Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Out of nine, ang balitang yan.
00:02Kakausapin natin si ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti.
00:06Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:09Magandang umaga.
00:10Apo, matapos pong ibasuran ng ICC yung pag-question ng kampo ni dating Pangulong Duterte.
00:15Ano pong susunod dito sa kaso ng dating Pangulo?
00:18Kung settled na ito, may kapangyarihan.
00:21Isa na lang ang natitirang tanong.
00:24Okay pa ba si Rodrigo Duterte para sumipot sa hearing?
00:28Ito yung tinatawag na fitness to stand trial.
00:32May deadlines, may schedule na yung examination at reports patungkol dito.
00:38Kaya inaasahan namin, within this year, sana maisaranan lahat ng balakid doon sa pagpapatuloy ng trial.
00:46So nabawasan na po yung mga balakid. Ito na lamang.
00:49Ano po yung mga schedule? Kailan na titignan ang kondisyon ng dating Pangulo?
00:54Sa ngayon, ongoing na siguro yung check-up, diagnostics, kung ano paman.
01:00Dahil ang report, ang deadline ay October 31, katapusan ng taong ito.
01:07November 5, 2025, ang deadline naman ng comments or observations ng lahat ng parties, including the defense.
01:17Kasi yung mag-check sa kanya ay independent panel of experts, November 5, magkokomento yung lahat ng involved.
01:25Kaya tingin namin, magiging submitted for resolution, sabi nga natin sa Pilipinas,
01:30o parang wala nang ibang hinihintay kundi ang desisyon ng Korte as of November 5.
01:35Gano'n po kabigat itong pagkakabasunan ng pretrial chamber sa pagkwesyon ng kampo ni dating Pangulong Duterte sa ICC jurisdiction?
01:43Ito kasi dito nakaangkla eh, yung mga naging rason ng kanyang kampo.
01:48Sa totoo, ito ang pinakamabigat na, quote-unquote, depensa ni Rodrigo Duterte at ng iba pa.
01:55Kasi kung walang jurisdiction yung ICC, walang kahit anong pagpapatuloy sa kasuman o sa investigasyon.
02:02May epekto rin ho ba ito sa iba pang pwedeng kasuan at ipa-aresto ng ICC?
02:11Precisely. Kaya ito ang nagsasarado o kumbaga nagsasabi sa atin na maaari na go signal ito
02:18na pwede nang i-consider ng ICC ang iba pang warrants of arrest kung merong nakabimbin na application
02:24at pwedeng magpatuloy ang pagdampot sa iba pang co-perpetrator ni Duterte.
02:30Sa inyo pong huli-informasyon, kumusta na buo ba talaga ang lagay ni dating Pangulong Duterte sa Dahig?
02:37Kung sa akin, kasi abogado ako ng mga biktima, hindi naman ako makabisita sa kanya.
02:42Pero narinig namin yung sinasabi ng kapamilya, yung sinasabi ng ICC mismo.
02:49Sabi ng kapamilya, okay naman daw siya.
02:51Sabi ng ICC, okay ang kanyang medical and other health-related services.
02:57Kaya kung sa amin, palagay namin kalakha ng mga sinasabi ng abogado at ng defense team,
03:05eh baka drama lang.
03:08Kung pagsinabi po ng independent committee na titingin sa kalusugan ng Pangulo na
03:13he is ready to stand trial, gaano ko kabilis itong magiging pagliti sa dating Pangulo?
03:20At kung sasabi naman nila eh hindi niya kayang tumayo para sa trial,
03:24ano ang mangyayari sa kaso?
03:26Kung fit to stand trial siya, aba tingin namin as soon as possible.
03:31Kung kakayanin nga, December.
03:33Kaya lang tinitingnan namin na may recess talaga yung korte between December 5,
03:39maagas sila magpasko, mag Christmas break, hanggang January 12.
03:44Pero kung may ahabon sa panahon ng before December 5, aba, mag-hearing na tayo.
03:48So, dahil ang tandaan natin yung confirmation of charges hearing, it's just an initial step.
03:54Babasahin pa lang at pagdidelibretan kung ano yung charges.
03:59Kung hindi siya fit to stand trial, posibleng ang tawag natin ma-archive ang kaso,
04:04adjourned o matitigil ang proceedings hanggang sa panahon na maging okay siya or fit to stand trial.
04:12Checkups could be done or determination could be done within every 120 days.
04:17So, hindi naman po mga ang hulugan na mapapalaya ang dating Pangulo.
04:21At pwede bang questionin ng kanyang pamilya yung magiging resulta ng checkups sa kanya?
04:28Posible po. Sa pamamagitan ng abogado niya, yung defense team ay una, magbibigay ng observations.
04:34Pangalawa, pwede siyang mag-apela dun sa desisyon ng judges tungkol sa fitness.
04:39Kaya hindi naman mawawalan ng rekurso si Duterte at yung mga kasama niya patungkol sa issue na ito.
04:46Okay, abangan po natin yan. Maraming salamat, ICC Assistant to Council Attorney Christina Conti.
04:52Salamat, magandang tanghali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended