Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At ano kaya ang masasabi ng mga motorista tungkol sa 1RFID All Toll Waste Project?
00:06Live mula sa Valenzuela City, may unang balita si EJ Gomez. EJ?
00:15Susan, hindi na nga kailangan ng mga motorista ang multiple RFID para makabiyahe sa iba't ibang toll expressways sa Luzon.
00:25Meron na nga kasing 1RFID na pwedeng ipainstall. Inalam natin kung anong masasabi ng mga kapuso natin ukol dyan.
00:34Inilunsad kahapon ang programang 1RFID All Toll Waste ng Department of Transportation o DOTR at Toll Regulatory Board kasama ang RFID providers na Auto Sweep at Easy Trip.
00:48Bahagi yan ng kanilang Toll Collection System Interoperability Project.
00:52Kapag may 1RFID, pwedeng isang account na lang ang lalagyan ng load tuwing daraan sa anumang expressway sa Luzon.
01:00Approve ito sa motoristang si James na bumiyahe mula Zambales para maghatid ng kaanak sa naiyas sa Pasay.
01:07Malaking bagay po yan ma'am kasi unang-una hindi ka na malilito.
01:12Dahil minsan pag nagpapaload po kami, nalilito ako kung saan ako maglo-load.
01:16Minsan, napagbabaliktad ko, yung SC-Tex tuloy, walang laman.
01:24Bumiyahe naman mula Pangasinan patungong Maynila si Robert.
01:27Dumaan daw sila sa T-Plex at SC-Tex bago makarating sa NLEX.
01:32Dahil marami siyang dinaraan ng expressway, magpapainstall daw siya ng 1RFID.
01:38Mas maganda po, mas magaan po sa amin kasi isa na lang yung lulodan.
01:43Sa mga nais magpainstall ng 1RFID, magtungo lang sa mga RFID installation booths sa mga gas station o malapit sa mga toll booth sa expressway.
01:54Tatanggalin nila ang lumang auto-sweep or easy trip RFID at papalitan ng bagong sticker sa loob ng windshield.
02:01Mas maganda yung nasa loob kasi yung nasa labas, pag pumarada ka sa ibang lugar na maraming bata, yung iba kinukot-kot, tinatanggal.
02:14O kaya pag nagpawasing ka, tinamaan ng high pressure na tubig, mas safe pag nasa loob.
02:19Susan, kung may load balance pa, ang existing RFID na mga kapuso natin dyan ay pwede naman daw ilipat sa bagong account,
02:33optional o hindi naman daw kasi sapilitan ang paggamit ng 1RFID.
02:39Kaya magagamit pa rin ang lumang RFID accounts.
02:43At yan, ang unang balita mula dito sa Valenzuela City.
02:47EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended