00:00Maulan pero hindi nakaligtas sa sunog ang tindahan ng mga piyesa at gamit sa sasakyan sa Marikina.
00:07Aabot sa 10 milyong piso ang halaga ng natubok dyan.
00:11At nakatutok si EJ Gomez.
00:16Ilayo mo ito ba kung ano yung sasakyan?
00:19Iano mo layo mo?
00:21Sa gitna ng pag-ulan, ginising ng sunog ang ilang tauha ng isang auto shop
00:26sa 5th Street, Barangay Santo Niño, Marikina City, pasado alauna-imedya ng madaling araw kanina.
00:33Sinubukan nilang apulahin ang apoy na agad itinaas sa unang alarma.
00:37May narinig po ako noon na parang pumuputok-putok.
00:41Tapos may naamoy na akong amoy sunog na plastic.
00:45Tapos nung pagkasilip ko sa bintana, ayun na may apoy na.
00:50Tsaka ko sila ginising lahat, kinalabog ko talaga silang lahat.
00:52Train na yun ng boss ko, tapos yung mga installer na apula yun, yung part extinguisher.
00:57Pero ano yung puno nun eh, malakas yung hangin.
01:01Tsaka hindi na po kayo naya, kaya gumalat yung apoy.
01:04Mabilis na respondin, malapit lang yung stasyon natin.
01:07Medyo nahirapan lang sa taas banda kasi stack room nila.
01:10May daming gamit, karton, wala namang mga pintura o ano.
01:14Kumapalang usok sa ikalawang palapag,
01:17kaya't kinailangang gumamit ng mga bumbero ng self-contained breathing apparatus.
01:20Ayon sa BFP, posibleng nagsimula sa unang palapag ang sunog,
01:26base sa pahayag ng mga tauhan ng auto shop.
01:28Natupok ng apoy ang nakaimbak na mga piyesa ng mga sasakyan
01:32sa ikalawang palapag ng establishmento.
01:35Damay rin ang ilan pang car accessories na nakadisplay sa first floor.
01:39Ayon sa may-ari ng auto shop,
01:41abot sa 10 milyong piso ang halaga
01:43ng mga napinsalang local at imported car accessories.
01:46Humigit kumulang 30,000 piso naman
01:49ang halaga ng pinsala sa estruktura ayon sa BFP.
01:54Nakatulong daw ang firewall para di kumalat ang apoy sa katabing gusali.
01:58Labing-anim na fire trucks ng BFP at fire volunteers
02:01ang rumispondes sa sunog.
02:03Natuloy ang naapula kaninang 2.41am.
02:06Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhinang sunog.
02:10Gayun din ang kabuang pinsala nito.
02:11Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatuto 24 oras.