- 3 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging sa Rakili!
00:12Oh my God!
00:15Nabangga ng truck ang isang taxi sa Davao City
00:18at ayon sa polisya, pakanan sana ang truck nang masapul nito ang taxi.
00:23Hindi mo na nakita ng truck driver ang sasakyan.
00:26Walang nasaktan sa dalawang driver na nagkaayos din kasunod ng insidente.
00:34Desilido magdemanda ang mga magulan ng 15-anyos na rider na inaralo ng kotse sa Teresa Rizal.
00:40Muntik na raw kasing mapatay ang kanilang anak dahil sa sadyang paghabol at pagbundol dito ng driver ng kotse.
00:47Ang ugat ng insidente sa pagsaksi ni June Benreson.
00:56Nagpagulong-gulong sa kalsada ang rider na yan.
01:01Matapos banggain at halos, araruhin ng isang kotse ang kanyang motosiklo.
01:06Nakatayo naman ang rider.
01:08Doon na lumabas ang driver ng kotse.
01:10Saka kinuprunta ang rider na isa palang 15-anyos na estudyante.
01:14Nagsumbong pa ang driver sa mga naglabasang residente.
01:30Nangyari ito sa barangay poblasyon sa Teresa Rizal kahapon ng umaga.
01:45Bago ang pagbangga, makikita sa CCTV ang habulan ng dalawa.
01:50Kumaskas pa sa paderang nakamotor ng masagi ng kotse sa likuran.
01:54Pero nagtuloy ang habulan.
01:56Saka nangyari ang pagbangga.
01:57Ang mga residente roon, nabahala sa ginawa ng driver.
02:03Hindi dapat yung pabilang ka kahit kailanong kayo.
02:06Bawa lang di ba.
02:07Bawa lang yung pabilang ka.
02:09Dapat hiharangan yung mga lakas.
02:12Hinahabol ka nga po siya.
02:13Hinahabol ka nga rin amin.
02:14May mga bata rin dito, diba? Napatay mo.
02:16Talbahe ka.
02:17Talbahe ka.
02:19Pagpilis naktakbo na kapatid mo.
02:21Alam mo nga nga.
02:23Kumiingit na nga gulo itong kotse mo eh.
02:26Grabe ka.
02:26Ang isa sa mga nakasaksi, nakaramdam ng awa sa rider.
02:34Napapasok daw sana noon sa eskwela.
02:36Malayo pa po ako.
02:38Kitang-kita ko na po yung pagbundol ng kotse dun sa motor na bata.
02:42Sira po yung kanyang uniform hanggang dito po.
02:45Galos.
02:45Galos.
02:47Opo, dito.
02:48Tapos dito.
02:49Tapos may konti po sa ganto ah.
02:50Base sa investigasyon ng Teresa Municipal Police Station, unang nasagi ng motorsiklo ang kotse.
02:56Pero hindi ito huminto kaya nagkahabulan.
02:59Matapos ang isidente, lumagda sa kasunduan ang ama ng biktima at ang driver ng kotse.
03:04Na sasaguti nito ang lahat ng gasos sa pagpapagamot sa estudyante at sira sa motorsiklo.
03:10Pero nang mapanood ng mabuti ng mga magulang ng bata ang viral video.
03:15Nagpasa silang kasuhan ng driver.
03:17Kanina, nagpunta sila sa Public Attorney's Office para humingi ng tulong legal.
03:21May katanggap-tanggap yung ginawa.
03:26Kasi papatay niya yung bata eh.
03:32Hindi, paano ko natuluyan?
03:34Pasensyaan tayo.
03:36Ikaw may kasalanan nito.
03:37Gagawin ko lang ang nararapat.
03:39Pagdusahan mo kung ano yung katarantado ang ginawa mo sa anak ko.
03:42Pagkatapos dumapit sa Public Attorney's Office ay agad na bumalik dito sa Teresa Municipal Police Station
03:48ang mga magulang ng biktima para humingi naman ng tulong sa pagsasampal ng reklamo.
03:53At sa mga sandaling ito nga ay hinihahandaan na ng mga polis ang reklamong attempted murder laban sa sospek.
04:00Maharapin mo lahat ng konsekwensya sa pinagagawa mo.
04:03Hindi biro ang ginawa mo sa anak ko.
04:06Papatay ka ng tao dahil sa konting gasgas na yun.
04:09Napaka-demonyo niya po, sir.
04:11Nakaharap namin ang driver ng kotse, pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
04:16Pinakakansila na ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang lisensya ng driver.
04:21Pinagutos ko na po sa LTO na hanapin yung driver na yan.
04:26Kanselihin ang kanyang lisensya habang buhay.
04:29Yung driver na po yan, wala pong karapatan magmanewayan sa kalsada.
04:33Ang dapat po dyan ay talaga sampahan ng kaso at talaga makulong.
04:37Napakasalbahe po eh.
04:38Nakikipag-ugnayan na ang DOTR sa pulisya.
04:41Nakatakda rin maglabas ang show cost order ang LTO laban sa driver.
04:45Para sa GMA Integrating News, ako si Jun Van Arasyon, ang inyong saksi.
04:51Away umano dahil sa iligal na aktividad ang nakikitang motibo ng mga pulis
04:55sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki sa Tondo, Maynila.
04:59Ang krimen, nasaksihan pa ng mga bata.
05:02Saksi, sinikawahe.
05:03Nasa computer shop ang mga batang iya nang dumating ang dalawang lalaking na kasumbrero.
05:11Nakataki pa muka at may dalang baril.
05:14Maya-maya,
05:15umaling-aung-aung ng sunod-sunod na putok ng baril.
05:19Pinagbabaril na pala ang 36 anyos na lalaking kumakain lang noon.
05:23Mabilis na tumakas ang mga sospek.
05:25Nagtakbuhan pala ba sa mga bata?
05:28Patay ang biktima.
05:29Nagkaroon sila ng parang awayan sa teritoryo sa kanilang mga illegal activities.
05:33Sinasabi doon, illegal tampering ng tubig.
05:39Asama na rin yung kuryente at mga iba pang mga illegal activities.
05:43Pero ayon sa pamilya, walang iligal na gawain ng biktima.
05:47Hindi lang daw ito pumayag na magpatap ng kuryente sa mga sospek.
05:50Kasi po ang kapatid ko may kuryente load.
05:53May kasosyo po siya.
05:55So kasi po yung kuryente load may capacity po yan.
05:58Kapag po kasi sumobra overloaded,
06:01maaari pong sumabog, magkasunog.
06:03Eh gusto po yatang kumunik.
06:06Hindi po napagbigyan ng kapatid ko.
06:09Tapos po mga ilang araw po,
06:11nagsabi po yung kapatid ko sa hipad ko na may nagbabanta sa kanya.
06:16Pinagbantaan daw po siya noong gustong magkabit sa kanya.
06:19Nangyari ang krimen noong linggo sa Aroma Compound sa Tondo, Maynila.
06:23Sa pamagitan ng backtracking,
06:26natuntun at naaresto ng Manila polis ang isa sa tatlong sospek
06:29sa isang bahay sa loob pa rin ng Aroma Compound.
06:32Hindi humarap sa kamera pero itinanggi niya ang krimen.
06:35Ayon sa polis siya, kilala na rin nila ang dalawa pa niyang kasama.
06:38Yung dalawang kasambot niya, yung isang lookout at yung isa pa,
06:41kasamahan din na pumasok doon sa residente o bahay nitong biktima natin at large.
06:48Pero ganun pa man, na-identify ito.
06:50At kasama ito dito sa naisampang kaso sa kanila.
06:53Ito nga yung murder by shooting.
06:55Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
06:59Kahit maging state witness, ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya,
07:09iginit ng BIR na dapat pa rin silang magbayad ng buwis.
07:12Aabot sa maygit 7 milyon piso ang hindi nabayarang buwis ng mga Diskaya
07:15mula 2018 hanggang 2021 pa lang yan.
07:20Saksi, si Joseph Moro.
07:22Nasa DOJ kanina, si Pasifiko Curly Diskaya II
07:29para sa pagpapatuloy ng case build-up sa mga sangkot umano
07:32sa katiwalian sa flood control projects.
07:35Nag-a-apply para maging state witness na Curly at asawang si Sara Diskaya.
07:41Kanina, nag-hahin ang BIR ng patong-patong na reklamong tax evasion
07:44laban sa mag-asawa.
07:46Mahigit 7 bilyong piso umano
07:48ang buwis na hindi nila binayaran mula 2018 hanggang 2021.
07:53Bukol sa hindi raw tamang halaga ng binayaran nilang income tax,
07:57hindi rin bayad ang excise tax ng siyam na luxury vehicles sa mga Diskaya.
08:02Iniimbestigahan din ang BIR ang binanggit ng mga Diskaya sa Senado
08:05na nag-divest na sila sa kanilang mga kumpanya.
08:08Hindi rin bayad ang buwis patungkol sa paglipat ng mga shares of stock na ito.
08:12Ang mga reklamo ay batay sa tax compliance audit at investigasyon ng BIR sa mga Diskaya
08:18mula nung isang taon bago pa man pumutok ang isyo sa mga flood control project.
08:23Binibigyan din natin ng due process na ganyan.
08:29So minsan hindi nila tinatanggap yung mga notices
08:31so kinakailangan pa natin mag-resort sa mga iba't ibang paraan para ma-iserve ito.
08:35Kahit daw maging state witness pa ang mag-asawa,
08:38kailangan nilang bayaran ang buwis.
08:40No comment mo na ako dyan kasi hindi pa namin nababasa
08:44kami mga abogado ng spouses Diskaya,
08:48hindi pa namin nababasa yung complaint ng BIR.
08:52Hawak ng Bureau of Customs ang 13 sa mga luxury vehicle ng mga Diskaya
08:56dahil may problema o mano ang mga ito sa dokumento.
08:59Ito po ay nakatakdang dinggin itong paparating na October 9, 9
09:04at ito na po yung formal seizure proceedings
09:07at kapag wala pa rin po itong mga dokumento,
09:10wala pa rin po silang patunay sa pagbabayad ng duties and taxes,
09:14ito na po ay mako-forfeit in favor of the government.
09:17Posibleng ipasubasta ang mga sasakyan kundi talaga mapatunay ang legalang pagkakabili.
09:22Kapag po ang halaga ng sasakyan ay 10 million pataas,
09:26kailangan pa po nito ng final approval ng ating Secretary of Finance.
09:30Kapag less naman po ng 10 million,
09:34ang desisyon po ng commissioner ang magiging final na desisyon patungkol po sa forfeiture.
09:39Sa pagpupatuloy ng investigasyon sa anomalya sa flood control projects,
09:43mayigit tatlong pong individual ang hiniling ng Independent Commission for Infrastructure sa DOJ
09:48na isyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO.
09:53Kabilang dyan, si na dating House Speaker Martin Romualdez,
09:55Sen. Francis Chisa Scudero at umunay campaign donor nitong si Maynard Nu,
10:00Sen. Gingoy Estrada, Sen. Joel Villanueva at mga dating Sen. Bong Revilla
10:05at Nancy Binay at umunay staff niya na si Carlin Villia.
10:09Gayun din si Commission and Audit Commissioner Mario Lipana
10:11at asawang si Marilu at si Education Undersecretary Trigib Olayvar
10:16na nakalive ngayon sa DepEd.
10:18Kasama rin si na Congressman Roman Romulo, James Ang,
10:22Patrick Michael Vargas, Arjo Atayde, Nicanor Briones, Marcelino Chodoro,
10:27Eliandro Jesus Madrona, Benjamin Agaraw, Liodi Tariela,
10:32Reinante Arogancia, Chodorico Jaresco Jr., Dean Asistio, Marivic Copilar
10:37at mga dating Kongresista na si Antonieta Yudela,
10:40Marvin Rillo, Florida Robes at Gabriel Bem Noel.
10:44Gayun din ang ilang DPWH District Engineer.
10:47Sa pamamagitan ng ILBO na momonitor kung lalabas ng bansa ang mga nabanggit
10:51pero hindi silang mapipigilan na makaalis.
10:54The timely issuance of an ILBO or an Immigration Lookout Bulletin Order
11:02is of utmost necessity to enable the Commission to proceed without delay
11:08and to hold those liable accountable to the Filipino people.
11:12Yun ang pirman ng Bureau of Immigration na natanggap na nila ang ILBO.
11:16Si Pasig Rep. Roman Romulo tumanggi magbigay ng panayam ng tanongin ng GMA Integrated News.
11:22Sabi naman ni Sen. Estrada may whole departure order siya ngayon
11:25kaya tuwing aalis ng bansa ay nagpapaalam talaga siya sa Sandigan Bayan.
11:30Di raw siya nag-aalala sa ILBO request ng ICI.
11:33Si Congressman Arogancia hindi muna magkukomento.
11:36Sinusubukan naming makuha ang panig ng iba pang pinaiisuhan ng ILBO.
11:40Sunod na sa salang sa ICI si na dating House Speaker Martin Romualdez
11:44at dating House Appropriations Committee Chairman Saldi Ko.
11:48Nagpadala na ng sabpina ang ICI kay Ko.
11:50Pero dahil nasa labas ito ng bansa sa ngayon,
11:53idadaan ang sabpina sa House Secretary General.
11:56This is with regard to his personal knowledge
11:59from the time he joined the Committee on Appropriations
12:03of the National Budget Insertions
12:05and his involvement in DPWH flood control projects.
12:10Invitasyon naman ang ipinudala kay Romualdez at hindi sabpina.
12:13The invitation just for, in a way, a courtesy to an incumbent congressperson
12:20and testify among others on the national budget insertions
12:25and involvement in DPWH flood control projects
12:29from the time he became Speaker of the House.
12:32Parehong sa October 14, ipinatatawag ang dalawa,
12:36wala pang bagong pahayag si Ko.
12:37Sabi ni Romualdez, natanggap na niya ang imbitasyon
12:40at handa raw siyang humarap sa ICI.
12:42Pero pwede bang hindi nila siputin ang ICI?
12:46Walang contempt power o kapangyarihan na makapagparusa
12:49ang ICI sa mga hindi sisipot sa kanilang mga investigasyon.
12:53Pero ayon kay ICI Executive Director,
12:55Atty. Brian Osaka,
12:56sa Regional Trial Court sila pwedeng humingi ng contempt order.
13:00Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
13:05Kasunod ng pagbagsak ng tulay sa Alcalac, Cagayan,
13:08magtatayo ng detour bridge na may mas mataas na kapasidad ayon sa DPWH.
13:13Bahagi din ng imbisigasyon ang kakulangan umano ng maintenance sa tulay
13:17na kinakalawang na.
13:19Saksi, si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
13:22Batay sa nakita ni Public Works Kretary Vince Dizon
13:29nang inspeksyonin ang pigatan bridge sa Alcalac, Cagayan,
13:32posibleng daw na hindi lang overloading ang dahilan kung bakit bumagsak ang tulay.
13:36Kung makikita nyo, maraming mga dugtungan,
13:40medyo karawang na.
13:43At dahil dyan, talagang yung bakal na yan,
13:47pagka talagang mabigat, yan nga ang kumakapit dun sa buong bridge.
13:511980 pa'y tinayo ang pigatan bridge at mula noon,
13:55minsan lang isinailalim sa retrofitting.
13:57Ayon kay Dizon, may pagkukulang sa maintenance ng tulay
14:00at dapat daw may managot dito.
14:02Since 1980, nung natayo siya,
14:04ang unang retrofit ay 2016 lang.
14:08Sinabi sa akin ni R.D.
14:10At nakita ko yung budget noong 2016,
14:1311.7 million lang. Ang liit nun.
14:16So sabi ko nga, saan napunda yun?
14:17Ako mismo, gobernador ng Cagayan,
14:21ay may responsibilidad dito bilang tatay ng Cagayan.
14:25Responsibilidad ko, sana nakita ko yan na kailangan na ng ripe.
14:30Bumagsak ang tulay matapos sabay-sabay dumaan
14:33ang ilang kargadong truck na lagpas umano sa weight limit.
14:36Pero para sa alkal din ng Alcala,
14:38hindi raw dapat mga truck driver lang ang sisihin.
14:40Hindi lang ito simple ang kaso ng overloading na
14:43we will shift all the blame doon sa dumaan na trucks
14:48and yung mga owners ng trucks.
14:50Considering na unang-una,
14:53itong bridge na ito,
14:56ang pigatan ay nasa Maharlika National Highway,
14:59which is the main highway.
15:02Kung hindi dito sa bridge na ito
15:04at sa kasadaanan ng Maharlika National Highway,
15:07saan dadaan?
15:07Overloaded sila eh.
15:10Diba?
15:10So titignan natin lahat.
15:12No, lahat yan.
15:12Hindi kang isang may kasalanan dito.
15:15Maraming may kasalanan dito.
15:17Pero again,
15:18puunahin natin yung solusyon.
15:21Ayon kay Dizon,
15:22sa ngayon,
15:23gagawa raw ng detour bridge
15:25sa tabi ng bumagsakatulay.
15:27Di tulad sa pigatan na hanggang 18 tons lang ang capacity,
15:30gagawin daw hanggang 40 tons ang itatayong detour bridge.
15:33Simula bukas ay sisimulan na ang konstruksyon ng detour
15:36dito sa barangay Pigatan sa bayan ng Alcala.
15:39At ayon sa DPWH,
15:40posibleng tumagal doon ng halos 2 buwan bago matapos ang detour
15:43at pwede nung madaanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan.
15:46Para maiwasang maulit ang nangyari sa Alcala,
15:49minomonitor ngayon ang apat pang lumang tulay sa Cagayan.
15:52Magpapatupad ng traffic plan
15:54upang hindi sabay-sabay ang pagdaan
15:56ng mga mabibigat na sasakyan sa tulay.
15:58Plano rin ng DPWH
16:00na gumawa ng kaparehong detour bridge sa mga ito.
16:03Kinausap na rin ni Dizon ang sekretar ng DOTR
16:05sa posibilidad na isakay sa barge mula Port Irene
16:09ang mga produktong palay at mais na ibabiyahe sa Central Luzon.
16:12Para sa GMA Integrated News,
16:14ako si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV,
16:18ang inyong saksi.
16:19Inaasang lalahok pa rin si Sen. Panfilo Laxon
16:23sa mga pagdinignan ng Sen. Blue Ribbon Committee
16:25kahit nagbitiw na siya bilang chairman nito.
16:28Uupo ng mga acting chairman si Sen. Irwin Tulfo.
16:32Saksi si Mark Salazar.
16:36Lima ang pinagpipiliang pumalit
16:39kay Sen. Ping Laxon
16:40bilang chairman ng Sen. Blue Ribbon Committee.
16:42Pero sa kokos ng mayorya kanina,
16:45wala pa rin na pa-oo sa kanila
16:47para mamuno sa kumiting
16:48nag-iimbestiga ngayon
16:50sa kontrobersyal na flood control projects.
16:52Nauna ng tumanggi si Sen. JV Ejercito
17:14na naniniwalang may ibang mas karapat-dapat
17:17sa posisyon.
17:18Tumanggi na rin si Sen. Rafi Tulfo
17:20at Kiko Pangilinan
17:21naabala raw sa kanilang mga kasalukuyang kumite.
17:25Hinihinga namin ang pahayag
17:26si Sen. Risa Ontiveros
17:28pero hindi rin daw siya napapayad ni Soto.
17:30Ang sinasabi nila
17:31is very busy sila
17:32sa mga hearings nila eh.
17:35Lahalos lahat,
17:36dalawa, tatlo kumite eh.
17:38Hinaawakan nila
17:38na very, very important kumite,
17:40major kumite.
