Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Oct. 21, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon sa ating lahat at narito ang ulat sa lagay ng panahon ngayong hapon na Martes, October 21, 2025.
00:08Base nga sa ating latest satellite animation ay may isang panibago na naman na low pressure area na huling na mataan sa layong 435 km north-northeast ng Itbayat, Batanes.
00:20At base nga sa ating analysis ay meron ito ngayong medium chance na maging isang ganap na bagyo, ngunit maaaring sa mga susunod na araw ay mas tumaas pa yung chance nito na maging isang ganap na bagyo o tuluyan na nga na maging isang ganap na bagyo.
00:34At kung mangyayari yan ay maaari tayong magtaas ng wind signal dito nga sa may parte ng Batanes.
00:41At nakikita din natin na kumikilos ito patimog, kanluran at maaari pang lumapit o dumaan nga directly sa kalupaan ng Batanes at lumapit din dito sa parte ng Ilocos Norte.
00:56Samantalang yung easterlies o yung mainit na hangin galing pasipiko nga ang siyang nakakapekto dito sa may silangang bahagi ng ating bansa.
01:04Samantalang yung bagyo nga na nasa labas ng ating Philippine Area of Responsibility na may international name na si Severe Tropical Storm Function o yung dating si Bagyong Ramil
01:15ay huling na mataan sa layong 895 kilometers west o kanluran ng northern Luzon.
01:22Bagamat wala nga itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa, ay patuli pa rin nga nating minomonitor dahil nasa loob ito ng ating Philippine Monitoring Domain.
01:32At sa nakikita nga natin ay papalapit na nga ito dito sa may parte ng Hainan, China.
01:38Sa maging ilagay naman ng panahon bukas, asahan nga natin na dito sa may parte ng Batanes,
01:44makararanas nga ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at mga pulupulong mga pagulan,
01:50dala nga yan ang pagbabalik ng northeasterly wind flow o ito nga yung hangin na galing sa hilagang silangan at bahagyang may kalamigan.
01:59Samantalang dito nga sa may parte ng Aurora, maging sa may Quezon Province at Bicol Region,
02:05makararanas naman ng mainit at maalinsang panahon at mga tsyansa ng mga pagulan, pagkidlat at pagkulog,
02:12dala naman yan ng Easter Lease.
02:16Sa nalalabing pangbahagi ng ating bansa kasama ang Metro Manila,
02:20makararanas naman ng mga pulupulo at mga panandali ang mga pagulan, pagkidlat at pagkulog sa hapon,
02:26dala naman ng localized thunderstorms.
02:30Temperatura nga dito sa may parte ng Batanes at Tuguegaraw ay bahagyang bumaba at naglalaro lamang yan between 29 to 31 degrees Celsius.
02:41Samantalang dito sa may Legaspi at Bicol Region, nananatiling mainit pa rin at maaaring umabot nga 26 to 34 degrees Celsius.
02:51At dito nga sa Metro Manila, umaabot 24 to 33 degrees Celsius.
02:56Sa maging lagay naman ng panahon, bukas dito sa may Negros Island Region,
03:02maging dito sa may Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Barm, Soxarjan at sa may Davao Region,
03:09makararanas na mga kalat-kalat ng mga pagulan, pagkidlat at pagkulog,
03:14dala rin ng pagbabalik ng Intertropical Convergence Zone.
03:18Ito nga yung salubungan ng hangin sa may Hilaga at Katimugang Hemisphere.
03:23At magingat po yung ating mga kababayan dyan dahil itong ang mga ITCZ ay maaaring magdulot na naman ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
03:33Samantalang dito naman sa may Eastern Visayas, maging sa may Karaga, magiging mainit at maalinsangan din ang panahon,
03:40dala ng Easterlies at meron din yung tsyansa ng mga pagkidlat at pagkulog.
03:46Samantalang sa nalalabing bahagi ng Visayas naman, magiging maaliwalas ang panahon sa umaga,
03:55ngunit pagsapit ng hapon, andiyan na naman yung pagkulimlim ng kalangitan at may pagulan, pagkidlat at pagkulog,
04:02dala naman ng localized thunderstorms.
04:04Temperatura nga sa buong Visayas at Mindanao ay maaaring umabot 31 to 32 degrees Celsius.
04:11Sa magiging lagay naman ng ating karagatan ay may nakataas nga tayong gale warning dito sa may parte ng Batanes
04:20na kung saan ang mga pag-alon ay maaaring umabot hanggang 4.5 meters.
04:25Kaya muli, patuloy natin inaabisuhan yung ating mga kababayan, lalong lahat ng sasakyang mga pandagat na kung maaari,
04:33ay ipagpaliban muna ang paglalayag dahil delikado nga yung ganitong kataas ng mga pag-alon.
04:38Samantalang sa nalalabing parte ng karagatan naman ng extreme northern Luzon,
04:43although walang nakataas na gale warning yung mga pag-alon, ay matataas pa rin at maaaring umabot nga hanggang 4 meters.
04:50Kaya kung maaari po, lalong-lalo na nga yung mga ngisda, ay ipagpaliban muna ang paglalayag.
04:58Samantalang sa ibang parte pa ng karagatan ng Luzon, magiging katamtaman hanggang matataas ang mga pag-alon,
05:04kung saan maaaring umabot ito hanggang 2.5 meters.
05:09At sa nalalabing pang bahagi ng karagatan ng Pilipinas, magiging banayad hanggang sa katamtaman ang mga pag-alon.
05:17Sa magiging lagay naman ng panahon sa susunod na tatlong araw dito sa mga piling lugar sa Luzon,
05:23although generally nga sa malaking bahagi ng Luzon, magiging maganda ang panahon,
05:27ngunit may mga tsansa ng mga localized thunderstorms, yung binabantayan nga natin ng low pressure area,
05:34kumikilos nga yun ngayon ng patimog kanluran.
05:37At pagdating nga ng Huebes, ay maaaring nga itong direktang tumamad sa may parte ng Batanes.
05:44O di kaya naman lumapit lang at hindi rin natin inaalis yung tsansa na patuloy pa itong bumaba
05:49at lumapit din sa may parte ng Ilocos Norte.
05:52Kaya muli, maaari itong magdulot ng mga pag-ulan, lalong-lalo na nga sa may Batanes,
05:59Babuyan Islands, magiging sa parte ng Ilocos Norte, Apayaw at Cagayan,
06:05pagsapit ng Huebes hanggang Biernes at Sabado.
06:11Sa magiging lagay naman ng panahon dito sa may Visayas,
06:14although prevailing pa rin yung ating Easter list, lalong-lalo na nga sa Eastern Section,
06:19andyan pa rin yung tsansa na mga pulo-pulo at mga panandali ang pag-ulan, pag-kilit at pag-kulog.
06:24At nakikita nga din natin na matataas yung tsansa na mga thunderstorms
06:30dito sa may parte ng kabisayaan sa susunod na tatlong araw.
06:35Sa may parte naman ng Mindanao, asahan nga natin na although may mga pag-ulan nga bukas,
06:41mas iigi na nga yung panahon pagsapit ng Huebes hanggang Biernes.
06:45Pero nandyan pa rin yung mga tsansa na mga pulo-pulo at mga panandali ang pag-kilat at pag-kulog
06:51maging mga pag-ulan sa hapon hanggang gabi.
06:54At pagsapit naman ng Sabado, may nakikita tayo muli na isang cloud cluster
07:00o di kaya naman posibleng maging isang low pressure area at maaaring nga yung lumapit
07:05dito sa may silang bahagi ng Mindanao na maaaring ang magdulot
07:09na mga kalat-kalat na mga pag-ulan, pag-kilat at pag-kulog lalong-lalo na nga sa may Davao Region
07:14at Northern Mindanao maging sa may Karaga.
07:17Ang araw ay lulubog mamayang alas 5.33 ng hapon at sisikat naman bukas
07:27ng alas 5.49 dito sa may Kamaynilaan.
07:31Manatiling may alam sa lagay ng panahon at bisitahin ang ating mga social media pages
07:36dito sa may X, Facebook at YouTube at isearch lamang ang DOST Pag-asa.
07:41At para sa mga karagdagang impormasyon ay bisitahin ang ating website pag-asa.dost.gov.ph at panahon.gov.ph
07:51At yan ang latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center, Charmaine Varilla, Naguulat.
08:11At an одной usaga, low ang nama.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended