Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Nov. 21, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherForecast

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang hapon mula sa DOSP Pag-asa.
00:03Ito ang ating weather update ngayong Friday, November 21, 2025.
00:08Merong apat pa rin na atmospheric system o weather systems na nakaka-apekto sa ating bansa.
00:13Unahin natin yung dalawang main na nagko-contribute sa mga pag-ulan dito sa northeastern part ng Luzon.
00:20So ito po yung shearline.
00:22Yung shearline ay nagdadala ng maulap na kalangitan dito sa buong Cagayan Valley except dito sa Batanes at Babuyan Islands.
00:28Ganon din naman sa buong Cordillera Administrative Region.
00:32Ibig sabihin ay mataas pa rin yung tsansa ng mga pag-ulan dito sa mga binanggit natin na lugar.
00:36Lalo na dito sa Cagayan na kung saan ay nakapag-record tayo sa station natin ng humigit sa 100 mm.
00:44At ganon din naman, dahil sa ITZZ, yung buong southern Mindanao ay mataas ang tsansa ng pag-ulan
00:50at dahil naka-slant yung axis o yung position ng ITZZ,
00:56ay maulap din dito sa southern and central part ng Palawan.
00:59Kaya mataas din yung tsansa ng mga pag-ulan dun sa mga binanggit natin na lugar.
01:04Yung dalawa na minor, yung contribution niya sa mga pag-ulan,
01:08unahin natin yung hanging-amihan na nagdadala ng malamig na hangin dito sa Batanes
01:12at ganon din sa Ilocos Region, mayroon pa rin niyang kasama ng mga kaulapan
01:18although mga light rains lamang.
01:20And hindi po ibig sabihin na nakamaulap tayo ay 100% na na-ulan.
01:25So mataas lang po yung tsansa ng pag-ulan pero posible din naman na hindi.
01:29Katulad dito sa Metro Manila, partly cloudy to cloudy skies po yung ating forecast,
01:33ibig sabihin ay mababa lang yung tsansa ng mga pag-ulan.
01:36Pero dahil sa Easter list na kung saan ito yung pinaka-nakaka-apekto sa probinsya ng Aurora at sa Quezon,
01:42yung mga passing clouds, halimbawa po nitong nakikita natin sa satellite,
01:46kapag po yan, mga kaulapan na yan, ay umabot sa Metro Manila,
01:49yan po yung nagdudulot ng mga pag-ulan for a certain period of time lamang.
01:53Short period of time and eventually, yung movement po niya,
01:56nakadepende po doon kung hanggang gano'ng katagal o kung gano'ng kalawak
02:00yung mga pag-ulan na kanyang maidudulot.
02:02Bukod po sa Metro Manila, ganon din yung sa natitirang bahagi ng ating bansa,
02:06yung mga hindi natin binaget.
02:08Lalo na yung mga karatig na probinsya ng Metro Manila,
02:11ganon din dito sa Visayas.
02:14Dahil po sa binanggit natin na shearline,
02:17tulad po ng binanggit din natin na mahigit 100 mm yung na-record natin
02:20nung kaninang umaga,
02:22nakataas pa rin sa 100 to 200 mm yung forecast natin dito sa Cagayan,
02:27ang ibig sabihin ng amount na ito,
02:28ay posible yung multiple floodings,
02:31o yung kalat-kalat na mga pagbaha sa probinsya ng Cagayan.
02:3350 to 100 naman dito sa probinsya ng Apayaw at Isabelang.
02:38Ibig sabihin naman ng 50 to 100 ay posible yung mga localized floodings,
02:42o yung mga pagbaha dun sa mga bahaing lugar,
02:44nakatira sa mga low-lying areas,
02:47o kaya naman yung mga nakatira malapit sa mga rivers,
02:50o mga ilog natin.
02:51And bukas ng tanghali, hanggang sa isang araw na tanghali,
02:57o Sunday afternoon,
02:58ay mararanasan pa rin natin yung mga pagulan,
03:00dahil magpapatuloy pa rin yung epekto ng shearline.
03:04Kaya 50 to 100 pa rin yung ating mga pagulan,
03:06o mararanasan na amount ng pagulan dito sa probinsya ng Cagayan.
03:10At mababawasan naman dito sa karating nitong mga probinsya.
03:14Para sa magiging forecast natin bukas,
03:17magpapatuloy yung epekto nitong shearline,
03:20kaya naman yung north-eastern part ng Luzon ay mananatiling maulap.
03:24Mataas yung chance ng mga pagulan.
03:26Ganon din naman yung epekto ng amihan,
03:28lalo na dito sa Ilocos region,
03:30o particular na sa Ilocos Norte,
03:32at ganon din dito sa probinsya ng Batanes.
03:34Pero tulad nung binanggit natin,
03:36yung mga light rains ay posible pa rin na makaapekto
03:39dito sa mga binanggit natin na lugar.
03:41Dito sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon,
03:45dahil hindi na ito naapektohan o nadadalhan
03:48ng mga kaulapan ng Easter Least,
03:50mababa po yung chance ng mga pagulan hanggang bukas.
03:54Pero sa mga susunod na araw,
03:55dun sa babanggitin natin,
03:57kasi meron pong potensyal na mamuong bagyo
04:00next week starting by Monday.
04:03Kaya papakita din po natin mamaya
04:04yung magiging progression
04:06o yung magiging pagkilos dito
04:07at yung mga maaapektohan.
04:10So dito naman po sa Palawan,
04:12ganon din sa Visayas at sa Mindanao,
04:13yung makakaapekto pa rin sa atin
04:15ay yung Easter Least at yung ITZZ
04:17or Inter-Tropical Convergence Zone.
04:19So dito sa Karaga,
04:20ganon din sa Davao Region,
04:22sa southern part ng Mindanao,
04:24ay makakaranas pa rin tayo bukas
04:25ng maulap na kalangitan
04:27at nandun pa rin yung chance ng mga pagulan.
04:29Ganon din dito sa Palawan.
04:31Pero dito sa Visayas
04:32at sa ilang bahagi ng Mindanao,
04:34ay mas mababa na yung chance ng mga pagulan.
04:37Ito ay dadalin sa atin
04:38ng Easter Least at ng ITZZ.
04:41Nakataas pa rin yung ating Gale Warning
04:43although bahagyang nabawasan
04:45yung taas ng alon
04:46dito sa Northeastern part
04:48nitong Extreme Northern Luzon
04:50pero mas matataas pa rin yung alon
04:53na nakikita natin dito
04:54sa Western Seaboards
04:56lalo na ng Ilocos Norte.
04:58At sa mga susunod na araw
05:00ay mas mababawasan pa ito
05:01pero nakikita rin natin
05:03na by Sunday, Monday, and Tuesday
05:06muli ay magkakaroon tayo ng search
05:09o paglakas ng hanging amihan
05:10na kung saan ay tutulong ito
05:12para tumaas ulit
05:13yung mga alon natin.
05:14Sa kasalukuyan,
05:15ang pinakamataas na alon
05:16kapag pumalawot po tayo
05:17dito sa mga seaboards
05:18na nakakulay pula,
05:20ang pinakamataas natin na alon
05:21na pwedeng ma-encounter
05:23ay hanggang 4.5 meters.
05:25Mataas po ito.
05:26Kaya inaabisuan pa rin natin
05:27yung ating mga kababayan
05:28lalo na yung mga kababayan
05:30nating bangingisda
05:30o mga seafarers.
05:32Ito po yung binabanggit natin kanina.
05:34Ito yung Tropical Cyclone Threat Potential.
05:37Ito po yung product ng pag-asa
05:38na kung saan tinitignan natin
05:40kung may potential ba
05:42o may posibilidad ba
05:43na magkaroon ng bagyo
05:44sa susunod na dalawang linggo.
05:45So dito po sa unang linggo
05:47ay nakikita natin
05:48kahapon po
05:49pinresent ng ating kasamahan
05:51na nasa medium chance pa lamang
05:53yung development
05:54nitong nakikita natin
05:57na naka number one
05:58pero ngayon po
05:59ay naging high na.
06:00Ibig sabihin,
06:01mataas na yung chance
06:02na magkaroon tayo
06:04ng sirkulasyon.
06:05Actually, may sirkulasyon na
06:06sa kasalukuyan
06:07and then mas mataas na yung chance
06:08na maging low pressure area ito
06:10at ang pinakamaaga
06:11na posibleng ito
06:13na maka-apekto
06:13lalo na dito sa northeastern part
06:15ng Midanao
06:15o kaya naman ay sa eastern Visayas
06:18ay by Sunday afternoon.
06:20And then,
06:21pinakamararamdaman natin ito
06:22starting Monday
06:23hanggang sa mga susunod na araw.
06:25And tulad nung binanggit po natin,
06:27dahil mataas na yung chance
06:28na mag-develop ito,
06:30ngayon pa lamang po
06:30ay gusto na natin
06:32i-inform yung ating mga kababayan
06:33na mag-ingat po
06:35lalo na starting by Monday
06:36dahil magdadala rin po ito
06:38ng mga pagulan
06:39at ganoon din naman
06:40ng mga kaulapan.
06:42Sa susunod na linggo,
06:44from November 28
06:46hanggang December 4,
06:48ay meron na naman po
06:48itong kasunod
06:49pero
06:49nananatili pa rin naman po
06:51na mababa yung chance.
06:53At
06:53dito rin po namin
06:54gustong ipaalala
06:55na mahalaga po
06:56na makinig pa rin tayo
06:57sa mga ilalabas
06:58ng pag-asa
06:59lalo na patungkol dito
07:00sa development
07:01nung binanggit natin
07:02na posibleng maging bagyo.
07:03At kapag naging bagyo po ito
07:04sa loob ng Philippine Area
07:06of Responsibility,
07:07ay papangalanan natin
07:08o tatawagin natin
07:09itong Verbena.
07:11Para po sa mga
07:12inaasaan nating panahon,
07:15sa mga
07:15susunod na
07:16susunod na
07:18tatlong araw,
07:20makikisuyo po,
07:23ipaki-next slide po.
07:26Ito po yung
07:26para sa Luzon,
07:27particular na sa Metro Manila,
07:29Baguio City,
07:30and Legazpi,
07:31sa Metro Manila po,
07:32by Sunday,
07:32ay hindi pa rin natin
07:33mararamdaman yung
07:34maulap na kalangitan.
07:35Pero,
07:36by Monday and Tuesday,
07:37yung binanggit po natin
07:38na sirkulasyon.
07:39Bahagya din kasi
07:40na bababa yung shearline
07:42at posible
07:43na yung kaulapan
07:44na associated sa shearline
07:45at ganoon din naman
07:46yung kaulapan
07:47dun sa binabanggit natin
07:48na bagyo
07:49na magiging sirkulasyon
07:51na may malaking potensyal
07:52na maging isang ganap na bagyo,
07:54ay posibleng umabot
07:55sa Metro Manila
07:56yung mga kaulapan
07:57nung pinagsama natin
07:58na weather system na yun.
08:00At dito rin sa Baguio
08:01at Legazpi,
08:01makakaranas din tayo
08:02ng maulap na kalangitan
08:04hanggang Tuesday.
08:05Next slide po.
08:07At para naman dito
08:08sa Visayas
08:09at ganoon din
08:10sa Mindanao,
08:12simula Sunday
08:12hanggang Tuesday
08:14ay mararanasan po natin
08:15yung epekto
08:16ng sirkulasyon
08:17na papalapit pa lamang
08:18sa ating kalupahan.
08:20Next slide po ulit.
08:21Ayan po.
08:22Katulad po ng binanggit natin,
08:23Metro Davao,
08:24Cagayan de Oro City
08:25at Sambuaga
08:26ay magiging maulap po.
08:27Next slide po.
08:28Ang ating pong araw
08:29ay lulubog
08:30mamayang 5.24 ng hapon
08:32at muling sisikat bukas
08:33ng alas 6 ng umaga.
08:35Muli po gusto po natin
08:36paalalahanan
08:36yung mga kababayan natin,
08:38lalo na
08:38yung mga nasalanta po
08:40o naapektuhan
08:41ng Bagyo,
08:42lalo na sa Cebu
08:43at sa ilan nating
08:44mga kababayan.
08:45Gusto na po natin
08:46ngayon pa lamang
08:47na i-heads up
08:48na may paparating po
08:49o may potensyal
08:50na magdala
08:50ng mga pagulan
08:51sa Visayas
08:52at sa northern part
08:53ng Mindanao
08:53kaya manatili po tayo
08:55na updated
08:55at magingat po tayo.
08:57Huwag po natin kalimutan
08:58magdala ng payong
08:58at gano'n naman
08:59yung kapote
09:00para sa mga nagmamotor.
09:01Ako po si John Manalo.
09:03Ang panahon ay nagbabago
09:04kaya maging handa
09:05at alerto.
09:05Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
09:35Hẹn gặp lại các bạn trong những video hấp dẫn
Be the first to comment
Add your comment

Recommended