Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, patuloy ang paglakas ng bagyong opong na inaasaang aabot ang pinakamataas na babala sa wind signal number 4.
00:12Ang latest kaunay niyan, iaatid ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:20Salamat Emil mga kapuso, paghandaan po ang bagyong opong na ayon sa pag-asa ay posibleng lalo panlumakas bago pa man ang pagtama at pagtawid nito sa lupa.
00:29Huling namataan ang sentro ng bagyong opong sa layong 670 kilometers silangan ng Suligaw City.
00:35Taglay po niya ng lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at yung pagbugso naman 115 kilometers per hour.
00:43Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
00:48Sa latest track na inalabas po ng pag-asa, lalapit itong bagyong opong dito sa may eastern Visayas at southern Luzon area.
00:55At kumpara po sa forecast kagabi, ay medyo umangat yung posibleng landfall nito.
00:59Dito na yan sa may Bicol region, biyernes po ng umaga o hapon.
01:04Saka naman ito tatawi dito po yan sa may southern Luzon hanggang sa makarating na dito sa may west Philippine Sea.
01:10At posibleng naman na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility pagsapit po ng Sabado.
01:16Dito po sa ating track, ang linya po na nakikita po niyo, ito po yung nagpapakita kung saan posibleng dumaan yung sentro lamang o yung pong center yung gitna po ng bagyo.
01:26Pero yung kabuang lawak po niyan, itong bagyong opong ay aabot pa dito sa iba pang probinsya na sakop nitong tinatawag natin na cone of probability.
01:36So kapag tumawid yung sentro nitong bagyong opong, dito yan sa may southern Luzon, particular na sa bahagi po ng Calabarzon area,
01:44ramdam din yung hagupit ng bagyo dito po yan sa Metro Manila, Central Luzon at ilang bahagi pa ng Mimaropa, lalo na dito sa may Mindoro Provinces, Marinduque at Rumblon.
01:54Pero mga kapuso, pwede pang magbago yung track ng bagyo, pwede po yung umangat ng konti o bumaba ng konti, kaya patuloy pong tumutok sa update sa mga susunod na oras.
02:04Ngayon palang nakataas na ang signal number 2, dyan po yan sa northern Samar at pati na rin sa northern portion ng eastern Samar.
02:12Signal number 1 naman sa Catanduanes, Camarinesur, Albay, Sursugon at Masbate.
02:17Kasama rin dito ang Samar, natitirang bahagi ng eastern Samar, Biliran at northern portion ng Lete.
02:23Madadagdagan pa yan sa mga susunod na oras at araw at posibleng umabot pa hanggang sa signal number 4, yan po yung highest na warning natin na posibleng.
02:32At yung lakas na yan, kaya pong magpatumba ng poste at puno, magpalipad ng mga yero at makapinsala sa mga istrukturang gawa sa light materials.
02:41Pero huwag na po nating intayin na tayo po ay mabigyan ng signal number bago po tayo maghanda.
02:46Ngayon pa lang po ay mag-prepare na tayo.
02:48Bukod sa direktang epekto ng bagyong opong, dapat ding paghandaan ng epekto nitong enhanced o yung pinalakas na habagat.
02:55At base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi, may mga pabugsubugsong ulan pa rin dito yan sa ilang bahagi po ng Luzon at pati na rin po dito sa ilang lungsod sa Metro Manila.
03:05Pusibleng po yung maranasan dito sa Bicol Region at Eastern Visayas.
03:10Bukas ang umaga, may mga kalat-kalat na ulan na at lalong-lalo na po yan dito sa ilang bahagi po ng Limaropa, Bicol Region at ganoon din dito sa Quezon.
03:19Malawa ka na po yung mga pag-ulan at halos buong Luzon na po yan pagsapit ng hapon at ng gabi.
03:25May mga matitinding buhus ng ulan na posibleng pong magdulot ng mga pagbaha-ulan slide lalo na dito sa May Central Luzon, Calabarzon at ganoon din dito sa Mimaropa.
03:35Dito naman sa Metro Manila, mataas pa rin ang chance sa mga pabugsubugsong ulan din bukas kaya magingat pa rin at lagi mag-monitor ng advisories.
03:43Sa Visayas naman, umaga pa lang may mga kalat-kalat na pag-ulan na po mararanasan at buong Visayas na ang uulanin pagsapit po ng hapon at magpapatuloy po yan hanggang sa gabi.
03:55Malalakas yung buhus ng ulan lalong-lalo na dito sa May Samar and Leyte Provinces pati na rin po dito sa May Western Visayas kasama na ang Negros Island Region.
04:04Sa mga taga-Mindanao naman, maaliwala sa panahon maliban lang po sa localized thunderstorms lalo na po paghapon at gabi.
04:10At ngayon naman, silipin na rin po natin pagdating po ng biyernes kung kailan po natin inaasahan pinakamalapit ito pong bagyong opong dito sa ating landmass.
04:19So dito na po ang mabababad na sa matitinding buhos ng ulan, ito pong ilang bahagi ng Luzon at halos magtutuloy-tuloy po yan dito sa malaking bahagi ng Luzon,
04:28lalong-landoon na po dito sa May Bicol Region, Calabar Zone, Mimaropa at pati na rin dito sa ilang bahagi po ng Northern and Central Luzon at sa May Visayas.
04:38Yan muna ang latest sa ating panahon.
04:41Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended