Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpapatuloy po ngayong araw ang Ika-47 ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:10Sa pagubukas ng pulong, tinanggap na rin ang Bansang Timor-Leste bilang ikalabing isang miyembro ng asosasyon.
00:17Balitang hatid ni Mariz Umali.
00:20Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN Member States sa Kuala Lumpur Convention Center
00:25kung saan sinalubong sila ni 47th ASEAN Chairman, Malaysian Prime Minister Datoseri Anwar Ibrahim
00:31para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at related summits.
00:37Pangunahing mensahe sa opening speech ni Anwar,
00:40dapat magkaroon ang ASEAN ng tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership
00:45at madaling umangkup sa mga pagbabago.
00:48Across regions, we see rising contestation of growing uncertainty.
00:53These crosswinds test not only our economies but our collective resolve
00:59to keep faith in cooperation,
01:02to believe that understanding and dialogue can still prevail in a divided age.
01:07Por man na rin tinanggap bilang ikalabing isang miyembro ng ASEAN
01:10ang Democratic Republic of Timor-Leste.
01:13Na 2011 pa nag-apply, sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
01:18Naging emosyonal pa sa isang punto,
01:20si Prime Minister Kairala Shanana Guzmaw.
01:23For the people of Timor-Leste,
01:26this is not only a dream realized,
01:29but a powerful affirmation of our journey.
01:34Our accession is a testament to the spirit of our people.
01:40A young democracy,
01:42born from struggle.
01:44Sa isang Facebook post,
01:46sinabi naman ni Pangulong Bombong Marcos
01:48na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
01:51Ang pagpasok daw ng Timor-Leste,
01:54sumasalamin sa sama-samang hangari ng rehyon
01:56tungo sa pagkakaisa,
01:58pagtutulungan at kaunlaran.
01:59Sa plenary intervention speech ni Pangulong Marcos,
02:03ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas
02:04sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
02:07Binigyan diin ang Pangulo
02:08ang kahalagahan ng ASEAN Centrality
02:11sa pagtataguyod ng katatagan
02:13at pagtutulungan sa rehyon.
02:14Makatuon sa practical,
02:16inclusive,
02:17at measurable initiatives
02:19ang pag-o-host ng Pilipinas
02:20sa ASEAN sa susunod na taon,
02:22patuloy na pagsulong
02:24sa legasya ng ASEAN.
02:26Ayon kay Pangulong Marcos Jr.,
02:28layunin umano ng Pilipinas
02:30na makamit ang ASEAN Vision 2045.
02:33Sa sidelines ng summit,
02:35sunod-sunod din ang pulong
02:36o bilateral meeting ng Pangulo
02:38sa mga leader ng Cambodia,
02:40Thailand,
02:40Canada,
02:41Japan,
02:42European Council
02:43at United Nations.
02:45Kabilang sa mga pinag-usapan
02:46ng ugnayan ng Pilipinas
02:47sa mga bansang nakapulong nito,
02:49kabilang sa aspeto
02:50ng political security,
02:51turismo at ekonomiya.
02:53Nilagdaan din sa summit
02:54ang pag-amienda
02:55sa second protocol
02:56ng ASEAN Trade and Goods Agreement
02:58o ATIGA.
02:59At sa Martes,
03:00ang isa pang mahalagang kasunduan
03:02na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 upgrade,
03:05kung saan inaasahan
03:06makikinabang
03:07ang mga negosyong Pinoy,
03:08particular ang mga
03:09micro,
03:10small,
03:10and medium enterprises.
03:13Mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
03:15Mariz Umali
03:15nagbabalita
03:16para sa
03:17GMA Integrated News.
Comments

Recommended