Skip to playerSkip to main content
Sa loob lang 10-araw, tatlong malakas na lindol ang yumanig sa northern Luzon, Visayas at Mindanao. Pinakabago ang magnitude 7.4 na lindol na naitala sa dagat sa timog-silangan ng Manay, Davao Oriental.


Pasado 7pm (Oct. 10), muli na namang yumanig ang 6.9 magnitude na lindol. Sabi ng PHIVOLCS, walang kinalaman sa isa't isa ang lindol. Pero sa pinakahuling tala, 'di na bababa sa 6 ang nasawi sa Mindanao.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Oh my God!
00:02Ah Lord!
00:03Yeah!
00:11Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:15Kasunod sa Northern Luzon at sa Visayas, Mindanao naman,
00:20ang nilindol ngayong araw.
00:21Magnitude 7.4 ang paginig na naitala sa dagat sa timog silangan ng Manay Davao Oriental.
00:29Hindi na bababa sa anim ang nasawisa ngayon, maraming bahay at infrastruktura rin ang gumuho sa pagyanig kaninang umaga.
00:37At sa pinakahuling datos ng FIVOX, halos tatlong daang aftershocks na ang naitatala sa Mindanao at Visayas.
00:44Mula sa Davao City, nakatutok live si Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV.
00:51Sarah.
00:52Mel Emil Vicky Nagulantang, ang mga residente dito sa Davao City,
01:00matapos maramdaman ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay Davao Oriental kaninang umaga.
01:07Ilang esudyante sa lungsod ang nasugatan matapos mahulugan ng debris.
01:12Nabalat ng takot ang mga esudyante ito sa Mapua Malayan Colleges of Mindanao sa Davao City
01:24nang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol.
01:30Mag-aalas 10 ng umaga kanina.
01:32Dahil walang masilungan, mga upuan ang ginamit na proteksyon ng mga esudyante.
01:39Sa gitna ng unti-unting pagbagsak ng bahagi ng kisame.
01:47Sa isa pang kuha mula sa eskwelahan.
01:52Madilim dahil nawalan na ng kuryente sa silid-aralang ito.
01:56Nagkalap na rin ang mga debris sa sahig habang papalabas ang mga naghihiyawang esudyante.
02:19Kita rin kung gaano kalakas ang lindol sa kuhang ito.
02:26Kung saan nagbagsakan ang kisame pati mga ilaw.
02:32Hindi rin magkumahog sa pagtatagong sa ilalim ng mga mesa ang mga trabahador.
02:44Balot din ang takot habang lumabas sa madilim na fire exit.
02:48Sa labas ng mall, humahagul-gul sa takot ang kanila mga kasamahang balot ng dumi ang uniforme.
03:02Sa San Pedro College, nagkaroon ng chemical spill sa ika-anim na palapag ng gusali.
03:08Agad naman itong nerespondihan ng Bureau of Fire Protection.
03:10Naitala ang epicenter ng lindol, 44 na kilometro timog silangan ng Bayan ng Manay sa Davao Oriental.
03:20Ang lakas niyan, ramdam na mga residente sa harap ng tindahang ito sa Barangay Rizal.
03:25Halos iwagayway na ng lakas ng pagyanig ang gate at mga paninda.
03:41Sa post ni Atty. Israelito Toriyon, nagkalat ang malalaking tipak ng bato at mga puno sa gitna ng kalsada.
03:48May mga nasira ding bahay.
03:51Ganyan din ang sitwasyon sa Bayan ng Lupon.
03:54Nagtumbahan sa lakas ng lindol ang mga oxygen tank.
03:59Nagugaan din ang mga gamit sa loob ng bahay.
04:04Kita rin ang naging pinsala ng pagyanig sa bahay na ito sa Bayan ng Baganga.
04:12Pati na sa ilan pang mga bayan sa Davao Oriental na binisita ng BFP.
04:16May napinsalang tulay, nasirang mga bahay at napinsalang gusali.
04:21May ilang individual ding kinailangang i-rescue.
04:25May ilang pasyente rin ng Davao Oriental Provincial Medical Center ang inilikas muna sa labas ng gusali.
04:33Gayun din sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
04:36Sa Bayan ng Nabunturan, napayuko at napakapit na lang sa isa't isa ang mga residenteng ito.
04:47Sa Panabo sa Davao del Norte, kita kung paanong niyugyug ng lindol ang mga nakaparadang truck ng bumbero at ambulansya.
05:04Sa General Santos City, naglabasa ng mga isudyante ng paaralang ito.
05:16May mga inirescue rin matapos mahimatay.
05:20Kasunod ng nangyaring lindol ng 9.43 ng umaga, agad na naglabas ng tsunami warning ang FIVOX sa mga coastal areas.
05:28Pero binawi rin ito bago mag-alas dos ng hapon.
05:31Ayon sa Office of Civil Defense Region 11, nasa anim na ang naitalang nasa wibunso ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental.
