Skip to playerSkip to main content
Muling niyanig ng malakas na lindol ang Mindanao. Magnitude 6 ang naitala sa General Luna, Surigao del Norte at naramdaman ito sa mga kalapit probinsya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling niyanig ng malakas na lindol ang Mindanao, magnitude 6 ang naitala sa General Luna sa Surigao del Norte at naramdaman yan sa mga kalapit na probinsya.
00:11Kamustay natin ang sitwasyon doon sa pagbabalik live ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
00:17Cyril.
00:21Yes, Vicky, sa lakas na ng lindol na nabanggit mo, naramdaman yan rito sa Kabadbaran City, Agusan del Norte.
00:27Kahit pa ang epicenter ay nasa Surigao del Norte.
00:31Kaya nga, suspendido ang klase sa lahat ng level rito ngayong araw.
00:42Napatakbo ang mga batang bumibilis sa tindahang ito sa Cortes Surigao del Sur.
00:50Dahil sa naramdamang pagyanig.
00:53Naranasan din yan sa Bayan ng Kantilan.
01:00At nagdulot ng pinsala tulad sa isang bahay sa Bayan ng Sison.
01:05Ang epicenter ng lindol na itala sa General Luna, Surigao del Norte, alas 7-3 ng umaga.
01:13May lakas itong magnitude 6 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o FIVOX.
01:19Binulabog nito ang isang restaurant doon.
01:25Wala namang matinding pinsala sa bayan ayon sa munisipyo.
01:30At walang sinyales ng tsunami sa coastal areas.
01:33Pero inactivate pa rin ang mga emergency response units.
01:37At nagbukas ng mga evacuation centers sa mga gustong lumikas.
01:42Naghanda na rin ng mga ipapamahaging relief goods para sa kanila.
01:46Wala namang na-report na na-injured mayor noon o natumba ba during the...
01:52So far, wala naman sir.
01:55Wala ka, walang mga reports na ganun.
01:58Okay lang po naman.
02:00Intensity 5 ang naramdaman sa ilang lugar, sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.
02:06Intensity 4 naman sa iba pang bahagi ng Surigao del Norte at Surigao del Sur, pati sa Agusan del Sur.
02:12Guys, lino guys.
02:16Gaya sa kuhang ito sa bayan ng San Francisco.
02:20Ramdam din ang pagyanig sa Davos City, kaya nagsilabas ang mga empleyado ng isang BPO.
02:26Intensity 4 din sa Butuan City, Dinagat Islands at Southern Leyte sa Visayas.
02:31Intensity 3 sa ilang pang lugar sa Agusan del Norte, Surigao del Norte at Del Sur, Leyte at Southern Leyte.
02:39Intensity 2 naman sa ilang pang lugar sa Surigao del Sur, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camigin, Davao de Oro at iba pang lugar sa Visayas.
02:49Samantala, Vicky at mga kapuso, ipapakita ko lamang yung nag-viral na bitak dito sa Kabadbaran City Bridge kaninang umaga.
03:02Ang kumakalat kasi na informasyon kaninang umaga mga kapuso ay nabitak umano itong parte ng Kabadbaran City Bridge dahil sa lindol kaninang umaga.
03:10Pero ayon naman sa City Hall ay hindi ito dahil sa lindol kaninang umaga at lalo na kahapon pa sinimulan na itong kumpunihin.
03:19Kaya nga nakikita natin rito ngayon na isimento na yung parte kung saan makikita yung pagbiyak.
03:26Ang ipinapatupad naman ngayon ng mga pamahalaan rito ay one lane traffic kung saan itong lane lamang na walang nakitang pagbiyak sa tulay
03:38ang pinadadaraanan ng mga sasakyan. Ito'y upang maiwasan na matamaan ng mga mabibigat na sasakyan yung kakukumpuni lamang na bitak na bahagi nitong tulay.
03:49At yan ang latest mula rito sa Kabadbaran City, Agusan del Norte. Vicky.
03:53Maraming salamat at ingat kayo dyan.
03:56Seidel Chavez ng GMA Regional TV.
Comments

Recommended