Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Malak palaguin ang gobyerno ng Pilipinas ang kakayan natin gumawa ng sariling mga armas at teknolohiya para sa militar.
00:08Lay down niyang gawing self-reliant ang Pilipinas imbis na bibili pa sa ibang bansa.
00:13May unang balita si Chino Gaston.
00:18Mga drone na kayang maghulog ng mga bomba o magsagawa ng aerial reconnaissance.
00:24Barko na kayang magpatrolya sa West Philippine Sea.
00:27Mga assault rifle, sniper rifle at body armor na gawang Pinoy.
00:32Ilan lang ang mga ito sa mga sandata at teknolohiya ng local defense industries
00:37na balak palaguin ang gobyerno alinsunod sa Self-Reliant Defense Posture Program o SRDP.
00:43Sa ngayon kasi, halos lahat ng barko, eroplano, armas at iba pang gamit ng militar binibili pa sa ibang bansa.
00:50Yung capabilities na continuously ina-acquire natin na 100% foreign owned.
00:55Eventually, we will have our own capabilities na partnered with local industries.
01:03Yun naman yung intention natin, ma-trigger yung industries natin to the SRDP law.
01:08So, yung ating dependence and reliance sa mga foreign suppliers in the future, hopefully, is mababago na to the SRDP law.
01:19Isa sa mga sinusulong ng Philippine Air Force ang pag-manufacture ng sariling attack at surveillance drones
01:25na naging epektibong panalag sa kalaban sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
01:31Kasama sa SRDP program, ang paglikha ng sariling spare parts ng mga gamit na kaya na ngayon gamit ang 3D metal printing technology.
01:39Bukod sa gamit pandigma, pinaglalaanan din ng panahon ang research sa food technology gaya ng mga ready-to-eat combat meals na swak sa panlasang Pinoy
01:49gaya ng tapa, adobo, binaguongan, Spanish sardines at kanin na kayang tumagal ng isang taon na hindi nasisira.
01:57Humuhugot ng gabay at kaalaman ng Defense Department mula sa ibang bansa gaya ng Turkey, India at South Korea
02:03na binuhusan ng investment ang local defense companies at ngayon ay nage-export na ng mga armas sa iba't ibang bansa sa mundo.
02:12Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
02:17Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang ulat sa ating bansa.
02:27Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Be the first to comment