Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00maganahapon po crimen sa maynila isang patay na babae na nanakagapos pa ang
00:08natagpuan sa kwarto na isang hotel tinutunton ngayon ang babaeng nakasama ng biktima
00:13sa pag check-in lalot na huli camp ang kanyang pagtakas nakatutok sinjo mera presto
00:19wala nang buhay at nakagapos pa ang mga kamay ganyan nadatna ng mga otoridad
00:27at isang babae sa loob ng kwarto ng isang hotel sa Santa Mesa, Maynila, umaga nitong Webes.
00:32Ayon sa barangay 587, lumabas sa backtracking ng mga polis na isang lalaki at babae
00:37ang kasabay na nag-check-in ang biktima sa hotel noong miyerkoles ng gabi.
00:41Sa kuhang ito sa barangay 589, mag-alas 7 ng umaga kinabukasan,
00:45makikita ang babaeng iya na naka shades at face mask habang may dalang helmet.
00:50Kaling daw siya sa hotel at ilang beses nagpabalik-balik sa Old Santa Mesa.
00:54Hanggang sa lumiko na siya ng reposo.
00:55Maya-maya, makikita na ang babae na tumatakbo sa kahabaan ng Peralta.
01:01Makalipas ang ilang minuto, isang roomboy ng hotel ang hinahanap ang babaeng tumatakbo.
01:06Siya raw pala ang babaeng kasama ng biktima sa loob ng hotel.
01:10Hindi na nahagip ng CCTV ng barangay 589 ang lalaking kasama nila na nasa kabilang kalsada naman dumaan.
01:16Yung lalaki, Old Santa Mesa, pagkaliwa, galing sa hotel ng ***.
01:21Hindi na rin nakita dun pa kanan, papunta ng Teresa.
01:25Hindi na gano'ng hagip sa CCTV pero ang babae raw na tumatakbo, ang pasaherong sumakay ng jeep papuntang Madaluyong.
01:33Sabi pa ng barangay, may kakulangan talaga ang seguridad ng hotel.
01:37Hindi rin daw nakikipag-ugnayan ang management sa kanila.
01:40Sana naman, sa pamunuan ng hotel ng ***, bigyan nila ng security guard. Wala pong security guard yun.
01:47Pag lalabas yung customer nila, dapat sabay.
01:54Kasi pag sa hotel, pwede yung isang dalawang babae, isang lalaki, pinapayagan nila yun.
02:01Sinubukan namin makipag-ugnayan sa management ng hotel pero itinanggi ng staff na sa kanila nangyari ang krimen.
02:07Nakipag-ugnayan din kami sa Manila Police District pero tumanggi pa silang magbigay ng detalye sa kaso habang patuloy ang kanilang investigasyon.
02:14Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
02:20Walong pamilya sa Barangay Tanyong Marikina ang nasunugan.
02:24Nagbuwis ang buhay sa sunog ang isang lalaking nagsalba ng sanggol.
02:27Nakatuto si Bea Pinlac.
02:35Nabalot ng napoy at usok ang hipapawid sa Barangay Tanyong sa Marikina, pasado alas dos ng madaling araw kanina.
02:46Tila gumuho ang mundo ng pamilya ng 50 anyos na si Tatay Alan na nasawi sa sunog.
02:53Binalot na yung sanggol po, yung sanggol.
02:56Sabi niya, ilabas mo.
02:58Sabi niya, malikan ko lang yung bag.
03:01Sabi niya, nang apo kong maliit.
03:04Patay na si Lola.
03:05Hindi mo na si Lola.
03:10Mam, masakit sa...
03:12Nalabas niya yung mga apo niya, tapos pati yung asawa niya.
03:17Tapos, binalikan yung bag.
03:19Nandun siya nakita sa may loob nung kwarto sa may likod.
03:23Ang laman ng bag ni Tatay Alan.
03:26Pera, mga ID at iba pang gamit.
03:29Sugata naman ang isang 53 anyos na babae.
03:32Um, meron siyang mga burns sa dalawang paa, um, sa balikat, tsaka sa kamay.
03:40Ayon sa BFP, hindi bababa sa anim na bahay ang natupok ng sunog na umabot ng unang alarma.
03:45Nasa walong pamilya o halos tatlumpong individual ang apektado.
03:50Mabilis daw kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga natupok na bahay.
03:54Huwag din na lang po buhay yung pamilya ko.
03:58Ang hirap po mawala na bahay.
04:01Sobrang sakit po.
04:04Humigit kumulang 350,000 pesos ang halaga ng pinsala.
04:08Inaalam pa ng BFP ang sanhinang sunog na naapula mag-aalas 3 na ng madaling araw.
04:14Para sa GMA Integrated News,
04:17Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
04:20Nasa Malaysia na si Pangulong Bongbong Marcos para sa ASEAN Summit bago umalis.
04:26May mga iniutos siya sa kanyang gabinete.
04:29Kami lang dyan, ang pagpapababa sa presyo ng construction materials sa mga proyekto ng gobyerno
04:33na ayon sa Pangulo ay overpriced.
04:37Nakatutok si Darlene Cai.
04:41Several items like asphalt, steel bar, cement are overpriced by as much as 50%.
04:48Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, ito ang nadeskubre ng DPWH sa kanilang pag-uusisa sa mga proyekto ng gobyerno.
04:56Sabi ng DPWH, ginamit ang mga overpriced na materyales sa iba't ibang proyekto tulad ng pagpapatayo ng mga kalye, tulay, classroom at health centers.
05:04Nagsimula na tayo several weeks ago sa pagre-review at pagbe-benchmark ng mga presyo.
05:13Marami po dito e talagang ang layo ng presyo sa merkado ng iba't ibang mga materyales.
05:22Kaya bago umalis kalina papuntang Kuala Lumpur, Malaysia para sa 47th ASEAN Summit and Related Summits, may utos ang Pangulo kay Dizon.
05:31To bring down the cost of materials by as much as 50%, which will result in savings in the capital outlay, spending of at least P30 to P45 billion.
05:43This is money that we can use for services such as health, education and food that our people desperately need.
05:51Ide-detalye rao ni Dizon sa mga susunod na araw ang mga reformang gagawin sa presyo ng materyales.
05:56Tiniyak niyang hindi ito makaapekto sa kalidad ng mga proyekto.
06:00Patuloy rao na sinusuri ng DPWH sa mga proyekto at kontrata kasabay ng paghahabla sa mga sangkot sa korupsyon.
06:08Inatasan din ang Pangulo ang Bureau of Internal Revenue na habulin ang mga nangurakot.
06:12May pahayag din ang Pangulo sa gitna ng mga panawagang huwag mo nang maningil ng buwis dahil sa issue ng korupsyon.
06:18The Department of Finance has also instructed the BIR to look into the possible exemption of certain taxpayer segments
06:25from the obligation of withholding and remitting creditable withholding taxes
06:30and the simplification and lowering of the applicable creditable withholding tax rates.
06:36Habang wala ang Pangulo, itinalagang caretakers o tagpangsiwa ng bansa
06:40si na Executive Secretary Lucas Bersamin, Education Secretary Sonny Angara
06:45at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella.
06:49Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
06:53Mga kapuso, live ako ngayon dito sa labas ng bahay ni Kuya at sa ilang sandali
07:10ay muli itong magbubukas at magpapatuloy ng bagong set ng housemates
07:13para sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
07:17Kasama natin ang fans na nag-aabang sa muling pagbubukas ng PBB House
07:21sa panibagong collab ng GMA at ABS-CBN.
07:24Dalawang pong mga Gen Z ang sasalang sa challenges
07:27at ipakikilala ang kanika nilang pagkatao sa teleserya ng totoong buhay.
07:32Tumutok lang dito sa 24 oras weekend para sa mga surpresa at updates
07:37kaugnay ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
07:41Binabantayan ngayon kung titindi ang pagsabog ng bulkang kanlaon sa Negros Island.
07:52Kasunod yan ang eruption kagabi at ash emission kaninang umaga
07:55na ang resulta, mga barangay na nabalot ng abo.
07:59Mula sa La Castellana Negros Occidental, nakatutok live si Aileen Petreso ng GMA Regional TV.
08:05Aileen?
08:07Ivan, mga kapuso, nananatilimang normal ang sitwasyon sa Negros Occidental
08:13matapos ang moderately explosive eruption ng mga kanlaon kagabi,
08:17ramdam naman ang pangamba sa mga residente sa pagbutok ng vulkan.
08:20Oh my God.
08:27Pasado las 8 kagabi, nagdulot ng takot ang pagsabog ng kanlaon sa Negros Island.
08:33Makapal at maitim na usok ang namataan ng mga taga-barangay biyak na bato sa La Castellana Negros Occidental.
08:41Ayon sa FIVOX, moderately explosive eruption ang nangyari sa kanlaon na tumagal ng tatlong minuto.
08:48Umabot ng dalawang kilometro ang taas ng plume o abo ng vulkan na tanaw rin sa kanlaon city na Negros Oriental.
08:55Sa pagmamaktol ng vulkan, umulan ng abo.
08:58Gaya sa barangay mailong sa Bagos City, ayon kay Yus Cooper Lizelle.
09:02Tumigil ang ashfall pasado las 9 ng gabi, pero amoy pa rin nila ang asupre.
09:07Kaninang umaga, tatlo pang ash emission ang naganap sa kanlaon na ayon sa FIVOX ay umabot sa tatlong daang metro ang taas.
09:14Kita sa drone video na isang residente sa Bagos City kung paanong namuti dahil sa abo ang mga bahay, puno at halaman.
09:21Ay nagaglupok eh, na son, kita isigiman ang pangilat.
09:29Ang batian lang naman niya, doi yagis yung vulkan.
09:32Kuali sa nag-anong supre.
09:34Naglantao naman, nag-i-grab ang kuhan mong ang vulkan.
09:38Kayo mga around alas 11 siguro, nag-ulan.
09:43Tiyam mo to daw na wash out sa.
09:44Sa tala ng FIVOX at Office of Civil Defense sa Negros Island Region,
09:56apektado ng ashfall ang nasa 15 barangay sa Negros Occidental,
10:00gaya sa Bagos City, San Carlos City at La Carlota City at mga bayan ng La Castellana at Ponte Vedra.
10:06Nananatili sa Alert Level 2 ang vulkan.
10:08Pero kung mag-aalboroto pa rin ang vulkan, posibleng itaas ito sa Alert Level 3.
10:13May na-observe kita nga pyroclastic density current na may kalabaon nga approximately 1 km.
10:22Si Kanon ma'am na nasa Alert Level 2, so nasa moderately active si Kanon.
10:30So possible din ma'am nga ma-raise inis from Alert Level 2 to Alert Level 3.
10:36So ang ato nating inabantayan ma'am, ang ato mga monitor ng parameters.
10:40Mahigpit po nating pinaalalahanan ang mga residente na huwag pumasok sa loob ng 4 km permanent danger zone
10:46dahil maaaring magkaroon ng bigla ang pagsabog.
10:49So sa mga apektadong lugar, magsagot po silang face mask.
10:53Ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP,
10:56pinaiiwas ang mga aircraft sa paglipad malapit sa vulkan.
11:00Ang mga LGU, naghahanda kahit wala pang utos ng forced evacuation.
11:04Naganda ng DSWD-NIR na mayigit 70,000 family food packs para sa mga pamilyang maapektuhan.
11:11Sa ngayon, nagsasagawa na ng warehouse monitoring ang DSWD Negros Island Region
11:20sa layuning madagdagan pa ang preposition goods na siyang ipamimigay sa mga maapektuhan residente
11:26sakaling lumala ang sitwasyon ng Mount Kanoon.
11:29Balik sinyo dyan, Ivan.
11:30Maraming salamat, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
11:36Interes na Pilipinas sa ekonomiya, seguridad at soberanya.
11:40Ilan po yan sa iksusulong ni Pangulong Bombo Marcos
11:43sa pagdalo niya sa 47th ASEAN Summit sa Malaysia.
11:46At mula sa Tuala Lumpur, Malaysia, nakatutok lang si Mariza Mal.
11:52Mariz?
11:56Pia, salamat po itong.
11:58Pagbati yan dito sa Malaysia paghapon na at malapit na maggabi.
12:03Kanina nga ang alas 2.50 ng hapon
12:06nang dumating dito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
12:09si Pangulong Bombo Marcos kasama si First Lady Liza Araneta Marcos
12:13at ilang mga miyembro ng gabinete
12:15para sa gaganaping ika-47 ASEAN Summit at related summits
12:20na magsisimula na bukas.
12:21Puno ang schedule ng Pangulo para sa tatlong araw na ASEAN Summit and related summits.
12:30Inaasahan makikipagpulong ang Pangulo sa mga leader ng iba't ibang ASEAN member states,
12:35dialogue partners, at mga pinatawa ng international organizations.
12:39Nakaangkla ang summit sa tema inclusivity and sustainability.
12:42Inaasahan lalagdari ng Pangulo sa deklarasyon para sa opisyal na pagpasok ng Timor Leste
12:48bilang ikalabing isang miyembro ng ASEAN.
12:51Dadalo rin siya sa pagfirma sa second protocol
12:53para maamyandahan ang ASEAN Trade and Goods Agreement o ATIGA
12:57at ang ASEAN-China Free Trade Area 3.0 upgrade.
13:01Dito isusulong ng Pilipinas ang mga interes nito sa ASEAN lalo sa ekonomiya,
13:05pati ang siguridad sa dagat at sovereignty rights
13:07sa gitna ng patinding ng patinding mga insidente ng panghaharas ng China sa West Philippine Sea.
13:13Sa kabila ng tensyon, tiniyak ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona
13:17na mananatiling aktibong katuwang ng bansa ang China at Estados Unidos sa mga usaping pang ekonomiya.
13:24May mga bilateral meeting din ang Pangulo.
13:26Dadalo rin sa summit ang mga leader ng Japan, India, Republic of Korea, China, New Zealand, Australia,
13:32pati si U.S. President Donald Trump na inaasahan darating bukas.
13:37Sasaksihan ni Trump ang paglagda bukas ng Thailand at Cambodia
13:40ng mas malawakang ceasefire deal,
13:42kaugnay ng border conflict noong July kung saan 300,000 ang nasawi.
13:46Ito lang ang dadaluhan ni Thai Prime Minister Anutin Sharon Virakul sa summit
13:50kasunod ng pagkamatay ni Queen Mother Sirikit ng Thailand.
13:54Inaasahan tatalakayin din dito ang iba pang global issues gaya ng sitwasyon sa Myanmar
13:58at iba pang geopolitical at geo-economic challenges na nakaapekto sa rehyon.
14:04Sa huling araw ng summit, magkakaroon ang ASEAN Chairship Turnover Ceremony
14:08mula Malaysia patungo sa Pilipinas.
14:10Ayos sa DFA, gagamitin ang Pilipinas ang pagkakataon ito
14:13para patatagin ang ugnayan ng mga miyembrong Estado
14:16at palakasin pa ang kooperasyong pang komunidad sa rehyon.
14:19Pia, alas 9.05 ng umaga bukas sinasahan magdaratingan yung mga ASEAN leader
14:28sa park entrance nitong Kuala Lumpur Convention Center
14:32kung saan naroon tayo ngayon para sa formal na pagbubukas
14:35ng 37th ASEAN Summit at Related Summits.
14:38At yan ang pinakasariyang balita mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
14:41Balik sa iyo, Pia.
14:44Maraming salamat, Marie Zumali.
14:45Isang linggo, bago ang undas, tuloy-tuloy ang pagdalao
14:50at paglilinis sa mga puntod sa mga sementeryo.
14:52Gaya sa dalawang pangon na hinglibingan ng Maynila
14:54na milyon-milyon ang posibling dadalaw.
14:58At nakatutok si Marisol Abduraman.
15:04Tila nag-reunion ang pamilya ni Cecil sa puntod ng kanilang Yumao
15:07sa Manila North Cemetery.
15:09Inagahan na raw nila ang pagdalao para di sumabay sa maraming tao
15:12sa susunod na linggo.
15:13Masyado na maraming tao.
15:15Kasi kami, pagpumunta kami, marami.
15:19Mahihirapan naman kami.
15:20Saka, ang hirap din magparada dito.
15:25Inaasahang aabos sa dalawang milyon ang bibisita
15:27sa Manila North Cemetery ngayong undas.
15:30Ngayon po, madami na po.
15:32Pwede po tayo dumalaw hanggang 1228 po.
15:37Kapasok po yung sakit nila.
15:39Pati po yung paglilinis po nila hanggang 27 lang.
15:42Maayos at tahimik naman ang sitwasyon sa Manila South Cemetery.
15:46May mga maaga na rin nagpunta para hindi sumabay sa dagsan ng tao.
15:49Magulo na next week.
15:51Traffic pa.
15:52Bakit nyo po ngayon naisip na maglinis po?
15:54Maganda po kasi yung panahon.
15:57Bago mag-alas 2 ng hapong ngayong araw,
15:59umabot na sa 7,000 ang bilang ng mga nagpupunta rito sa Manila South Cemetery.
16:04It's either naglilinis o dumadalo na sa puntod ng kanila mga yumaong mahal sa buhay.
16:08Inaasahang aabot ang bilang sa mahigit 1 milyon sa araw na mismo ng undas.
16:13Mayroon ako ba mga Newark President? May mga nakonfestayan mo kayo?
16:18Apoli wala. Wala ngayon dahil marami tayong kasama mga barangay at may mga pulis na nasa loob na paikot-ikot.
16:26Bantay saradong simenteryo ng CCTV cameras at magdadipa rin ng dalawang drones simula October 31.
16:32Pugod sa mga bawal dalhin sa loob, bawal din mag-overnight sa North at South Cemetery.
16:38Para makatulong sa pagdalao ng mga naliligaw o kaya di makita ang punto ng kanila mga yumao,
16:42mayroong punto-finder ang Manila North at Manila South Cemetery.
16:48Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
16:53Nakatuto, 24 Oras.
16:56Mga kapuso, magpa-full tank na dahil sa huling maltes bagong undas, may nakaambang taas presyo sa petrolyo.
17:04At sa tansya po ng Unioil, piso at 70 centimo hanggang piso at 70 centimo ang posibleng taas presyo sa litro ng diesel.
17:1370 centimo hanggang piso at 10 centimo naman sa gasolina.
17:17At sa Oil Industry Management Bureau, nakikitang may epekto sa presyuhan ang bagong sanksyon na Amerika
17:22sa mga kumpanya ng langis sa Russia dahil sa gera sa Ukraine.
17:26At ang pagbaba ng inventaryo ng crudeo sa Amerika dahil sa tumaas na demand ng mga refinery.
17:31Outro
17:38Outro
17:39Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended