00:00Magandang hapon po mula sa DOST Pag-asa. Ito ang ating weather update ngayon Tuesday, December 16, 2025.
00:06Apat na po na atmospheric systems ang nakaka-apekto sa atin.
00:10Unahin natin itong shearline kung saan ito yung lugar ng salubungan ng hangin nang galing sa Amihan
00:16at ganoon din naman yung galing sa Easterlies.
00:18Kapag nagsasalubung po yan ay nagkakaroon ng cloud formation.
00:22Kaya dito sa mga probinsya ng Isabela, Cagayan sa taas, at ganoon din dito sa probinsya ng Aurora
00:29at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley Region, except dito sa Batanes, ay makakaranas ng mataas na tiyansa ng pagulan.
00:37At dito po, dahil dito sa shearline, ay meron din tayong nakataas na weather advisory na ipapakita natin sa mga susunod na slides.
00:45Dito naman sa kanlurang bahagi ng Luzon, particular na yung Northern Luzon at Central Luzon, Amihan pa rin ang nakaka-apekto.
00:52Ibig sabihin, mababang temperatura pa rin, malamig at masarap na hangin na senyales ng papalapit na Pasko ay ating patuloy na mararanasan.
01:03Pero may mga kaulapan pa rin na kaakibat itong hanging Amihan, lalo na dito sa Cordillera Administrative Region.
01:09Posible pa rin tayo na makakaranas ng mga pagulan o pagambon throughout the day.
01:14At dito naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng ating bansa, except dito sa Bicol Region at kasama din yung Eastern Visayas.
01:24Particular na yung buong Summer Island at Leyte dahil sa influensya ng Easterdies.
01:29At ganoon din naman yung Caraga Region.
01:31Makakaranas tayo ng maulap na kalangitan.
01:33Ibig sabihin, ay mataas din yung chance na mga pagulan natin dito dahil sa Easterdies.
01:38Yung Easterdies po, yung hangin na galing sa Pacific Ocean na dahil sa pag-ikot ng mundo.
01:42So yung atmosphere natin ay susunod.
01:44Ibig sabihin, yung evaporation na nangyayari dito sa coastal area ay unang tatama po dito sa Eastern Coast natin.
01:51At ganoon din yung concept dito sa Amihan.
01:54Kaya during this season, ay mataas yung chance na magkaroon tayo ng mga pagulan sa silangang bahagi ng ating bansa.
02:01Bukod po dun sa mga binanggit natin na maulap na kalangitan,
02:04dito naman sa Davao Region kasama yung Sultan Kudarat, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay magiging maulap din.
02:10Mataas din yung chance na pagulan dahil naman dito sa Intertropical Convergence Zone or ITCC.
02:15Balik po tayo doon sa binabanggit natin dito sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng ating bansa.
02:21Kasama dyan yung Central and Western section ng Visayas at yung natitirang bahagi ng Mindanao kasama yung Palawan sa Luzon
02:28ay magiging mas mababa yung chance na ating pagulan.
02:31Ibig sabihin dito sa Metro Manila, hindi na po tayo makakaranas ng mga pagulan
02:34na tulad nung dinulot ng shearline nung mga nakaraang araw.
02:38Mababa na po yung chance pero that doesn't mean na hindi na tayo makakaranas ng pagulan 100%.
02:43Posible pa rin yung mga localized thunderstorms or yung mga panandaliang pagulan for a specific area lamang.
02:49Para sa ating forecast bukas, December 17, ay magpapatuloy pa rin yung impluensya ng shearline.
02:55Kaya naman dito sa Northeastern part ng Luzon ay makakaranas pa rin tayo ng mataas na chance ng pagulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
03:05Patuloy pa rin yung impluensya ng Amihan dito sa Western section ng Northern and Central Luzon
03:10at dito sa Metro Manila ay mababa pa rin yung chance ng mga pagulan bukas.
03:16Dito naman sa Bicol Region ay mananatili pa rin na maulap at mataas yung chance ng mga pagulan.
03:21Ang agot ng temperatura dito sa Metro Manila ay 24 to 32, dito sa Tagaytay ay 22 to 28 at sa Legaspi naman ay 24 to 30.
03:31Dito naman sa Palawan, ganun din dito sa Visayas, particular na tulad ng binagit natin, yung Central and Western section ng Visayas,
03:39ganun din dito sa Sambuanga Peninsula, Northern Mindanao, ay makakaranas tayo ng mababang chance ng pagulan.
03:45At dito naman sa Eastern Visayas, particular na itong Summer Island, Northern Summer, Eastern Summer, at itong Summer,
03:55ganun din dito sa probinsya ng Leyte, ay mataas yung chance ng mga pagulan kasama itong Caraga Region dahil sa Eastern East.
04:01Dahil naman sa ITCC na patuloy na makakapekto bukas ay mananatiling maulap dito sa Davao Region, ganun din dito sa Southern section ng Mindanao.
04:10Agwat ng temperatura dito sa Cebu ay 27 to 31, dito naman sa Tacloban ay 25 to 31, at sa Davao ay 24 to 30.
04:18Tulad nung binanggit po natin kanina, dahil sa shearline ay naasahan natin na posibleng umabot ng at least 50 mm na ulan
04:25dito sa Cagayan, Isabela, at sa probinsya ng Aurora.
04:30Ang ibig sabihin ng 50 to 100 mm ay posible yung mga localized floodings,
04:35o yung panandali ang mga pagbaha, lalo na sa low-lying areas o sa mga bahaing lugar talaga,
04:40or kapag malapit tayo sa mga bodies of water, katulad ng mga ilog.
04:44Iyon po ay simula ngayong hapon hanggang bukas ng hapon.
04:48At magpapatuloy pa rin ito bukas ng hapon hanggang Thursday afternoon.
04:52Same provinces po.
04:54Dito pa rin sa Cagayan, Isabela, at Aurora, at dahil pa rin sa shearline,
04:57ay makakaranas tayo ng mga pagulan na at least 50 mm ayon sa ating forecast.
05:05Good news po, dahil wala na tayo nakataas na gale warning.
05:08Ibig sabihin, malaya na tayo makakapaglayag,
05:10except sa mga kababayan natin kung gagamit tayo ng maliliit na sasakyang pandagat.
05:15Dahil posible pa rin maantala yung ating paglalayag dito sa eastern seaboards
05:19ng Eastern Visayas, ganoon din sa eastern seaboards ng Luzon,
05:23at western seaboards ng Northern and Central Luzon.
05:25Dahil posible pa rin yung mga offshore na thunderstorm ay maka-apekto sa ating paglalayag.
05:31Para sa magiging lagay ng panahon,
05:33sa susunod na tatlong araw sa mga piling syudad ng ating bansa,
05:36mga pili lamang po ito, pero pwede natin itong gamitin reference.
05:39Kung saan tayo nakatira o yung pinakamalapit na lugar dito,
05:43kung saan tayo nakatira,
05:44ay pwede natin yung gamitin na reference para sa magiging forecast natin
05:48simula Thursday hanggang Saturday.
05:50Dito sa Metro Manila at sa mga kalapit na promisya,
05:52ay mananatiling partly cloudy to cloudy skies.
05:55Ibig sabihin po nito, ay mababa yung chance ng mga pagulan,
05:58pero may posibilidad pa rin yung mga localized thunderstorms.
06:01Dito naman sa Baguio, ay mananatili yung impluensya ng hangi-amihan,
06:07lalo na by Thursday.
06:08Pero dahil bahagyang mas aangat pa yung tilt o yung inclination ng shearline,
06:14ay magiging partly cloudy to cloudy skies na.
06:16So, ibig sabihin, ay posible na yung mga localized thunderstorms
06:19by Friday and Saturday dito sa Baguio.
06:22And tulad nung binanggit natin kanina,
06:24dahil yung Legazpi City ay nasa eastern section ng ating bansa,
06:28ay mataas pa rin yung chance ng mga pagulan dito,
06:31lalo na by Saturday.
06:34Para naman sa Visayas, particular na dito sa Metro Cebu,
06:37at ganoon din sa Iloilo,
06:39mananatiling mababa yung chance ng mga pagulan,
06:41except sa mga localized thunderstorms.
06:43Pero dito sa Tacloban City,
06:44dahil na nasa eastern Visayas ito,
06:46ay magpapatuloy na makakaranas tayo ng maulap na kalangitan
06:49at mataas na chance ng mga pagulan.
06:52Dito sa Davao,
06:53dito sa binanggit natin kanina na ITCC magpoprogress
06:57o magpapatuloy pa rin yung efekto nito,
06:59dito sa Davao hanggang sa Sabado.
07:01Kaya gusto natin na pag-ingatin yung ating mga kababayan,
07:04magdala po tayo ng payong,
07:05at kung babiyahe tayo,
07:06ay manatili tayo na updated sa ating mga weather
07:10at mag-ingat po tayo.
07:13Dito naman sa Cagayan de Oro at sa Sambuanga City,
07:15ay mas mababa yung chance ng mga pagulan.
07:19Ngayong Disyembre po,
07:20one or two na number ng bagyo yung ating inaasahan.
07:24At dahil kay Verbena na nangyari din ngayong Disyembre,
07:27ay meron pa tayong posible na isang bagyo na mag-form
07:31ngayong buwan ng Disyembre.
07:32Pero yun po ay base sa climatological forecast natin
07:35o climatological data natin
07:38at sa seasonal forecast natin.
07:40Ibig sabihin,
07:41hindi 100% na magkakaroon ng isang bagyo
07:44bago matapos yung taon na ito.
07:46So, posibleng dalawa,
07:47huwag naman po sana,
07:48at posibleng din na wala nang mag-form.
07:51At hopefully,
07:52ay wala na po mag-form hanggang sa matapos itong December.
07:57Sa kasalukuyan,
07:58hindi ko man po nabanggit,
07:59pero ngayon po,
08:00wala tayong minomonitor na anumang low pressure area
08:02o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
08:05Ang ating araw,
08:07ay lulubog mamayang 5.30 ng hapon.
08:10At kaya kung mapapasipo natin,
08:125.30 pa lang ay madilim na.
08:13And bukas naman po,
08:15muli itong sisikat ng 6.14 ng umaga
08:17para sa mga may baby po na kailangan nilang paarawan.
08:20Ito po yung time ng ating sunrise.
08:23Ako po si John Manalo.
08:24Ang panahon ay nagbabago,
08:25kaya maging handa at alerto.
08:43Kaya maging handa at alerto.
08:44Kaya maging handa at alerto.
08:45Kaya maging handa at alerto.
08:46Kaya maging handa at alerto.
08:47Kaya maging handa at alerto.
08:48Kaya maging handa at alerto.
08:49Kaya maging handa at alerto.
08:50Kaya maging handa at alerto.
08:51Kaya maging handa at alerto.
08:52Kaya maging handa at alerto.
08:53Kaya maging handa at alerto.
08:54Kaya maging handa at alerto.
08:55Kaya maging handa at alerto.
08:56Kaya maging handa at alerto.
08:57Kaya maging handa at alerto.
08:58Kaya maging handa at alerto.
Comments