Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
DISCLAIMER. I DO NOT OWN THIS VIDEO
Transcript
00:00At dahil nasa fattening stage na nga yung 22 piglets na inilipat natin nung nakaraan dito sa aming fattening house ay kailangan na natin mag-set up ng automatic pig drinker.
00:08Nung nakaraan kasi talaga ay hindi pa sila advisable na uminom sa mga ganito dahil prone pa sila sa pagdudumi ng malalambot kapag nasobran sa tubig.
00:15Bale na tapos na tayo sa paglilinya sa labas ng nakaraan kaya ngayon ay maglilinya naman tayo sa loob ng pigiri.
00:20Dito sa kabilang side ay wala talaga tayong option kundi taas ang linya dahil kapag ibinaba natin ay pwedeng masira ng mga alaga nating baboy.
00:27Ang magiging epekto nito ay haabulin natin yung taas na gagawin nating rack or patunga ng water containers or source ng tubig para magkaroon pa rin ng pressure.
00:34Unlike dun sa kabilang side na naka-level dito sa pinagawa namin yung space for water tank kaya pwede na sana natin i-connect tayong dalawang side dito sa aming square tank na nabili na kulay white.
00:43May mga option pa naman sana na pwede nating gawin para hindi na tayo maglinya ng mga PVC dito sa loob ng pigiri para sa ating pig drinker.
00:50Katulad na pwede naman natin ilagay yung mga water containers at itali sa tigabilang poste.
00:55Pero ang gusto kasi namin ni Sheila is maging organize lahat ng gamit dito sa loob ng pigiri para malinis tingnan kaya lahat ng source ng water ay gusto namin ay nasa isang part lamang.
01:03At ayun pagkatapos ko nga sementohin itong PVC sa may hallway dahil baka mabasag agad at maputol kapag lagi natatapakan.
01:10Ay pumunta naman ako sa bakery para bumili ng pinaglagay ng vegetable oil at margarine para gawin nating water containers.
01:15Malaki din kasi ang diferensya sa presyo kung bibili tayo nung katulad nito na nabibili sa market unlike dito ay nabili ko lamang ng 200 pesos ang isa at mukhang mas matibay pa.
01:24Yun nga lang kailangan mo lang talagang tiyagain sa paglilinis dahil oily talaga.
01:27Kinabukasan nga ay sinimulan ko na rin gawin yung rack or patungan ng ating source ng water para sa ating automatic pig drinker.
01:33Kailangan na rin kasi talaga natin matapos agad ito dahil mas mabilis ang paglaki ng ating mga alagang baboy kapag may good supply tayo ng tubig as inumin nila every time na nauuhaw sila at nakakainom ka agad.
01:43At ayun halos dalawang oras nga ako naglilinis nito at ilang beses din ako nagpakulo ng mainita tubig para lang matanggal yung natitirang oil at margarine dito sa nabili nating lagayan.
01:51Ilang beses ko rin ginamitan ng dishwashing liquid at mga degreaser dahil kailangan siguradong malinis ito para safe yung mga alaga nating baboy.
01:58Malaki rin yung natipid natin ngayon dahil bukod sa materiales na halos retasol lang nung mga ginawa nating pinto ng bodega at mga fattening room ay hindi na nga tayo nagbayad ng labor dahil halos lahat ng kulang dun sa ating pigri ay tayo nilang ang gumagawa para mas makatipid.
02:11Bukod sa kailangan dahil hindi rin talaga biro at malaki rin ang kapital sa pag-aalaga ng mga inahin at mga fattening na baboy,
02:16kailangan din nating aralin at matutunan yung mga bagay abot sa business na pinasok natin para hindi na ibayad pag nagkaroon naman ng problem.
02:23Bali July nung natapos namin ipagawa yung aming fattening house at magtatatlong buwan na ngayon at hindi pa rin kompleto halos yung set up.
02:29Inuotay-utay lang namin kapag nagka-budget na ulit at mga materiales lang yung binibili namin dahil ako na lang yung gumagawa.
02:35Malaking bagay pa rin kasi yung ibabayad natin sa labor na pwede pa nating ipambili o pandagdag sa mga materiales na gagamitin sa ibang bagay na kailangan dito sa loob ng pigri.
02:43Wala naman kasi kaming malaking capital para ipagawa lahat yun kaya ang ginagawa namin ay pinapriority lang namin yung kailangan para makapag-operate.
02:50Sa simula o umpisa, hindi natin may iwasan na makaramdam ng pagod, stress at puyat pero baliwala ang lahat kapag nakikita natin yung progress na ginagawa natin kahit mabagal.
02:59Pero palagi nating tandaan na ginagawa natin ng isang bagay hindi lang dapat kailangan kundi gusto natin yung ginagawa natin dahil kung hindi natin gusto,
03:06doon tayo makakaramdam ng pagod hanggang sa sumuko tayo.
03:09At ayun pagkatapos kung malagyan ng primer gray yung mga pinag-welding nga ng ating rack o patungan ng ating mga containers ay sinetap ko na rin dito sa loob ng pigri.
03:16Bali dalawa talaga yung provided na lagayan natin ng tubig dahil kung halimbawa man na nagdudumi ng malalambot at kailangan natin lagyan ng gamot,
03:22yung kabilang side ay yung isang container lang ang malalagyan natin.
03:25Masama rin kasi sa mga alaga nating baboy na makainom sila ng tubig na may gamot na hindi naman nila kailangan.
03:30Pagdating naman sa pagkukontrol ng tubig sa pagpapainom bawat fattening room ay nagawa tayo ng isang switch para kung halimbawa man na hindi natin pwedeng painumin ng tubig,
03:38yung mga alaga natin sa isang division ay may off natin.
03:41At ayun pagkatapos kung maayos yung linya ay kinabit ko na rin itong pig drinker or nipple para matest natin yung pressure ng tubig kung kailangan pa ba natin taasan yung rack o patungan na ginawa natin.
03:50At ayun kung mapapansin nyo ay abot-napot na nga nila yung taas nung ating pig drinker for fattening kaya advisable na talaga sila na gumamit nito.
03:57Pagkatapos kung maapuno ng tubig itong dalawang container ay binuksan ko naman yung mga switch sa bawat division para malaman natin kung abot hanggang dulo yung supply ng tubig.
04:05At ayun sobrang nakakatuwa lang dahil kaat dun sa last fattening room or last division ay malakas pa rin ang supply.
04:10Sa bawat ginagawa natin hindi sukatan ang bilis para magtagumpay kundi ang determination at pagpapatuloy kahit mabagal.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended