Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
DISCLAIMER. I DO NOT OWN THIS VIDEO.
Transcript
00:00Pagkatapos nga namin mapagawa yung aming dream pigiri ay inayos naman namin yung mga primary needs na dapat mayroon sa isang pigiri.
00:06Katulad ng transportation, tubig at biosecurity.
00:093 days na nga lang din kasi ay either dadating yung ating mga F1 na order or ibababa natin yung mga piglets na alagaan natin na fattening.
00:16Bali nag-order na rin kami ng mga panambak para dito sa aming pinagawang daan mula Barangay Road papunta sa aming pigiri.
00:22Hindi rin kasi namin magagamit ng maayos itong pinagawa namin kalasada kung hindi namin tatambakan dahil lulubog lamang yung mga gulong ng truck
00:29na pwedeng pumasok dito in the future na magpipick up ng mga outgoing na fattening o kaya naman ay magdi-deliver ng mga feeds.
00:34Kahit nga yung aming tricycle or topdown ay hindi makahawin kapag nakababa na dun sa aming pigiri dahil malambot nga ang lupa.
00:40Pagkatapos kong maikala at yung unang order natin ng panambak ay namilimuna ako kinabukasan ng mga materyales na gagamitin natin sa ating patubig.
00:47Sakto nga rin na dumating na yung net na in-order ni Sheila sa online na gagamitin at ikakabit natin dito sa ating pigiri para sa biosecurity.
00:54Palay net yung ginamit namin dahil yung mosquito net ay masyado nang malambot para sa amin.
00:59Maliliit na rin naman yung butas at hindi na rin papasok yung mga lamok dito.
01:02Marami nga rin ang nagtatanong kung ano nga daw ba ang purpose ng net sa isang pigiri bakit tayo naglalagay nito.
01:07Karaniwan ang mga nagdadala ng mga virus at sakit sa ating mga alagang baboy ay mga lamok, ibon, manok at mga iba pang insekto na may mga lason at kamandag na pwedeng makasama.
01:16Kaya napakahalaga ng net na nagsisilbing barrier para hindi sila makapasok o direct na makalapit sa ating mga alagang baboy.
01:22After namin may kabit yung net ay nagsimula na rin kami maghukay para magkaroon ng source ng tubig yung ating pigiri.
01:28Ang plano talaga sana namin ni Sheila is magpapabutas kami malapit sa aming pigiri kaso nga lang may kamahalan.
01:33Lalong-lalo na kung malalim ang tubig sa area at nagde-depende sila kung ilang tubo yung magagamit dahil ang minimum na pagpapagawa sa kanila ay 60,000 pesos.
01:41Makokompromise na yung budget namin para sa aming fattening at inahin kaya nag-isip kami ng ibang way para magkaroon tayo ng source ng tubig.
01:47100 meters ang layo ng aming pigiri mula sa ilog kaya gumawa kami ng deepquill sa katabi ng ilog para sigurado na hindi mayiga o hindi mawawala ng tubig kahit magsummer.
01:56Bale naglagay na lang kami ng container na makapal na may capacity na 200 liters para makasigurado tayo na malinis ang tubig at protected yung motor natin sa mga bato at dumi na pwede niyang mahigop.
02:06Bukod pa rito para hindi rin lumiit yung ginawa nating deepwell dahil sa pagtagal ng panahon pwedeng gumuho yung lupa.
02:11Bale ang binutasan ko na lang din sa ating container ay yung mga side at kaunting buta sa ilalim sa may parting gilid lamang.
02:17Submersible kasi yung gagamitin nating motor kaya possible kapag naglagay tayo ng buta sa ilalim sa may parting gitna ay makahigop ito ng buhangin at bato na pwede makasira at magbara.
02:25May mga nagsasabi nga rin na bakit hindi na lang natin ibinaon yung ating drum sa gitna ng ilog para unlimited yung water.
02:31Bukod sa pwedeng mahukay ito dahil sa agos ng tubig ay pwede rin itong madala ng baha kapag malakas ang ulan o kaya naman ay may kalamidad.
02:37Yung lupa at buhangin din ang magsisilbing filter namin para malinis na yung makukuha naming tubig kumpara kung magdadire kami sa ilog.
02:43Kinuha lang din namin yung lalim sa level ng tubig sa ilog at iniangat lang namin ang isang dangkal itong upper part ng container para hindi mag-overflow.
02:50At yan after namin makuha yung saktong lalim ay nagawa naman ako ng format, nagpavricate ng mga bakal para sa pagbubuhos.
02:56Hindi kasi pwedeng hindi concrete itong paligid dahil bukod sa guguho yung lupa ay hindi natin mafifix yung cover na gagawin natin na concrete din.
03:03Bali nakatipid tayo ng almost nasa 40,000 plus dahil ang nagastos lang natin sa pagpapatubig ay kulang kulang 20,000.
03:09Malaki din ang natipid natin sa labor ngayon dahil hindi na tayo bumayad ng skilled para maggawa nito at kumuha lang ako ng isang katulong.
03:15One time may nagtanong at nakakita sa akin habang nagkakalat ako ng panambak sa pinagawa naming kalsada.
03:20Bakit nga daw ako lang ang nagkakalat mag-isa at hindi daw ako kumuha ng katulong o kaya naman ay ibayad ko na lang yung pagpapakalat?
03:25Para sa amin kasi ni Sheila, kung kaya naman namin gawin, bakit pa namin ipapagawa sa iba?
03:29At kung ibabayad namin lahat ng galaw namin dito sa aming small figurey business ay baka kapusin na rin kami sa budget.
03:34Sabi ko nga kanina may mga inahin at fattening tayong pinapakain kaya sa lahat ng paraan na makakatipid kami ay ginagawa namin.
03:41Para sa mga susunod na araw ay may mga pambilin na ulit tayo ng feeds.
03:44Bukod sa katulad namin na maliit lamang ang capital ay masasagad talaga ang budget kung ibabayad namin lahat.
03:49At maganda na rin siguro kung matututo tayo sa mga ganitong bagay.
03:52At embali asinta ng aloblocks at flooring na lang ang kulang nito para hindi pasokin ng tubig yung gilid kapag umulan ng malakas o kaya naman ay bumaha.
Comments

Recommended