Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsimula ng magpulong ang mga leader ng member states ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN para sa ika-apat na put-anin na ASEAN Summit sa Myanmar.
00:12At live mula sa Kuala Lumpur, may ulit on the spot si Ivan Mayrina.
00:17Ivan?
00:21Connie, formal na nagbukas ang 46th ASEAN Summit dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:27At narito ang leader ng 10 member states, kabilang dyan, si Pangulong Bongbong Marcos.
00:34Personal na sinalubong ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang mga ASEAN leaders na sinundan ng tradisyonal na ASEAN handshake.
00:42Sa kanyang intervention o talumpati sa plenaryo ng ASEAN, muli binigyang halaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahalagahan ng agarang pagbuo ng legally binding na code of conduct sa South China Sea.
00:52Tinukoy niya ang geopolitical tension na isa sa mga banta sa ASEAN region at maaaring mabaliwala ang anumang pagsulong na nakamit ng rehyon.
01:01Mahalaga raw ito para maprotektahan ang maritime rights, magkaroon ng stability at maiwasan ang miscalculation.
01:09Itong nakaraang linggo lang, binomba na naman ang tubig ng China Coast Guard ang barko ng BIFAR sa Sandy K2.
01:14Bukod diyan, Connie, binigyan din din ang Pangulo ang pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya, kalakalan, pagsugpo sa transnational crimes at sama-samang pagtugon sa banta na dulot ng climate change.
01:26Sa kanyang welcome address, nagbigay ng update ang Malaysian Prime Minister tungkol sa mahakbang na ginagawa ng ASEAN para makamit ang kapayapaan sa Myanmar
01:35at ang kahalagahan ng pagpapalawak ng relasyon ng ASEAN sa Gulf Cooperation Council at sa China sa kauna-unahang ASEAN-GCC China Summit na magaganap bukas.
01:46Ang GCC o Gulf Cooperation Council ay binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, Bahrain at Oman.
01:55Ang China naman ay isang mahalagang dialogue partner ng ASEAN.
01:58Ang pagkumpulong na ito ay tinutuloy ng ilang mga eksperto na tugon na mga bansang kasapi sa reciprocal tariffs na ipinapataw ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.
02:08Samantala, bagamat may kanika niyang negosasyon ng bawat ASEAN member states sa Amerika,
02:12ay sumulat na rin daw si PM Anwar kay President Trump para mag-schedule ng meeting sa ASEAN kahugday sa isyo ng taripa na may malawak na epekto sa ekonomiya ng buong mundo.
02:23Suportado naman ng Pilipinas, Connie, ang posisyong na buo ng ASEAN Economic Ministers na iwasan ang retaliatory measures sa usapin ng taripa.
02:31Naayon daw ito sa diplomasya, dialogo at rules-based multilateral trading system.
02:37Samantala, Connie, sa mga oras ito, katatapos lamang ng bilateral meeting ni Pangulong Bongbong Marcos at ng leader ng Lao People's Democratic Republic.
02:46Bukod dyan, ay meron din iba pang mga bilateral meeting ang Pangulo sa leader ng Vietnam at ng Kuwait.
02:51At patuloy tayo mag-aantabay sa iba pang mga detalye na mga nagaganap na pulong dito sa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
02:58Balik sa'yo, Connie.
02:59Maraming salamat, Ivan Mayrina.
03:01Maraming salamat, Ivan Mayrina.
03:13Maraming salamat, Ivan Mayrina.

Recommended