- 16 hours ago
- #goodnews
Aired (May 23, 2026): Naging emosyonal ang isang dalaga dahil sa graduation niya, nakasama niya ang mga magulang niya na 20 years nang magkahiwalay.
Samantala, isang tatay naman na sa pagiging clown at magician sa mga party, natutustusan ang kanyang mga responsibilidad sa buhay. Ang kanyang anak, pinag-aaral niya sa magandang paaralan at kumukuha ng kursong talagang ninanais nito.
Panoorin ang video para sa buong kuwento!
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Samantala, isang tatay naman na sa pagiging clown at magician sa mga party, natutustusan ang kanyang mga responsibilidad sa buhay. Ang kanyang anak, pinag-aaral niya sa magandang paaralan at kumukuha ng kursong talagang ninanais nito.
Panoorin ang video para sa buong kuwento!
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Category
😹
FunTranscript
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:07.
00:08.
00:08.
00:09.
00:09.
00:10.
00:10.
00:12Pagkabukas nila ng alas 9 ng umaga,
00:17nagdagsaan ang mga taong matapos i-anunsyo ng may-ari nito ang kanilang pamigay sale.
00:26Pero teka, hindi pala mga damit ang kanilang ipapaukay,
00:34kundi itong bulto-bultong gulay.
00:37At hindi lang daw ito pamigay sale, ha?
00:42Meron pa dito!
00:51Literal kasi itong pinamimigay for everyone!
01:00Ang pasimuno ng pa-healthy ayuda na ito,
01:03si Chad na may-ari ng nasabing ukay-ukay store.
01:07Noong 2021 po, namigay din po kami ng gulay sa aming old store twice.
01:12And then ngayon, inulit po namin siya noong April dito sa Cubao,
01:16then naulit na naman po sa Imus.
01:19Ito na po ulit, pangatlong time na po ulit this year.
01:23At dahil nga raw sa kinakaharap nating krisis ngayon,
01:27ang diwa ng bayanihan,
01:29muli niyang isinabuhay.
01:31Sa pamamagitan ng palibring gulay, fresh from Benguet.
01:36Alam naman po natin lahat na may crisis sa oil.
01:41Medyo bumaba na yung oil, pero it's still expensive for our farmers.
01:46Nakita po nila mama yung situation po doon na madaming nakatambak na cabbage.
01:51So naisipan po nilang tumulong ulit sa farmers
01:53as we've done this initiative multiple times before.
02:01Nasaksiyan daw kasi mismo ng kanilang pamilya
02:04nang minsang pumunta sa Benguet
02:06kung paanong toneto nila ng gulay
02:09ang nabubulok at itinatapon na lang sa isang tabi.
02:13Instead po naitapon po nung mga farmers
02:15or pabayaan na lang po masira yung gulay,
02:18binibili na lang po ng Fashion Depot yung vegetables nila
02:22at saka dinidistribute po sa communities.
02:27Nahirapan daw ang mga magsasaka sa Benguet
02:29na ibiyahe ang kanilang mga produkto
02:32dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
02:35Nagka-oversupply po ng vegetables sa Benguet,
02:38sa Ifugao, Mountain Province.
02:39Saka po, dun po bumagsak yung prices ng vegetables.
02:45Gano'n na lang daw kalapit sa puso ng pamilya ni Chad
02:48ang Benguet Farmers
02:50dahil tubong sagada raw sila.
02:52At ang kanyang mga magulang,
02:55dati rin mga magsasaka
02:56bago pasukin ang ibang negosyo.
02:59Naisipan po nila mamang pumasok sa ukay business.
03:03Dun po sila mamang nag-grow.
03:04Then while growing,
03:06naisipan din po nila mamang tumulong
03:08sa mga nangangailangan.
03:10Oo, ito ako.
03:11Ang tamit na.
03:12Dito kayo.
03:13Dito naman yung pago.
03:14At ang panata nila,
03:16sa paglaki ng natatanggap na biyaya,
03:19damihan din ang tulong sa kapwa.
03:21Before, kasi malinit lang po yung binibigay namin,
03:24mga 7 tons, 8 tons.
03:26Ngayon, nag-increase na po siya
03:27to 30 to 40 tons.
03:29Ang sustansya ng pagtulong ng pamilya ni Chad,
03:33nakaluwas din dito sa syudad.
03:35Ito na nga at mamamahagi na naman sila ngayong araw.
03:39Aakalain mong tila isang blockbuster movie
03:42ang pila sa labas ng kanilang ukayan.
03:48Ang kapuso nating si Anna Joy,
03:51matyagang pumila matapos mabalitaan sa kanilang lugar
03:54ang paminigay ng libring gulay.
03:57Hindi po namin ma-afford minsan mabili
04:00dahil sa kakulangan ng budget.
04:01Malaking kabawasan na raw sa mga gastusin ni Anna Joy
04:05ang libring gulay,
04:06lalo pat na lalapit na ang muling pagbubukas ng klase.
04:10Ito pong pagkain na ito ay malaking tulong na po ito sa amin
04:14kasi aabot po ito ng hindi lang dalawang araw
04:16para pang ulam-ulam naming pamilya.
04:19Ang senior citizen namang si Aling Leticia,
04:22hindi alintana ang init ng panahon.
04:26Sumugod at nakipila rin.
04:28May mga kapitbahay ako na pinuntahan sa bahay.
04:31Sabi niya,
04:32Nay, punta ka doon.
04:33May nagbibigay ng libring gulay.
04:46Ayon kay Nanay Leticia,
04:48malaking tulong ang ganitong pamamahagi ng libring gulay
04:51dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
04:56Sayang din, blessing ng Panginoon yan.
04:58Di puntaan ko.
04:59Siyempre yan, lalo sa panahon natin.
05:01Magulo ang bansa natin dahil sa nangyayari.
05:03Hindi natin malaman kung anong sitwasyon natin mangyayari sa darating na panahon.
05:08Ang mga nakatanggap ng libring gulay,
05:10labis-labis ang pasasalamat sa pamilya ni Chad.
05:14Malaking tulong kasi makakatipid.
05:16Siyempre, para hindi ka na gano'ng magbibigay gastos pang iba.
05:20Sa hirap ng buhay, mahal yung mga bilin, lalo yung gasolinang.
05:23Paabot na ito ng mga dalawang araw, tatlong araw.
05:25Ang pamilya ni Chad, malaki raw ang pasasalamat sa kanilang ukayan business.
05:30Dahil daw kasi sa biyaya nito, nagkakapondo sila para tumulong din sa ibang tao.
05:37Kung nakikita po kasi naming nakangiti sila, masarap din po sa pakiramdam.
05:41Kasi nasasayahan po kami na nakakatulong kami sa mga nangangailangan at nakakapagtakain pa po kami.
05:48It's time to help each other.
05:51Most especially na may crisis ngayon, kailangan po natin magtulungan talaga.
05:57Ang kwento ni Chad, nagpapatunay na sa panahon ngayon,
06:02buhay pa rin sa puso ng mga Pilipino ang pagtulong.
06:09Dahil ang tunay na lakas ng isang bansa,
06:15hindi lang nasusukat sa tibay ng loob.
06:22Kundi
06:23sa kakayang umalalay
06:26sa kapwa.
06:31Feel Good Saturday!
06:33Yan ang hatid namin sa inyo ngayong Sabado, dito sa Good News.
06:37Magandang gabi, ako po si Vicky Morales.
06:40Dating mag-asawang dalawang dekada ng hiwalay,
06:43muli kayang magsasama para sa graduation ng anak.
06:47Napaiyak ako sa stage.
06:49Sobra, sobra yung joy na feel ko.
06:53Ito na yung parang inantay ko for almost 20 years.
07:03Chicha, but make it healthy.
07:05Ito ang Mongo Chips for You.
07:08Hindi ko akalain na ang mongo is pwedeng gawing mongo chips pala.
07:11Hindi lang pala siya pang gulay talaga.
07:14Pwede rin pala siya pamalit para maging pang snacks natin.
07:20Proud tatay moment dahil sa pagka-clown at magician,
07:25eh napag-aral ang kanyang anak.
07:27Manda ko po talagang gawin lahat para sa inabukasan po ng mga bata.
07:31Magpasaya ko po sila at saka masustain ko po talaga lahat ng kailangan nila sa buhay nila.
07:38Ang ultimate wish daw ng estudyante nito,
07:41makasama sa kanyang graduation ang kanyang mga magulang na dalawang dekada ng hiwalay.
07:47At sa kanyang graduation, ang bata, eh napaiyak.
07:51Bakit kaya?
07:53Gaanong kadalas mong nakakasama ang iyong mga magulang?
07:57Ang naaalala ko po ay si Tita po yung kumuha neto
08:00kasi mahilig po siyang mag-capture ng moments.
08:04Itong picture po na naka-shades ako,
08:07si Tita din po ang kumuha during her visits po sa akin.
08:13Ito po yung nagregalo po sa akin si Papa ng Barbie.
08:18Sa pagtatapos ni Nicole sa kolehyo,
08:21ang makasama sa entablado ang mga magulang,
08:24graduation gift na raw para sa kanya.
08:28Ang mga magulang niya kasi,
08:30dalawang dekada ng hiwalay.
08:32Kaya gano'n na lang ang iyak niya sa gitna ng kanilang picture-taking.
08:42Teenagers pa lang daw nang magkakilala ang mga magulang ni Nicole
08:45na sina Temi at Royd sa Aklan.
08:48From Manila talaga ako.
08:50Tapos nag-transfer kami dun for college.
08:53So merong subject na mag-classmate kami.
08:56Typical naman daw na magnobyo at nobya si na Temi at Royd.
09:00Pero sa hindi inaasahang pangyayari,
09:03si Temi, nabuntis.
09:05Hindi talaga ready.
09:07At the age of 19,
09:09dala ng kabataan.
09:11Hindi man handa,
09:13wala naman daw papantay sa kaligayahan ni na Temi at Royd
09:16nang makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
09:20Pero dahil mga batang naging magulang,
09:23tutol daw noon ang kanilang magulang na sila'y magsama.
09:28It just so happened na bata kami,
09:29nagiging involved na yung parents namin.
09:32Para mabuhay silang mag-ina sa Maynila,
09:35kinailangang magtrabaho ni Temi bilang medical secretary.
09:39Dahil sa trabaho,
09:40napilitan siyang iwan ang anak sa mga magulang sa Aklan.
09:47Samantala,
09:48hindi rin daw madalas makasama ni Royd
09:50ang anak noon sa Aklan.
09:52Bala yung bata pa siya,
09:53binibisita namin siya kay lola niya
09:55doon sa Alta Bas.
09:56Kasi si Nicole,
09:57doon lumaki sa Alta Bas.
09:58Medyo malayo,
09:59mga one hour something yung biyahe.
10:02Kahit malayo sa mga magulang,
10:05lumaki naman daw ng maayos
10:06at mapagmahal si Nicole
10:08sa piling ng kanyang lolo't lola.
10:11Pili ko yung mga naging sacrifice niya po sa akin
10:13is yung oras na tinake niya
10:17para palakihin po ako
10:19and yung efforts po na binigay niya po sa akin.
10:23Lumaki man sa broken family,
10:25niminsan,
10:27hindi raw nagkimkim ng galit si Nicole
10:29sa mga magulang.
10:31Maging sa kanya-kanyang pamilya
10:33ng kanyang Papa Royd at Mama Temi,
10:35malapit din naman daw siya.
10:37Sa akin po,
10:40they're the best.
10:41They're the best parents I've ever had.
10:43Sabihin man natin na hindi ko sila kasama.
10:45Pero hanggat makakayan nilang supportahan ako,
10:48sinusupportahan po nila ako.
10:50So, kahit ganun,
10:52hindi sa akin naparamdam
10:54ni Mama siya ni Papa
10:56na neglected ako.
10:58Puno man ang pagmamahal sa puso si Nicole,
11:01hindi rin daw niya maiwasan
11:03na malungkot paminsan-minsan.
11:07Hindi naman sa ingget in a negative way,
11:11pero siyempre parang
11:13naglulong ka din naman
11:15ng care ng parents mo.
11:17Siyempre, iba pa rin yung care
11:19na nandyan yung my mom mo
11:21and yung father mo na magkasama talaga.
11:24Kaya sa kanyang graduation,
11:26ang tanging hiling daw ni Nicole,
11:29makasama ang kanyang parehong mga magulang.
11:32Humihirit lang ako sa kanya na,
11:34Pap, punta ka ng ano,
11:36punta ka graduation po.
11:37Gagano'n lang.
11:38Tapos sasabihin niya lang yan sa akin na parang,
11:41Nick, wala kasi mong babantay sa lolo mo eh.
11:44Or kung hindi naman,
11:45mahal kasi yung ticket.
11:46Sabihin ko lang,
11:47okay po, Papa, sige po.
11:48Sila tita na lang.
11:50Magano'n na lang po ako.
11:51At sa araw nga ng graduation ni Nicole,
11:54present ang kanyang ina,
11:57lola,
11:57at mga tita.
12:00Hindi na raw niya inasahan ang pagdalo ng ama.
12:05Pero laking gulat niya na dumating ang ama.
12:10Sobrang, sobrang saya ko na nalun siya.
12:14Ito na rin daw ang naging daan para si Natemia Troyd
12:17e muling magkausap.
12:19Peace, Bob.
12:20Ganang, kamustahan?
12:21Ganang.
12:22Ikaw na yung umakit sa stage.
12:24Sabi kong ganun.
12:25Para magsabit ng medal ka in call.
12:28It's the communication as of April 11, 2026.
12:32Buyo, Nicol Vines and Armino.
12:35Best in research.
12:38Gabi po yung joy na naramdaman po.
12:42Andun silang dalawa.
12:43Parang enough na nga po sa akin yun.
12:45At ang taning hiling na makumpleto ang pamilya.
12:49Dream come true.
12:51Sealed with a family picture.
12:53Napaiyak ako sa stage.
12:55Hindi na ako nahiya nung mga time na yun.
12:57Kasi sobra yung joy na feel ko.
13:01So, okay na.
13:04Sobrang, eto na yung parang inantay ko for almost 20 years.
13:09O teka, hindi pa tapas ang graduation present, Nicol, ha?
13:15Hi, Nicol.
13:17Alam mo naman na matagal din tayo hindi nagkasama.
13:20College lang.
13:21Nagkasama tayo ng college ka.
13:23Alam ko, maraming moment sa buhay mo na hindi mo ako kasama.
13:27Hinayap na mama.
13:28Maraming akong na-miss out ng mga events sa school.
13:32Pero alam mo naman, yung pinakahihintay kong moment is yung college.
13:36Yung makakit sa stage.
13:39Proud na proud ako sa'yo.
13:40Ani, congratulations.
13:43Hindi mo lang ang mga nakabinasaya.
13:47At we are so proud of you.
13:49Na nakapagtapos ikaw na mag-aaral.
13:52Kahit broken tayo.
13:56Magfocus yun sa goals mo.
13:58Sa trabaho mo.
14:02Lagi kutuntaan.
14:05Mahal na mahal na namin.
14:07Mag-iingat ka palagi.
14:10I love you.
14:12Thank you po.
14:14Ito rin ang munting graduation gift ng good news.
14:17Naging proud po kayo sa'kin, sa mga na-achieve ko.
14:21And hindi lang naman po para sa'kin yun, of course.
14:24Para din po sa kanila.
14:26Sabi nga nila, the most valuable thing in the world ay ang oras.
14:32Kaya ating ilaan ang panahon para sa pamilya.
14:36At iparamdam kung gaano natin sila kamahan.
14:43Anong ulam niyo kahapon, mga kapuso?
14:46Isa ba kayo sa mga naki-munggo Friday?
14:50Yung mainit-init at umuusok-usok pa.
14:53Wow.
14:53Pero paano kung sabihin ko sa inyo na ang munggo, hindi na lang masarap iulam.
14:59Abay, pwede rin daw lang takan at inerienda.
15:03Wow.
15:04Mahilig din ba kayo sa chicha?
15:06Huwag na raw mag-worthy dahil may chicha na rin daw na mas pina-healthy, sing-sarap at sing-yummy.
15:12Pero good for your health ang munggo chips.
15:17Dito sa Sariyaya, Quezon, ang pinapapak ng mga tao, munggo chips.
15:24Chicha, but make it healthy ang peg dahil mayaman lang naman daw ito sa protein, fiber at nutrients na good
15:31for digestion.
15:33Ang may pakulu niyan, walang iba kundi si Cedric, na hands-on welding trainer ng isang training center sa umaga
15:41at certified munggo chips maker naman sa gabi.
15:46Graduate ng teacher education, major in TLE or technology and livelihood education si Cedric.
15:54Ito rin daw ang linya ng kanyang tinuturo bilang trainer.
15:58Nung bata po kasi kami, tinrain na kami ng magulang namin na humanap ng pagkakakitaan.
16:04Dahil hilig ang pagluluto, ito na rin daw ang naisipan niyang gawing stepping stone.
16:10Ever since po, mahilig na po talaga akong mag-embento o magluto-luto sa bahay.
16:16Nung nagsagawa ko ng research, chips po yung mas madaling ipadala.
16:22Sumubok ng iba't ibang chips hanggang nitong Sepyembre ng nakaraang taon,
16:27nabasa niya raw online ang tungkol sa potensyal ng munggo para maging chips.
16:32Minsan, umaabot po ako ng alas 12, madaling araw, bago po matapos sa pag-embento o pag-de-develop nitong
16:41aking munggo chips.
16:43Tapos, ang kahihinatlan lang po ay mauwi lang po sa hindi maganda yung lasa.
16:49Pero si Cedric, hindi raw susuko kahit pa lumuhod siya sa mga butil ng munggo.
16:56Matapos ang ilang subok, na-perfect niya ito.
16:59Pumatok naman daw ito sa halagang 89 pesos per pack.
17:04Aminado raw si Cedric na hindi naging madaling pagsabayin ang pagtuturo at pagnenegosyo.
17:10After kung mag-out sa work, siguro pahinga po ako ng at least one and a half hour.
17:16And then, saka po ako nagpo-proceed dito sa production area namin.
17:22Pinaghalo-halo ang mga ingredient hanggang mabuo ang dough.
17:26Ito na po ang kalalabasan ng ating dough.
17:30After pumasahin, ipaplatin naman po natin ng mano-mano using rolling pin.
17:35And after that, isasalang na po natin sa machine.
17:42Hiniwa para mas madaling kainin.
17:46After that, isasalang na po natin sa kumukulong mantika para makrito na po yung ating dough.
17:52Hinayaang mag-golden brown, saka hinango para lagyan ng flavoring.
17:57Merong barbecue, cheese, sour cream, spicy at yung classic version.
18:09First time kumakatikim nyo ito, sir, kasi agad, ang masarap ng lasa niya.
18:14Crunchy.
18:14Mas masarap siya kung may sopa, bagay siya sa sopa.
18:18Noong una, hindi ko akalain na ang mungo is pwedeng gawin mungo chips pala.
18:22Hindi lang pala siya pang gulay talaga.
18:25Pwede rin pala siyang maging pamalit para maging parang snacks natin.
18:29Ang mga katrabaho niya, proud na proud naman daw sa kanilang kasamahan.
18:35Hindi man ganun kalaki pero at least nakikilala na unti-unti yung kanyang business.
18:40Sa ngayon, kumikita ang mungo chips business ni Cedric ng 10,000 pesos kada buwan.
18:47Hindi raw bahay o lupa ang kanyang mga naipundar, kundi mga kailangan para mapalaki ang kanyang negosyo.
18:55Way to go, Cedric!
18:57Mungo chips po!
18:58Gusto ko po sana makaabot sa ibang bansa.
19:01Nang sa ganun, maipagmalaki po natin bilang isang Pinoy na tumatagos po o lumalagpas po sa Pilipinas yung ating produkto.
19:11Naway magsilbing inspirasyon si Cedric sa ating mga kapuso.
19:15Huwag matakot sumubok.
19:17Kahit pa, sagabutil ng munggong pag-asa.
19:20Pwede pa rin bumuhos ang grasya.
19:30Ang pagpapalaki at pagpapaaral ng anak, parang magic trick din yan.
19:35Kailangan ng diskarte, tsaga, at minsan ekstra pang kayod.
19:40Pero para sa mga magulang,
19:42kaya gawin ng kahit anong show, maibigay lang ang magandang kinabukasan ng mga anak.
19:48Handa ko po talagang gawin lahat para sa kinabukasan po ng mga bata.
19:52Magpasaya ko po sila, tsaka masustain ko po talaga lahat ng kailangan nila sa buhay nila.
20:01Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng anak na ito matapos ang kanyang enrollment sa pribadong kolehyo.
20:07Ang kanyang ama kasi, naitaguyo daw siya sa pagpapayaso.
20:11The man behind everything. Thank you sa paglaban kasama ko for a better future, daddy.
20:16Pangarap na school at course ng anak.
20:18Natupad ng isang ama dahil sa kanyang pagka-clown at magician.
20:25Siya si Lawrence o mas kilala bilang The Better Show.
20:30Alright, are you guys ready for the magic show? Everybody say yes!
20:35Hindi man daw, hindi lang sa lugar nila sa Kaluokan, kundi kung saan-saan.
20:39From Friday hanggang Sunday po, nagma-magic show po ako.
20:4320 years na po bali akong performer sa kiddie party industry po.
20:47Ang pinakamasarap daw sa kanyang trabaho, ang makitang nag-i-enjoy ang mga tao.
20:52It's a kind of animal that starts with letter D.
20:55It's a dinosaur.
20:58What is dinosaur?
20:59That is impossible because dinosaur do not exist anymore.
21:05Sobrang sarap makita ng mga tawanan ng mga bata, tsaka yung palakpakan po nila.
21:11Pero kinagigiliwan man ngayon, ang totoo raw, malayo sa pagiging entertainer ang pangarap niyang trabaho noon.
21:18Pangarap ko po, makapasok po sa PNPA.
21:20Mga pag-polis, nakakuha na po ako ng application, tapos nakapag-exam na.
21:24Ang hinihintay ko na lang po yung edad ko kasi 18 years old po bago makapasok.
21:28Pero ang pangarap, kinailangan niya munang isang tabi.
21:31Sa edad kasing 17, maagang naging ama si Lawrence kay Felicity.
21:36Sabi po kasi sa amin, pag may anak ka, bawal na pong kumasok sa academy.
21:40Dahil may pangangailangan na si baby, sumubok siyang magpayaso.
21:44Dito po sa lugar namin, mayroon pong isang nag-introduce namin ng ganitong trabaho.
21:48Kumukuha po sila ng mga assistant.
21:50Diyo may po yung nag-aabot ng mga gamit, tapos nagpa-play ng mga music, naglalagay ng mga lobo sa
21:55upuan.
21:56Dahil bata pa rin noon, si Felicity, itinago raw niya.
22:00Tinago ko po siya ng matagal.
22:01Pag may chance lang, tsaka lang po ako pupunta dun sa mama niya para po mabisita po siya.
22:05Nakilala po siya ng parents ko.
22:07Magpo 4 years old na siya.
22:08Pero baby pa naman po siya.
22:10Ang ako, baka dinadamdam niya hanggang ngayon.
22:12Dahil baguhan, hindi raw kalakihan ang kinikita niya na nasa 200 piso.
22:17Nagkaklaw na po ako nun, pero madalang lang po.
22:19Karoon na po ng mga kailangan po para sa kanya, diaper, gatas.
22:23Pero para sa anak, lahat gagawin ni Lawrence.
22:26Inaaral ko po ng mabuti kung ano yung mga routine nila, kung ano po yung kailangan nila sa party.
22:31Hanggang naging leader po ako, ang pinaka-aalala ko po is 300 to 500.
22:36Habang lumalaki si Felicity, naghiwalay ang kanyang mga magulang.
22:39At napunta siya sa pangangalaga ng ama kung saan nagkaroon din siya ng mga kapatid.
22:45Siya yung cool dad. Close kami ni daddy.
22:47Nasabi ko sa kanya lahat, nagagawa namin lahat, na hindi awkward.
22:51Si Lawrence, hindi naman daw binigo ng langit.
22:54Meron pong isang naka-discover po sa akin.
22:58Naririnig niya daw na nag-host ako.
22:59Tapos sabi niya, gusto mong i-consider na mag-work sa akin.
23:02Ito na rin daw ang nagbukas ng pinto kay Lawrence para mag-level up.
23:07Mula sa pagiging clown, to magician, and party host.
23:12Say happy birthday, Aria!
23:13Happy birthday, Aria!
23:15Yeah!
23:16Times 20 or times 30 pa po yaka tayong increase nung sound ko.
23:20Kaya po nalula ako dun sa offer.
23:22Nakabuo ng sariling grupo at mula sa dating pa-isa-isang daang kita.
23:27Parang magic na nga umaabot na sa five digits per show ang naiuuwi nila.
23:32Sa tulong na rin ni Lord, binigyan ka niya ng ibang chance para ma-sustain namin yung needs ng family
23:38namin dun sa trabaho ang ginagawa namin.
23:40Uwian na!
23:43Done!
23:43Three shows!
23:44Pumaldo sa kita, pero dahil sa kakakayod, lalo na tuwing Sabado at Linggo,
23:50hindi raw maiwasan na malimitahan ang oras niya sa mga anak.
23:54Sinasabi ko po dati noon, punte pa yung ibang bata, yung mga birdie nila, nandun si daddy.
23:59Tapos sabi magkakapatid, minsan nun lang maging available siya.
24:03May nakakompare ko pa na, mas mga kaya ni daddy ibang bata kaya sa amin.
24:07Nakakalungkot mama actually kasi po, pag nakita kong ganda ng party nito, tapos birdie naman ako, wala malang decoration.
24:13Para makabawi, tumupuslit pa raw noon ng loot bag si Lawrence para may ma-uwi sa mga anak.
24:19Uy, kunin mo yung loot bag, sasaya yung anak ko, ina-expect yan.
24:22Pero abang tumatagal po, nakokonsensya na po ako.
24:24Ang ginagawa ko po, bago po ako ma-uwi sa bahay, bumibili ako sa mga sari-sari store ng mga
24:29candies
24:29para isipin nila na galing yan sa party.
24:32Masaya po ka man dyan, nag-aagawan pa ka man dyan ng magkakapatid.
24:35Kasi minsan, ang nauuwi niya lang is isa or dalawa.
24:38Paunaan ang sumalubong mga daddy.
24:40Pero kung meron daw pinakahindi malilimutang tampo si Felicity sa ama?
24:45Moving up, graduation ceremony.
24:46Siya yung kasama ko, umakit ng stage.
24:48Dahil di niya lang din po sinabi na hindi siya makakarating.
24:51Syempre may konting kirot na sana siya yung nandun.
24:54Kailangan ko po bumawi sa kanila para lang po mawala rin po yung guilt sa puso ko.
24:58Saan niyo gusto? Anong gusto mong kainin?
25:00Para ma-explain ko rin po sa kanila yung trabaho.
25:02Medyo mahirap po at first, pero eventually natanggap naman nila na gano'n na po yung setup.
25:07Nang magkolehyo si Felicity, ang napusuan niyang kurso, veterinary medicine.
25:12Ang kaso, may kamahala nito.
25:14Medyo nag-aalangan po ako na magsabi sa kanya kasi may pagkamahal.
25:18Try ko lang mag-exam.
25:19Eh, nakapasa po ako nun.
25:21Tsaka ako lang sinabi sa kanya nun, nung pumasako.
25:23Honestly, ma'am, natakot ako kasi hindi ko alam kung kaya ko siyang i-sustain.
25:27Kaya lang po, bilang tatay niya,
25:29parang nalungkot po kasi ako yung second choice lang yung course na gagawin niya.
25:34Meron naman po na public.
25:35Kaya lang po sa Iloilo, sa Mindanao, sa Baguio.
25:38Ako naman po yung nalungkot sa part na yun kasi hindi ko naman po kayang makita siyang lumayo.
25:43Dinalingan ko na lang din po siguro sa trabaho, tsaka po diniinan ko po yung dasal.
25:47Gusto na nayo ka na? Boyfriend mo. May boyfriend ka na ba?
25:50Kung meron man daw kasi siyang higit na gustong pasayahin, yan ay walang iba kundi ang anak na si Felicity.
25:57Sobrang proud po na ganun po yung naging trabaho.
25:59Kasi nga po dahil po sa trabaho na to, nabigay ko po yung kailangan po ng family ko.
26:07Kaya ngayong araw, awat muna sa pagpapasaya ng iba si Lawrence.
26:14Dahil siya naman ang bisita sa special handaang ito.
26:17Kambanding po natin to. Lagi tayo nagkumakain sa labas.
26:21So this is our little thank you gift for you.
26:25Paawidin?
26:25Yes.
26:27Sana po magustuhan nyo.
26:28Sige, sige.
26:29Surprise!
26:32Thank you po.
26:37Matapos ang kainan?
26:39Welcome to The Good Lang.
26:43The Good Showman.
26:45Tatry ko lang kung kaya kitang abutin.
26:50Blow.
26:52Blow.
26:53Bow.
26:56Oh, drawing.
26:59Blow again.
27:00Blow.
27:03Dang!
27:06Palakpa ka naman dyan.
27:09Blow.
27:13Oh.
27:17Sabihin nyo, surprise.
27:18One, two, three, go.
27:19Surprise!
27:20May palutbag pa, ha?
27:22Hindi na kami mag-agawan.
27:24Yan.
27:25Favorite ni Daddy.
27:27Honey bar.
27:29Favorite po din ni Daddy.
27:30Thank you so much po dito.
27:31Super, super, thank you po talaga sa lahat ng effort at sacrifices mo para sa amin.
27:36Malaki na po yung parang naiambag niya sa buhay namin, isa't isang mga kapatid.
27:41So, promise ko rin po sa'yo na pagbubutiyan ko pa para painga ka na.
27:48Thank you, thank you.
27:49Groupa, groupa.
27:50Yay!
27:52Happy birthday, Daddy!
27:55Sabi nga nila, hindi madali ang maging magulang.
27:58Pero kapag mahal mo ang mga anak mo, kaya'ng gawing magic ang lahat ng pagod.
28:05At para kay Lawrence, sa bawat palakpak na narinig niya sa party, mas matunog pa rin ang tawag na Daddy.
28:18Naway na-inspire po kayo sa good news na hatid ng aming mga kwento.
28:22Hanggang sa susunod na Sabado, ako po si Vicky Morales.
28:25Tandaan, basta puso, inspirasyon at good vibes, siguradong good news yan.
Comments