Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
I DO NOT OWN THIS VIDEO
Transcript
00:00After nga ng ilang araw ay natapos na rin natin gawin yung mga pinto ng bawat division ng kulungan pati na rin yung pinto ng bodega or stackan natin ng feeds.
00:07Nag-install na rin tayo ng linya ng tubig para sa pig drinker sa 6 na division.
00:11At syempre, para magkaroon tayo ng supply ng kuryente ay gumawa na rin ako ng extension wire dahil kailangan natin ito kapag nag-ooperate na.
00:18Bale ako na lang din yung gumawa para makatipid kami ni Sheila at hindi na kami bumayad ng labor dahil presyo pa lang ng mga materialis ngayon ay masakit na sa bulsa.
00:25Marami pa rin kasi talagang gastusin at kulang dito sa aming pinapagawang fattening house kaya kailangan naming mabudget ng ayos yung pera sa paraang makakatipid kami.
00:33Dati wala din talaga akong alam sa paglilinyo ng tubig, pag-o-welding at mga bagay-bagay pagdating sa kuryente.
00:39Pero nung nakita ko na ito ang kailangan sa business na pinapasok namin ni Sheila para hindi kami bumayad sa tuwing may mga sira o kaya ay mag-i-install ng kung ano-ano sa aming pigiri ay inaral ko lang din yung mga basic.
00:49Nagtanong-tanong lang din ako sa mga marurunong at nanood ng mga tutorial video hanggang sa inaplay ko sa sarili naming pigiri.
00:54Isa sa mga natutunan ko dito ay may mga bagay pala talaga na akala natin ay lampas na sa limitasyon ng abilidad ng sarili natin pero kailangan lang natin subukan para malaman yung mga kasagutan.
01:05In general, minsan kasi talaga akala natin ay hindi natin kaya pero natatakot lang pala tayo sa mga pwedeng maging resulta.
01:11Nung nasa kolehyo, sanay ako na libro, papel at lapis ang laging hawak at tumaasa na pagka-graduate ay makakuwa ng magandang trabaho.
01:18Pero hindi ko rin i-expect na malayo sa mga bagay na pangkaraniwang kong hawak dati yung nasa kamay ko ngayon.
01:24Kaya huwag natin i-limit yung sarili natin sa mga bagay na comfortable tayong gawin.
01:28Dahil sabi nga, nasa mga komplikadong mga bagay ang tunay na tagumpay.
01:31At ayang pagkatapos kong makapaglinya ng tubig para sa pig drinker sa bawat kulungan or division ay nagsimula na rin ako sa paggagawa ng mga pinto.
01:39Bale may inahabol din kasi kaming oras dahil ngayong buwan na Agosto ang dating ng tatlong F1 na gagawin naming inahin.
01:44Hindi kasi namin gagagad pwedeng isama ito sa tatlong inahin namin dun sa kabilang kulungan dahil sa vaccine at kailangan itong i-quarantine ng 14 days.
01:51Kaya ang unang magiging laman itong ating fattening house ay yung tatlong F1 na paparating na kukumpleto sa ating anim na inahin.
01:57At pagkatapos ko ang magawa yung tatlong pinto para dun sa tatlong division na pagkukulungan ng tatlong parating na inahinin ay sinimulan ko na rin gawin itong pinto ng bodega.
02:06Kailangan kasi nating magawa ng sarado itong bodega dahil dito na natin ilalagay yung mga feeds na pakain kapag nandito na yung tatlong inahinin.
02:12At ayun may nabasa nga akong comment na kung yung 350,000 nga daw na gastos natin sa pagpapagawa nito ay kung kasama na ang labor.
02:19Yes, all in na po yun, materiales, labor, miscellaneous expenses.
02:23At kasama na sa budget ng materiales itong ginagawa nating pinto ng bawat division at pinto ng bodega.
02:28Pati na rin yung pagpapagawa ng septic tank or deposito para dun mapunta yung mga dumi nung ating mga inaalagaang baboy.
02:34Marami nga rin nang ihingi ng floor plan itong aming pinagawang pigiri at nagtatanong kung nagkuha nga raw kami ng engineer or architect para sa plano.
02:41Bali kami lang din ni Sheila ang nagawa ng design at sukat ng plano nitong pinagawa naming pigiri.
02:46At na-explain na lang din namin kay Forma noong nag-visit dito sa side na pagtatayuan ng pigiri para ma-visualize niya kung ano yung design na gusto namin.
02:53At since marami ang nang ihingi ng floor plan ay re-rescatch ko na lang at gagawan ko ng video para ma-explain ko sa inyo ng maayos.
02:59Sakto nga din dahil makikita natin yung result ng floor plan dahil buo na nga itong pigiri na pinapagawa natin.
03:04Hindi ko nga rin maipakita sa inyo ngayon dahil napunit at nabasa ng ulan during ginagawa itong pigiri namin.
03:10One time nga bago kami magpagawa nitong fattening house ay may nagtanong sa amin na bakit nga daw kami umuupan ng bahay or nagre-renta e pwede daw naman kaming magpagawa ng sariling bahay.
03:19Naisip kasi namin ni Sheila na magkakaroon nga kami ng komportabling pamumuhay dahil may sariling na kaming bahay.
03:24Pero kailanman hindi yun kikita para supportahan yung pang-araw-araw naming pangailangan.
03:28Sabi nga much better na ang una nating i-build ay yung mga asset na nag-earn ng income para hindi ma-compromise yung ilang mga bagay na mayroon tayo kapag nag-acquire na tayo ng mga liabilities.
03:38Pwede naman tayong umuupa or mag-renta kung wala tayong bahay at pwede rin tayong mag-commute kung wala tayong sariling sasakyan.
03:44Hindi man komportable ang buhay sa ngayon pero sigurado ako na worth it lahat ng pagditiis mo pag nagbunga na pagdating ng panahon.
03:50At ayon natapos na natin lahat at lalagyan na lang natin ang net itong pinto ng bodega para hindi mapasok ng daga.
03:56Bale bababa na lang natin itong dalawang square tank ng tubig na magsusupply para sa ating mga pig drinker.
04:01At sa mga nagtatanong kung bakit ganito ang disenyo ng mga pinto namin dahil kapag may bisagra ay sagabal at space consuming kapag naglalabas at nagpapasok lalong lalo na kapag fattening ang alaga mo.
04:11May mga nagtatanong nga din kung kumusta na nga raw yung ating tatlong inahin.
04:14Bale yung isa naming inahin ay buntis na ulit at yung isa naman ay nabarakuhan na kaya naghihintay na lang kami ng 19 to 21 days para makonfirm namin na buntis siya.
04:22At yung pangatlo naman naming inahin ay mga nganak na ngayong linggo kaya this month ay may mga piglets na naman tayo.
Comments

Recommended