Skip to playerSkip to main content
Halos 300 super health center ang nadiskubre ng Department of Health na hindi kumpleto at hindi mapakinabangan kahit pinondohan ng milyon-milyong piso. Kabilang diyan ang pasilidad sa Marikina na 2024 pa tapos ang pundasyon pero hindi na naituloy ang konstruksyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alos 300 Super Health Center ang nadeskubre ng Department of Health
00:05na hindi kompleto at hindi mapakinabangan kahit pinondohan ng milyong-milyong piso.
00:11Kabilang dyan ang pasilidad sa Marikina na 2024 pa tapos ang pundasyon
00:16pero hindi na naituloy ang konstruksyon.
00:19Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Tinubuan na ng mga halaman at damo ang loteng dapat may naitayong Super Health Center
00:30sa barangay Concepcion 2, Marikina City.
00:3221.5 million ang pondo para sa Phase 1 ng konstruksyon
00:36o ang pundasyon ng itatayong gusali na natapos unang bahagi ng 2024.
00:41Natapos naman ng Marikina LGU ang Phase 1
00:44pero nang puntahan nito ni Health Secretary Ted Herbosa
00:47halos matakpan na ng halaman ang ginawang pundasyon.
00:51Hindi ba yung manananggal, hati, yung itaas wala, yung iba ba na iiwan.
00:55So, ewan ko, lumilipad siguro yung manananggal dito.
00:59Ito yung paanan.
01:00DPWH ang dapat gagawa ng Phase 2
01:03o ang mismong apat na palapag na gusali.
01:05Pero hindi umano ito masimulan
01:07dahil hindi pa na ibibigay ng unang kontraktor ang ilang dokumento.
01:11Hindi naman maumpisahan ng DP.
01:12Nagre-reklamo yung DP sa akin
01:14kasi ayaw ibigay ng previous Phase 1 kontraktor
01:17yung as-built plans
01:22kasi yung ano yung nabuild niya sa foundation.
01:23Ang Super Health Center sa Marikina
01:25isa lang umano sa 297 Super Health Centers
01:29na hindi kumpleto at hindi mapakinabangan.
01:31Ayon kay Herbosa,
01:3212 to 20 million pesos ang budget
01:35kada isang proyekto na insertions daw
01:37sa 2022 General Appropriations Act o GAA.
01:41Dahil insertion, paliwanag ni Herbosa,
01:43hindi dumaan sa planning ng DOH
01:45at nagulat na lang silang may ganitong proyekto at pondo
01:48sa national budget.
01:49Ang inutos ko sa Health Facilities Enhancement Project
01:52iprioritize ang for completion and for operations
01:56kasi I didn't want to do new ones
01:58kasi baka ganito rin ang mangyari.
02:00Noon pa raw ito gustong tapusin ng Marikina LGU
02:04pero hindi ibinigay ng DOH
02:06ang kanilang hinihinging 180 million pesos
02:09para maitayo ang gusali.
02:1021 million lang po yung ibinigay ng Department of Health
02:13saan ka naman makakakita
02:1421 million,
02:164-5 palapag na building ang mabubuo.
02:18Ang scope ng proyekto ay foundation works.
02:23Dahil wala pa rin binibigay na pondo ang DOH
02:25sumulat na ang Marikina City LGU sa DOH
02:28na City Hall na ang magpupondo
02:31at magtatapos ng proyekto.
02:33Ang Department of Health
02:34tingin ko malaki ang pagkukulang dito
02:36kasi hindi nila napondohan ng tama.
02:38Kaya nga po ang City,
02:39ang gagawin po ng City,
02:41naglaan po kami ng 200 million
02:43para po makomplete lang ang proyekto nito.
02:46Ayaw magturo ni Herbosa
02:48kung sino ang dapat managot sa mga
02:49hindi mapakinabangang super health center.
02:52Pero sa biyernes,
02:53isusumite niya sa Independent Commission for Infrastructure
02:56ang kanilang mga nadiskubre.
02:57Para sa GMA Integrated News,
03:00Maki Pulido na Katuto, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended