- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Kapuso, fully paid na ang nabiling segunda manong sasakyan pero bigla o manong hinatak ng banko?
00:10Iyan ang idinalog sa inyong Kapuso Action Man.
00:17Marso 2024 pa, nabayaran ng buo ni Rico, hindi niya tunay na pangalan,
00:22ang segunda manong sasakyan na nabili sa isang financing company.
00:26May apat na taon niyang hinulugan ang sasakyan na kakahalaga ng maigit 600,000 piso.
00:32Pero nitong Hunyo, isang banko umano ang biglang kumuha sa sasakyan.
00:43Paniwanag ng banko kay Rico.
00:49Kaya tanong niya sa financing company na napagbilihan ng segunda manong sasakyan.
00:53Saan ba ako nagbabayan? Kasi since kayo naman talaga yung binagayaran ko, sa inyo ako nagpupulipin.
01:00Dahil sa abalang dulot kay Rico, dumulog ang inyong Kapuso Action Man sa financing company,
01:06tiniyak nila na patuloy ang kanilang komunikasyon sa kliyente mula ng mangyari ang insidente.
01:12Nakikipagugnayan na rin daw sila sa banko hinggil sa nangyaring repossession.
01:15Pinapunta nila ako doon, nag-meeting kami, and then nangako sila na aayusin nila.
01:23And then after one week, tumawag po ulit sila at sinabi sa akin na mag-meeting kami ulit para sa ipapalit nilang sasakyan.
01:33Sa ngayon ay nabigyan na ng kapalit na sasakyan si Rico.
01:36Napaka-helpful po ng ganitong program. Mabilis siyang lapitan.
01:41Kaya nung nag-replay po yung sa page, sobrang natuwa ako kasi ang bilis po ng action nila.
01:46Mission accomplished tayo, mga Kapuso.
01:53Para po sa inyong mga sumbong, pwede mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
01:57o magtungo sa JMA Action Center sa JMA Network Drive Corner sa Maravinyong Diliman, Kiasun City.
02:02Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:08Sa Senado, pirmado na ang mga sapina para sa sampung kontraktor na hindi sumipot sa nauna nitong pagdinig sa mga proyekto kontrabaha.
02:20At sa gitna naman ng tangkang panunuhol sa isang congressman, sinabi ng isang senador na tila na kompromiso na ang mga district engineer ng DPWH.
02:31Nakatutok si Mav Gonzalez.
02:32Kakaiba raw ang nabistong tangkang panunuhol ng isang DPWH district engineer kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste,
02:44sabi ni Senador Ping Lakson.
02:46Mga kontratista raw ang karaniwang nanunuhol, hindi opisyal ng DPWH.
02:50This reinforces my theory sa aking privilege pitch na parang yung mga DPWH officials, at least at the district level,
03:01relegated na sila sa parang legmen or bagmen na mga powerful contractors.
03:09There must be a powerful contractor behind this and we have to find out.
03:14Ayon kay Lakson, compromised na umano ang mga district engineer dahil mga kongresista rin ang naglalabi para malagay sila sa pwesto.
03:22Nauno nang sinabi ni Lakson na may 67 contractor congressmen, pero hindi na raw niya inalam kung sino-sino ang mga ito.
03:29Tingin niya, dapat may kasuhan para tuldukan talaga ang mga anomalya sa flood control projects,
03:35imbis na si Bakin lang sa pwesto ang ilan.
03:37Dapat huwag mag-stop dito sa ingay ngayon. The only logical conclusion that we all need to see, talagang merong maparusahan.
03:45Kasi otherwise, parang rigudo na naman tayo rito para tayong visyo cycle.
03:49Si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Rep. Joel Chua nagpasalamat dahil ipinagtanggol daw ni Leviste ang puri ng kamara.
03:58Dapat anya, sampahan ng DPWH ng kasong administratibo ang sangkote district engineer habang gumugulong ang kasong kriminal.
04:06Nanawagan naman si Bacolod Loan District Rep. Albi Benitez sa DOJ na ilagay sa whistleblower program ang mga empleyado ng DPWH na gustong tumestigo laban sa maanumalyang flood control projects sa bansa.
04:19Dagdag ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, pwede imbestigahan ng House Infrastructure Committee ang aligasyon ng panunuhol at ipatawag ang mga sangkot na personalidad.
04:29Pero kung si House Committee on Human Rights Chair Rep. Benny Abante ang tatanungin, dapat independent commission ang mag-imbestiga rito imbis na kamara mismo.
04:38Para may bias yan eh. Pag nag-imbestiga ang kamara, paano yan? Kapag ang tinuro na mga members ng kamara, gawin natin independent commission yan.
04:50Na talagang ang nakalagay dun sa loob, yung talagang mga kilala ng mga tao na talagang matapang, malinit, talagang no holes bar dyan at walang sacred couch.
05:02Sa Senado, pirmado na ni Senate President Cheese Escudero ang sampina para sa sampung malalaking kontraktor sa flood control projects na hindi sumipot sa unang pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
05:13Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok 24 oras.
05:20Imbestigahan ang lahat ng flood control projects sa lungsod ng Maynila.
05:25Yan ang tugon ni Manila 6th District Representative, Bienvenido Abante, sa panawagan ni Manila Mayor Isco Moreno na imbestigahan ang flood control projects sa ikanawa, ikatlo at ikaanim na distrito ng lungsod.
05:40Ang sabi ni Abante, dahil magkakaunay ang mga flood control measures ng lungsod, hindi daw dapat pag-initan ang ilang distrito lamang.
05:49Pasaring ni Abante kay Moreno, kung gusto raw talagang maintindihan ang ugat ng problema, dapat maging seryoso sa pagkahanap ng solusyon at hindi sa pagkuhan ng puntos sa politika.
06:03Mga kapuso, posibleng bukas ng gabi, magsimula ng tumawid sa lupa ang minomonitor na low pressure area.
06:15Huling namataan ang LPA sa 130 kilometers east-northeast ng Borongan City, Eastern Samar.
06:22Sa ngayon, mababa pa ang tsansa nitong maging bagyo pero kapag nakatawid na sa lupa ay maaaring tumaas na ang posibilidad na maging bagyo.
06:29Sakaling matuluyan, tatawagin itong bagyong hasinto.
06:34Maging bagyoman o hindi magpapaulan ng LPA, lalot lalapit ito sa kalupaan.
06:38Ayon sa pag-asa, posibleng kumilos ang LPA sa silangan ng Visayas palapit sa Bicol Region hanggang sa maratingan Central Zone kung saan ito tatawid.
06:47Pero may tsansa rin na sa Eastern Visayas pa lamang ay tumawid na ito sa lupa patungo sa ilang bakagi ng Sadal Zone.
06:54Bukod sa LPA, patuloy rin ang pag-iral ng habagat.
06:57Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas, may mga pag-ulan na sa Eastern Section ng Luzon lalo na sa Bicol Region.
07:04Pwede rin niyang maranasan sa Mimaropa, Calabar Zone, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
07:10Sa Kapun, malawakan na ang pag-ulan sa kalusbong bansa.
07:13Kasama na ang iba pang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.
07:18May matitinding bukos na posibleng magpabaka o magdulot ang landslide.
07:21Sa Metro Manila, mataas din ang tsansa ng ulan.
07:24Umaga pa lamang, maaaring may kalat-kalat na ulan na sa ilang Luzon.
07:28Mas maraming lugar ang posibleng ulanin pagsapit ang hapon at gabi.
07:33Nauwi sa habulan ang pag-aresto sa magpinsang sangkot sa pagnanakaw ng mga kable sa Quezon City.
07:40Ayon sa pulisya, talamak ang modus dahil ang ilang sospek e nagpapanggap na lehitimong repairman.
07:47Nakatutok si Mark Salazar.
07:49Kabilang umano ang magpinsang ito sa malaking grupo ng tirador na mga cable wire
07:58na umatake noong madaling araw ng linggo sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.
08:03Nahila na nila mula sa manhole at naisakay na sa kanilang closed van
08:08ang nasa 28 metro ng underground cable ng PLDT.
08:13Kaya lang na itip sa pulis ang lakad nila kaya nahuli sa habulan.
08:17Pag-sapit ng along kongresyon na labisaya sabi nyo ay doon natin na-flagdown yung closed van na ito
08:25at kung saan eh bigla pong nagbabaan ang mga nasakay nito na more or less na sa sampung tao
08:31at dalawa sa kanila ay nahuli po natin.
08:36Daglihan natin silang dinala sa polisistisyon.
08:38P127,000 pesos daw ang halaga ng tanso sa mga nakuhang cable kung naibenta nila.
08:46Sabi ng dalawang arestadong suspect, hindi nila kakilala ang mga kasama nilang lumakad kahapon
08:52dahil nirecruit sila mula sa iba't ibang lugar.
08:55Yung nag-recruit sa kanila ang pangapangalanan daw nila sa pulisya.
08:59Eh nakakayad na po ng tropa. Kaya namin, akot lang po talaga.
09:05Sabi, mag-akot lang talaga sa bahay.
09:08Gulit kami, yun palang papakot sa amin, yung cable.
09:12Hindi kami ng trabaho nun.
09:14Magkano bang pinangako sa inyong bayan?
09:17Dalawa libo lang po.
09:18Ang bawat isa?
09:19Opo.
09:20Hindi rin nila kilala kung sino ang mastermind at may-ari ng closed van na dala nila.
09:25Ayon sa pulisya, nadadalas ang modus ng pagnanakaw ng cable wire
09:30na harap-harap ang ginagawa habang walang nagsususpet siya
09:34dahil akala mo'y legit na repairman sila.
09:37Nagpapakilala silang o nakikita mo sa isang lugar o kalsada
09:43na nagkukunwaring may inaayos, may inaayos na manhole,
09:48naka-reflectorize base din na akala mo'y totoong legit na gumagawa.
09:56So, sa mga kababayan po natin, maging alerto po tayo.
10:02Panawagan ng pulisya, tulungan silang magmanman sa mga kawatan.
10:06Pag may nakita po kayo, na mga kahina-hinala na ganito,
10:10lalo na makikita nyo, wala naman pong nakareflict doon
10:14kung anong agency po sila na nagtatrabaho.
10:16At isa pa, kung mapapansin po natin,
10:20yung mayroong sasakyan doon na wala namang pangalan
10:22o nakalagay na pagkakakilanlan kung saan po sila nagtatrabaho,
10:27ay agad po ninyo nga i-reportsahin yung himpilan
10:30para po ma-verify natin kung talagang sila ay legit.
10:35Para sa GMA Integrated News,
10:37Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
10:42Pistado ang umunoy sa buatan ng ilang Chinese sa Peking Carnaping
10:45para lamang makakubra ng beneficyo sa insurance.
10:49Ang mga suspect na harap sa patong-patong na reklamo,
10:52iyan ang aking tinutukan.
10:58Nakunan ng CCTV ng Carnapin ang SUV na ito sa Valenzuela noong isang linggo.
11:03Ang may-ari na isang Chinese tumawag sa 911 para i-report ang insidente.
11:09Ang allegasyon ng biktima ay pumarada lang sila doon sa tapat ng Jade Subdivision.
11:16Pagbalik nila, wala na yung kanilang sasakyan.
11:19Agad na nakakuha ng lead ang polisya.
11:23At sa talyer na ito sa Kaloocan,
11:26na-recover ng Valenzuela Police ang SUV.
11:28Sa investigasyon, lumabas na ang lalaking nakunan
11:31ng CCTV na tumangay ng SUV
11:33ay ang may-ari ng talyer
11:35kung saan na-recover ang sasakyan.
11:38Isa rin siyang Chinese.
11:39Nakita po na may bumaba,
11:41lumapit sa sinasabing na Carnap na sasakyan.
11:44Nung paglapit niya,
11:45umilaw.
11:46Kita po sa CCTV, puti Jess,
11:48na umilaw yung sasakyan.
11:49In our jury,
11:50mayroon siyang remote
11:51kasi napagana niya yung ilaw.
11:54Sabihin,
11:56locked or unlocked,
11:57iilaw siya.
11:58Sa talyer,
11:58na-recover ng polisya
11:59ang ilang pang piraso ng mga plate number,
12:02kabilang na ang plaka
12:02na para sa isang kaparehong model at kulay na SUV
12:06na nasangkot naman sa aksidente sa Bulacan
12:08noong isang taon.
12:10Ang SUV na ito,
12:11natuntun din ng polisya sa Valenzuela.
12:13Total wreck na.
12:15Kalaunan,
12:16umamin-umano ang Chinese na may-ari ng talyer
12:19na gawa-gawa lang ang Carnaping incident na ito.
12:22Kakunchaba raw niya ang kapwa niya Chinese na may-ari ng SUV
12:25na tumawag sa 911.
12:28Kapwa,
12:28inaresto ng polisya ang mga suspect
12:30na ayon sa polisya isangkot sa modus
12:32na pinapalabas na
12:33na Carnap ang sasakyan
12:35para makapag-claim sa insurance.
12:36Nag-file po kami ng perjury
12:38for doon sa kanyang pagsisinungaling
12:41na allegedly
12:42idiniklara niya na Carnaping
12:44pa hindi naman pala totoo.
12:47Nag-file din po kami ng
12:48violation for Republic Act 4136
12:51yung illegal transfer of plate
12:52and idinagdag na rin po namin dito
12:55yung insurance fraud.
12:56Mayroong mga ganitong nangyayari
12:57na dinideklara ng Carnap
12:59ang sasakyan
13:00para makakuha ng insurance.
13:01Kakasuhan din sila
13:02sa paggamit ng 911
13:03sa kanilang kalukuhan.
13:05Ito palang paggamit nila ng 911
13:07eh hindi pala tama
13:09imbebintong kaso
13:10na hindi naman pala totoo
13:11kaya ito po
13:13isang magsisilbing leksyon
13:14sa ating mga
13:15gagawa ng kalukuhan
13:17gagawitin pa ang 911.
13:19Patuloy namin sinusubukang
13:20makunin ang panigang mga suspect.
13:22Para sa GMH Integrated News,
13:24Emil Sumangil,
13:24Lakatutok, 24 Horas.
13:27Tinawag ni Sen. Arisa Ontiveros
13:30na alis voo part 2
13:32ang kaso ni Joseph C.
13:34ang mining executive
13:35sa Pilipinas
13:36na lumalabas
13:37na isang Chinese national umano.
13:39Kasunod po yan
13:40ang pag-aresto kay C.
13:42ng Bureau of Immigration
13:43at intelligence service
13:44ng AFP
13:45dahil sa paggamit umano
13:47ng mga pineking dokumento
13:49para makuha
13:50ang kanyang Philippine identity.
13:52Ayon sa source ni Ontiveros,
13:54nabigyan pa si C.
13:55ng honorary rank
13:56sa Philippine Coast Guard
13:58Auxiliary Unit
13:59noong 2018
14:00sa ilalim
14:01ng nakaraang administrasyon.
14:03Naalarma rito
14:04si Ontiveros
14:05dahil nakalapit siya
14:06sa Philippine Coast Guard
14:07na siya panamang
14:08naatasang mga laga
14:10sa seguridad
14:10ng ating dagat.
14:12Si C.
14:13ay presidente
14:13ng Global Ferro Nickel Holdings,
14:16isang mining company
14:17sa Pilipinas.
14:19Nanawaga naman
14:19ang Philippine Nickel Industry Association
14:22para sa agarang pagpapalaya
14:24kay C.
14:25Git ng asosasyon,
14:27iligalaan nila
14:27ang pagkakaaresto
14:29kay C.
14:29dahil ito raw
14:30ay Filipino citizen
14:31at kunumpirma na raw ito
14:33ng ilang otoridad
14:34kabilang na
14:35ang dalawang ruling
14:36ng Bureau of Immigration.
14:38Git naman
14:39ng Bureau of Immigration,
14:40nagmatch
14:41ang fingerprints
14:42ni C.
14:43sa isang Chinese citizen
14:44na dati
14:45ng may hawak
14:46na long-term visa
14:47at alien certificate
14:49of registration
14:49identity card.
14:51Sinusubukan pa
14:52ng GMA Integrated News
14:53na makuha
14:54ang panig ni C.
14:59Big winner
15:00sa 37th PMPC Star Awards
15:02ang GMA Network
15:03na hinirang ding
15:04Best TV Station.
15:06Pinarangalan din
15:07ang inyong 24 oras
15:09at pati iba pa
15:10ang programa
15:10at kapuso personalities.
15:12Makitsika
15:13kay Aubrey Carampel.
15:14Back-to-back win
15:18para sa 24 oras
15:19nang muli itong
15:20hirangin bilang
15:21Best News Program
15:22sa 37th PMPC Star Awards
15:25for Television.
15:26Ang GMA Network
15:27itinanghal na
15:28Best TV Station
15:29sabay sa iba't-ibang paranghal
15:31na iginawad
15:32sa mga kapuso programs
15:34at personalities.
15:36Gaya ng unang hirit
15:37na Best Morning Show
15:38at Best Morning Show Hosts
15:40para sa UH Barkada.
15:41This award is dedicated
15:43to all the loyal
15:45unang hirit viewers.
15:47Pinatutuloy po kami
15:48sa kanilang mga tahanan
15:49for the past 25 years.
15:52Mainit na pinag-uusapan ngayon.
15:54Ang kapuso mo,
15:55Jessica Soho,
15:56ang Best Magazine Show.
15:58Best Public Service Program
16:00ang Wish Ko Lang.
16:01Best Lifestyle Travel Show
16:03ang pinasarap
16:04sa GTV
16:04at ang host nito
16:06na si Cara David
16:06ang Best Lifestyle Travel Show Host.
16:09Pinarangalan din si Cara
16:10kasama si Sandra Aguinaldo,
16:12Howie Severino,
16:13Atom Araulio,
16:14Mav Gonzalez,
16:15at John Consulta
16:16bilang Best Documentary Show Hosts
16:19para sa eyewitness.
16:20Ito po ay alay namin
16:21sa lahat po ng mga Pilipino
16:23na pinagkakatiwalaan po kami
16:25sa kanilang mga storya.
16:28Best Documentary Program naman
16:29ang The Atom Araulio Specials,
16:32Best Celebrity Talk Show
16:33ang Fast Talk with Boy Abunda,
16:35at si Tito Boy
16:36ang Best Celebrity Talk Show Host.
16:39Maraming maraming salamat.
16:40Nais ko lang po sabihin
16:41nagkagawa po namin
16:42ang aming ginagawa
16:43dahil sa inyo,
16:45dahil sa inyong mga artista,
16:47dahil sa ipinagkakatiwalaan po
16:49ang inyong mga kwento sa amin.
16:50Best Game Show Host naman
16:52si Ding Dong Dantes
16:53para sa Family Feud.
16:55Best Comedy Show
16:56ang Pipito Manaloto
16:57at Best New Male TV Personality
16:59ang isa sa mga cast
17:01na si John Clifford.
17:03Best Child Performer
17:04si Yuen Mikael
17:05at Best Drama Anthology
17:08ang Magpakailanman.
17:10Big winners naman
17:11ang ilang kapuso star
17:12sa larangan ng acting.
17:14Best Single Performance
17:16by an Actor
17:16si Alden Richards
17:17para sa Magpakailanman episode
17:19na Sa Puso at Isipan,
17:21The Cantillana Family Story.
17:23I dedicate this
17:25to all the people
17:25who's undergoing
17:26something in their lives right now.
17:30To everyone who has
17:31these kinds of problems right now,
17:33I hear you,
17:34we hear you,
17:36and we are here
17:37to support and help you
17:39the most we can.
17:40Waggi naman si Rochelle Pangilina
17:42ng Best Single Performance
17:43by an Actress
17:44para sa Magpakailanman episode
17:46na The Abused Teacher.
17:48Best Primetime TV Series
17:50ang Maria Clara at Ibarra.
17:52Habang ang Abot Kamay na Pangarap,
17:54Best Daytime Drama Series.
17:56Best Miniseries
17:57ang Walang Matigas na Pulis
17:58sa Matinik na Misis.
18:00Best Drama Actor
18:01si Joshua Garcia
18:02para sa Unbreak My Heart
18:04na collaboration project
18:06ng GMA,
18:07ABS-CBN,
18:08at Vue Philippines.
18:09Best Drama Actress
18:11si Infinite Star
18:12Rian Ramos
18:13para sa kanyang pag-anap
18:14as Margaret Royales
18:15sa Royal Blood.
18:16Thank you so much,
18:17GMA,
18:18for always entrusting me
18:19with such beautiful roles.
18:22And this just encourages me
18:24na I want to give this network
18:25my very best.
18:27Best Comedy Actress
18:28si Charizzo Lumon.
18:29Dinedicate naman ni Paolo Contes
18:31ang kanyang Best Comedy Actor win
18:33sa kanyang namayapang manager
18:35na si Lolit Solis.
18:36Best Variety Show
18:37ang It's Showtime.
18:39At Herman Moreno
18:40Power Tandem Award naman
18:42ang iginawad
18:43sa Bar The Love Team
18:44ni na Barbie Forteza
18:46at David Licauco.
18:47Aubrey Carampel
18:48updated
18:49sa showbiz happenings.
18:52At yan na mga
18:53buwena man akong chika
18:54this Monday night.
18:55Ako po si Ia Arellano.
18:57Miss Mel,
18:57Miss Vicky,
18:58Emile.
18:59Thanks, Ia.
19:00Salamat, Ia.
19:01Thanks, Ia.
19:02Muli taos puso
19:03ang aming pasasalamat
19:05sa 37th PMPC Star Awards
19:09sa magagawad po ninyo sa amin
19:11sa 24 oras
19:13as Best News Program.
19:16Salamat din po sa pagkilala
19:17sa Magpakailanman
19:19bilang Best Drama Anthology.
19:21At sa wish ko lang po
19:22bilang Best Public Service Program.
19:24Maraming salamat po
19:25sa inyong inspirasyon
19:27at suporta.
19:29At yan ang mga balita
19:31ngayong lunes.
19:32Ako po si Mel Tiyanco.
19:33Ako naman po si Vicky Morales
19:34para sa mas malaking nisyon.
19:36Para sa mas malawak na
19:37paglilingkod sa bayan.
19:38Ako po si Emil Sumangir.
19:39Mula sa GMA Integrated News,
19:42ang News Authority ng Pilipino.
19:43Nakatuto kami 24 oras.
Recommended
2:00
|
Up next
Be the first to comment