
18:44Bawal na rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat papunta at paalay sa Giwan mainland.
18:50May hihilang sasakyang pandagat na inilagay sa mas mataas na lugar.
18:54Nagkaroon din ang preemptive evacuation sa coastal area sa Bayan ng Artiche
18:58na nasa northern part ng Eastern Samar.
19:00Pero may mga residenteng hindi muna lumikas.
19:03Sa poblasyon barangay, mayroon tayong apat na barangay.
19:08Tapos outside the poblasyon, mayroong dalawa sa barangay Bina Vista
19:12at saka sa Karabdapan.
19:15Mayroon din mga riverside barangay.
19:17So kung hindi pa ako nagkakamali, mga nine barangay po yung submerses
19:23kung malakas ang ulan.
19:26Nakataas ng red alert status sa buong probinsya.
19:28Batay sa 5pm bulletin ng pag-asa, sa northern summer o northern portion ng eastern summer
19:34posibleng mag-landfall ang bagyong upong, madaling araw bukas.
19:38Ayon sa PD-RRMO, handa na ang kanilang mga gamit pang rescue,
19:42pati ng evacuation centers at food packs.
19:45Nag-ikot din ang rescue group sa mga barangay
19:47at nag-momonitor sa mga sapa at ilog ang mga taga-BFP.
19:52Binabantayan din ang mga autoridad ang mga flood at landslide prone areas.
19:56Nakatatakot ang ganito eh.
19:57Pag tahimik, pag gumigayan, kakampanti ang mga tao.
20:02Kaya pinaalalahan na namin na kung ano ang sabihin ng mga EMREMOs
20:07kasi kung anong utos sa aming galing ng UCD, yung ibabato namin.
20:12Vicky, may ilang lugar dito sa eastern summer, pati na rin dito sa northern summer,
20:22ang nakaranas ng power outage kanina na matapos ang ilang oras,
20:26nag-normalize naman.
20:28Mas pinaigting pa ng mga otoridad ang monitoring,
20:31lalo na simula kanina ang hapon hanggang ngayon,
20:34ramdam ang panakanakang pagulan at lakas ng hangin dala ng bagyong upong
20:38dito sa northern summer.
20:40Inaasahan na lalakas pa ito hanggang bukas ng umaga.
20:44Kaya naman, patuloy na suspended ang klase dito sa buong northern summer bukas.
20:49Vicky?
20:50Maraming salamat sa iyo, Femarie Dumabok, ng GMA Regional TV.
20:58Mga kapuso, itinaas na ang wind signal number 3 sa ilang lugar sa northern at eastern summer
21:04at sa Bicol Region bago ang inaasahang landfall bukas ng bagyong upong.
21:09Alamin natin ang latest kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
21:14Amor!
21:14Salamat, Emil. Mga kapuso, posiblipan lumakas ang bagyong upong bago pa man tumama o tumawid sa lupa.
21:22Kaya paghandaan pong mabuti ang magiging epekto nito at ng pinalalakas na southwest monsoon o habagat.
21:29Dahil po sa bagyo, maraming lugar na ang isinailalim sa wind signals.
21:33Nakataas na ang signal number 3, dyan po yan sa Sorosugon,
21:35pati na rin sa northern portion ang mas bate kasama po ang Tikau Islands at Buryas Islands.
21:41Signal number 3 din, dyan po sa northern Samar, northern portion ang eastern Samar at ganoon din dito sa northern portion ng Samar.
21:49Signal number 2 naman sa eastern portion ng Batangas, ganoon din sa southern portion ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes,
21:58natitirang bahagi ng Masbate, Marinduque, Romblon at pati na rin sa Oriental Mindoro.
22:03Nasa ilalim din po ng signal number 2, ang central portion ng eastern Samar, central portion ng Samar, ganoon din sa may Biliran at northwestern portion ng Lete.
22:13Signal number 1 naman, dito po yan sa Metro Manila, central and southern portions ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao,
22:21southwestern portion ng Mountain Province, Benguet at pati na rin sa may southern portion ng Ilocosur.
22:27Kasama rin po dito ang La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal at pati na rin po ang Cavite.
22:37Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng Batangas, Laguna, natitirang bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro, Cuyo Islands at Calamian Islands.
22:47Ito pong signal number 1, nakataas din po yan sa ilang bahagi ng Visayas.
22:50Kasama ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Samar at ng Lete, Southern Lete, northern portion ng Cebu,
22:58ganoon din po dito sa may Camotes at Bantayan Islands.
23:02At dito rin po, kasama rin po dyan itong northern portion ng Negros Occidental, northern portion ng Iloilo, Capiz, Aklan, at maging ang northern portion ng Antique.
23:12At kasama rin po dito ang ilang bahagi naman ng Mindanao particular na dito po sa May Siargao Island, Bucas Grande Islands, at sa Dinagat Islands.
23:21Mga kapuso sa mga nabangit po na lugar na nasa ilalim ng wind signals, paghandaan po ang malakas sa bugso ng hangin na may kasamang mga pag-ulan, malalaking alon at banta ng storm surge.
23:31Ayun din po sa pag-asa, posibleng pang magkaroon ng mga pagbabago dito sa mga lugar at ganoon din sa signals natin.
23:37At maari po yan umabot pa ng hanggang signal number 4.
23:40Huling namataan ang sentro nitong Bagyong Opong, dyan po yan sa 195 kilometers east-northeast ng Giwan Eastern Samar.
23:49Taglay po nito ang lakas ang hangin nga abot sa 110 kilometers per hour at yung bugso naman na sa 135 kilometers per hour.
23:57Kumikilos po ito, pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
24:02At sa latest track po na inalabas ng pag-asa, posibleng tumama itong Bagyong Opong.
24:06Dito po yan sa Northern Samar o di kaya naman ay dito po sa northern portion ng Eastern Samar bukas ng madaling araw.
24:14Sunod po nitong tutumbukin, ito namang Bicol Region kung saan po ito posibleng magkaroon ng isa pang landfall dito sa may Sorsogon bukas ng umaga.
24:23At pagkatapos po nito, lalapit po yan o dadaan dito sa may Cebuyan Sea at tatawinin po yung mainland or island provinces ng Bicol Region.
24:32Ganun din po dito sa may Southern Calabar Zone at ganun din dito sa may northern portion ng Mimaropa.
24:38Pero mga kapuso, posibleng po pong magkaroon ng pagbabago sa magiging track po nitong Bagyong Opong.
24:43Kaya tutok lang po kayo sa updates sa mga susunod na oras.
24:46Lalo't pwede pa po yung umangat ng konti o di kaya naman po ay bumaba pa.
24:50Bago makarating po yan dito po sa bahagi po ng West Philippine Sea, yun nga po yung magiging movement.
24:56At yan nga po ay mangyayari dito po Sabado ng madaling araw.
24:59Maari pong nasa West Philippine Sea na po yan.
25:01At ayon po sa pag-asa, posible na makalabas na po ito ng Philippine Area of Responsibility Sabado ng hapon.
25:08Pero depende po po yan kung ito po ay medyo bumagan o buminis pa ang pagkilos.
25:13Bukod po sa direct ng epekto ng Bagyong Opong,
25:15dapat din paghandaan ng epekto ng Southwest Monsoon o yung hanging habagat na magdadala rin po ng mga pag-ulan
25:21at bugso ng hangin sa malaking bahagi po ng ating bansa.
25:25Base po sa datos ng Metro Weathering,
25:27ngayong gabi pa lang, unti-unti nang mararamdaman yung bugso ng hangin at malalakas sa pag-ulan.
25:31Dito po yan sa ilang bahagi ng Caraga, Northern Mindanao, Buong Visayas.
25:36Lalong-lalo na po dito sa may Eastern and Central portions, Bicol Region at ganoon din dito sa Quezon Province.
25:43May mga pag-ulan din sa ilang bahagi po ng Palawan, ganoon din dito sa may Eastern sections ng Northern at ng Central Luzon.
25:50Pusibli pong magtuloy-tuloy na po yan hanggang bukas araw po ng Biyernes.
25:55Halos buong araw pong mabababad sa matitinding buhos ng ulan.
25:59Itong buong Visayas, ganoon din po ang Mimaropa, Bicol Region, ganoon din po ang Calabar Zone, pati na rin ang ilang bahagi ng Cagayan, Isabela at ng Aurora.
26:09Napakataas po ng bantanang Bahao Landslide dahil nga ito po nakikita ninyo nagkukulay pula orange at kulay pink.
26:15Ibig sabihin po yan dito sa ating legends sa rainfall, heavy to intense at ganoon din po intense to torrential.
26:21Kaya po talagang matiting buhos ng ulan at halos tuloy-tuloy po itong mararanasan.
26:27Bandang gabi, matitindi pa rin po yung mga pag-ulan dito po yan sa may Western Visayas, Mimaropa, Calabar Zone at ganoon din sa eastern sections ng northern at ng central Luzon.
26:38Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang chance sa mga pabugsong-bugsong ulan bukas.
26:43Lalo't pwede pa rin tayong mahagip ng bagyo kapag po dumaan na yan sa may southern Luzon at lalo na kapag po ito ay medyo umangat ng movement.
26:50Sa Mindanao naman, umaga may mga pag-ulan bukas dito yan sa may Zamboanga Peninsula at sa hapon naman, posible rin po yung mga kalat-kalat na ulan dito sa northern Mindanao, Barm at pati na rin sa Suc Sargent.
27:03Yan muna ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor Narosa. Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Comments