- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Let's change the game!
00:30Let's change the game!
01:00Let's change the game!
01:02Let's change the game!
01:04Let's change the game!
01:06Let's change the game!
01:08Let's change the game!
01:10Let's change the game!
01:12Let's change the game!
01:14Let's change the game!
01:16Let's change the game!
01:18Let's change the game!
01:20All in yan sa Titan!
01:22Proyektong TOCA sa Vision-Based Traffic Information and Analysis.
01:27Developed by Professor Dr. Joel Ilao from De La Salle University, Manila.
01:32Naging mas inteligente yung CCTV cameras natin.
01:36Alam naman natin ang mga humans, pwede silang magkamali, pwede silang mapagod.
01:42Naisip namin na mag-develop ng mga solusyon na bagay dun sa Philippine context para matrack ito at mag-provide ng useful information.
01:52Malaki ang papel ng Artificial Intelligence o AI sa proyekto na nakatanggap ng 12 million pesos funding mula sa DOST, Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development.
02:06Yung ginawa kasi namin dito, ipoprosesa namin yung information. Pagkatapos, yung process information, yun yung pwedeng isave sa isang database.
02:17Yung AI, tumutulong na mag-make sense nung mga yun.
02:20Sumabak na rin sa pilot testing ang Titan na napakinabangan ng ilang ahensya nung gobyerno.
02:26Ginamit namin yung Titan para bilangin yung mga bisikleta dun sa mga areas na meron mga bicycle lanes.
02:33Doon sa DOTR, nagkaroon kami ng isang mini project kung saan inalam namin kung gano'ng katagal nag-stay yung mga buses dun sa carousel.
02:50Kailangan po muna natin i-register kung saan ang camera magagaling yung video.
02:54Pwede siyang live na connection. Pwede rin pong galing lang sa file.
02:58And then, once na makuha na po yung video sa ating system, matatanggap na po yun ng aming server.
03:04Tapos, may bibigyan niya yung mga process information din yung mga around few minutes.
03:08Ang impormasyong yan ang ipoproseso ng AI o ng isang human analyst.
03:14Ang computer vision technology, pwede rin magamit for marine and crop monitoring.
03:19Pwede mo rin i-train yung isang AI para makaintindi nung mga iba't ibang klase ng objects na makikita mo sa seabed.
03:28A more advanced way of monitoring real-time situations na makakatulong sa atin sa iba't ibang senaryo, lalo na sa traffic.
03:41Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avere, changing the game!
03:46Inamin ang dating Bulacan First District Engineer na may mga proyekto kontrabaha na may problema o hindi na makikita o ghost project.
03:56Umamin din siya sa pagdinig sa Senado na nagkakasino siya dalawa hanggang tatlong beses sa isang buwan.
04:03At nakatutok live si Ian Cruz. Ian.
04:11Yes, Vicky, hindi nga lang mga ghost projects, kundi pati na rin ang maluhong pamumuhay umuno ng ilang sa mga opisyal ng DPWH ang kabilang sa mga naungkat sa pagdinig dito sa Senado.
04:24Sa pagharap ni dating Bulacan First District Engineer, Henry Alcantara sa Senado, umamin siyang may mga flood control projects sa Bulacan na may problema at di makita.
04:38Limang taong nakaupo si Alcantara sa Bulacan bago malipat noong June sa Region 4A.
04:45Nang marinig ang SONA ni Presidente Marcos, nagpa-audit daw siya sa mga dating tauhan sa mga flood control project nila sa Bulacan na sina Engineer Bryce Hernandez at isang Engineer Galang.
04:58At nun alaman na may mga problema kaya nag-report agad kay DPWH Sekretary Manuel Bunuan.
05:05Isang kaupo lang po na construction chief. Ang nagpunta po sa akin, dalawa po actually, si Engineer Galang, ang hepe po ng planning.
05:17At nagsabi sa akin na, boss, parang meron kaming nakikita na posibleng wala po.
05:28Noong pong meeting na yun, kausap ko po silang dalawa, totoo ba? At kasama po yung mga ibang hepe, ako po yung nagsabi na sabihin nyo sa mga kapwa hepe nyo, ako'y walang kinalaman dyan sa mga ganyang gawain.
05:45Umamin din si Alcantara na may kapabayan siya dahil nagtiwala sa pirma na mga tauhan niya, kaya punirma rin siya sa kontrata at proyekto.
05:53Ngayon, pipirma ka doon sa papilis para mabayaran yung ghost project na yan.
06:01Sir, if I may explain for your honor.
06:04Hindi, hindi, talo ko. Pumipirma ka ng papel, diba?
06:07Yes po.
06:07Para makaklaim sila ng full payment.
06:10Yes po.
06:11Okay.
06:13Ibig mong sabihin, pumirma ka ng papel ng isang ghost project, district engineer ka,
06:20tapos ngayon, huwag maangan ka sa harapan namin na hindi mo alam dahil inaasa mo lang sa mga tao mo sa baba.
06:26Pag may pirma sila, pirma ka lang rin.
06:29Hindi dumating sa pagdinig si Engineer Bryce Hernandez.
06:32Isa siya sa pinasight for contempt ng mga senador.
06:36Pinirid din ni Blue Ribbon Chair, Senador Rodante Marcoleta si Alcantara na magbigay pa ng ibang detalye.
06:42Nag-confess ka naman kay Secretary Bonoan eh.
06:47Nag-report po ko na may possible pong...
06:49I'm not saying that you reported, I am saying that you confessed to him
06:53that an amount of something like 7.3 billion was really wasted on flood control projects.
07:03Wala pong ganong teorya po, Your Honor.
07:06Inungkat din ang ilang senador ang pagkakasino umuno ng grupo ni Alcantara.
07:12Inamin Alcantara na nagkakasino siya dalawa hanggang tatlong beses sa isang buwan.
07:18Pero yung grupo niya raw po, eh hindi lang kayo shopping buddy.
07:21Eh pati po sa paglalaro.
07:24Eh ano po, dapat ho ma-verify paano ho kayo nakakapasok?
07:28Considering that you are government officials, paano kayo nakakapasok sa kasino?
07:33Lalo to si Bryce Hernandez, sinabing ni Senator Laxon, eh tina matakaw sa pera.
07:40Eh pag magpataya daw to, Mr. Chair, isang taya, 5 million.
07:45Parang baliw, ano, hindi natatakot.
07:47I mean, walang kaba-kaba.
07:49Do you confirm or deny, Mr. Alcantara, Engineer?
07:52Your Honor, hindi ko po alam kung magalong tinataya niya
07:55dahil hindi naman po kami magkasama sa table.
07:58Inamin ko po, ako po ay nakakapasok sa kasino, Your Honor.
08:01Hindi, hindi kayo regular, pero naglalaro po kayo, kasama po siya.
08:06Minsan po kasama, minsan po hindi.
08:09So nagkakasino po kayo?
08:10Inamin ko po, Your Honor, Mr. Chair.
08:13Bukod doon, yung lifestyle,
08:16balita ko nga, sana pag dumati si Bryce Hernandez,
08:18Mr. Chair, pa-issuean nyo na po siguro ng warrant of arrest,
08:22ay mga ilang beses ko kayo naglalaro sa isang ano,
08:26sa isang, sabihan sa isang buwan, yung grupo niyo po.
08:29So, mga dalawa hanggang tatlo po, Mr. Chair.
08:35Si Sen. Bong Go, inusisa ang kontraktor na si Sara Diskaya,
08:40ukulo man na sa joint venture nito sa CLTG Builders sa Davao.
08:44Ang CLTG Builders ay sinasabing pag-aari ng ama ni Sen. Go.
08:48Sabi ni Niskaya, naalala niya na may proyekto sila
08:52pero napapakinabangan na raw ito.
08:55Meron silang pagkukulang.
08:56Ako mismo po ang magre-rekomenda sa committee ito na kasuhan sila.
09:02Kahit kamag-anak ko, kahit involved sa kahit na anuman pong pagkakamali,
09:09kasuhan nyo po sila.
09:10I am for accountability.
09:12Ayoko po ng kalokohan kahit kailan.
09:18Thank you very much.
09:48Balik sa'yo, Vicky.
09:49Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
09:51Lahat ng magulang hangad ang malusog na kinabukasan ng kanilang mga anak.
10:02Ngunit may ilang sakit na hindi agad nakikita sa pisikal na anyo ng isang bagong silang ng sanggol
10:08at natutukoy lang sa paumagitan ng tinatawag na newborn screening.
10:15Kaya ang GMA Capuso Foundation at Department of Health Calabar Zone
10:19ay nagsagawa ng libring newborn screening sa Quezon, Rizal at Laguna.
10:23Mahalaga para kay Annalie mula Tanay Rizal ang bawat sentimong inipo niya mula sa kita sa paggawa ng furniture.
10:37Doon niya kasi kinuha ang perang ginamit niya sa kanyang panganganak noong July 16.
10:42Pero hindi raw niya agad na pa-newborn screening ang anak dahil sa nagdaang bagyong klising at habagat.
10:5116 pukas ako ng anak, 17 po nag-ulanan na eh sobrang lakas po ng ulan.
10:55Hindi po kami nakakalabas kasi maulan.
10:57Almost magtutuwiks din mam nag-ulanan.
11:00Kaya na magsagawa ng newborn screening caravan
11:03ang GMA Capuso Foundation at Department of Health Calabar Zone sa kanilang lugar.
11:10Agad niyang ipinalista ang anak.
11:12To prevent ang mental retardation and of course early death.
11:18Kapag nag-undergo sila ng newborn screening and na-detect na meron and early treatment,
11:24so they can grow normal.
11:28Patulay rito ang labing isang taong gulang na si Thea mula gumaka sa Quezon.
11:33Sa tulong ng newborn screening, maaga raw naagapan ang sakit niyang congenital hypothyroidism.
11:40Siya po ay grade 6 na at okay naman po, normal.
11:44Siya po ay laging nasa with honor.
11:47Tulad sa kaso ni Thea, nakaagapay raw ang DOH kapag may natuklas ang sakit sa isang bata.
11:54Magkakaroon sila ng mga check-ups or appointments sa continuity clinics natin.
11:59Doon tayo magkakaroon ng free laboratory, medical services, kaya natin silang i-cater long term.
12:05Sa kabuan, 155 na sanggol ang napabilang sa ating libreng newborn screening sa Quezon, Rizal at Laguna.
12:17Nakatanggap din sila ng hygiene kits at mga gamit pang baby.
12:21At sa mga nice makiisa sa aming mga proyekto, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Luolier.
12:29Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
12:39Getting closer to turning their dreams into reality, ang Final Four ng The Clash 2025.
12:46Ang kanilang preparation para sa kanilang last clash, itichika ni Athena Imperial.
12:51Mula sa libu-libong nag-audition, hanggang sa napili ang top 24.
13:02Ngayon, down to top 4 clashers na lang ang maghaharap-harap sa The Clash 2025 finale.
13:09Dalawa sa kanila, new clashers na sila Jewari Sabit.
13:13Ang dalawa pa, kapwa first runner-up ng kanilang seasons, si Jong Madaliday at Arabelle De La Cruz.
13:30One week before the finale, kanya-kanyang preparation na ang top 4.
13:34The Clashers shared kung paano nilang inaalagaan ang kanilang boses at ano ang ginagawa nila bago kumanta.
13:40Ang pambato ng North Cotabato na si Jong, literal na chill.
13:46Dahil iced coffee ang iniinom.
13:48Hindi po malamit na coffee.
13:50Ay, malamalit na.
13:51Sobrang labit.
13:52Mas gusto ko yung boses ko na parang garal-gal.
13:56Yung parang may pagka-Michael Bolton.
14:00Bukod sa body stretching to relax her muscles and release tension,
14:04ang veterana sa singing contests na si Arabelle, inilabas ang kanyang agimat during our interview.
14:11Luya talaga.
14:12Meron niya ako.
14:13Meron niya ako.
14:16Sana yan kasi.
14:18Kasi gusto niya husky.
14:19Kaya kung gusto ko maliling.
14:21As per her ate Arabelle's advice,
14:24nag-i-stretch din si Leah bago kumanta.
14:26Importante rin daw ang vocalization before she performs.
14:30Paano vocal exercise?
14:31Like mga brrrr.
14:34Mabilis lang po akong mag-vocalization.
14:37Mga ano po.
14:37Mga one-hour.
14:39Enough rest naman ang secret weapon ng estudyanting si Jewari.
14:43May time limit daw ang practice niya para ipahinga ang kanyang boses.
14:47Nung mga nakaraang round.
14:50May klase po ako.
14:51Tapos kinabukasan po.
14:53Competition namin.
14:54Ang kinakaano ko po talaga is magpahinga po talaga.
14:57Matulog.
14:57Pressured man ang apat dahil sa anticipated intense final competition sa linggo.
15:02They are happy and grateful na isa sa kanila ang magiging The Clash Grand Champion this 2025.
15:09Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
15:12Encantadix.
15:18Encantadix.
15:19Eto na talaga.
15:20Dahil mapapanood na ang pagpunta ni Tara, played by Bianca Umali, sa Encantadia anytime this week.
15:27Alam ko hindi lang yan ang inaabangan nyo, kundi pati na rin ang pagsasama-sama ng ating bagong apat na sangre.
15:34Makitsika kay Aubrey Carampel.
15:36Ang superhero ng distrito sa east na si Sangre, a.k.a. Tera, na ginagampan na ni Kapuso Prime Gem Bianca Umali.
15:48Makakatapat na ang pasimuno ng mga kaguluhan at kasamaan sa El Toro.
15:54Isasalba ko sila.
15:55This week na magaharap si Sangre at si Governor Emil, played by the late award-winning actor and director Ricky Davao.
16:03Pero ang laban ni Tera sa mundo ng mga tao, warm-up pa lang sa kaharapin niyang mas malaking digmaan sa mundo ng Encantadia.
16:11Panahon na upang tuparin mo ang ating napagkasunduan.
16:14Kasunduan? Anong kasunduan?
16:16Si Tera ay sasama na sa akin sa Encantadia.
16:20Tatawid pa lang si Tera sa Encantadia.
16:22Pero bago yun, hindi niya may iwan ang mundo ng mga tao hanggat hindi niya nasisigurado na tahimik ang buhay ng mga kapitbahay niya.
16:30At yun yung struggle niya ngayon.
16:31At syempre, struggle din niya na paano niya iimpindihin kung ano ba yung ipinapahihwating sa kanya ni Ashti Perena.
16:38Si Angel Guardian na gumaganap bilang Deya, looking forward na raw na magsama-sama silang apat na bagong Sangre.
16:46Hindi rin daw dapat palampasin kung paanong si Deya, na isang kalaban mula sa Miniave, ay magiging tagapangalaga ng Briliyante ng Hangin.
16:54Na-excite ako na magkita kaming apat, doon talaga ako pinaka-excited at makita ng mga manonood yun,
17:02yung magiging dynamics ng apat na Sangre at syempre yung development ng karakter ni Deya.
17:06Syempre, hinihintay na rin daw si Tera ng kanyang mga pinsan o albe na si na Adamus Kelvin Miranda at Flamara Faith De Silva.
17:15Mababawi na ba namin ang Encantadya?
17:19Doon talaga nga bang makakatulog sa Tera sa mundo ng Encantadya o patuloy lang ang dilubyo.
17:25Kumamit lang kayo sa storya kasi napakaraming magic, napakaraming revelations ang magaganap dito sa event.
17:35Kaya dapat lang nilang putukan yun.
17:38Masaya rin daw silang nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood at kanilang fans na Encantadix.
17:45Ang Encantadya ay sana po nagbibigay po ng hope sa mundo na alam po natin na punong-puno po ng mga kasamaan at kasakiman ang mundo na ito.
17:56Pero dahil sa Encantadya Chronicles Sangre, sana po kahit papaano magkaroon po tayo ng hope na ang kasamaan na hindi mananalo sa kabutihan.
18:05Aubrey Karampel, updated to Showbiz sa Pining.
18:15Mga kapuso, simula na ng Bear March.
18:21Ibig sabihin yan, 115 days na lang, Pasko na.
18:26At dito nga po sa Pilipinas, simula na ng pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa buong mundo.
18:34Sa buong mundo!
18:36Kaya naman mabili na ngayong September 1 yung mga Christmas decor, di ba?
18:41Pero ang tanong natin ngayon, Mel, Emil, bakit nga ba extra special sa ating mga piroy?
18:46Ang Pasko, nakatutok si Katrina Zon.
18:48Matapos ang ilang araw na pasilip-silip lang.
18:58To quote Mariah, it's time!
19:07Dahil may LSS na naman tayo sa mga kantang pamasko,
19:12kayong simulan na sa Pilipinas ang world's longest celebration of Christmas.
19:16Christmas, holidays na, dahil start na ng Bear.
19:20September 1, umpusa po ng gastos yan.
19:23Kailangan na natin mag-display ng mga pang-Christmas.
19:28Sa San Fernando, Pampanga nga, nadinaguri ang Lantern Capital of the Philippines.
19:32Lalong pumutitap ang mga parol.
19:35Sa pagsisimula ng more months, mabibili ito sa halagang 800 pesos pataas.
19:40Ang 72 taong gulang na si Cynthia dito sa dapitan sa Quezon City, Dumayo,
19:44para makapamili na ng kanilang Christmas tree at iba pang dekorasyon.
19:49Para po ano, yung ma-enjoy namin ang pamimili namin.
19:52Ma-enjoy namin ang buong apat na buwan na Christmas season.
19:57Excited din ang dating OFW na si Curly sa first time niyang pagpapasko sa Pilipinas,
20:03matapos ang 13 taon.
20:06Kaya inagahan din niya ang pamimili.
20:07Mas masaya dito. Kahit pa konting salo-salo, kasama mo ang pamilya.
20:13Excited akong mag-decorate ng bahay ko siyempre.
20:17Kasi first time ko ulit magpasko sa Pilipinas.
20:22Napaaga rin siyempre ang Pasko ng mga nagbebenta ng dekorasyon.
20:26Masaya sa pakiramdam.
20:28O lalo na yung mga ano ngayon, mga negosyante.
20:31Yan talaga yung nasaan yung mga bare months po.
20:33September 1, simula na po ng maraming tao, busy, maraming mamimili. Masaya na po kami.
20:39Ang maagang paghahanda ng mga Pinoy, lalong iinit pag 100 days na bago ang Pasko,
20:45sabi ng isang sociologist.
20:47The 100-day countdown is to help us anticipate.
20:52The first word is anticipate.
20:54And what do we anticipate?
20:55We anticipate Christmas and because of this anticipation, it brings us a sense of hope.
21:01Mahalaga kasi sa ating yung sense of hope.
21:04Kasi we all know, di ba, sabi nga nila eh, Christmas is the most happiest time of the year.
21:11Ang pag-asang ito, liwanag-a niya sa kabila ng mga tila-dilim na dala ng mga problemang kinakaharap natin.
21:19Pagpasko kasi, dumarami ang pagkakataong literal tayong napapalapit sa ating pamilya,
21:25mga kaibigan, at iba pang mahal sa buhay.
21:28Sa kabila naman daw ng mahabang pag-aanda na ginagawa natin sa nalalapit na Pasko,
21:34huwag daw sana natin kakalimutan ang tunay na diwan ng Pasko.
21:38Yan ang pagmamahalan, pagbibigayan, at pag-alala sa kapanganakan ni Kristo.
21:44Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
21:50At yan ang mga balita ngayong lunes.
21:55Ako po si Mel Tiangco.
21:56Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
21:59Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
22:02Ako po si Emil Sumangil.
22:03Mula sa GMA Integrated News,
22:05ang News Authority ng Pilipino,
22:07nakatutok kami 24 oras.
22:09Ako po si Emil Sumangil.
Be the first to comment