00:00May kasunduong pinirmahan ang ASEAN at China sa ASEAN Summit sa Kuala Numpur, Malaysia.
00:06At may ulat on the spot si Marise Umal.
00:09Marise?
00:15Connie, palakasin ang kalakalan at kooperasyon sa rehyon, yan ang layon ng ASEAN-China Free Trade Area 3.0 Upgrade Protocol na nilagdaan ngayong umaga.
00:30Marise, sinaksihan ng mga member state ng ASEAN kabilang si Pangulong Bombong Marcos ang formal na paglagda ng ASEAN at China sa kasunduan layong palakasin pa ang ugnayan sa kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon pang ekonomiya sa rehyon.
00:45Ang dokumento ay nilagdaan sa pagitan ng Minister of Investment, Trade and Industry bilang kinatawa ng ASEAN at ng Minister of Commerce ng China para sa panig ng Beijing.
00:55Sa ilalim ng ACFTA 3.0 Upgrade Protocol, layon ng dalawang panig na palalimin ang liberalisasyon sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo,
01:05palakasin ang ugnayan sa digital economy, green development at supply chain connectivity,
01:10at itaguyod ang mas inclusive, sustainable at resilient na paglago sa rehyon sa gitna ng mga hamon sa pandayigdigang ekonomiya.
01:17Ang kasunduan ito ay pagpapatuloy ng orihinal na framework agreement on comprehensive economic cooperation na nilagdaan noong 2002 sa Phnom Penh, Cambodia
01:27at ilang ulit nang inamiendahan sa mga susunod na taon sa ilalim ng tinatawag na ASEAN-China Free Trade Area.
01:34Itinuturing ang ACFTA 3.0 Upgrade Protocol bilang isa sa pinakamahalagang hakbang upang mapatatag ang rules-based trading system sa ASIA
01:43at mapanatili ang central role ng ASEAN sa pagpapalago ng ekonomiya ng rehyon.
01:49Pagkatapos ng pirmahan ay itinurn over na ang dokumento sa Secretary General ng ASEAN.
01:54Sunod naman, Connie, na dinaluhan ni Pangulong Bombo Marcos ang bilateral meeting niya kasama ang Australia.
02:00Mamaya, los dos e media ng hapon ay pormal na ang magtatapos ang 47th ASEAN Summit at related summits
02:08at mangyayari rin po dyan ang handover of the ASEAN chairmanship sa ating bansang Pilipinas.
02:14At bago tumulak, pabalik ng Pilipinas ay magkakaroon pa ng kapihan si Pangulong Bombo Marcos kasama ang mga media
02:20para bigyan niya tayo ng mga highlights na nangyaring ASEAN Summit at related summits.
02:27At gayon din ay mabigyan tayo kung ano pa yung mga benepisyo na makukuha ng bansa sa kanyang pagdalo
02:32dito sa 47th ASEAN and related summits dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
02:38At live mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia, balik sa iyo, Connie.
02:42Maraming salamat, Mariz Umali.
Comments