00:00Grab down na rin ang Christmas rush sa mga kalsada tulad sa Edsa, lalo na malapit sa mga mall.
00:06Nakatutok live si Oscar Oida.
00:09Oscar!
00:12Yes, Vicky, ilang araw na nga lang at Pasko na.
00:17At habang papalapit ng papalapit, ang pinaka-aabangang araw, asahan na raw ang lalong tumitinding traffic.
00:30Tuwing rush hour nga, imbis na carols, busi na ang marinig sa mga inip na motorista.
00:37Tulad sa Edsa na Malakrismas Parking Lot, particular sa mga mall entrance at U-turns lot kung saan sabay-sabay ang mga sakyang papasok, palabas at pauwi mula sa trabaho.
00:49Para sa mga commuter, ang maikling biyahe, humahaba na parang wishlist ni Santa.
00:55Kaya naman bantay sarado ng mga MMDA traffic enforcers ang mga inaasahang choke points,
01:01gaya ang bahagi ng Edsa Mandaluyong kung saan nakapuesto ang apat na malalaking mall.
01:08Pilit na pinapausad ang nage-embudong daloy sa dami ng mga sasakyan.
01:13Ang pinaka problema lang dito kung bakit nagkakaroon ang traffic, it's not just about the volume of vehicles, but it's also about the ingress and egress of the vehicles.
01:21Bukod sa pagomando ng traffic, tuloy ang pinaiting na pagtatanggal ng sagabal sa mga mabuhay lanes.
01:28Umaga ng suyuri ng Scout Borromeo, Scout Ibardolaza, Tomas Morato, V. Luna,
01:34maging sa tapat ng istasyong ito ng polis sa may Edsa Camuning sa Quezon City.
01:39Umabot sa apat na pong sasakyan ang nahatak habang mahigit limampu ang natikitan dahil sa pagparada ng alanganin sa kung saan-saan.
01:48May at maya rin umano kung pasadahan ang Chino Roses Extension sa may boundary ng Taguig at Makati,
01:54na hanggang sa madaanan namin kanina ay patuloy na pinaparadaan ng alanganin ng ilang mga motorista.
02:02Samantala, suspendido ang Expanded Number Coding Scheme sa December 24 at 25,
02:08gayon din mula December 29 hanggang January 2.
02:16Vicky, paalala nga ng motoridad ngayong kapanahonan ng Pasko,
02:20eh habaan daw ang pasensya, maihanda ng maaga ang mga biyahe at laging susunod sa Batas Pang Trapiko
02:28dahil sa huli, maari pa rin ang maging magaan ng Pasko,
02:31basta ang pasensya natin, singhaba raw ng pila ng mga sakyan sa Edsa.
02:37Vicky?
02:38Mismo. Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
Comments