Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Handa na raw isiwalat ng isang dating kongresista ng Quezon City
00:34ang lahat ng nalalaman sa maanumalyang flood control projects.
00:38Yan ang pinaabot niya kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
00:42Nakatanggap din ako ng tawag, isang kaibigan ko,
00:46parang siyang go-between sa isang congressman from Quezon City, who wants to tell all.
00:54Inaantabayanan raw ni Remulia ang mga magiging hakbang ng ex-congresman,
00:58pero nagpasabi na raw ito na marami siyang ilalahad.
01:03Yung involvement niya sa lahat na nangyayari, at saka kung paano nakalakaran,
01:07paano nangyayari lahat niya, masabihin niya.
01:10Sir, magtuturo, magtuturo din ito ng iba?
01:13Magtuturo, magtuturo. Ano ito? Hindi na siya incumbent.
01:18Sa ulat ng Quezon City LGU, 331 ang mga flood control projects sa lunsod ng DPWH
01:25mula 2022 hanggang 2025, pero dalawa lang daw sa mga ito ang inaprobahan ng lokal na pamahalaan.
01:35Sabi pa ni Ombudsman Remulia, nag-a-apply raw ng panibagong set ng freeze orders
01:40ang Anti-Money Laundering Council.
01:42They communicated to me that there are nine persons, some of them formerly elected officials
01:48or elected officials, and some just personalities na sinisik nila yung freeze order.
01:54Kasama naman ang Office of the Ombudsman ng Philippine Competition Commission o PCC
01:59sa pagsilip sa issue ng bid rigging.
02:03Isang bidder na palaging talo sa maanomaliang flood control projects
02:07ang iniimbestigahan na raw nila.
02:093% of the project cost is given to the losing bidders.
02:16Yun na yun, yun may for the boys tawag nila, for the boys.
02:20So, hinahati-hati yan sa losing bidders, etc., etc.
02:25Meron pa ibang binibigyan.
02:26Ano na yan? Dating gawin na yan na nangyayari sa DPWH.
02:30Nais rin ni Ombudsman Remulya na makausap ang Sandigan Bayan
02:35para mailatag ang mga panuntunan para sa full restitution
02:39o buong pagbabalik ng ninakaw na pera mula sa gobyerno
02:42kapalit ng plea bargain o pagpapababa ng kasong kakaharapin.
02:48May mga nagparamdam na raw kay Ombudsman Remulya na mga contractors
02:52o yung mga kongresistang kasalukuyan o dating contractor.
02:57May mga congressman daw na gusto lang nilang marahimit
03:01at hindi nilang nagkagawin ulit pagsasoli pa sila
03:05sa mga contracts kung saan nag-contractor sila.
03:09Samantala, inatasan na ng Ombudsman ang Department of Justice
03:12na ituloy ang pag-usig sa limang reklamo ng malversation, graft at perjury
03:17para sa limang ghost projects ng DPWH Bulacan 1st Engineering District.
03:23Ibig sabihin, DOJ na ang magsasagawa ng preliminary investigation
03:27at magdadala nito sa korte.
03:30Ilan sa respondents dito,
03:31si na dating District Engineer Henry Alcantara,
03:34dating Assistant District Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza
03:37at kontatistang si Sally Santos.
03:40Ito ang unang balita sa ni Marafran para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended