- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Coulter.
00:03Live mula sa GMA Network Center, ito 24 Horas.
00:15Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:19Imbis na makahanap ng kalinga, napabayaan na umano ang 17 senior citizen na sinagip mula sa isang care facility sa Bukidnon.
00:29Nang lilimahid sa dumi at nakasusulasok ang amoy ng pasilidad na nabistong hindi rin reyestrado.
00:36Nakatutok si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
00:42Paano kung ang iyong tinutulugan katabing katabi mismo ng inidoro at ang papag na mga silid nang lilimahid?
00:53Ganyan umano ang nararanasan ng mga inaalagaan ng senior citizen's care facility sa Maramag Bukidnon.
01:01Masakit sa mata ang mga dinatnan na mga tauhan ng DSWD Northern Mindanao.
01:07Pero lalo naman umano sa ilong dahil sa nakasusulasok na amoy.
01:12Inireklamo ito ng mga concerned citizen at ng mga kaanak ng mga senior citizen na nasa pasilidad.
01:19Labing pitong senior citizen ang nirescue.
01:22Dalawa ang kinuha ng kanilang mga kaanak.
01:24Habang ang iba, nasa pangangalaga na ng DSWD.
01:28Nakita agad na ito, wala'y kapasidad na magpadagan ang mga nagdumalaanin.
01:33Para nindot na servisyo ilang mahatag sa mga kliyente at ilang foundation.
01:40Hindi rin umano maayos ang pag-aalaga sa mga senior citizen.
01:45Wala rin umano mga social workers o medical personnel ang care facility.
01:50Kaya walang kakayahang tumanggap ng mga kliyente.
01:53Dugay na daw kunin na sila nga nag-operate.
01:55Murag somewhat 2016 pero balhin-balhin sila o mga area.
02:01Tapos ang first nila, Kibawi, dayon.
02:06Murag mga around 2022 to 2023 daw sila nibalhin sa kining maramag.
02:13Pero kanagid siya sir no, ongoing pang-amuang pag-validate yun sa tanan.
02:17Bukod sa mga paglabag, itinuturing na iligal ang operasyon ng care facility kaya ipinatigil na.
02:25Hindi kasi rehestrado ang pasilidad.
02:27Inaalam na ng DSWD kung modus ba ng pasilidad ang magpabayad sa mga gustong magpaalaga sa mga kaanak nilang senior citizen gaya ng sumbong ng ilan.
02:38Gayon din ang paghingi ng donasyon mula sa iba't ibang donors.
02:43Yan ay kulang sa kakayahang mag-alaga.
02:46Hinihinga namin ang pahayag ang may-ari ng pasilidad.
02:49Pero sabi umano nito sa DSWD, iniiwan lang sa kanila ang mga inaalagaan.
02:55Sa ilang pang-inguan ay mga senior nga ibilin sa ilang mga pamilya na apoy mga senior nga nakita ra o nianha lang daw di ra sa ilang gidawat o nakita wala nakabaluon sa on pag-uli.
03:10Mauna siyang ilang gidawat sa ilang facility.
03:14Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Cyril Chavez, nakatutok, 24 oras.
03:23Muling niyanig ng malakas na lindol ang Mindanao.
03:27Magnitude 6 ang naitala sa General Luna sa Surigao del Norte at naramdaman yan sa mga kalapit na probinsya.
03:35Kamustay natin ang sitwasyon doon sa pagbabalik live ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
03:41Cyril.
03:45Yes, Vicky, sa lakas na ng lindol na nabanggit mo.
03:49Naramdaman yan rito sa Kabadbaran City Agusan del Norte kahit pa ang epicenter ay nasa Surigao del Norte.
03:55Kaya nga suspendido ang klase sa lahat ng level rito ngayong araw.
04:06Napatakbo ang mga batang bumibilis sa tindahang ito sa Cortes Surigao del Sur.
04:11Dahil sa naramdamang pagyanig, naranasan din yan sa Bayan ng Kantilan.
04:22At nagdulot ng pinsala tulad sa isang bahay sa Bayan ng Sison, ang epicenter ng lindol na itala sa General Luna, Surigao del Norte, alas 7-3 ng umaga.
04:37May lakas itong magnitude 6 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o FIVOX.
04:43Binulabog nito ang isang restaurant doon.
04:49Wala namang matinding pinsala sa bayan ayon sa munisipyo.
04:54At walang sinyales ng tsunami sa coastal areas.
04:57Pero inactivate pa rin ang mga emergency response units.
05:02At nagbukas ng mga evacuation centers sa mga gustong lumikas.
05:06Naghanda na rin ng mga ipapamahaging relief goods para sa kanila.
05:10Wala namang na-report na na-injured mayor noon na tumba ba during the...
05:16So far, wala naman sir.
05:19Wala ka, walang mga reports na ganun.
05:22Okay lang po naman.
05:24Intensity 5 ang naramdaman sa ilang lugar, sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.
05:30Intensity 4 naman sa iba pang bahagi ng Surigao del Norte at Surigao del Sur, pati sa Agusan del Sur.
05:36Guys, clean up guys.
05:40Gaya sa kuhang ito sa bayan ng San Francisco.
05:44Ramdam din ang pagyanig sa Davos City, kaya nagsilabas ang mga empleyado ng isang BPO.
05:50Intensity 4 din sa Butuan City, Dinagat Islands at Southern Leyte sa Visayas.
05:56Intensity 3 sa ilan pang lugar sa Agusan del Norte, Surigao del Norte at del Sur, Leyte at Southern Leyte.
06:03Intensity 2 naman sa ilan pang lugar sa Surigao del Sur, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camigin, Davao de Oro at iba pang lugar sa Visayas.
06:13Samantala, Vicky at mga kapuso, ipapakita ko lamang yung nagviral na bitak dito sa Kabadbaran City Bridge kaninang umaga.
06:25Ang kumakalat kasi ng informasyon kaninang umaga mga kapuso ay nabitak umano itong parte ng Kabadbaran City Bridge dahil sa lindol kaninang umaga.
06:35Pero ayon naman sa City Hall ay hindi ito dahil sa lindol kaninang umaga at lalo na kahapon pa sinimulan na itong kumpunihin.
06:42Kaya nga nakikita natin rito ngayon na isimento na yung parte kung saan makikita yung pagbiyak.
06:50Ang ipinapatupad naman ngayon ng mga pamahalaan rito ay one lane traffic kung saan itong lane lamang na walang nakitang pagbiyak sa tulay ang pinadadaraanan ng mga sasakyan.
07:04Ito'y upang maiwasan na matamaan ng mga mabibigat na sasakyan yung kakukumpuni lamang na bitak na bahagi nitong tulay.
07:13At yan ang latest mula rito sa Kabadbaran City, Agusan del Norte. Vicky.
07:18Maraming salamat at ingat kayo dyan, Seidel Chavez ng GMA Regional TV.
07:23Nianig naman ng magnitude 5 na lindol ang Ilocos Norte pasado las 4 ng hapon kanina.
07:29Ayon sa Feebox, naitala ang epicentro ng lindol sa bayan ng Burgos.
07:32Naramdaman ang Intensity 3 sa bayan ng Bakara, Intensity 2 at Intensity 1 sa iba pang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.
07:42Wala pang 20 minuto. Nianig din ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Pagudbud.
07:48Bago pa ang inaasahang hagupit ng bagyong ramil, ilang lugar na ang nakaranas ng masamang panahon dahil sa thunderstorms at easterlies.
07:58Sa Davao City, Muntik Matangay, nang rumaragas ang ilog ang isang rider.
08:03Nakatutok si JP Soriano.
08:08Tumataas na ang lebe at lumalakas ang agos ng ilog sa barangay Tawan-Tawan sa Davao City
08:14nang subukan itong tawirin ng isang lalaking nakamotorosiklo.
08:18Pero bigo siya nang matumba ang motorosiklo.
08:20Na hindi niya agad binitawan para di matangay.
08:28Kinailangan siyang kumbinsing bumitaw na.
08:33Tuluyang tinangay ng ragasan ng ilog ang motorosiklo.
08:36Kinabukasan, natagpuan ang motorosiklo sa mga bato na ilang metro ang layo.
08:43Kumusta experience ni ma'am?
08:45Pahirapan din ang pagtawid sa ilog ng ilang residente sa Sen. Ninoy Aquino Sultan Kudarat.
08:51Tumaas din kasi ang level nito kasunod ng malakas na ulan.
08:55Ang ilang motorosiklo rin pinagtulungan ng buhatin at itawit.
09:00Ayon sa pag-asa, localized thunderstorm ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
09:06Dahil din sa naranasang pagulan, lumambot at gumuho ang lupa sa bahagi niyan ng UPI Maguindanao del Norte.
09:15Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang naranasan sa ilang bahagi ng Isabela.
09:20Ayon sa pag-asa, easterlies ang nakaapekto at nagpaulan kahapon sa Isabela at ilang bahagi ng Bicol Region.
09:29Gaya ng Daet, Camarines Norte, kung saan malakas na ulan ang bumuhos.
09:35Bagamat walang pagsisikip sa trapiko, bahagyang bumagal ang takbo ng mga sasakyan dahil sa tindi ng ulan.
09:41Halos mag-zero visibility na rin sa ilang lugar.
09:45Dahil naman sa bagyong ramil na inaasaang lalapit at direktang makakaapekto sa Bicol Region,
09:50nakaalerto na ang mga lokal na opisyal ng Viga Catanduanes.
09:54Sinuspindi na rin ng Philippine Coast Guard ang biyahay ng mga sasakyang pandaga sa Catanduanes
09:59at Camarines Norte.
10:01Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
10:08Hindi pa man nakaka-recover sa pagtama ng Bagyong Paulo noong unang linggo ng Oktubre,
10:12pinagkakandaan naman ngayon ng mga taga-aurora ang Bagyong Ramil.
10:17Ano mang oras ay magpapatupad na roon ng preemptive evacuation.
10:20Mula sa Bayan ng Dingalana, nakatutok live si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
10:26Jasmine!
10:30Emil, patuloy na pinag-iingat ang mga residenteng nakatira sa coastal municipalities dahil sa banta ng storm surge.
10:37Samantala, nakahanda ng lumika sa mga evacuation center ang ilang residenteng nakausap natin dito sa Bayan ng Dingalana.
10:44Dahil nakatira malapit sa baybayin ng Dingalana sa Aurora,
10:52nag-iimpakin na ng mga gamit na dadalhin sa evacuation center si Aling Natividad.
10:55Hindi po kami lumilikas kasi tumataas din po ang tubig dito.
11:00Okay, kaya talaga nakamonitor din po kayo ma'am no?
11:04Tapos mayroon po talaga nagsasabi na likas na at mayroon pong mga truck na sumusundo sa amin.
11:10Hindi na rin pumalaot ng karamihan sa mga mangingisda.
11:13Nakatali na ang mga bangka at dadalhin sa SeaWorld bukas para hindi masira ng malakas na hangin at malakas na hampas ng along dala ng bagyong ramil.
11:20Dahil marami ng nawawalang mandaragat ay kaya kinang kailangan pag medyo may lakas na,
11:25owi na agad kami, hindi na kami naghihintay pa nung lakas na panahon.
11:29Simula ngayong araw, nagpatupad na ng no-sailing, no-fishing at no-simming policy sa mga baybayin sa probinsya.
11:35Naka-monitor rin ang iba't ibang LGU sa mga mangingisda para matiyak na walang papalaot.
11:48Nakahanda na ang mga evacuation centers sa iba't ibang bayan.
11:51Nakaposisyon na rin ang mga rescue equipment.
11:53Yung mga nasa tabing gagat ay magkakaroon po ng pre-ending evacuation po.
11:59So mamaya po o bukas po nung umaga.
12:07Emil, simula bukas, posibleng magpatupad ng forest evacuation ng ilang barangay officials dito sa bayan ng Dingalan,
12:14especially doon sa mga residenteng nakatira sa hazard area.
12:17Emil?
12:18Ingat at maraming salamat.
12:20Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
12:23Sabay sa kanyang paghahain ng kontra sa Laysay,
12:34hiniling ng negosyanteng si Charlie Atong Ang na ibalik sa CIDG
12:38ang pag-iimbestiga kaugnay sa mga nawawalang sabongero.
12:42Nagsumiti rin siya ng mga ebidensya para idiin umano ang whistleblower na si Dondon Patidongan.
12:49Nakatutok si Jonathan Andal.
12:51Humarap sa Department of Justice ang negosyanteng si Charlie Atong Ang para maghahain ng kontra sa Laysay.
13:01Dito pinabulaanan niya ang aligasyon sa pitong reklamong isinampas sa kanya kaugnay ng mising sa Bungeros.
13:08Hindi humarap sa media si Ang pero sabi ng kanyang abugado, hindi hiniling ni Ang na i-dismiss ang reklamo.
13:14Sahalip, hiningin itong ibalik ang kaso sa CIDG para maimbestigahan ng anilay tama at patas na paraan.
13:21Kung pag-i-dismiss lang basta yung kaso, magkakaroon pa rin ng duda at suspecha sa isip ng tao.
13:28Kung sino ba talaga may kagagawa ng mising sa Bungeros at nasaan ba yung mga mising sa Bungeros?
13:35Palaging magiging usap-usapan, di ba? Ang nasa likod nito ay si Mr. Ang.
13:41E di mabuti nang maimbestigahan na ng tama para once and for all, mapakita kung sino talaga may kagagawa nitong mising sa Bungeros.
13:50Inihingan namin ang tugon dito ang DOJ.
13:53Ang aligasyon kay Ang, siya umano ang nasa likod ng pagkawala ng mahigit tatlongpong sabungero.
13:59Ang ilan sa kanila, huling na mataan sa labas ng mga sabungan na pagmamayari ni Ang.
14:03Ang isa sa basihan ng reklamo, ang salaysay ng whistleblower na si Dondon Patidongan na noo'y may hawak sa security sa mga sabungan ni Ang.
14:11Pero sa affidavit ni Ang, si Patidongan ang idinidiin niya.
14:15I-prinisinta nila sa DOJ ang video na ito kung saan makikita daw doon si Patidongan bit-bit ang isang nawawalang sabungero.
14:22Although dinideny niya, bit-bit-bit ho niya nakaposas yung isang mising sabungero.
14:30That was the incident ma'am in Malila Arena.
14:34Nakalagay din po ang kontra sa laysay ni Mr. Ang doon kung anong alam niya na talagang mga pangyayari at kung anong tunay na background na kinalakihan ni Dondon.
14:48At kung ano sa ebidensya na aming napangalap ang siyang mga gawain at nagawa ni Dondon tungkol sa mga mising sabungero.
15:01Labing walong pulgadang mga dokumento at isang USB drive ang ipinasaraw na ebidensya ni Ang na susuporta sa kanyang salaysay.
15:11Hinihinga namin ang pahayag si Patidongan pero nauna na niyang itinanggi na siya ang nasa video.
15:15Ang parehong video iprinisinta rin ng CIDG bilang ebidensya laban kay Ang.
15:20Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
15:24May mga inilalatag ng hakbang ang MMDA para maibisan ang sobrang traffic habang palapit ang Pasko.
15:32Kabilang diyan ang pagbabago sa mall hours sa Metro Manila.
15:35Nakatutok si Bernadette Reyes.
15:4069 days na lang, Pasko na.
15:43Wala pa man ang holiday rush, hebigat na ang dalaw yung traffic sa mga kalsada sa Metro Manila tuwing rush hour.
15:50Inaasahang bibigat pa ang traffic habang papalapit ang Pasko.
15:53Ayon sa MMDA, tumataas ng 10-25% ang volume ng mga sasakyan sa Metro Manila tuwing Christmas season.
16:01Sa kasalukuyan, umaabot ng 427,000 ang average daily traffic sa EDSA.
16:07Kaya ang biyahe mula Quezon City, Pamakati, umaabot ng isa't kalahating oras.
16:13Grabe po talaga pag ganyang season.
16:16Walang galawan po yung EDSA eh.
16:17Magana po ng rota pag mga yung going to north or south to north.
16:24Marami naman pong ibang rota na dadaanan.
16:27Kaya naman bilang paghahanda, iuurong ang mall hours mula 11am hanggang 11pm simula sa November 17 hanggang December 25 ayon sa MMDA.
16:37Exempted sa adjusted na mall hours ang mga restaurant, grocery at supermarkets sa mga mall na papayagang magbukas ng mas maaga.
16:46Ang delivery naman ng mga perishable items sa mall gagawing 11pm hanggang 5am.
16:52Para maibisan ng mga bigat na dalin ng traffic po tuwing holiday season, tuwing weekend na lamang papayagan ng mga malakiang sale at ipapabawal muna ang paghukay ng mga kalsada sa Metro Manila.
17:03May mga pabor pero hindi para sa mga maapektong empleyado ng mall tulad ni Abigail.
17:09Nakakapagod din, tas yung biyahe, tas gabi pa. So especially pagbaba eh, nakakatakot na rin gumuhin ang gabi.
17:15Pero wala naman ang magagawa kasi yung nadesisyon na ng government.
17:20Sa supermarket kasi, ano po kami, regular hours pa rin kaya okay pa rin yung hours namin.
17:27Sa Department of Justice, pagkakaiba lang kasi. Yun kasi sa mga gamit kasi po yan. For example po ma'am, sa mga damit.
17:34Tatagal ang adjusted mall hours hanggang December 25, 2025.
17:39Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
17:44Happy Friday, chigan mga kapuso! Usapang mental health at pagmamahal.
17:52Ang topic ng upcoming magpakailanman episode bukas, tampok si Sparkle star Rita Daniela.
17:58At in real life, damang-daman ni Rita ang love dahil sa nagpapatibok ng kanyang puso.
18:04Makichika kay Athena Imperial.
18:05Matapos itanghal na Best Actress sa Sinag Maynila 2025 Independent Film Fest.
18:14Para sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.
18:18Mas inspired magtrabaho ang Sparkle Singer Actress na si Rita Daniela.
18:22One of the juries are talagang very respectable directors sa generation ngayon, which si Direk Zig Dulay.
18:31The fact po na actually manominate ka lang or to even consider, you know, you to run for or be a candidate for like Best Actress is more than enough.
18:41Si Direk Zig Dulay ang director ng multi-awarded winning films na Firefly at Green Boats at GMA Prime Series na Maria Clara at Ibarra.
18:51At kayon din ang GMA Crime Mystery Series na Widow's War kung saan huling nagkatrabaho si Rita at Direk Zig.
19:00Pero masusundan na yan ng episode ng GMA Drama Anthology Series na Magpakailanman.
19:06Excited ako na marami akong matututunan, hindi lamang dun sa paggawa, ulit pa ng mga serie or mga ganitong klase ng drama.
19:15Kapupulutan daw ng aral ang episode sa Sabado na tatalakay sa mental health at ang kahalagahan ng masasandalang pamilya.
19:24This is very actually sensitive but also brave enough para po tahakin to ng magpakailanman.
19:33Madadali rin po ang inyong mga puso dito.
19:35Speaking of puso, blooming at in love si Rita na recently spotted with basketball player Maclaude Guadagna.
19:43Una silang nakitang magkasama sa birthday bash ni Rita noong Setiembre at magkasama rin nanood sa NCAA game at sa pagtanggap ni Rita ng kanyang award.
19:53At kinabahan din ako, never po akong nag-flex ng tao actually publicly.
19:59Hindi makapaniwala that everyone feels so happy for me and for us.
20:04Nang tanungin ko kung ano ang real score,
20:06I think we are exclusively dating.
20:09I think we are, yeah.
20:11We're really enjoying each other's company talaga.
20:15I don't want to rush things.
20:18In good relationship din daw si na Maclaude at anak niyang si Uno.
20:23Uno likes him very much.
20:24That alone tells a lot already.
20:28Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!
20:34footage on door Okay.
20:40The link icon in here is at the description.
20:41You can take your followers to page three before you go.
20:43You can't see each other's company talaga.
20:44See you next time.
20:44Copyright Australian traditions of Bonop
20:46National obviously has shown you on our live in the live in a future,
20:46but it's really about what you want to see.
20:49See you next time.
20:49We'll be on live in the live in this episode.
20:51See you next time?
20:52See you next time.
20:53See you next time.
20:54See you next time.
20:56See you next time.
20:56See you next time.
20:57See you next time.
20:58See you next time.
21:00See you next time.
21:01See you next time.
Be the first to comment