17:42So what they are saying is that
17:44they don't have time for it right now.
17:48So kaya yung right now,
17:49ibig sabihin,
17:50kaya hindi namin biniscount
17:51na yung lima in totally out.
17:54Si Sen. Rapia Cayetano
17:55hindi raw saradong no ang sagot
17:57pero busy nga raw siya
17:59at masaya
18:00sa dalawang hawak niyang major committee.
18:02Hindi madaling umuo
18:04sa mga ganyang
18:05bagong posisyon.
18:07And
18:07because my name was mentioned,
18:10it's my job to consider it,
18:11diba?
18:1224 lang naman kami
18:13and then lima lang naman kaming abogado.
18:15So,
18:16gustuhin ko man o hindi,
18:18it's my job to consider
18:19it
18:20if
18:21if there is a need
18:22to chair the committee
18:23on Blue Ribbon.
18:24Wala akong doubt
18:24that I can do a good job
18:25with all humility naman.
18:28But I really want
18:29the best position,
18:30the best person for the job
18:32to handle this
18:34kasi
18:34this is a defining moment
18:36for
18:37for the Filipino people.
18:39Sa ngayon,
18:40ang vice chair ng committee
18:41na si Sen. Erwin Tulfo
18:43ang uupong acting chairman.
18:45Nagpasalamat naman si Tulfo
18:46sa tiwala ng mga kasamahan.
18:49Umaasa raw siyang magkakaroonan
18:50ng permanenteng chairman
18:52ang Blue Ribbon Committee
18:53sa lalong madaling panahon.
18:55Nasa ibang bansa pa si Tulfo
18:57kaya sa susunod na linggo pa
18:59magpupulong ang komite
19:00para pag-usapan
19:01ang susunod nilang hakbang.
19:03Pagtitiyak ni Soto
19:04magpapatuloy ang imbestigasyon
19:06ng Blue Ribbon Committee
19:07sa isyo ng flood control projects.
19:10Tuloy rin daw ang kanilang
19:11pakikipagtulungan
19:12sa Independent Commission
19:13for Infrastructure
19:15o ICI.
19:16Ang nagbitiw namang chairman
19:17ng komite na si Laxon
19:19wala sa majority caucus kanina
19:21dahil may sakit daw.
19:23Pero ayon kay Soto,
19:24lalahok pa rin si Laxon
19:25sa imbestigasyon ng komite.
19:30Para sa GMA Integrated News,
19:32ako, si Mark Salazar,
19:35ang inyong saksi.
19:38Tagumpay na nakapaghati ng ayuda
19:40ang mga barko ng Pilipinas
19:41sa mga mangingis ng Pilipino
19:43sa West Philippine Sea.
19:45Apat na barko
19:46ng Philippine Coast Guard
19:46o PCG
19:47ang lumahok sa operasyon
19:49katuwang ang labing isa pang barko
19:50ng Bureau of Fisheries
19:51and Aquatic Resources
19:52o BFAR.
19:54Kabilang sa kanilang ipinamahagi
19:56ay gasolina,
19:57limang toneladang durog na yelo,
19:59at may 300 grocery pack
20:01para sa halos
20:02isang daang sasakyang pangisda.
20:05Nakumpleto misyon
20:06kahit naroon
20:06ang mabalko ng China
20:07at mga helicopter
20:09ng Chinese Navy
20:10para takutin
20:11ang mga mangingis
20:12ng Pilipino.
20:15Kinupayaman
20:15ng Department of Migrant Workers
20:16o DMW
20:17ang pagpanaw
20:18ng isa sa mga Pilipinong sakay
20:20ng Dutch cargo ship
20:21na inatake ng grupong
20:22Hoothee
20:23sa Gulf of Aden
20:24noong Setiembre.
20:25Bago ito,
20:26kritikal ang kanyang lagay
20:27ng masagip.
20:29Nagpapagaling naman
20:30sa ospital
20:30sa Djibouti
20:31ang nasugatang
20:32Pilipinong cook
20:33ng barko.
20:34Ang kay Secretary
20:35Hans Kakdak
20:36gumabas
20:37sa paon ng embisikasyon
20:38na hindi nabigyan
20:39ang labing dalawang
20:40Pilipinong tripulante
20:41ng barko
20:41ng pagkakataong
20:42tumangging dumaan
20:43sa delikadong bahagi
20:44ng Gulf of Aden.
20:46Nihindi raw sila
20:47naabisuhan,
20:48taliwas
20:49sa patakaran ng DMW.
20:51Suspendido na
20:52ang Philippine Manning Agency
20:53ng mga tripulante
20:54pati ang kumpanyang
20:55may-ari ng barko.
20:56Nasa Ethiopia
20:58ngayon
20:58ng ilang opisyal
20:59ng Pilipinas
20:59para asikasuhin
21:00ang pag-uwi
21:01sa labing
21:02ng nasawing Pilipino
21:03na hindi raw iniwan noon
21:05ang barko
21:05at ang kanyang trabaho
21:06para matiyak
21:07ang kaligtasan
21:08ng kanyang mga kasama.
21:10Inaasikaso na rin
21:11ang pag-uwi
21:12ng nakaligtas
21:12ng cook
21:13ng barko.
21:14Department of Trade
21:17and Industry
21:18nagbabala
21:18laban sa epekto
21:20ng pagbuhos
21:20ng imported
21:21na produkto
21:22sa merkado.
21:23Ayon kay Trade
21:24Secretary
21:24Christina Roque
21:25kasunod yan
21:26ng pagpapatupad
21:27ng dagdag taripan
21:28ng Amerika
21:29sa ilang bansa.
21:30Sa The Voice
21:31of Industry
21:31Business Summit
21:322025,
21:34sinabi ni Roque
21:34na posibleng dumami
21:36ang mga produktong
21:36galing sa China,
21:37Vietnam
21:38at iba pang bansa.
21:39Kaya kailangang
21:41mabalansi ito
21:42sa pamamagitan
21:42ng pagprotekta
21:43sa mga local producer
21:44ayon kay
21:45Federation of Philippine Industries
21:47Chairperson Beth Lee.
21:49Ang Bureau of Customs
21:51pinag-aaralang
21:51i-digitize
21:52ang lahat ng operasyon nito
21:54at higpitan
21:55na inspeksyon.
21:57Pagkakaisan ng ASEAN
21:59para alagaan
21:59ng kalikasan
22:00isinulong sa
22:01coconut planting activity
22:03sa Mexico, Pampanga.
22:05Binigyang
22:05the E&E Malaysian Ambassador
22:07Datu Abdul Malik
22:08Melvin Castellino Anthony
22:10na mahalaga
22:11ang ganitong klase
22:12ng aktividad
22:13lalo pat sa susunod na taon
22:15ay gaganapin
22:16sa bansa
22:16ang ASEAN Summit.
22:18Bahagi ang selebrasyon
22:19ng Dia de Galleon
22:20na paggunita
22:22at pagpapahalaga
22:23sa makasaysayang
22:24Manila-Capulco Galleon Trade
22:26na nagsimula
22:27noong panahon
22:28ng mga Espanyol.
22:30Dumalo rin
22:30ang mga kinatawan
22:31ng Indonesia
22:31at Myanmar.
22:33Ayon kay Tourism
22:33Undersecretary
22:34Mayra Abubakar
22:36maganda
22:36ang mga ganitong aktividad
22:38para ipaalala
22:39ang pagtutulungan
22:40tungo sa sustainability
22:41at pangangalaga
22:42sa kalikasan.
22:44Matapos naman
22:44ng symbolic tree planting
22:46ay nakiisa
22:47ang mga dumalo
22:47sa pagtatanim
22:49na nasa
22:49dalawandaan na seedling
22:51ng Atriete
22:52at Bayabas.
22:54Dumalo rin
22:54ang mga miyembro
22:55ng Mexico LGU.
22:56Para sa GMA Integrated News,
22:58ako si Brinader Treyes
23:00ang inyong saksi.
23:02Sabay-sabay
23:03inilibing kanina
23:04ang labing isa
23:05sa mga nasawibonsod
23:06ng magnitude 6.9
23:08na lindol
23:08sa Bogos City, Cebu.
23:10Ang ilan po sa kanila,
23:11mga bata.
23:13Bago ang libing
23:13nagdaos muna ng misa
23:15saka dinala
23:15ang mga labi
23:16sa Corazon Cemetery
23:17na migay ang Dole Region 7
23:20ng tulong pinansyal
23:21na tig liman libo
23:22at apat na raang piso.
23:26Yan po ay para sa
23:27may hit dalawang libong
23:28pamilya
23:28sa Bogos City
23:29at kabila sa manabigyan
23:31ang mga nawalan
23:31ng trabaho
23:32at namatayan ng kaanak.
23:34Lord, please
23:38send some help.
23:44Nagsulputan
23:45ang mga sinkhole
23:45kasunod ng
23:46magnitude 6.9
23:47na lindol sa Cebu
23:48ay sa Mines and Geosciences Bureau
23:50posibleng ang mga sinkhole
23:52sa mga lugar
23:52na mayaman
23:53sa limestone.
23:54Paano nga ba
23:55matutukoy
23:56kung may sinkhole
23:57sa iyong lugar?
23:58Alamin,
23:59sa pagsaksi
24:00ni Nico Wahe.
24:01Kasunod ng
24:05magnitude 6.9
24:06na lindol
24:07na yumanig
24:07sa iba't-ibang bahagi
24:08ng Visayas,
24:10maglabasan
24:10ang mga sinkhole
24:11sa Northern Cebu.
24:13Sa inalabas na
24:13impormasyon ng
24:14Mines and Geosciences Bureau,
24:16karst subsidence
24:17ang dahilan
24:18ng paglabas
24:18ng mga sinkhole.
24:20Ayon sa MGB,
24:21karst area
24:22ang Northern Cebu
24:23kung saan
24:23ang lupa
24:24ay mayaman
24:25sa limestone.
24:26Sa loob
24:27ng libu-libong taon
24:28natunaw ang limestone
24:29kaya
24:30nagkakaroon
24:30anilan
24:31ang malawak
24:32na cave system
24:32sa ilalim
24:33ng lupa.
24:34Ang malakas
24:35na lindol
24:35ang naging trigger
24:36o nagpabagsak
24:37sa mga may hinang
24:38bahagi
24:38sa ibabaw
24:39ng cave system.
24:40Nagresulta yan
24:41sa sinkhole.
24:42Ayon sa dating
24:43chief geologist
24:44ng MGB
24:45na si Liza
24:45Socorro Manzano
24:46sa Pilipinas,
24:48marami raw talagang
24:49karst area
24:49o yung lugar
24:50na maraming limestone.
24:52Gaya raw
24:52sa buhol
24:53na nianig din
24:54ang malakas
24:54na lindol
24:54noong 2013.
24:5675% daw
24:57ng lupa
24:58sa buhol
24:58ay may limestone.
25:00Patuloy raw
25:00na minamapa
25:01ng MGB
25:01ang mga sinkhole
25:02sa bansa
25:03bilang bahagi
25:04ng kanilang mandato.
25:04Ang sinkholes
25:06ay pwede
25:07sa plane,
25:08pwede sa bundok,
25:10pwede sa dagat.
25:11We have sinkhole
25:12in the submarine,
25:13mga blue holes
25:14na tinatawag,
25:15coastal area.
25:16So anywhere
25:17basta may cross.
25:18Basta may limestone.
25:20Kaya kailangan daw
25:21talagang suriing
25:22mabuti ang lupa
25:23bago magtayo
25:24ng mga struktura.
25:25Dapat siguro
25:26yung mga sites
25:26kailangan ma-survey
25:28using the ground
25:29penetrating radar
25:30so that
25:30malalaman po
25:32ano yung
25:33maroon sa ilalim.
25:34The MGB
25:35can also
25:36advise
25:37kung pwede na ba
25:38itong
25:39tabunan na
25:40kasi mayroong
25:41hindi pwedeng tabunan,
25:42mayroong pwede
25:43naman tabunan.
25:45Bukod sa
25:45car subsidence,
25:46isa pang nagiging
25:47sanhin ng sinkhole
25:48ay human induced
25:49o gawa ng tao.
25:50May ilang paraan din daw
26:08para malaman
26:09ng publiko
26:09na may sinkhole
26:10sa kanilang lugar
26:11lalo kung ito
26:12ay limestone area.
26:13May makikita kang
26:14depression,
26:15circular depression
26:17pero not all the time
26:18circular eh
26:19kasi kung tectonic,
26:20seismic,
26:22may fault,
26:23minsan naging
26:23spherical
26:24o minsan nga
26:25nagiging rectangular
26:26eh
26:27kasi nagpa-follow
26:28siya ng
26:28fractures
26:29ng rock.
26:31Kapag din daw
26:31ang area
26:32ay puro damo lang
26:33at hindi tinutubuan
26:34ng matataas
26:35na punong kahoy
26:35posibleng may sinkhole
26:37ito.
26:38Pwede rin daw
26:38indikasyon ng sinkhole
26:39ay ang presence
26:40ng balete tree.
26:41Pwede siyang
26:42hollow sa ilalim.
26:44Not necessarily
26:45sinkhole,
26:45pwede rin cave system
26:46or cave opening.
26:48Ang mga hairline
26:49crack din daw
26:49sa mga bahay
26:50na unti-unting
26:51lumalaki
26:51ay indikasyon
26:52na posibleng
26:53may sinkhole
26:54sa ilalim.
26:54Eh sa Metro Manila,
26:56posibleng nga bang
26:57lumabas sa mga sinkhole
26:58sakali mang
26:59dumating ang
27:00the big one?
27:01No,
27:03ang prone
27:04sa lalo
27:04nasa medyo
27:05malapit sa dagat
27:07at medyo
27:08mga mabuhangin
27:10na waterlog
27:11shallow
27:11ang
27:12groundwater level
27:14liquefaction
27:15ang pwedeng
27:16mangyari
27:17sa Metro Manila.
27:19Ibig sabihin
27:19ng liquefaction,
27:20yung lupa
27:21na basa
27:21o malambot
27:22biglang
27:23nagiging parang
27:23putik o tubig
27:24kaya lumulubog
27:25o natutumba
27:26ang mga bahay
27:27at gusali.
27:28Dagdag ni Manzano
27:29pwede pa rin
27:30lumabas sa mga sinkhole
27:31sa Metro Manila
27:32pero ang karaniwan
27:33dahilan
27:33ay pagsumabog
27:34ang mga tubo
27:35ng tubig
27:35sa ilalim
27:36at magtapalambot
27:37sa mga lupa.
27:38Ayon kay Manzano,
27:39nung siyang
27:39chief geologist
27:40ay sinimulan
27:41na nilang
27:42pag-assess
27:42sa mga sinkhole
27:43matapos
27:43ang buhol earthquake
27:44noong 2013
27:45at hanggang
27:46ngayon daw
27:46ay tuloy-tuloy
27:47ito.
27:48Para sa
27:49GMA Integrated News,
27:50ako si Nico Wahe
27:51ang inyong saksi.
27:53Pusibong pumasok
27:55sa Philippine Area
27:55for Responsibility
27:56bukas na hapon o gabi
27:57ang bagyong may
27:58international name
27:59na NACRI
28:00base sa huling
28:01forecast track
28:02ng pag-asa.
28:03At kung sakali,
28:04tatawagin itong
28:04bagyong Kedan.
28:06Huling na mataan
28:06ang sentro nito
28:071,600 kilometers
28:09sa sila
28:10ng extreme
28:10northern Luzon.
28:11Hindi ito
28:12inaasahang
28:13maglalandfall
28:13na magkakaroon
28:14ng direktang
28:15epekto
28:15sa bansa.
28:17Pero posibli pa rin
28:17ang mga pagulan
28:18bukas
28:19dulot ng
28:19northeasterly
28:20windflow
28:20intertropical
28:21convergence zone
28:22at
28:23ang nagbabalik
28:24na shearline
28:25o yung pong
28:25salubungan
28:26ng mainit
28:26at malamig
28:27na hangin.
28:29Basa sa datos
28:29ng Metro Weather,
28:30bukas na umaga
28:31may chance
28:31na pagulan
28:32sa ilang bahagi
28:33ng Luzon.
28:34Halos buong Luzon
28:35ang uulanin
28:36sa hapon
28:37at posibli
28:38malakas
28:38hanggang
28:38matindi ang pagulan
28:40sa ilang lugar
28:41sa posibli
28:42pagbaha
28:43o pagguho
28:43ng lupa.
28:44Asahan din ang pagulan
28:45sa halos buong Visayas
28:46mula umaga
28:47hanggang gabi.
28:49Posibli malakas
28:50ang pagulan
28:50sa Kanluran
28:51at Kitang Visayas
28:52pati na sa
28:52Negros Island Region.
28:54Asahan din ang mga pagulan
28:55sa malaking bahagi
28:56ng Mindanao
28:57sa tanghali
28:58pero mababawasan ito
28:59pagdating ng gabi.
29:01At sa Metro Manila,
29:02posibli malakas
29:03na pagulan
29:03lalo na
29:04sa hapon.
29:11Tunay nga pong
29:12may himala
29:12sa gayip na
29:13ng laban
29:14ni Ate Gay
29:14sa Stage 4 Cancer.
29:17Pinagpapasalamat
29:18ng komedyante
29:18ang pagliit
29:19ng kanyang bukol
29:20sa leeg
29:20pati na
29:21ang pagbuhos
29:22ng tulong
29:22para sa kanya
29:23mula
29:23ng lumabas
29:24ang mga ula
29:24tungkol sa kanyang
29:25iniilang
29:26parated tumor
29:27o bukol
29:28sa salivary glands.
29:30Isa po sa kanila,
29:31nilibre raw siya
29:31ng chemo
29:32at radiation
29:33at may mga
29:34nagpadala rin
29:35daw sa kanya
29:35ng pagkain
29:36pati ng mga vitamins.
29:37At may libre pang araw
29:39siya ng pamasahin
29:40ng driver
29:40ng nasakyang
29:42ride-healing app.
30:03Nahinto po
30:03ang pagdarecord
30:04ng sayaw
30:05na isang grupo
30:05sa Lapu-Lapu City
30:06sa Cebu.
30:07Ang ginagamit
30:08kasi nilang cellphone
30:09pinangay
30:11ng aso.
30:13Malayo-layo rin
30:15ang narating
30:16ng aso
30:16dala ang
30:17cellphone.
30:19At sumakto pa
30:20yung pagtangay
30:20sa highlight sana
30:21ng kanilang sayaw.
30:23Nabawi rin naman
30:24nila ang cellphone
30:24at wala rin daw
30:25itong sira.
30:27Maraming naaliyaw
30:28sa video
30:28na million-million na
30:30ang views.
30:36Mga kapuso,
30:37pitumput-walong araw
30:39na lang.
30:40Pasko na po.
30:41Salamat
30:42sa inyong pagsaksi.
30:43Ako po si
30:44Pia Arcangel
30:45para sa mas malaki
30:46mission
30:46at sa mas malawak
30:48na paglilingkod
30:49sa bayan.
30:50Mula sa
30:50GMA Integrated News,
30:52ang news authority
30:53ng Filipino.
30:54Hanggang bukas,
30:56sama-sama po tayong
30:56magiging
30:57Saksi!
30:58Mga kapuso,
31:22maging una sa Saksi.
31:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News
31:25sa YouTube
31:26para sa ibat-ibang balita.
31:28Música
Recommended
1:10
|
Up next
36:08
37:33
45:54
38:08
37:28
27:42
34:09
27:06
43:06
35:31
42:50
43:37
40:27
44:28
32:08
36:34
37:08
35:50
34:11
24:51
32:49
34:08
Be the first to comment