Skip to playerSkip to main content
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang hilagang silangan ng Pugo, La Union na naramdaman din hanggang sa Pangasinan at Benguet. Sa Baguio, may mga estudyanteng nahilo, hinimatay o nag-panic.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Neyanid ng magnitude 4.4 na lindol ang hilagang silangan ng Pugo La Union na naramdaman din hanggang sa Pangasinan at Benguet.
00:10Sa Baguio, mga estudyante na hilo, hinimatay o nagpanik. Nakatutok si Darlene Kai.
00:20Pasado alas 10 ng umaga,
00:25Nang maramdaman ang magnitude 4.4 na lindol sa Baguio City,
00:30Ang ilang residente nagmamadaling lumabas.
00:37Gayun din ang mga estudyante ng Baguio City National High School kanina.
00:43Kinailangan silang respondehan ng isang ambulansya.
00:47Dahil sa mga estudyante na hilo o nawalan ng malay.
00:50Ang dami pong mga bata dito, ang mga inimatay. Ang bilang ko kanina ay umabot na ng mga 20.
00:57May napansin ding malaking crack sa entrance ng paaralan.
01:01Ang ninyo po nakikita, yan po yung crack. Yan po yung bagong crack dito sa main entrance ng Baguio City High School.
01:11Sa Luwakan Elementary and High School naman,
01:13Isang estudyante ang isinakay sa stretcher ng makaranas ng panic attack.
01:20Pinalabas din ang mga nasa loob ng iba pang paaralan at establishmento.
01:25Mabilis ding nagpunta sa open spaces ang mga empleyado at kliyente ng Baguio City Hall.
01:35Paalala ng mga otoridad kung lumilindol,
01:38Nagikot na rin sila sa lungsod para magsagawa ng assessment.
01:46Nakikipag-ugnayan na rin ang technical personnel ng City Buildings and Architecture Office
01:51sa mga administrators ng mga paaralan, malls at private at public buildings
01:55para tiyakin ang tibay ng mga istruktura.
01:58Dahil sa lindol, sinuspindi ang klase sa Baguio mula preschool hanggang senior high school.
02:04May mga nagsuspindi rin ang klase sa Pangasinan at La Union kung saan naramdaman din ang pagyanig.
02:09Naitala ang sentro ng lindol, tatlong kilometro hilagang silangan ng Pugola Union,
02:14kaninang alas 10.30 ng umaga.
02:16Wala namang nai-report na pinsala sa ngayon.
02:18Ayon sa FIVOX, walang inaasahang aftershocks matapos ng lindol.
02:21We consider this as a light earthquake.
02:23Wala po tayong inaasahan ng aftershock and hindi po tayo nag-expect ng damage po dito.
02:27Hindi rin daw konektado ang lindol sa malakas na pagyanig kamakailan sa Cebu.
02:31Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.
02:39Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended