Skip to playerSkip to main content
Muling nire-require sa Quezon province at sa isang kolehiyo sa Camarines Norte ang pagsusuot ng face mask bilang pag-iingat sa kumakalat na mala-trangkasong sakit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling nire-require sa Quezon Province at sa isang kolehyo sa Camarines Norte
00:05ang pagsusuot ng face mask bilang pag-iingat sa kumakalat na malatrang kasong sakit.
00:11At nakatutok si Mark Salazar.
00:16Nagsimula sa simpleng ubo at sipon ang sintomas ng 2-month-old baby ni Queenie,
00:21pero nauwi ang komplikasyon ng sintomas sa severe pediatric community-acquired pneumonia.
00:30Both lungs niya is may plema na nakabara and then nag-required na yung pedya na i-admit siya that time
00:39kasi nga ang kalaban po namin ay oras kasi madami daw po pwedeng mangyari kapag inuwi pa namin siya.
00:46Pusible raw na hawa ang sanggol sa kanyang tatlong taong gulang na kuya.
00:50Nagkaroon ng ubo at sipon pero naagapan din naman namin siya agad nung nagsistart pa lang yung ubo at sipon.
00:57So syempre dahil bata, kahit anong saway namin na magtakip, mag-pacemask, is tinatanggal din niya.
01:05So minsan nangyayari, tumatabi pa siya sa kapatid niya, di may iwasan, nauubuhan niya yung kapatid niya nang di naman niya sinasadya.
01:13Ang mga sanggol at elderly ang dapat pinag-iingatan tuwing panahon ng flu-like illnesses.
01:18Sa Quezon Province kung saan may mga komunidad na mataas ang kaso ng mga malatrang kasong sakit,
01:25binuhay ang local executive order na nagre-require ng face mask sa mga siksikang lugar sa buong probinsya.
01:32Pinaga-isolate ang mga may sintomas pero optional ang swab testing.
01:37Nagpatupad na rin ang no face mask, no entry policy ang Camarines Norte State College
01:42dahil sa mga naobserbahang hawaan ng ubot sipon.
01:46Ayon sa Department of Health, influenza A, rhinovirus at enterovirus ang karamihan sa mga kumakalat ngayon.
01:54Nasa 1% lang ng kaso ang COVID virus.
01:57Kung ikaw man daw ay nadadalas ding makakita ng inuubo at sinisipon o ikaw mismo ay may ubot sipon,
02:03yan ay dahil ngayon na may panahon talaga ng flu.
02:06Dahil nagtatransisyon tayo mula sa tag-ulan, ng habagat, papunta tayo ng taglamig, ng amihan.
02:11Pero ayon sa DOH, wala tayong flu outbreak.
02:16Ayon sa Department of Health, bumaba ng 39% ang kaso ng influenza-like illness sa dalawang unang linggo ng Oktubre
02:24kumpara sa dalawang huling linggo ng Setiembre.
02:28At kung ikukumpara ang bilang ng dalawang unang linggo ng Oktubre sa parehong petsa noong isang taon,
02:3425% ang ibinaba.
02:36Pero sabi nga ng DOH, tama naman at nasa puder ang kagaya ng Quezon Provincial Government
02:43na magpatupad ng sariling health protocol.
02:46May outbreak o wala, maging ang publiko dapat daw ay masanay na sa health protocol.
02:51Magamit po ng mas at saka nag-disinfect alcohol, lalo na po maraming tao.
02:56Ano po ang ginagawa niyo para hindi po kayong mahawa ng mga virus, mga COVID na yan.
03:01Binom po ng vitamins.
03:03Paalala rin ng DOH magpa-flu vaccine at iwasan ng manigarilyo o vape.
03:09Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended