Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, October 10, 2025


-PHIVOLCS: Magnitude 7.5 na lindol, yumanig sa Davao Oriental; tsunami warning, nakataas


-PHIVOLCS: Mahigit isang metrong taas ng tsunami wave, nagbabanta sa ilang panic ng Eastern Visayas at Mindanao


-INTERVIEW: DAVAO ORIENTAL GOV. NELSON DAYANGHIRANG


-INTERVIEW: ANGELITO LANUZA, SUPERVISING SCIENCE RESEARCH SPECIALIST, PHIVOLCS


-DPWH, sinuspinde ang lahat ng road reblocking sa buong bansa epektibo ngayong araw


-DPWH Sec. Dizon: 421 na ang kumpirmadong "ghost " flood control projects; isinumite na ang listahan sa ICI


-Atty. Vigor Mendoza II, bagong LTFRB chairperson; Special envoy on transnational crime Markus Lacanilao, uupo bilang LTO chief


-Ph Ports Authority, nilinaw na hindi lang body-worn cameras ang binili sa P168M pondo; dumaan sa tamang proseso ang bidding sa proyekto


-Ilang lugar sa Visayas at Mindanao, binaha dahil sa pag-ulang dulot ng ITCZ


-PAGASA: Bagyong Quedan at LPA, nasa labas na ng PAR


-Rider, patay matapos masalpok ng SUV ang sinasakyang motorsiklo; Angkas sugatan


-Mga klase sa lahat ng antas sa Davao City, kanselado kasunod ng Magnitude 7.5 na lindol sa Manay, Davao Oriental


-PBBM, pinakikilos ang iba't ibang ahensya ng gobyerno kasunod ng Magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental


-Northern Mindanao Medical Center, balik-normal na ang operasyon matapos ang Magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental


-Mga bitak sa lupa sa Brgy. Tapul na lumitaw kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol, lumalaki raw, ayon sa mga residente


-Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-Magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental, naramdaman sa gitna ng Maritime Inter-agency Exercise sa Davao City Fishport Complex


Magnitude 7.5 na lindol sa Manay, Davao Oriental, naramdaman din sa General Santos City


-Road reblocking o pagbabakbak ng mga kalsada sa buong bansa, sinuspinde ng DPWH


-Hiling ng kampo ni FPRRD na indefinite adjournment sa hearing ng kaso sa ICC, ipinababasura ng kampo ng mga biktima ng War on Drugs ng Duterte Administration


-Alden Richards, shinare ang feelings sa nalalapit na pagtatapos ng "Stars on the Floor"


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Thank you for joining us.
00:30Mainit na balita, niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Davao Oriental, pasado alas 9 ng umaga kanina.
00:40Ayon sa FIVOX na itala ang epicenter ng lindol, 44 na kilometro timog silangan ng bayan ng Manay.
00:48Asahan daw ang posibleng tinsala at aftershocks.
00:51May itinaas din na babala ng tsunami ang FIVOX para sa mga nakatira malapit sa dagat.
01:00Hingi na po tayo ng update sa sitwasyon sa Davao Oriental mula kay Governor Nelson Dayang Hirang.
01:06Live po kayo rito sa Balitang Hali, sir. Good morning.
01:09Yes po, good morning po, good morning.
01:11Kamusta po ang Davao Oriental? May mga naitala na po ba tayo na mga damages at may mga evacuation centers po ba tayo ngayon na inaasikaso?
01:21So far, may ilang mga damaged na mga structure. The rest is ongoing pa ang assessment namin.
01:31And mayroon na kaming confirm dito sa City of Mati. Isang casualty.
01:34May casualty. Ilan ho?
01:37Isa, isa. Isa na bag sa kansa ng part ng bahay.
01:40I see. At yung communication po natin, okay pa ba? Yung ating mga pantalan, yung ating airports?
01:47Okay. Okay. So far, okay pa po. Okay pa po.
01:51How about yung ating kuryente? Linya ng kuryente at water supply?
01:56So far, may mga part kami na may mga landslide na. May mga part kami wala ng ilaw.
02:01So, ongoing pa rin ang assessment po namin until now.
02:04Okay. Governor, ano po yung mga lugar na kasalukuyan po na abala po kayo, lalong-lalong na dun sa area siguro,
02:11kasi may mga pinapakita tayong video na mga nasa eskwelahan na mga bata. Ano po ang sitwasyon ngayon?
02:18So far, nag-declare na po tayo na walang pasok sa lahat ng government offices, including government school.
02:27Meron ng mga hospital na hindi na muna namin pinapasokan dahil delikado na.
02:34Delikado na while ongoing ang assessment.
02:37Evacuate muna namin yung mga pasyente.
02:40May mga ibang structure na may mga damage na patuloy pa rin ang assessment namin.
02:45Di-detail lang po tayo doon sa casualty o yung namatay po. Sabi niyo po kanina, ito'y nabagsakan ng pader sa kanilang bahay.
02:54Yes po, yes po.
02:55Saang lugar nga po po muli ito?
02:57Sa Mati City, Mati City.
03:00Identified na ba kung ito po ba ay babae, lalaki, ano po ang ilang taon na ito?
03:05So far, hindi ko pa na-identified. Pero may edad na po.
03:11Opo. Yung po bang, Gov, yung inyong mga struktura, sabi niyo, marami ho ang na-damage.
03:18May mga hospital ho ba na na-damage din?
03:22Kamusta ho yung mga nando doon ng mga pasyente, yung dati pa, syempre kailangan po bang ilabas din sila para sa kanilang safety?
03:29Ayos so far, may damage na malaki ang probinsya, a district hospital sa municipality o panay.
03:37I-revacuate na muna lahat ng pasyente while ongoing ang assessment, kasi hindi na muna pwedeng gamitin talaga yung hospital.
03:46I see. Pero yung mga dumarating ho, ngayon marami-rami rin ho ba ang dumarating?
03:51May mga nasugatan ho ba na idinala ho sa mga hospital?
03:54Marami-rami rin po. Marami-rami rin po.
03:57Ano ho yung mga karaniwan na sugat po, ano na natinamu nila?
04:01Yung mga nangulugan po, ng mga bagay-bagay, yung iba nag-collapse.
04:06Okay.
04:07At sa unang pagkakataon lamang po ba ito, Governor, na nangyari yung ganito pong kalakas na 7.6 na magnitude na lindol?
04:16Kasi po, ang ating pong pagre-research, noong 2023, nangyari rin ho ito dyan sa may area naman ng Hinatuan.
04:25Tama ho ba yun?
04:27Yes po, yes po. Pero so far, sa Davao Oriental ito, pinakabalakas po.
04:31Opo, sa Davao Oriental din po yun. Pero yun ito ho, ngayon lang ito sa inyong bayan. Talagang ganito ho kalakas.
04:37Ngayon lang po, ngayon lang po. Yung Hinatuan is part of Surigao po, that province of Davao Oriental.
04:41Pero ito po ba yung sa evacuation center nyo sa area po ng mga, syempre, sa Dalampasigan po?
04:48Kamusta po yung inyong ginagawang efforts para, siguro, mapa-evacuate muna dahil may tsunami warning po?
04:54May ongoing na home evacuation. May ongoing na evacuation.
04:59Okay. Kwentohan niyo po kami, kung po pwede po, no, Governor, alam kong medyo busy pa ho kayo ngayon sa pagtanggap po ng mga reports.
05:07Pero baka meron na ho kayong mga experience po mismo, no, kayo po mismo. Ano ba ho, gano'ng kalakas itong 7.6 na lindol na ito?
05:16First time ho namin, kaya pili namin talagang malakas na yung 7.5 o 7.6, no?
05:21But anyway, ongoing po ang assessment namin, tatawag na po ako later on.
05:25Alright, hindi na ho namin kayo sustorbohin at magpapasalamat po kami at magdarasal sa inyo pong kaligtasan lahat dyan sa Davao Oriental. Thank you po.
05:33Maraming maraming salamat po, maraming salamat.
05:35Yan po naman si Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang na nagbigay po sa atin ng update.
05:41Samantala, kuha naman po tayo ng impromasyon sa FIVOX tungkol pa rin po sa magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.
05:48Kausapin po natin si Supervising Science Research Specialist Angelito Lanuza. Welcome po sa Balitang Halis, sir.
05:55Yes po, magandang umaga po sa inyong lahat. Pasensya na po at medyo super busy tayo ngayon dito sa ating Data Receiving Center.
06:03We understand, sir. Pero saglit lamang ho. Baka may latest na po tayo dito sa 7.5 na lindol sa Manay Davao Oriental.
06:12Ito ho ba ay bagong fault? Saan ho ba ito nakita?
06:15Ay, hindi po. Yan nga po yung source natin ng actually yung madalas.
06:22Kagagaling ko lang po dito sa Manay eh. So, this is basically the source of our biggest one.
06:28Ito kasi along the Philippine Trench po ito. Hindi po ito bago.
06:33Ito po yung inaasahan natin talaga na kayang magdulot po ng malaking lindol.
06:39In fact, nandyan din po sa lugar yung largest earthquake natin na in 1924, April 21.
06:48Pero although mas malapit po siya sa Mati.
06:53Sa history natin, sabi nyo nga, nandyan ho nang galing sa Philippine Trench, yung malakas na lindol.
07:01At napansin din ho natin na nun sunod-sunod po sa iba't ibang area sa mga probinsya ang nakakaroon po ng lindol.
07:08Wala naman ho itong connection sa isa't isa yung kanilang pong paggalaw.
07:13Wala po. Parang kanina nga nag-iisip ako eh. Parang noong 2021, parang ewan ko lang ha.
07:19This is just a coincidence. Nagkakaroon ng pigisang Luzon-Bisaya sa Mindanao.
07:26Pero this is purely coincidence po.
07:28Ang masasabi ko po dyan sa may manay Davao Oriental po, talaga po kasi yan yung pinaka-seismically active natin po.
07:37So kung titignan po natin yung seismicity natin, from the 35 earthquakes per day po, talaga po hindi mo makikita yung Davao Oriental eh.
07:46Natatabunan siya talaga ng maraming earthquake epicenters.
07:49It only means na talaga pong number one source natin po ng earthquake yung sa may Davao Oriental.
07:55Okay. Pero ito hong sa Davao Oriental, sinasabi na ito na ho ba yung parang area na talagang mas makakaranas po?
08:05After this, yung mga tsunami warning, sabi nyo nga, kamusta po? Hanggang kailan ba natin yan nakataas?
08:14Okay po. Yung tsunami warning po, ito maganda po ano at gagaling ko nga sa manay mga few months na Davao Oriental po kasi kinabitan po natin sila ng tsunami early warning system for the past two years po.
08:28Ang latest nga yung manay.
08:30Kaya, this is a challenge for manay po kung na-implement ba nila yung ginawa nilang evacuation plan.
08:36Now, to talk about that tsunami threat po, usually po, it will not last long to wait, no?
08:43Kasi yung, ang estimate po natin dyan na arrival time is in less than 10 minutes po.
08:50So, kung nagkaroon po ng tsunami kanina, kumbaga, dumating na po rin sa kanila.
08:55Kaya, yun po yung tinuturo natin sa mga coastal communities eh, na ang number one natural sign po should be a large earthquake or a minimum of magnitude 6.5 is actually tsunamigenic po.
09:08So, medyo kampante po ako sa Davao Oriental kasi we have already capacitated most of the LGUs dyan in terms of tsunami evacuation.
09:17Ilang aftershocks na po ang naitatala sa ngayon?
09:20Ah, aftershocks. Ilang na? Sorry po ah.
09:23Ah, sige po. Okay lang po. Live naman tayo.
09:25Ilang na ang aftershocks natin dyan?
09:30Ha?
09:31Okay po. So far po kasi, siguro nasa hundreds na po yan, no?
09:37Ah, kasi one hour pa lang eh. Ganun naman po kadalasan yan.
09:41Sa ngayon po, nagbibilang pa lang ka sa lukuyan from our Mati Station, which is the nearest seismic station in the area po.
09:48Okay. Nakita po natin yung damage, no? Noong September 30 quake sa Cebu, 6.9 lamang po yun.
09:56Ah po.
09:56Ito po, 7.6. Marami po ang nagkukumpara na baka mas grabe dyan sa Manay o dyan sa may epicenter po mismo ng Lindol.
10:06Tama po.
10:06Yung mga damage or mga, sabihin na natin yung mga, nagkaroon po ng problema, no? Dahil doon sa Lindol na ito napakalakas.
10:15Ano po ang ating masasabi tungkol dyan?
10:17Opo. Basically, malakas po talaga yung 7 points, 7.5, no? It's almost kasing lakas po siya noong 1990 earthquake, no?
10:267.8 yung 1990 earthquake, eh.
10:29Ang nangyari lang po dito, ah, hindi ko na may, ano ba, kagandahan, ah, medyo may kalaliman ng konti po yung kanyang depth.
10:39Okay.
10:39Tapos po, ah, medyo 44 kilometers naman po nasa dagat. Ano po?
10:46Aha.
10:46So, kaya siguro po yun ay mga factors, kumbaga, hindi ko naman po sinasabing walang damage, pero sa ngayon po kasi, mahirap pa kami mag-confirm, wala kami masyado na kukontak doon.
10:58Aha.
10:58But, we are assuming, ah, ah, na baka nga po meron, at least for the poorly built, no?
11:05Yes.
11:06Poorly built structures. At saka, yun nga po, ah, the way I look at Dabo Oriental po, marami po talagang prone doon to damage, no?
11:15No, mga substandard houses. As I have mentioned, ah, it was my privilege po, nakagagaling ko lang dun sa lugar.
11:22For this purpose, capacitating each community po, ah, how to evacuate from tsunami.
11:28Okay.
11:28Pati yung tinuro po natin dyan, pati po yung timing.
11:32Opo.
11:32Na, opo, tinuro po natin sa lahat ng communities na pag nagkaroon ng ganitong earthquake, ay in few minutes, kaya kayo po ang magde-decide.
11:41Nako.
11:41Opo, tinuro po ang turo natin sa local tsunami.
11:44At, ah, very fresh pa po pala yung turo ninyo, ano?
11:47Opo, opo.
11:47At nasubukan agad, no?
11:49Opo.
11:49Ang kanilang kahandaan dyan.
11:51Pero, highly populated po bang maituturing itong area po ng Manay?
11:55Opo, ah, malaki-laki po yung ano nyan, eh, yung population.
12:01Ah, in fact, parang more than 10 coastal barangays ang aming kinapacitate dyan.
12:08So, marami pong nag-participate last June.
12:12At, at in-urge po namin sila na iposte sa bawat corner ang kanilang mga at least evacuation map.
12:19Para po, pati mga bisita, alam where to go, should a strong earthquake like this, ay maramdaman po dun sa lugar.
12:26Malaki po, malaki pong, isa po, next po siya sa mati na pinakamalaki.
12:31I see, okay.
12:32In terms of population.
12:33So, kung ganyan, highly developed na rin, ho, yung area, maraming mga buildings na rin, ano, nakikita po natin.
12:39Ah, wala pa naman po, ano, wala pa.
12:41Wala pa namang mga high-rise.
12:43Ang nakita ko doon, siguro, mga nasa 3 to 4 stories pa lang po sila, eh.
12:48Pero, in terms of population po, may kalakihan po kasi ang Manay.
12:52Oo, oo, oo.
12:52May kalawakan, no?
12:54Kaya, naging paborito na rin natin yung Manay kasi marami tayong experience dyan.
13:00Okay.
13:00May 17, 1992 earthquake, no?
13:05Bata pa ako nung kay Peebock.
13:06Oo, oo, oo, oo.
13:07Meron po yan, dyan.
13:09Ah, again, nagbabalikan ko lamang ho yung sinabing nyo dahil ang gumalaw ay Philippine Trench.
13:14Yung po bang, nabanggit nyo rin ho kasi yung the big one, may connection ba ito dito sa sinasabing trench?
13:20Wala po.
13:21Wala naman.
13:21Wala po.
13:22Magkakahiwalay po sila na, di ba, patitignan po natin sa mapa natin, ang mga fault and trenches, parang guhit, no?
13:29So, in fact, hindi naman po yan gumagalaw ng buuan, napakaano na po yun, napaka, hindi po yun mangyayari.
13:38Okay.
13:38Yan ang ginawa po natin kay Philippine Trench, sinagment-segment natin siya.
13:43So, my only point po, since hindi naman magkakadugtong yung mga guhit na yan, if you take a look at the map po, so wala po silang kinalaman sa isa't isa.
13:54Okay.
13:54At siguro magandang paalala natin dahil sigurado marami na naman ho ang magpapakalat ng maling informasyon.
14:01Mabuti humanggaling na po sa inyo, Sir Angel, dito, no?
14:04So, hindi ho talaga po pwedeng i-predict ang lindol, hindi ho ba?
14:08Tama po, pero meron po tayong magagawa kahit na limang minuto pagdating sa tsunami.
14:13Sige po.
14:15Yun lang po.
14:16So, yan po, dyan na rin po sa area na nanggaling yung confusion dati na gawa ni Choname, no?
14:23Aha.
14:24Nawala si Choname, hinanap.
14:26Yun, na ganun po talaga, madaling maapektuhan po ang bawat individual.
14:30If, hindi po nila naiintindihan kung paano nagkakaroon ng tsunami at nagkakaroon po ng lindol.
14:37Ako po ay natutuwa dahil magpasa hanggang sa Surigao del Sur, kagagaling ko lang po last week, doing the same.
14:45Aha.
14:45So, this is basically a proof ng mga napag-usapan na natin dyan sa mga lugar po sa Eastern Board of Mindanao.
14:54Magagaling ko lang na din po sa Surigao del Sur sa Tandag, doing the same.
14:58So, para pong nire-re-enforce po yung ginagawa nating paghahanda at yung hindi pagpaniwala sa mga kumakalat na mali,
15:08at least po, mga totoo po yung mga pinag-usapan natin nung nakaraang linggo at nakaraang buwan po.
15:15Okay.
15:16Kaya, yun po.
15:18Paalala.
15:18Opo, siguro itong mga nangyayari is just to reinforce na gawin na po natin talaga po yung ating tsunami evacuation plan.
15:28Yun pong sa earthquake naman po kasi, yung mga what to do lang po ang tangin natin pwedeng gawin, no?
15:34Sabi nyo nga po, wala naman nakakapredict ng earthquake.
15:37Pero, ang isa pong napipredict natin, yung possible impact po ng aabot at maapektohan dito sa mga lugar na ito na Eastern Board of Mindanao.
15:48Marami po tayong ginawang pag-aaral, training and all para po sa kaligtasan ng bawat individual at mamamayan sa lugar na yan.
15:58Alright. Marami pong salamat at hindi na po namin kayo papatagalin pang sorbuhin, sir. Thank you very much.
16:04Marami pong salamat, Ma'am Pony.
16:06Yan po naman si FIVOC, Supervising Science Research Specialist Angelito Lanuza.
16:19Isa pa pong mainit na balita ito, ipinatigil ni Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang lahat ng road reblocking sa bansa.
16:28Sa press conference ngayong umaga, sinabi ni Dizon na effective immediately ang utos.
16:33Ang exemption lang daw dyan ay kung sira na talaga ang kalsada.
16:38Pero, bawal yung mga maayos na titibigin pa raw.
16:41I-review naman daw ng kagawaran ang guidelines para sa maintenance works ng mga water concessionaire.
16:48Ang iba pang detalye kaugnay sa utos na yan, ihahatid namin maya-maya lang.
16:52Ang listahan naman ng nabistong mahigit apat na raang ghost flood control projects, hawak na ng Independent Commission for Infrastructure.
17:09Balitang hatid ni Joseph Morong.
17:12Halos dalawang buwan na nakakaraan mula ng unang mag-inspeksyon si Pangulong Bongbong Marcos sa umunay ghost flood control projects sa Bulacan.
17:23Mula noon, 8,000 proyekto na ang sinuyod ng Department of Economy, Planning and Development no DepDev at mga polis at sundalo sa buong bansa hanggang nitong October 6.
17:33Ayon sa DPWH, apat na raang at dalawamput isa rito ang nakumpirmang ghost o guni-guni lamang na flood control project.
17:42Karamihan sa mga ito nasa Luzon pero meron ding nasa Visayas at Mindanao.
17:46Di pa binanggit ang kabuang halaga ng mga proyekto.
17:49Yung involved, same mga contractors then?
17:53Nandun siga.
17:54Kasama siga doon pero meron hindi ba kasi madami yan eh.
17:59Isinimit na na ng DPWH ang listahan ng mga proyektong yan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI na nag-iimbestiga sa anomalya at nagbubuo ng kaso laban sa mga posibleng sangkot sa mga ma-anomalyang proyekto.
18:14Kompleto na yung mga dokumento at mga ebidensya dandun.
18:17Puntaan natin yan. Validated na rin naman ito mga ito.
18:20So malaking bagay yun. But it doesn't prevent the general from going there looking personally para mas sigurado tayo.
18:27Naka-atang ang inspeksyon kay bagong ICI Special Advisor at Investigator Rodolfo Azurin Jr.
18:34Aminado si Azurin, kahit isang proyekto ang kanilang mapuntahan kada araw, aabutin pa rin sila na mahigit isang taon sa pag-iinspeksyon.
18:42Hindi naman lahat ay pupunta natin yun. Ibig sabihin is, i-divide namin yung mga mag-iinspektor at magpabalidate.
18:51Madaling i-establish yung liability and accountability kapag ghost project. Kasi ghost nga. Hindi na mahaba yung case build-up nun.
19:03Ngayong buwan, itutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang investigasyon sa katiwalian sa flood control projects.
19:10Siguro po sa October 22-23, somewhere around there po. Nakita ko pong medyo maluwag-luwag around 23-24, mga 26-27, ganoon po.
19:22Kasi po ngayon, busy po yung mga ibang kasamahan po natin sa mga budget hearing po kanya-kanya.
19:27I-imbitahan si na dating House Speaker Martin Romualdez, gayon din, si dating Akobi Kulpartilist Representative Saldico na naging chairman ng House Committee on Appropriations.
19:37Si Speaker po kasi invitation lang po dahil ikaw na meron po tayong inter-parliamentary courtesy po. So it's just an invitation.
19:45Pero si Saldico siguro pwede na pong i-imbitahan. Pag hindi po sumagot, pwede na pong padalahan po na sa PINA.
19:51May naisip ding paraan si Tufo para mapabilis ang investigasyon.
19:55Sabi nga ng DPWH, parang 4,000 po yan o 8,000 na flood control projects throughout the country.
20:04So napakadami po. Siguro ang gagawin po natin, pag nahagip ka, may flood control ka, kailangan i-certify po ng DPWH ng COA na yung flood control mo talagang na-execute na hindi siya substandard at hindi siya ghost.