05:50Samantala, itinaas na ng Davao CD-RRMO ang red alert status upang paghandaan ang mga posibleng aftershocks matapos ang malakas na lindol.
05:59Vicky?
06:00Ingat kayo! Maraming salamat sa iyo, Sarah Hilomen Velasco, ng Jimmy Regional TV.
06:17Nawala naman ng kuryente ang ilang lugar sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.4 na lindol.
06:24May bahagyang pinsala rin sa ilang airport.
06:26At nakatutok si Bernadette Reyes.
06:28Kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Manay Davao Oriental kaninang umaga,
06:36tatlong plantang magkakasabay nag-offline o tumigil ang operasyon dahil sa auto-tripping.
06:42O yung otomatikong pagtigil ang daloy ng kuryente.
06:45Naapekto ka nito ang isang linya ng kuryente, pero naibalik din agad matapos ang mahigit kalahating oras.
06:51Sa limang electric cooperatives naman na naapektuhan ng lindol, tatlo na lang ang may partial power interruptions sa mga sakop nilang lugar.
06:59Kabilang ang mga electric co-ops sa Davao Oriental, Davao del Sur at Northern Davao.
07:04Patuloy namang sinusuri ang mga pasilidad ng tatlong private distribution utilities,
07:09kabilang ang Davao Light and Power Company o DLPC na may substation din na nag-trip.
07:14Ibig sabihin walang kuryente. It can be caused by the distribution itself kung mga linya nila
07:20or it could be caused by NGCP or power plants nearby.
07:25So it could be caused by different parts of the energy system.
07:32Ayon sa DOE, patuloy daw ang assessment sa lawak ng pinsala ng lindol.
07:36Nakahanda naman daw ang Task Force on Energy Resiliency na nakikipagtulungan
07:41sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
07:44Samantala, nananatili namang bukas ang paliparan sa Davao bagamat nagtamo ng minor damage sa runway.
07:50May minor damage sa runway natin, pero the structural integrity of the other facilities there is okay.
07:58Dalawang commercial flights na patungo ng Davao ang nadivert sa Mactan, Cebu at General Santos International Airports.
08:06Minor cracks naman sa logistics building ang nakita sa Lipolog Airport
08:10ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
08:13Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.
08:18Nilinaw ng FIVOX na walang kaugnayan sa isa't isa ang magkakasunod na lindol sa Luzon, Visayas at Mindanao.
08:36Taliwa sa pangamba ng ilan nating kababayan, ang paliwanag ng mga eksperto sa pagtutok ni JP Soriano.
08:43Ang magnitude 7.4 na lindol kanina sa Mindanao nangyari dahil sa paggalaw ng lupa sa Philippine Trench.
08:55Paliwanag ng FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking piraso ng lupa.
09:09Kapag sobra na ang pressure, biglang dumudulas ng mabilis ang mga bato sa fault line.
09:14Kaya, nagkakalindol.
09:16Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim.
09:21We have the line dun sa dagat natin at gumigit-git yung seafloor natin dun sa trench.
09:28And as a result, yung pagigit-git niya, nagkakaroon ng friction.
09:31And once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol.
09:35Sa loob lang ng sampung araw, tatlong malalakas na lindol na ang yumanig sa bansa.
09:42Bago itong magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao nang epicenter ay sa dagat,
09:47nasakop ng Manay-Dabao Oriental dahil sa paggalaw ng Philippine Trench.
09:51Nangyari ang magnitude 6.9 na lindol noong September 30 na may epicenter malapit sa Bogo City sa Cebu.
09:59Dahil naman ito sa Bogo Bay Fault na apat na raang taon na mula ng huling gumalaw.
10:04Ang pangatlo, ang magnitude 4.4 na lindol sa Pugo La Union kahapon dahil naman sa isang aktibong fault sa La Union.
10:13May mga nangangambang baka konektado ang mga lindol na ito.
10:16Pero paglilinaw ng FIVOX, wala itong kinalaman sa isa't isa.
10:21The Philippines is very much active tectonically and we have more than 180 active fault segments
10:29and we also have six trenches and there's always this possibility na magkakaroon ng paglindol sunod-sunod.
10:36In fact, every day we record at least 30 earthquakes a day coming from different segments of,
10:42coming from different active fault segments of the country as well as coming from the different trenches.
10:47Bukod sa Philippine Trench, may lima pang trench sa Pilipinas.
10:51Ang Negros Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench, East Luzon Trough at Manila Trench.
10:58Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes.
11:03When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than 8.
11:08And yung mga faults naman natin, yung magnitude na pwede niya i-generate would be based on its length.
11:16So the longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
11:22At muling giit ng FIVOX hanggang ngayon wala pa rin paraan para matetekong kailan parating ang isang lindol.
11:28Kaya huwag daw ba siya maniniwala sa mga pinupost sa social media o mga nagpapadala ng text na mayroong parating na lindol.
11:34Ang pwede raw natin gawing lahat, laging maging handa at alerto hanggat maaari huwag magpanik at sundin ang mga anituntuneng itinakda kapag may lindol.
11:43Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
11:48Oh my God!
12:00Kamustahin po natin ang sitwasyon mula mismo sa Manay Davao Oriental kung saan nasa karagatang malapit dito ang epicenter ng magnitude 7.4 na lindol kanina.
12:11Bukod sa mga napinsalang infrastruktura roon, may mga hinimatay at nakaranas ng panic attack.
12:17Sa Amati City, isa rin ang kumpirmadong nasawi matapos matabunan ng natumbang pader.
12:25Nakatutok live si Jandi Esteban ng GMA Regional TV.
12:30Jandi, kamusta kayo?
12:34Yes Vicky, sa ngayon nga nararamdaman pa rin natin yung mga aftershocks.
12:39Actually 7.13pm, minuto lang, bago tayo umere, naramdaman natin yung malakas na pagyanig, yung aftershock.
12:47Dahil sa lakas, e nakakahilo.
12:49Dahil nga sa malakas na magnitude 7.4 na lindol, e nagsuspende ng trabaho at klase sa lahat ng pampubliko at private sector ang provincial government ng Davao Oriental.
13:05Sa ngayon, isa ang kumpirmadong patay sa Davao Oriental.
13:08Namatay ang 57 adyos na babae sa Mati City, Davao Oriental matapos matabunan ng natumbang pader kasunod ng magnitude 7.4 na lindol.
13:21Ayon sa Mati City Information Office, habang lumilindol na, may kinuha pa raw ang biktima sa kanilang boarding house.
13:27Pero nang tumatakbo na siya papalayo, naabutan na siya ng pagbagsak ng perimeter wall ng compound ng isang electric cooperative.
13:35May ilan din ang isinugod sa Davao Oriental Provincial Center matapos hinimatay at nakaranas ng panic attack.
13:41Nasira ang bahaging ito ng St. Francis Xavier Parish sa Markay Central Poblasyon sa Manay, Davao Oriental na siyang epicenter ng pagyanig.
13:49Ang simbahan ay itinayo noong 1897 at kakarenovate lang.
13:53Ang municipal hall naman ng Manay ay hindi pa magagamit dahil delikado pa dahil sa mga bitak.
13:59Ayon sa LDRRMO, nasa 80% ng kanilang imprastruktura ang apektado.
14:05May mga tulay at mga daan ang isinara dahil delikado ng gamitin.
14:09Wala ang kuryente at tubig hanggang sa oras na ito ang lugar.
14:12Vicky, nasa 17 barangay ang apektado dito sa Manay, Davao Oriental at nagpapatuloy pa rin yung hakbang upang malaman yung lawak ng pinsala ng lindol.
14:29Vicky, ingat kayo at maraming salamat sa iyo, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
14:37At kapapasok lang po na balita, magkaroon ng magnitude 6.9 na lindol kaninang 7.12pm sa Davao Oriental.
14:47Ayon po sa FIVOX, nasa 36 kilometers southeast ng Manay, Davao Oriental ang epicenter niyan.
14:55Naitala ang Intensity 4 na pagyanig sa Davao City at sa Bislig City, Surigao del Norte.
15:02Magbabala ang FIVOX sa posibleng tsunami.
15:05Maring umabot sa mahigit isang metro ang taas ng alon.
15:09Pinapayuan po ang mga nakatira sa coastal areas ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Surigao del Norte na agad lumikas.
15:18Ika nga, wala nga namang makapimpigil sa dalawang taong nagmamahalan.
15:27Pinatunayan niya ng mga magkasintahan sa Davao del Norte na hindi natinag ang pag-iisang dibdib sa kabila ng malakas na lindol.
15:37Nakatutok si Marisol Abdurama.
15:39Maagang sinubok ang sumpaang, for better or for worse, ng magkasintahan sa Talaingo, Davao del Norte.
15:50Patungo na sana sa altar ang groom para hintayin ang kanyang bride.
15:53Pero, biglang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
15:58Ang mga bisita, agad dumiretso palabas ng simbahan.
16:08Kita rin sa video ang paginig ng altar.
16:10Ayon sa uploader na kapatid ng groom, may hinimatay rin na ninang dahil sa lindol.
16:15Pero maayos naman na ang kanyang kondisyon.
16:17Matapos ang ilang oras, talagang pinatunay na magsimirog ang kasabihang.
16:21Sa hinabahaba man ang posisyon, sa simbahan din ang tuloy.
16:25Tuloy pa rin kasi ang kasalan, sa labas na nga lang ng simbahan.
16:30The ideas continue hanggang sa Panabo City, Davao del Norte.
16:34Ika nga nila, wala talagang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan.
16:38Apat na magsingirog ang kinasal sa kasalan sa Balay Dakbayan sa labas ng City Hall.
16:44Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
16:55Pagkutila
16:56Pagkutila
16:57Pagkutila
16:58Pagkutila
16:59Pagkutila
Be the first to comment
Add your comment

Recommended