00:00It's a mapagpalang hapon mula sa DOST Pagasa. Ito ang ating weather update ngayong Sabado, July 26, 2025.
00:07Kaninang 7-10 ng umaga ay tuluyan na lumabas ng Philippine Area of Responsibility itong si Bagyong Emong.
00:13At tuluyan pa ito na mas humina from tropical storm.
00:17Ngayon, ito ay isa na lang na tropical depression.
00:20Nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility at walang directang efekto sa anumang parte ng ating bansa.
00:27Pero possibly pa rin ito na maggaroon ng contribution dahil sa ikot niya na counterclockwise ay hihilay niya yung moisture na nandito at mas paiigtingin niya yung ating southwest monsoon.
00:39Although indirect yung contribution niya, pag lumayo pa ito ay mananatili pa rin itong southwest monsoon na makakaapekto sa ating bansa.
00:47Itong si Bagyong Emong ay merong international name na Comay na ang ibig sabihin ay isang uri ng damo galing sa, itong name na ito galing sa Vietnam.
00:55Samantala, meron din tayong minomonitor na severe tropical storm.
00:59Ito ay pangalan na may international name na Crosa.
01:03Galing naman sa Cambodia yung name na ito at ang ibig sabihin ito ay isang crane.
01:08Samantala, yung minomonitor natin noong previous weeks na si Dante ay nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility
01:15at gumagalaw ito papalayo sa Taiwan, pa-westward at wala itong magiging direktang efekto sa ating bansa.
01:23Ang main na nakaka-apekto sa ating ngayon, yung habagat.
01:27Ito ay nararanasan natin taon-taon.
01:30Ito yung associated sa ating rainy season.
01:32Kaya asahan natin, kahit na malalayo at wala ng efekto, yung mga bagyo sa atin ay nakakaranas pa rin tayo ng mga maulap na kalangitan
01:40na mataas yung tsansa at mataas yung tsansa ng mga pagulan, lalo na yan dito sa western part ng Luzon, sa western part ng Visayas.
01:48Pero sa kasalukuyan, ay wala na, mahina na yung efekto nitong habagat at konti na lang yung dinadala niyang kaulapan dito sa Visayas at sa Mindanao.
01:59Pero bagamat wala na tayong bagyo na nakaka-apekto sa atin tulad ng binanggit natin kanina,
02:05posibleng pa rin tayo makaranas ng mga pagulan na nag-a-amount o merong katumbas na about 50 to 100 millimeters.
02:12Sa amount na ito, ay posibleng pa rin yung mga flash floods or yung mga localized floodings
02:17at pag-uho ng lupa sa mga landslide-prone areas.
02:21At 50 to 100 millimeters na pagulan yung inaasaan natin dito sa Ilocos Sur,
02:26dito sa La Union, Pangasinan, Sambales, Bataan at ganoon din dito sa Occidental Mindoro.
02:32Simula yan today hanggang bukas ng hapon.
02:35Para naman bukas ng hapon hanggang sa Monday ng hapon ay mananatili na nakataas sa yellow yung ating weather advisory
02:43dito sa buong Ilocos region kasama yung Abra, Benguet, Sambales, Bataan at Occidental Mindoro.
02:52Para naman sa Monday ng hapon at sa Tuesday ng hapon mananatiling nakataas sa yellow,
02:57ibig sabihin 50 to 100 pa rin na millimeters na mga pagulan yung inaasaan natin dito sa Abra, Benguet, Ilocos region, Sambales, Tarlac, Pampanga at Bataan.
03:08At nabuwasan na rin yung epekto niya ng habagat dito kaya wala nang nakataas dito sa Occidental Mindoro.
03:14Ganoon din dito sa southern part ng Calabarzon at Nimaropa.
03:18At para naman sa ating forecast bukas, patuloy kasi na makaka-apekto sa atin yung hanging habagat.
03:29Kaya magiging maula pa rin yung ating kalangitan bukas except lang dito sa southern part ng Bicol region.
03:36Dahil itong sa southern part ng Bicol region ay mas maaliwalas na yung kalangitan na kanilang mararanasan ayon sa ating forecast.
03:44At mas maliit na yung percentage na magkakaroon sila ng mga pagulan.
03:48Pero dito sa buong bahagi ng Luzon, except lang dun sa Bicol region, ay mananatili na maulap mataas yung chance ng mga pagulan.
03:56Of course, dahil kasama sa Luzon, itong Palawan, ay makakaranas din tayo ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pagulan.
04:04Pero dito sa Visayas at sa Mindanao, magiging mas maaliwalas yung ating kalangitan, mas konti rin yung chance ng mga pagulan.
04:14At agwat ng temperatura dito sa Cebu ay 27 to 32, sa Tacloban ay ganun din, pero sa Cagayan de Oro ay 25 to 33, at sa Davao naman ay 26 to 33.
04:24Kahit na wala tayong nakataas na gale 1 ngayon, gusto pa rin natin paalalahanan yung ating mga kababayan na mga hangisda at seafarers
04:31dahil posible pa rin na makalanas tayo o maka-experience tayo, encounter ng mga alon na posibleng umabot ng 3.2 meters.
04:39Approximately, isang katumbas niyan ay kasing taas ng isang ordinaryong bus na ating sinasakyan.
04:45Pero dito naman sa mga seaboards ng Palawan, dito sa Solusi, at ganun din naman sa around dito sa Visayas at Mindanao, ay malaya tayo na makakapaglayag at mangisda.
04:58Para sa ating 3-day weather outlook o yung inaasahan nating panahon, simula lunes hanggang wednesday, crucial po yung Monday dahil sa zona ni PBBM.
05:07At ang ating forecast ay mananatiling maulap at mataas pa rin yung tsansa ng mga pagulan, pero in terms of intensity, mas mababawasan na ito.
05:15Itong kaulapan na ito ay associated pa rin sa habagat na magpapatuloy hanggang sa Wednesday.
05:21Dito naman sa Baguio ay magiging maulap din, pero sa Legaspi, mananatili na maaliwala sa ating kalangitan at mas konti yung mga pagulan.
05:30Yung mga pagulan lang na mararanasan natin dito ay associated dito sa mga localized thunderstorms.
05:37Ganun din dito sa Metro Cebu, Iloilo City, Tacloban City, partly cloudy to cloudy skies, at dito sa Metro Davao, Cagayan de Oro, at Sambuanga City.
05:47Pero mas mataas yung tsansa ng mga pagulan dito sa Sambuanga Peninsula dahil nasa western part ito ng Mindanao.
05:54At yung localized thunderstorm na binabanggit natin na posibleng magpaulan dito sa mga nakataas na partly cloudy to cloudy skies,
06:01ay ito yung halimbawa na nagbabiyahe tayo at makaka-encounter tayo ng biglang buhos ng ulan sa isang lugar.
06:08Pero pagdating natin doon sa pupuntahan natin ay wala namang mga bakas ng pagulan.
06:13At yun yung mga isolated o pulo-pulo na mga pagulan na localized lang yung efekto.
06:18At ang ating araw ay lulubog mamayang 6.27 ng hapon at muling sisikat bukas ng 5.38 ng umaga.
06:27Also, yung high tide natin ay bukas ng tanghali at yung low tide ay bukas ng gabi, approximately mga alas 8 ng gabi.
06:34Ako po si John Manalo, ang panahon ay nagbabago, kaya maging handa at alerto.