20:17Ang Banko Sentral ng Pilipinas naman pinag-aaralan ang pagpapatupad ng limit sa mga fund transfer para maiwasan ang paggamit ng pera sa mga iligal na aktibidad.
20:28Pinag-aaralan din kung pwede ng tanggihan ang mga banko ang mga kadudadudang withdrawal.
20:32Bago ito, na-question sa pagdinig ng Senado ang pagpayag ng isang sangay ng land bank na mag-withdraw ang isang private contractor ng halos kalahating bilyong pisong cash sa loob lamang ng dalawang araw.
20:43Naano na sinabi ng land bank na sumunod sa proseso ang mga withdrawal. Inautorisa rin daw ito ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
20:52Now we have a threshold on how much cash can be withdrawn. Now there will be a threshold on transfers in general. Could be cash, could be digital.
21:03Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:07Mainit na balita, may mga bagong jepe ang ilang government agencies.
21:15Itinlaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Atty. Vigor Mendoza II bilang bagong chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
21:24Ang iiwang posisyon sa Land Transportation Office pupunuan ni Special Envoy on Transnational Crime, Marcos Lacanilau.
21:35Ang dating chairperson ng LTFRB na si Teofilo Guadis III uupo bilang chairperson ng Office of Transport Cooperative.
21:43Nilinaw ng Philippine Ports Authority ang issue sa umano'y overpriced body worn cameras na kanilang biniliin noong 2020 at 2021.
21:56Sa panayam ng unang balita sa unang hirit kay PPA General Manager Jay Santiago,
22:01P168 million pesos ang kabuang presyo ng procurement.
22:05Anya, hindi dapat hatiin ang halaga sa halos 200 units lamang.
22:11Kasama na rin kasi sa presyo ng procurement ang nationwide surveillance connectivity, servers, training, software at system integration.
22:21Dumaan din daw sa tamang proseso ang bidding para sa proyekto.
22:25Ayon kay Santiago, nakatutulong ang proyekto para maiwasan ang pangingikil at iba pang insidente sa mga pantalan.
22:33Bukas din ang PPA sa anumang audit o review.
22:36Ang paglilinaw ng PPA sa issue ay kasunod ng pagbusisi ng Senate Committee on Finance sa budget ng Department of Transportation kahapon.
22:49Binaha ang ilang lugar sa Cebu kasunod ng malakas na ulan.
22:53Sa konserasyon, naantala ang biyahe ng ilang motorista matapos umabot sa kalsada ang tubig mula sa bundok na sinabayan pa ng high tide.
23:04Umapaw rin po sa kalsada ang tubig mula sa spillway sa Valencia Extension sa Carcar City.
23:10Dahil dyan, nahirapang makatawid ang mga estudyante at mga guro mula sa isang paaralan.
23:16Malakas na agos ng tubig din ang bumungad sa mga residente sa barangay magsipit.
23:22Walang naitalang nasawi sa mga pagbaharoon.
23:25Binaharin po ang ilang lugar sa Minglanilla.
23:28May mga natumbapangang uno na sumabit sa mga kable ng kuryente.
23:34Binaharin ang ilang lugar sa Zamboanga kasunod ng malakas na ulan.
23:38Sa barangay poblasyon sa Siocon, Zamboanga del Norte, nagmistulang ilog ang ilang kalsada.
23:45Ang tubig, pumasok na rin po sa maraming bahay.
23:48Sa Zamboanga City naman, pahirapan sa pagtawid ang mga motorista dahil din po sa pagbaha.
23:55Ang ilan pang namatayan ng makina dahil po sa taas ng tubig.
23:59Para tulungan ang mga apektadong pasahero, naglungsan po ng libring sakay ang lokal na pamahalaan.
24:04Ayon sa pag-asa, epekto ng Intertropical Convergence Zone ang naranasang pagulan sa Visayas at Mindanao.
24:13Mga kapuso, wala na pong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
24:19Ayon sa pag-asa, bandang alas 11 kagabi nang lumabas ng PAR ang Tropical Storm Kedan na may international name na NACRI.
24:28Ilang oras lang ang itinagal nito sa Philippine Sea mula nang pumasok ito sa PAR kahapon ng hapon.
24:34Sa ngayon, namataan ang nasabing bagyo, 1,300 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon.
24:42Dakong alas 8 naman kagabi, nasa labas na rin ang PAR ang LPA na nabuo kahapon ng umaga, malapit sa Palawan.
24:50370 kilometers ang layo ngayon ng LPA, west-northwest ng pag-asa island.
24:56Nagpapaulan pa rin po sa southern Luzon ang truck ng nasabing LPA.
25:01Southwesterly wind flow naman ang iiral sa Visayas at Mindanao.
25:05Mas makakaasa sa maayos na panahon ang nalalaming bahagi ng Luzon, pero posible pa rin po ang mga local thunderstorm.
25:13Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
25:20Asahan ang biglaang ula na may pagpulog pagkidlat.
25:23Tatagal ang nasabing babala hanggang alas 10 mamayang gabi.
25:26Ito ang GMA Regional TV News.
25:35Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
25:39Patay po ang isang rider ng motorsiklo matapos siyang masalpok ng isang SUV sa Mangaldan, Pangasinan.
25:46Chris, anong nangyari?
25:47Connie, ayon sa pulisya, nag-overtake ang SUV sa isang jeep kaya nabangga ang motorsiklo.
25:56Sa kuha ng CCTV, kita ang pagtilapon ng dalawang sakay ng motorsiklo matapos na mabangga ng SUV.
26:03Hindi umabot ng buhay sa hospital ang rider habang sugatan ang kanyang angkas.
26:08Damay din ang nakaparadang motor at pickup sa gilid ng kalsada.
26:12Ayon sa pulisya, negatibo sa alcohol breath test ang driver ng SUV.
26:17Nakikipag-usap na raw ang driver ng SUV sa pamilya ng mga biktima.
26:21Wala pang pahayag ang driver at ang kaanak ng mga biktima.
26:27Update po tayo sa sitwasyon sa Davao City kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.
26:34At may ulat on the spot si Jandy Estema ng GMA Regional TV.
26:38Jandy?
26:38Yes Connie, 9.44 ngayong umaga natin naramdaman ang pagyanig ng 7.5 magnitude na lindol dito sa Davao City.
26:49Agad na nagsilabasan ang mga tao mula sa mga gusali matapos ang malakas na lindol.
26:54May hinimatay na isang worker sa isang kondominium dahil sa matinding takot ang mga occupants at sasakuman ay agad-agad na lumabas.
27:02Ang ilan ay nakapaapang tumakbo habang ipili ka.
27:06Nagsuspend din na ng klase at trabaho ang lokal na pamahalaan upang magsagawa ng rapid damage assessment sa mga ekrastruktura at mga pasilidad sa lungsod.
27:15May nakuha tayong informasyon, Connie, na may estudyante na nasugatan sa isang paaralan dito sa Davao City.
27:21Kinukumpirma pa natin yan sa CDRRMO.
27:24Yan ang latest mula dito sa Davao City. Balik sa'yo, Connie.
27:26Yes, Jandy, nakikita natin sa video, talagang naglabasan na yung mga tao sa iba't ibang mga gusali.
27:32Sabi mo nga, ano yung sitwasyon ngayon? Kalmado na ba?
27:35O talagang nananatili pa rin sila magpahanggang sa ngayon sa labas ng mga kanilang gusali dyan?
27:41As of this hour, Connie, nakikita pa rin natin yung kaba at yung takot mula sa mga tao dito sa Davao City.
27:51At dahil na nagsuspect din na ng klase at ng trabaho, medyo naka-experience lang ng moderate to heavy traffic dahil nga nagsiuwian na yung mga empleyado at saka yung mga estudyante.
28:05Yung mga nagtatabaho sa mga BPO companies, yung mga call center agents, ay nasa labas pa ng kalsada.
28:14Ang iba naman ay dahan-dahan ng umuwi sa kanilang mga sakaikon.
28:18Meron ba tayong napaulat na mga na-damage na mga properties o area kaya dyan?
28:24May mga nasaktan ba?
28:27Kasi yan talaga yung, syempre, ayaw natin sanang mangyari at mabalita.
28:31Pero baka meron ka ng update kung meron man.
28:34Yes, Connie, pinatanong natin yan sa CDRMO.
28:38Sa ngayon ay wala pa tayong tugon na nakatanggap.
28:42At may nakuha tayong informasyon na sa isang college, sa isang paaralan dito sa Davao City, sa Maymatina.
28:49Merong mga photos na silabasan sa mga dubuan ng mga estudyante.
28:53Pero kinukumpirma pa natin yan, Connie, ha?
28:55At may informasyon na may mga ilan na nasaktan.
28:59Pero sa ngayon, hindi pa natin makuha yung reply from CDRMO kasi busy pa sila sa kanilang mga rapid damage assessment.
29:06Makikibalita kami muli sa'yo, Jandy, kung meron ng information about this incident na sinasabing kumakalat dyan na may mga nasugatan.
29:15Maraming salamat ha, Jandy Esteban.
29:18At ingat kayo dyan.
29:20Samantala,
29:20Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno na Tiyakin ang kaligtasan ng mga apektado ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.
29:32Sabi ng Pangulo, makikipag-ugnayan ang national agencies sa mga lokal na pamahalaan na nianig ng lindol para magpalikas po ng mga residente.
29:41Ikakasa naman ang search, rescue and relief operation sa mga naapektuhan ng lindol kapag ligtas na itong gawin.
29:49Inihahanda rao ng DSWD ang food packs at iba pang mahahalagang relief items.
29:55Handa rin daw magbigay ng medical assistance ang Department of Health.
29:59Paalala ng Pangulo sa ating mga kababayan na lumipat sa mataas na lugar, lumayo sa mga dalampasigan at sundin ang utos ng mga otoridad.
30:09Naramdaman din sa Cagayan de Oro City ang tumamang magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.
30:21Ang mainit na balita hatid ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
30:26Maka puso si Cyril Chavez ito ng GMA Regional TV.
30:29Andito tayo ngayon sa Cagayan de Oro City kung saan naranasan ang isang malakas na lindol na nagmula ang sentro nito sa Manay Davao Oriental.
30:39Dito ngayon mga kapuso, sa may likuran ko, ikita natin ang ilang mga empleyado ng isang hotel at ng malaking mall na ito.
30:50Ang hindi pa pinapapasok ng management.
30:54Ito'y matapos magyanigin ng magnitude 5.9 ang Cagayan de Oro City.
31:01At ayon sa CDRR mo ay nasa intensity 4 ang naramdaman ng lungsod.
31:08Ngayon ilang mga mall goers, mga estudyante at mga tenants ng establishmentong ito, itong mall na ito sa may downtown area ay hindi muna pinapayagang pumasok.
31:17At may inilagay na rin ang management ng mall na isang tent dito together with may mga first aid kits silang ginawa rin para pasiguro kung may mga mall goers ba o mga tenants nila na na-injured dahil sa nangyaring paglindol.
31:45Ito may incident command center din sila.
31:52Initingnan nila ngayon ang sitwasyon dito.
31:55Kikita natin may mga senior citizen rin na inilalabas papalayo dito sa building na ito.
32:05So ngayon sinusuri pa ng management ng mall at ilang authorities ang integrity ng building na ito.
32:14So tuloy-tuloy ang evaluation na ginagawa ngayon and ihinga natin ang pahayag ang CDRR mo ng Cagayan de Oro City kung may mga major infrastructure ba dito sa lungsod ang nasira dahil sa malakas na paglindol na nangyari ngayong umaga.
32:33Mula sa GMA Regional TV, Cyril Chavez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
32:41Ito ang GMA Regional TV News.
32:48Tungkol naman sa lindol na nangyari dyan sa Cebu, lumalaki raw ang mga bitak sa lupa sa bayan ng Tabogon na lumitaw kasunod nga po ng magnitude 6.9 na lindol doon noong September 30.
33:01Cecil, bakit daw lumalaki? May eksplenasyon na ba?
33:03Connie, hinala ng mga residente ay dahil yan sa mga aftershock ng lindol.
33:11Kwento ng isang residente ng barangay Tapul, maliit lang noong una ang bitak sa lupa hanggang sa umabot na sa loob ng kanilang bahay.
33:19Dahil dyan, hindi na muna sila pinayagan ng MDRRMO na manatili sa bahay.
33:24Ayon sa MDRRMO, sinusuri na ng PIVOX at DOST ang mga bitak sa tatlong barangay, pati ang mga dance line area sa pitong barangay.
33:34Hanggang ngayon ay may mga nakuhulog pa rin daw na malalaking bato bulas sa bundok.
33:40Dahil sa bantan ng tiligro, hindi muna pinadaraanan ang ilang kalsada at patuloy na minomonitor ng mga otoridad.
33:46Ito na po ang beep-beep-beep sa mga motorista, posibleng na magka-rollback sa diesel.
33:58Matapos po ang pitong sunod-sunod na linggong taas presyo.
34:00Sa estimate ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay sa 4-day trading, humigit kumulang 54 centavos per liter ang nakikitang bawas presyo sa diesel.
34:12May posibleng rollback din na 17 centavos per liter sa gasolina at 47 centavos per liter sa kerosene na pitong linggo na rin pong tumataas ang presyo.
34:24Posible pang magbago yan, depende sa kalakalan ngayong biyernes.
34:28Ayon sa DOE, nakapagpapababa sa presyo ng krudo sa world market, ang nakikitang oversupply at ang kasunduan sa pagitan ng Israel at grupong hamas na itigil na ang bakbakan.
34:42Naramdaman din ang lakas ng magnitude 7.5 dalindol sa Davao Oriental sa gitna ng Maritime Interagency Exercise sa Davao Fishport Complex sa Davao City.
34:54Ang mainit na balita hatid ni R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
35:02Nagsasagawa ng Maritime Interagency Exercise dito sa Davao City nang maramdaman ang malakas na pagyanit.
35:09Nagsasagawa ng Maritime Interagency Federation.
35:11Nagsasagawa ng Maritime Interagency Economy sa Davao City.
35:13Dating ang Maritime Interagencyék boîte sa Davao City ng Maritime Interagency
35:27Nagsasagawa ng Maritime Interagency
35:28Nagsasagawa ng Maritime Interagency
35:37The exercise is now evacuated by the OCD-11 Director Ednar Dayaguirang.
35:44They are afraid of the emergency responders.
35:49According to the official information, there are some OCD-11 members in the OCD-11 area in Dago Oriental.
35:55Relax, relax, relax.
35:59At labia, labia, labia.
36:02Sa ngayon ay napapatuloy pa ang pangangalap ng informasyon kung may manong talang danos kasunod ng malakas na pagyanin.
36:10Yan ay latest mo rito sa Davao City. Ako si Orin Gil, a relator ng General HLTV at GMA Interest.
36:18Update naman tayo sa General Santos City kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.
36:25At may ulit on the spot si Efren Mamak ng GMA Regional TV. Efren?
36:33Yes, Connie, rumesponde ang mga otoridad sa isang paralan. Matapos makaranas ng paghihilo ang ilan sa mga estudyante.
36:43Nakalikas sa isang ligtas na open ground sa isang kalsada ang mga estudyante.
36:48Ang ilang guro at estudyante na hilo meron din na himatay.
36:51Agad na mga rumesponde ang mga medical team para dalhin sila sa ospital.
36:56Nadatna ng news team ang mga PNP personnel ng General Santos City Police matapos nagsilikas patungo sa harap ng headquarters.
37:05Connie, sa ngayon pansamantala muna inansila ng MDRRMO ang mga klase dito sa General Santos City
37:12habang nagpapatuloy ang assessment kaugnay sa epekto ng nasabing lindol.
37:18At yan muna ang latest dito sa Jensan.
37:20Connie?
37:21Yes, Efren. Makikibalita lang tayo. Sa ngayon ba? Kamusta ang senaryo diyan?
37:27Nakakaramdam pa ba kayo ng mga aftershocks kaya?
37:29Yes, Connie. Sa ngayon wala pa tayong nararamdaman na mga pamuling pagyanig.
37:39Pero base sa ating observation ngayon, yung mga mag-aaral parang normal na.
37:45Balik normal na ang status ngayon dito sa mga ilang lugar dito sa General Santos City.
37:51Yes. What about yung mga ospital, Efren? Kamusta?
37:53Napupuno ba dahil sa mga, sabi nga, maraming mga nahilong bata?
37:58May mga sugatan ba ng dahil din sa lindol na dinala doon, Efren?
38:05Yes, Connie. Sa pagroronda namin kanina, may mga nakita kaming mga pasyente
38:11ang nasa labas ng ospital. At bukod dyan, nagroonda din kami sa ilang pang mga establishmento
38:18dito sa Jensan, tulad ng mga mall, makikita natin na may mga tao
38:23o mga nagsilikas para makaiwas. Pero sa ngayon, inaalam pa natin
38:28kung meron mga nasugatan o parang naging dahil sa efekto ng lindol dito sa Jensan.
38:37Alright, maraming salamat at ingat kayo dyan.
38:39Efren Mamak ng GMA Regional TV.
38:44Detalya po tayo sa mainit na balitang ipinatigil naman ng DPWH,
38:47ang lahat ng road re-blocking sa bansa.
38:50May ulit on the spot si Jonathan Andal.
38:53Jonathan?
38:57Connie, pag may nakita raw kayo nagbabackpak pa ng kalsada,
39:01lalo na yung ayos naman pero sinisira,
39:04aba, e-report nyo raw sa Facebook pages o social media pages ng DPWH
39:09dahil effective immediately, e-suspendido muna
39:13yung lahat ng road re-blocking project sa buong bansa.
39:17Ang sabi kasi ni Secretary Vince Dizon, e, posibleng may anomalia o corruption din,
39:24pati sa mga pagsasayos ng mga kalsada.
39:27Sa press conference kanina, ipinakita ni Secretary Dizon ang picture ng isang kalsada sa Bukawe, Bulacan,
39:36na mukhang ayos naman daw pero binakbak ng mga taga DPWH.
39:41Agad yung ipinatigil ni Dizon at ipinaayos para hindi makaabala sa mga motorista.
39:46Binigyan ng show cause order ang district engineer na nakakasakop sa Bukawe
39:50para pagpaliwanagin kung bakit ba yun binakbak.
39:54Sabi ni Dizon, exempted sa suspension ng mga pagbabakbak ng kalsada
39:57na ang dahilan ay kailangan ayusin ang mga sirang drainage at tubo ng tubig.
40:02Maglalabas daw sila ng department order na gagawin ng transparent ang mga road re-blocking
40:06para ipaliwanag sa mga tao kung bakit ba talaga kailangan bakbaki ng isang kalsada.
40:11Babala naman ni Dizon sa mga tauhan ng DPWH,
40:14huwag iwanang nakatiwangwang ang mga sinuspinding road re-blocking project.
40:18Kung hindi, tatanggalin sila sa trabaho.
40:20Inanunsyo rin ni Dizon na iba pang reforma sa DPWH.
40:23Ineengganyo ng sumali ang mga sibilyan o civil society organization
40:27sa pag-audit at pag-monitor ng mga DPWH project
40:31mula sa bidding hanggang makumpleto ang isang proyekto.
40:34Maglalabas din daw si Dizon ng mas matinding parusa
40:37kapag hindi nasunod ang mga flood control project policy ng ahensya.
40:41Nakatakda naman daw pumirma ng memorandum of agreement ang DPWH
40:45kasama ang AMLA o Anti-Money Laundering Council,
40:48Insurance Commission at Philippine Competition Commission
40:50para mas mapabilis ang pagbawi ng pera ng taong bayan
40:54mula sa mga maanumaliang flood control project.
40:56Sang-ayo naman ang DPWH sa mongkahin ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
41:01na ibaba ang level of threshold o yung pondo ng isang proyekto
41:05na pwedeng aprobahan ng mga regional director at district engineer ng DPWH.
41:10Pero hindi pa masabi ngayon ni Dizon kung hanggang magkano.
41:12Maglalabas na lang daw sila ng memo sa susunod na linggo.
41:15Sabi ni Dizon noong panahon ni dating DPWH Secretary Babe Simpson,
41:19hanggang 50 million pesos lang ang kontratang pwedeng aprobahan
41:23ng isang district engineer at hanggang 150 million sa regional director.
41:27Pero sa hindi pa malamang dahilan, itinaas daw yan noong panahon ni dating Secretary Mark Villar
41:32at Manny Bonoan.
41:33Kaya ngayon, abot na hanggang 400 million ang kontratang pwedeng aprobahan
41:38ng regional director at hanggang 150 million naman sa district engineer.
41:42Kaugnay naman sa pahayag ni Sen. Wynn Gatshalian na buwagin na ang DPWH,
41:46sabi ni Dizon, bigyan pa sila ng pagkakataon dahil marami raw silang gagawing reforma.
41:51Update naman sa bumigay na Pigatan Bridge sa Cagayan.
41:54Sabi ni Dizon, may tinatayo ng detour bridge katabi ng bumagsak na tulay
41:58para makatawid na ang mga sasakyan doon.
42:01Kaya raw itong matapos ng dalawang buwan o 60 days.
42:04Higit doble daw ang kapasidad nito, 40 tonelada na,
42:07kumpara sa 18 tonelada lang na kapasiti ng bumagsak na Pigatan Bridge.
42:12140 meters sa haba nito, may dalawang linya at may pondong 17.4 million pesos.
42:18Sa lindol naman sa Cebu, pinagmalaki ni Dizon ang mga itinayaw nilang tent city.
42:22100 tents na raw ang naitayo sa Bugo at 66 tents sa Medellin.
42:27May kuryente na raw doon at may portable shower at comfort room.
42:30Narito ang bahagi ng press conference kanina tungkol sa road reblocking.
42:34Bakit ba ang DPWH binabakbak ang mga kalye na parang okay naman para lang gawin ulit?
42:44Diba?
42:44Well, siguro sa maraming pagkakataon, alam na natin kung bakit.
42:49Diba?
42:50Okay.
42:51Kasi pinagkakakitaan lang yun.
42:54Pinagkakakitaan yung pagsisira, pinagkakakitaan din yung paggagawa ulit.
42:58Correct?
42:58Okay.
43:00So, effectively now, I will be suspending all rebrocking activities.
43:09Connie, sa susunod na linggo ay sisilipi naman daw ni Secretary Vince Dizon yung mga farm-to-market road.
43:16Makikipag-meeting daw siya kay Agriculture Secretary Chu Laurel tungkol dyan.
43:20Yan muna ang report. Balik sa'yo, Connie.
43:22Maraming salamat, Jonathan Andal.
43:26National Criminal Court is now in session.
43:30Rodrigo Roan Duterte.
43:33Sa ibang balita, ipinababasura ng Office of Public Counsel for Victims
43:44sa International Criminal Court ang hiling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
43:50na indefinite adjournment ng pagliliti sa kaso niya ang crimes against humanity.
43:55Sa indefinite adjournment, walang tiyak na petsa kung kailan gagawin ang pagdinig.
44:00I-dinadahilan pa rin ng Duterte Defense Team ang umano'y humihinang kalusugan at memorya ng dating Pangulo
44:07kaya hindi siya makakaharap sa paglilitis.
44:10Para sa kampo ng mga biktima, hindi sapat ang mga dokumentong isinumite ng defense team
44:14para patunayang hindi kayang humarap sa paglilitis ni Duterte.
44:19Mahalaga rao na masuri na agad ang kalusugan ni Duterte
44:22para hindi na maantala ang confirmation of charges, hearing at mga susunod pang proseso.
44:27Ang mungkahin ng prosecution team, pumili ang pre-trial chamber 1
44:33ng mga eksperto sa forensic psychiatry, neuropsychology at behavioral neurology
44:39para suriin ang kondisyon ng dating Pangulo.
44:47I-sineer ni Asia sa multimedia star Alden Richards sa inyong mare ang kanyang feelings
44:52sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso Dance reality show na Stars on the Floor.
44:58Parang of all the shows I've hosted, so far Stars on the Floor is the one that I'm so immersed with.
45:06Siguro kita naman kung paano ako nagsasasayaw doon, pag inundas pat ako niya niyan, di ba?
45:10But enjoy ko siya eh. I mean what we have, on-cam and off-cam.
45:14It gives me a better and deeper understanding of the art of dance.
45:18Dagdag pa ni Alden na tutuhan niya na ang sayaw ay isang form of storytelling.
45:23Thanks to Stars on the Floor ay mas naiintindihan niya raw ito.
45:26Kamakailan national winner ang Stars on the Floor sa Best Music and Dance Program Award
45:31sa 2025 Asian Academy of Creative Arts.
45:35Kaya naman dapat abangan ng ultimate grand dance showdown ng Stars on the Floor sa October 18.
45:46Mga kapuso sa Mindanao, magingat pa rin po sa posibleng aftershocks
45:51dulot ng magnitude 7.4 na lindol.
45:55Kung makaramdam po ng pagyanig ng malakas, abay mag-duck, cover, and hold na.
46:00At kung ligtas naman, ay agad pong lumikas.
46:05Siyempre tayo ay sunod-sunod na lindol.
46:09Kaya sabi ko nga, parang nasusubok yung ating mga practice, di ba,
46:13ng duck, cover, and hold talaga.
46:15Dahil sa totoong buhay, hindi pwedeng magpanik eh.
46:18Oo, kaya dapat, Maren, yung disaster preparedness, dapat alam ng ating mga kababayan.
46:24Yes, oo. Tsaka muscle memory.
46:27Ang ating hinahabol dyan, kaya tayo nagpa-practice eh.
46:30Kaya huwag po natin pag sa walang bahala yan.
46:32Samantala, 7.4 na lamang po ang sinasating lindol.
46:36Binaba po muli ito.
46:38Tapos na ang tsunami warning rin,
46:40pero mainam na hintayin po ang abiso kung ligtas nang bumalik sa inyong mga lugar.
46:45So, lalong-lalong na dyan sa mga area na nakatira po sa Dalampasigan.
46:49Alam naman natin, pag-costal area, oo.
46:52Mahirap din talagang makahabol, sabi nga, sa daluyong hindi mapag nandyan at malakas.
46:58One meter.
46:59Mataas-aas pa rin yun, ha?
47:00Kaya dapat yung iba talagang lumikas na, ano, sa ano pala.
47:04Yes.
47:04At saka nakikita natin itong mga estudyante,
47:08naku talaga hong, alam natin yung nervyos.
47:11Lalo na sa ganyang kalakas na lindol.
47:13Sabi nga nila, yung iba hindi na makatayo eh.
47:16Diba? Bukod sa nervyos.
47:17Nakakahilo rin yun.
47:18Nakakahilo rin.
47:18At marami hong na-ospital.
47:20Kaya ingat po tayo at panalangin po natin na sana wala na hong madagdag pa
47:24dun sa mga sinasabing maaaring nasaktan, nahilo.
47:27At yung isang confirmation kanina na isa po ang patay.
47:30Pag-ingat po tayong lahat.
47:32At ito po ang balitang hali.
47:34Bahagi kami ng mas malaking mission.
47:36Ako po si Connie Cesar.
47:37Masama nyo rin po ako, Aubrey Caramper.
47:39Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
47:41mula sa GMA Integrated News,
47:43ang News Authority ng Filipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended