Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, humingi na tayo ng update tungkol sa low pressure area na naging Bagyong Wilma.
00:10Hiyaati dyan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:14Amor, saan-saan ba magpapaulan itong Bagyong Wilma?
00:20Salamat Emil mga kapuso, nakamonitor tayo sa ikadalawampu-tatlong bagyo sa bansa.
00:25Ngayon 2025 ang Bagyong Wilma na nagbabadyang mag-landfall at tumawid sa lupa simula bukas.
00:31Huling namataan ang sentro ng Bagyong Wilma sa layong 575 kilometers silangan ng Katarma Northern Summer.
00:38Taglay po ang lakas ng hangi nga abot sa 45 kilometers per hour at yung pagbugso naman nasa 55 kilometers per hour.
00:45Ang pagkilos po nito ay pa-west-southwest sa ngayon sa bilis na 10 kilometers per hour.
00:50Ayon po sa pag-asa, posible itong mag-landfall dito yan sa Eastern Visayas o di kaya naman sa Dinagat Islands bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga.
01:00Pagkatapos po nito, sunod nitong tatawirin itong iba pang probinsya sa Visayas bago dumaan dito sa Northern Palawan, linggo ng gabi o kaya naman ay sa Lunes ng umaga.
01:10Mga kapuso, pasok sa tinatawag po natin na Area of Probability.
01:14Ito po yan, itong bahagi ng Northeastern Mindanao, Summer and Leyte Provinces, ganun din itong Bohol, Cebu, Negros Island Region, Western Visayas at pati na rin itong Palawan.
01:25So ibig sabihin, posibling ito po yung mga dadaanan itong Bagyong Wilma sa mga susunod na araw kung sakali man po na magkaroon po ng pagbabago,
01:33kung ito ay aangat ng konti o bababa o di kaya naman ay mamay-maintain po yung kasalukuyang pagkilos.
01:39At kung mapapansin din po ninyo, ito po ay medyo kamuka noong naging track ng Bagyong Tino at Bagyong Verbena,
01:45kaya maging aleto pa rin yung mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
01:50Pwede pa rin magkaroon ng pagbabago kaya tutok lang po kayo sa updates.
01:53Sa ngayon, nakataas na ang wind signal number one sa southern portion ng mainland Masbate.
01:59Sa Visayas naman, kasama po dyan ang northern Samar, eastern Samar, Biliran, Leyte, southern Leyte,
02:05northern portion ng Cebu, kasama po ang Bantayan at Camotes Islands,
02:10pati na rin ang eastern at central portions ng Bohol.
02:13Sa Mindanao naman, kasama rin sa ilalim ng wind signal number one,
02:17ang Surigao del Norte, Siargao, Bucas Grande Islands, Dinagat Islands,
02:21northern portion ng Surigao del Sur, at pati na rin ang northern portion ng Agusan del Norte.
02:27Sa mga nabanggit na lugar, posibli pong maranasan yung pabugso-bugsong hangin na may kasamang mga pag-ulana.
02:32Mga kapuso, ito pong wind signal ay tumutukoy po doon sa lakas ng hangin.
02:36Ngayon, pag-usapan naman natin yung mga pag-ulan, lalo po at makaka-apekto rin,
02:40bukod po sa Bagyong Wilma, itong hanging amiha na shear line at pati na rin ang localized thunderstorms.
02:47Base po dito sa datos ng Metro Weather, umaga palang bukas, mataas na yung chance na mga pag-ulan.
02:52Dito yan sa summer and later provinces.
02:55Ganun din sa ilang bahagi ng Bicol Region, pati na rin po dito sa Cebu,
02:59ilang lugar dito sa Negros Island.
03:01May mga kalat-kalat na mga pag-ulan din, dyan po sa may Cordillera Region,
03:05pati na rin sa may Cagayan, Isabela at ilang bahagi ng Mindanao.
03:10Magpapatuloy yan sa hapon at mas mabababad na sa matitinding mga pag-ulan.
03:14Ito pong Eastern Visayas at pati na rin yung Bicol Region.
03:18So makikita po ninyo, meron po nagkukulay orange and pula at meron pang kulay pink.
03:21Ibig sabihin po niyan, heavy to intense na minsan ay halos tuloy-tuloy na mga pag-ulan.
03:26Malalakas sa ulan po yan sa summer and later provinces.
03:29Ganun din dito sa malaking bahagi ng Bicol Region.
03:32Kasama po ang Camarines Provinces, Catanduanes, Albay, Sorsogon at pati na rin ang Masbate.
03:38Pusible din po ang mga pag-ulan dyan sa May Zambuanga Peninsula, Northern Mindanao,
03:43Caraga, Barm at pati na rin sa ilang bahagi ng Soxargen at ng Davao Region.
03:48Ito po ang Soxargen at Davao Region, may mga kalat-kalat po na mga pag-ulan.
03:51May chance na rin ang ulan sa ilang bahagi ng Mindoro Provinces, Quezon at pati na rin sa ilang bahagi pa ng Northern Luzon.
03:59Dito naman sa Metro Manila, hindi pa rin inaalis ang chance na mga kalat-kalat na ulan bukas.
04:05Yan muna ang latest sa ating panahon.
04:07Ako po si Amor La Rosa.
04:08Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
04:18Ako po si Amor La Rosa.
Comments

Recommended