- today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging Sakli!
00:21Mga kapuso, nadagdagan pa ang mga lugar na isiinananim sa state of calamity.
00:26Bunsod ng matinding efekto ng habagat at mga bagyo.
00:29Kasama na dyan ang mga lungsod ng Malabon, Marikina, Maynila at Las Piñas,
00:34pati may Kauayan City at Pambong sa Bulacan.
00:37Gayun din ang mga bayan ng Kainta, Rodriguez at San Mateo sa Rizal,
00:41pati na Icavite, Agoncimlo, Batangas at Panikay, Tarlac.
00:45Sa Pangasina, nadagdag ang Gagupang City at mga bayan ng Talasyao, Linggayen, Malasiki, Santa Barbara at Mangaldan.
00:53Sa Visayas, nasa ilalim na rin ang state of calamity ang Cebu City
00:57at mga bayan ng Barbaza at Sebaste sa Antique.
01:00Base sa pinakuling ulap ng NDRRMC,
01:03pito na ang naitaling na sawi dahil sa epekto ng habagat, bagyong krisin at LPA.
01:08Pahirapan ang pagsagip sa isang bata sa Sablayan Occidental, Mindoro.
01:19Sa kuha ng youth scooper na si Kimberly Vicente,
01:22tila nakikipaglaban sa rumaragas ang tubig ang rescuer habang bit-bit ang bata.
01:28Mayigbit naman ang kapit sa gate ng ibang rescuer habang itinatawid ang mga inililikas na residente.
01:34Sa isa namang puha, ay sinakay na sa rubber boat ang mga binahang residente.
01:40Libo-libong pamilya ang epektado pa rin ng malawakang pagba sa Kalumpit Bulacan.
01:46Dagdag sa problema ng mga residente ang pahirap ang pagbili ng pagkain.
01:50Saksi live si Nico Wahe.
01:52Nico.
01:52Marisol, baha pa rin sa malaking bahagi ng Kalumpit Bulacan kung saan nakataas ang state of calamity.
02:03Pero maraming residente ang ayaw magpapigil sa pagtatrabaho para may makain sa gitna ng masamang panahon.
02:08Hindi magkamayaw ang mga residente ng Barangay Kalison sa Kalumpit Bulacan sa pangkuha ng ayuda mula sa LGU.
02:19Nandalhin ito sa kanilang barangay.
02:22Dahil sa baha, marami kasi ang hirap na rin sa pamimili ng kanilang pagkain.
02:25Kaya malaking bagay raw ang ayuda.
02:27As of now, medyo hirap ngayon.
02:31Dahil maraming nga talaga, maraming din na kapagkanap buhay.
02:36Kaya medyo hirap talaga ang Barangay Kalison.
02:39Pero may ibang residente na pinipilit pa rin talagang pumasok sa trabaho.
02:43Gaya ng factory worker na si Emanuel.
02:45Sir, buti papasok pa tayo eh. Ganito na yung itsura.
02:48Eh hanggang kaya po may sasakyan pa papasok po.
02:52Pero hindi may tatanggi na mahirap daw talaga.
02:55Ngayon ang pasok ko po ay L8. Kailangan po na maagang umalis para may masakyan ta po.
03:00Pwede nalang mag-absent.
03:02Kailangan po eh.
03:03Ang magpinsang ito, nabutan naming dala ang mga bag na may pang isang lingbong damit.
03:08Lilikas daw muna sila para makapasok sa trabaho.
03:11Ngayon po hanggang saan na dun sir?
03:13Maggabewan po ngayon eh. Ewan ko baka buhas. Ang gandig din na po yan eh.
03:16Ba't po na isipan nyo lumikas na?
03:18Eh pumapasok po ka. Mahirap pagpapapasok eh.
03:22Dito sa barangay Kalizon sa Kalumpit, Bulacan, hindi naman daw agad bumabaha kapag nag-high tide ang Pampanga River.
03:28Pero sa oras na magpakawalanan ng tubig, ang bustos at ipodam dahil sa masamang panahon.
03:33Saka na aangat ang tubig at mawawala lang matapos ang isang linggo.
03:38Depende pa kung hindi masamang panahon.
03:41Ibang kalbaryo naman ang epekto ng baha kay Mang Monico at asawang si Emerita.
03:45Kailangang ilipat muna ni Mang Monico ang kanyang asawa sa bahay ng kapatid nito para sa nakaschedule na dialysis bukas.
03:51May hirapan kasi siya kung sa bahay nila manggagaling na ngayon ay lubog sa baha.
04:07Ayon sa LGU, makit na sa mayigit 41,000 ang pamilyang naapektuhan ng baha.
04:32Mayigit 306 na po ang nasa evacuation center.
04:35Panawagan ng LGU sa National Government na tulungan silang solusyonan ng matagal ng problema ng kalumpit sa baha.
04:42Dito po sa amin sa Pamahalaang Bayan ng Kalumpit sa lokal,
04:46ang magagawa po namin is magkaroon po kami ng pumping station.
04:49Pero po kailangan po namin ng tulong ng national, especially yung mga DWH po,
04:55na makulong ang kailugan po namin.
04:57Kasi po pag po nakulong ang kailugan namin,
05:00and doon po na po pwede po tayo maglagay ng mga pumping station para po pag humupa ang tubig.
05:10Marisol, patuloy na naka-alerto ang LGU ng Kalumpit dito sa mga nabaha nilang kababayan
05:16dahil bukas ay high tide na naman na may taas pa rin na 4.9 meters.
05:20Ikalawang araw pa lang yan, doon sa apat na sunod-sunod na araw na high tide sa Pampanga River.
05:26At live mula rito sa Kalumpit, Bulacan, para sa GMA Integrated News,
05:29ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
05:31Sumadsan ang tatlong barge at lumubog ang isang bangka sa Batangas
05:36sa kasagsaga ng masamang panahon.
05:38Sa Occidental Mindoro, may sulang naging ilog ang ilang kalsada dahil sa pagbaha.
05:43Saksi si June Deneration.
05:50Ramdam ang kaba ng isang motorista
05:52nang dumaan sa Pagbahan River sa Mamburaw, Occidental Mindoro.
05:56Malapit na kasing umapaw ang tubig sa ilog at umabot sa tulay.
06:01Halos lamunin na rin ang baha ang ilang bahay at puno.
06:05Nagmistulang ilog na rin ang kalsadang yan sa sityo lagundian dahil sa pagbaha.
06:10Kaya ang ilang residente, sumakain din ang bangka.
06:14Kasulod naman ang paghampas ng malakas na alon.
06:17Bumigay ang malaking bahagi ng seawall sa isang purok.
06:20Naglagay na muna ang mga otoridad ng toner bags
06:23para hindi direktang tumama ang alon sa mga bahay.
06:26Dubog din sa baha ang ilang bahagi ng bayan ng sablayan.
06:29Kaya nahirap ang dubaan ng mga motorista.
06:33Halos malubog naman ang ilang pananim sa abradilog.
06:36Pa, ipigay mo yung mga saako.
06:38Dali, doon mo na.
06:39Kaya ang ilang magsasaka.
06:41Pilit na isinalba ang kanilang mga tanin.
06:44Sa baybayin ng Calacacity sa Batangas,
06:47sumadsal ang tatlong barge na itinulak ng malakas na hangin at alon
06:50noong sabado ng umaga.
06:52Parang pong lumilim doon pa.
06:53Ah, sa lakas.
06:54Pag nagbabanggan po, malakas pong along.
06:57Sabi ng Philippine Coast Guard,
06:59posibleng napatid sa pagkakatali ang mga barge
07:02na dubaong sa bayan ng balayan at napadpad sa kalaka.
07:06Nasa maayos na kalagayan ng 21 crew member ng mga barge
07:09na may kargang nasa mahigit 4,700 metric tons ng molasses.
07:14Yung isa sa mga barge ay nakitaan ng geek at may mga tumatagas nga na molasses
07:21pero base sa assessment ng mga eksperto,
07:24wala naman daw itong banta sa kalusugan at kalitasan
07:27dahil ang molasses ay organic at pusa rin naman daw nawawala.
07:32Pero problemado ang mga mangisda at residente
07:35dahil ang lugar na pinagsagsadan ay kanilang pangisdaan.
07:39Sir, mga may dulaw, may sandiles, mga lagidlaid,
07:43halos mga mamahalin din sir na isda
07:45kaya malaki efekto sa amin sir.
07:47Wala kami na buhay nga yung stumble na.
07:50Pero sa kabila niyan, pinagpapasalamat ng ilang residente
07:53na naharang daw ng mga sumadsag na barge
07:56ang mga naglalakihang alon.
07:58Kung wala pong ganyan, sira na naman po itong ano,
08:01marami naman po sira yung siyang mga bakay.
08:05Isang bakang pangisda naman ang lubog kaninang madaling araw
08:08sa dagat malapit sa bayan ng liyan.
08:11Nakaligtas ang lahat ng labing isang sakay nito.
08:15Kwento ni Francis, pagkatapos lumubog ang kanilang bangka,
08:19apat na oras silang tiniis ang matinding lamig
08:21at naglalakihang alon, sakay ng mga balsa hanggang makarating sa lupa.
08:25Parang binalibag daw ng alon ang kanilang bangka hanggang sa ito ay lumubog.
08:41Pahingan mo na si Maramu.
08:43First time mo ba na ang Pinas?
08:44Oo, first time. First time ni Milanti.
08:47Para sa GMI Integrated News, ako si Jun Van Alasyon, ang inyong saksi.
08:52Hindi pa nakakauwi ang ilang lumikas dahil mataas pa rin ang baha sa ilang lugar sa Valenzuela City.
08:58Ang Quezon City Government naman magbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng landslide
09:03sa barangay Bagong Silangan.
09:05Narito ang aking report.
09:07Isa-isang in-attack ng mga lalaking yan ang mga kaway bumagsak.
09:14Sa dalawang nakaparadang sasakyan sa Don Vicente Street, barangay Bagong Silangan, Quezon City.
09:19Naunang nailabas ang SUV, sunod ang taksi.
09:22Hindi na raw nahintay ng mga may-ari ng sasakyan ang City Engineer's Office sa kabila ng abiso ng barangay.
09:27Wala ma'am kasi kung antayin pa namin ang City Engineer, babalikan nila daw,
09:33eh kaya may dalawang bagyo pa.
09:34Pag nagumuho itong bahay, tatabunan na ng lupa ang taksi.
09:39Wala naman daw dumating mula sa City Engineer's Office at kailangan nila ang mga sasakyan para makapaghanap buhay.
09:45Sa araw-araw po namin na pangangailangan, dito lang po kami umaasa.
09:49Ito lang po ang inaasahan namin, pinagkukuna ng pangkain namin araw-araw.
09:54Alas 6 nang umaga raw kanina, nang nabunot ang mga kawayan na katanig sa gilid ng bangin dahil sa paglambot ng lupa.
10:01Parang kumangin lang naman, tapos bigla lang narinig na may bumagsak, tapos bumagsak na pala yung kawayan.
10:12Tinanindam ni Dondon ang mga kawayan sa pag-asa mapigilan nito ang pagbuho ng lupa.
10:16Nasa gilid kasi mismo ng bangin ang kanyang bahay.
10:19Wala namang malilipatan. Kung meron lang, bakit hindi?
10:23Persahan ang pinalikas ang mga nakatira sa tatlong magkakatabing bahay sa gilid ng bangin.
10:28Matagal na raw humingin ng tulong ang mga residente para sana mapatayuan ng riprap ang bangin.
10:33Lahat ng mga kandidato ang pupunta dyan.
10:36Pinapakita namin, picture-picture lang sila, sukat-sukat. Wala naman nangyayari.
10:41Kumupa ng bahas sa barangay Silangan pero hindi pa pinapayagang umuwi ang mahigit 1,700 debacteries dahil masama pa rin ang panahon.
10:48Ang iba gaya ni Meralisa, hindi raw alam kung may mauuwian pa.
10:54Depende na lang po kasi nabasaan na po siya sa ulan.
10:59Depende na lang po kung pwede pa siyang matirahan.
11:03Kasi yung mga plywood, lumambot na po, bahala na po.
11:07Sa evacuation center, magpwesto din para sa mga alaga ng mga lumigas na residente.
11:12Quezon City Veterinary Office ang nababantay at nagpapakain sa kanila.
11:16Nag-deklara na ng State of Calamity ang Quezon City para magamit ng LGU ang kanilang Quick Response Fund.
11:24Bit-bit ang kaldero.
11:26Sinoong ni Jerry ang baharito sa dulong tangke, barangay Malintaba, Venezuela City.
11:30Dadalhan niya ng pananghalian ang mga magulang at mga kapatid na nag-evacuate.
11:35Diyan po sa school kasi po lumigas sila mama niya.
11:38Tumaas naan niya kasi ang baha sa kanilang bahay.
11:40Minsan po kasi hanggang leeg po.
11:43Kasama ang mga kaanak ni Jerry sa dalawang libo at tatlong daang pamilya sa lungsod na lumigas.
11:49Kung tutuusin, sanay naan nila sila sa baha.
11:51Kaso nakatakot po sa totoo lang kami, hindi pa kami maalis dito kasi nga may bagyo pa po.
11:57Balikbahe naman na kanina ang mag-anak na ito.
12:00Matapos pansamantalang makituloy sa mga magulang.
12:03Kumupa na kasi ang baha sa tinitrah nila sa barangay Dalandanan.
12:05Sa mga kalsadang baha pa rin tulad sa G. Lazaro, problema ng ilan ang mas mataas na sihil ng mga nakakadaang sasakyan.
12:22Sa mga kalsadang baha pa rin tulad sa G. Lazaro, problema ng ilan ang mas mataas na sihil ng mga nakakadaang sasakyan.
12:23Sa MacArthur Highway naman sa Dalandanan, delikato pa rin.
12:31Sir, ano nangyari? Tumirig?
12:34Tumirig, malalang sa gitna.
12:35Naabot mo ng baha.
12:37Tumirig?
12:37Ah, baha. Tumirig po.
12:38Kahit mga four-wheel na sasakyan, hindi rin kinaya.
12:42Kaya si Joamarie Monteveros nanigurado.
12:45Kumusta? Ilang oras ka na naghihintay dito?
12:48Mga isang oras pa lang naman.
12:50Oras. Anong hinihintay niyo po?
12:53Nagahalangan kasi ikod nung maan eh.
12:55Mga ilang oras panghihintayin niyo niyan, sir?
12:57Siguro mga...
12:59Siguro may isang oras.
13:02Para makaligtas siya, tumalon at lumungoy sa rumaragas ang baha ang isang ginang sa kabite kahapon.
13:09Sa Rizal naman, paglilinis at pamimigay ng pagkain ang ginawang tulong ng mga residente sa kanilang kapwa.
13:16Saksi si Bernadette Reyes.
13:17Hindi halintana ang baha para lang makatulong.
13:23Kahit mga hindi naman niya basura, pinagpupulot ni Grace para makatulong na mapabilis ang pagbaba ng tubig.
13:30Nandito kami ngayon sa Karangalan Drive sa Kainta kung saan sa looban ng village na ito ay umaabot na hanggang dibdib ang baha.
13:37Ayon sa mga residente rito, isa raw sa mga nakikita nilang dahilan sa pagbaha ay ang mga basurang bumabara sa mga kanal.
13:44Dito sa kinatatayuan ko ngayon, samotsari ang mga basura. Nandyan ang mga plastik, mga bote at mga balot na mga chichiriya.
13:51Sa mga kapitbahay ko at mga taga-karangalan ka lugar ko, sana naman huwag din naman po paano rin ang basura niyo po kasi ang basura ang tinapo niyo, babalik din po sa inyo.
14:04Si Najasper at kanya mga katrabaho naman, namang ka para magpakain ng libreng lugaw.
14:09Napakalaking tulong po sa amin yan, lalo na at ng iban di makalabas.
14:12Sa simpleng pagpapakain natin ng pampainit sa sigmura lang, nakakatulong yung pampagana sa tao na hindi mawala ng pag-asa.
14:21Abot-tuhod ang baha sa kahabaan ng Felix Avenue sa tapat ng Village East.
14:26Tumirik ang motor ni Ariel kaya nilakad niya na lang ito para makapasok sa trabaho.
14:31Kailangan mo mag-trabaho talaga rin kasi isimpre, bawas bandit pagka umabsin.
14:37At yung kawapalitan ko rin, maabala rin siya.
14:43Ayon sa lokal na pamahalaan, sinasalo ng kainta ang tubig mula sa ibang mataas na bayan ng Rizal.
14:49Nakadagdag pa raw sa problema ang pag-apaw ng wawada.
14:52Pag dumating na yung panahon na yung mataas na ulan galing sa mga bundok,
14:58ibababa, wala naman sila ibang dadaanan kung di kami.
15:01Yung pump stations namin, gumagana.
15:03We've already put two and we're coming up with another three before the year ends.
15:09Sa binangonan, pahirapan ang paglilikas sa mga nakatira malapit sa Laguna Lake.
15:14Buhat-buhat ng mga rescuer ang mga bata habang naglalakad sa tulay na gawa sa kawayan.
15:19Sa bahagi naman ng lawa sa bayan ng Tanay, natagpuan ng mga maying isda ang ikalawang batang na lunod.
15:26Matapos nungano silang maligo sa spillway sa bayan ng Moro.
15:29Unang natagpuan sa parehong lugar noong lunes, ang labi ng kanyang kaibigan at kapwa, sampung taong gula.
15:35Nakinarala siya ng tanong kanyang pamilya.
15:39Possible period, it's a part of the pamilya ito na yung kanilang anak na hinahanap.
15:45Sa Baco or Cavite, naiyak na ibinahagi ni Emily kung paano siya nakaligtas sa flash flood kahapon.
15:52Sa sobrang bilis daw ng pagtaas ng tubig, ang anak lang niya ang nailikas ng rescuer.
15:56Nasa tarbaho ang asawa ko. Tapos yung baha ko, tumaas na.
16:03Sabi ko, sana ano po kami ng tulong.
16:07Kasi nga di na po ako magkababa sa bahay ko.
16:10Wala na po ako madaanan.
16:13Konti na lang po yung bahay ko.
16:15Ganun na, ano, lagpas tao na po.
16:19Wala na po akong madaanan.
16:21Tumalo na lang po ako kapuntang lunod sa tubig.
16:23Mangway po ako kasi inuna ko po yung anak ko.
16:26Sabi ni Lola Candelaria, 74 years old, alas jis na umaga kahapon rumagasa ang baha sa kanilang bahay.
16:33Wala na raw siya kung hindi hinagisa ng lubid ng rescuer.
16:37Naanod yung lahat ko pero ako diya tuloy lang din.
16:40Basta sabi nila kapit lang nalay nang mahigit ka.
16:43Para hindi ka malunod o maanod.
16:47Hanggang ngayon po ako parang ano nga po.
16:51Nananatili sila sa evacuation center sa barangay Habay Uno.
16:55Maraming barangay sa Bacuor ang mabilis bahain dahil maraming umaapaw na ilog na konektado sa Manila Bay.
17:02Pero kahapon lang daw naranasan ng maraming lugar na umabot ng lagpas tao ang baha.
17:07Mas matagal na rin daw ngayon kung humupa ang baha.
17:10Sa noveleta, maraming parte ng National Road ang maghapong baha.
17:14Nang dahil din sa high tide.
17:16Sa Cavite Viejo Street, sa Kawit, may mga loobang nasa lampas tao pa ang baha.
17:22Para sa GMA Integrated News, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
17:27Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng ilang bahay sa Iloyono City, sa Pangasinan,
17:32pati ilang evacuation center, hindi nakaligtas sa pagbaha.
17:36Saksi si Sejia Torida ng GMA Regional TV.
17:39Lagpas taong baha ang nagpalubog sa ilang lugar sa bayan ng Kalasyao sa Pangasinan.
17:47Ang mga residente, ni-rescue na mga otoridad mula sa kanilang mga tahanan para dalhin sa evacuation center.
17:54Ang mga kalsada, mistulang ilog na.
17:58Ayon sa Kalasyao MDRRMO, alos hindi na huminto ang tawag ng mga nagpaparescue.
18:03Mula pa kagabi, dahil sa paglalim ng tubig, patuloy rin ang pag-apaw ng Marusay-Sinukalan River.
18:09Hanggang 6 feet above, lagpas taong tubig baha.
18:14Mula po kagabi ay meron po tayong bulk ng rescue operation sa barangay Mancob at saka sa barangay Lasik.
18:22Sa huling tala ng Kalasyao MDRRMO, 21 barangay ang lubog sa baha.
18:27Kasabay nito, isinailalim na sa estate of calamity ang Kalasyao.
18:31Malaking tulong daw ito para magamit ang emergency funds ng LGU para sa mga apektadong residente.
18:37Sa ngayon, maygit 10,000 pamilya na ang apektado ng baha at maygit 80 pamilya ang nananatiling sa evacuation center.
18:45Idineklara na rin ang estate of calamity sa Dagupan City.
18:49Malawakan din ang pagbaha sa lungsod.
18:51Kaya pinasok na ng tubig maging ang St. John the Evangelist Cathedral.
18:55Sabi ng ilang residente, lagpas bewang na baha ang pumasok sa kanilang bahay sa barangay Pugot Chico.
19:02Saan kayo pupunta?
19:03Sa astrolog po.
19:04Okay.
19:05Mag-evacuate na kayo?
19:06Apo.
19:07Ano yung daladala ninyo?
19:08Lamin.
19:09Kabilang din sa binaha ang barangay Maluud kung saan patuloy ang mga rescue operation.
19:13Nagdito tayo ngayon sa barangay Maluud, Dagupan City at sa mga oras na ito, pasado alas 12 ng tanghali, wala tayong nararanasang bagulan pero patuloy na tumataas yung antas ng baha sa ating kinararoonan.
19:27Ito na po yung mga tubig na galing sa mga umapo na kailugan sa kalapit bayan.
19:32Sa tala ng Dagupan City RRMO, kaninang alas 4 ng hapon, mayigit tatlong daang pamilya na ang nananatili sa mga evacuation center sa lungsod tulad sa People's Astrodome.
19:43Di pa kabilang dyan ang mga inilikas ngayong araw.
19:46Pero kahit ang mga evacuation center, binabaha na rin.
19:51Sa buong probinsya na mga nagpanggasinan, umabot na sa mayigit pitong daan ang mga pamilya na nasa mga evacuation center ayon sa panggasinan PDRRMO.
20:00May mayigit siyam na raan pang pamilya na lumikas at nananatili sa iba pang lugar.
20:06Problema rin ang baha sa Iloilo.
20:09Sa barangay Taf North, Manduriao sa Iloilo City, walong pamilya ang lumikas muna sa makeshift evacuation center.
20:20Iniindan na rin na mga residente ang epekto ng baha sa kanilang kita.
20:23Bigadogit ang baklanay kay Gaba, sige man ulan.
20:26Di wala gawa, tao.
20:27At way ka na gawa, bintanay.
20:30Saan baba kung itatokorta sa Bigadogit?
20:33Ayon sa Iloilo City, DRRMO, alos 80 barangay ang pinaha sa lungsod.
20:38Mayigit 800 individual na ang nananatili sa evacuation center.
20:43Sa barangay San Isidro sa Bayan ng Haro, ilang bubong na ang nilipad dahil sa malakas na hangin.
20:48May mga puno namang natumba sa barangay Santa Cruz sa Arevalo.
20:53Para sa GMA Integrated News, CJ Torida ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
21:00Bangkay na na matagpuan sa Bulacan ang babaeng pasehero ng SUV na nahulog sa sapa sa Kaloocan.
21:07Saksi si Chino Gaston.
21:12Pasado alas dos ng hapon ng matagpuan sa katubigan ng barangay Taliptip sa Bulacan-Bulacan,
21:17ang labi ng isang babae na naka-asul na pantalon at pulang t-shirt.
21:21Agad itong nakilala ng kanyang mga kaanak na si Rebecca Andrade, base sa suot nitong kwintas.
21:27Siya ang may-ari at isa sa dalawang sakay ng SUV na nakitang tinangay papuntang sapa sa Kamarin North, Kaloocan,
21:34sa kasagsagan ng malakas na ulan noong lunis ng gabi.
21:38Bago nito, sinuyod ng mga volunteer rescue personnel at Kaloocan CDRRMO,
21:43ang Marilaw River, sakaling dito napunta ang labi ng biktima.
21:45Kahapon ng umaga, natagpuan ang labi ng driver ng SUV na si Ricardo Donasco
21:51na ayon sa kanyang may bahay ay nakatawag pa bago sila maaksidente.
21:55Kwento ng ilang saksi, sinubukan pa nilang itulak ang SUV na lumutang dahil sa lalim ng tubig sa kalsada
22:02pero bigo na silang iligtas ang dalawang sakay nito.
22:06Sinubukan ng GMA Integrated News na makakuha ng panayam sa pulisya
22:09at sa kaanak ng biktima na si Andrade pero tumanggi muna silang humarap sa kamera.
22:14Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
22:18Nasagip ang dalawang senior citizens sa gitna ng masamang panahon sa Santa Cruz Occidental, Mindoro.
22:25Isinakay sila sa stretcher para maitawid sa ilog.
22:28Ayon si MDRRMO ng Santa Cruz, tumaas kasi ang tubig sa isa pang ilog sa Sitsumahogani kaninang hapon.
22:35Sabay naman ang Abra de Ilog, tulong-tulong ang ilang residente sa pagbuhat ng isang motorsiklo patawid ng ilog.
22:43Pahirapan ang pagtawid nila dahil malakas ang agos ang ilog kahapon.
22:47Ayon kay U-Scooper Gwen Villanueva, naputol kasi ang pangunahing tulay doon mula sa Puerto Galera.
22:55May namata namang malaking ahas na pumasok sa kulungan ng manok sa Kalasyao, Pangasinan.
23:00Ayon kay U-Scooper Zalde Posadas Tamayo, nangyari yan sa gitna ng pagbaha na posibian niyang nakabulabog sa mga ahas sa lugar.
23:08Mga kalal na barado ng burak ang kabilang sa mga sinisilip na dahilan kung bakit bumahat sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.
23:17Kabilang na riyan ang Aranque Market, kung saan nalunod sa baha ang mga hayop na binibenta sa ilang pet shop doon.
23:24Saksi si Ma Gonzales.
23:29Nagbisto ng evacuation center ng mga hayop ang bangkenta sa Aranque Market sa Maynila.
23:34Kwento ni Bong, biglang taas ang tubig nung lunis ng gabi, kaya hindi na nila nakuha lahat ng alaga sa pet shop nila sa basement.
23:41Yung iba po, hindi namin na selba. Mayroon na tumulong para may selba namin.
23:46Sila Bryant naman, mga freezer ang unang isinalba.
23:50Yung mga gamit lang po namin na iba, yung iba hindi na namin ginawa dahil mga nakalaki.
23:54Kasi mga bigis tumahas yung tubig.
23:57Sira ang pump sa Aranque Market kaya hanggang ngayon, hindi pa humuhupa ang baha.
24:00Kanina bumisita si Manila Mayor Escomoreno para umpisahan ang pagbomba ng tubig.
24:08Maya-maya, bumuluwak na ang tubig sa kalsada galing sa binahang basement.
24:16Sa Taft Avenue, Guthrie Deep ang baha kaninang umaga, kaya siksikan sa innermost lane ang mga sasakyan.
24:22Kahit maulan, walang magawa ang mag-inang ito na papunta sa Philippine General Hospital.
24:26Ang hirap kasi humingi ng schedule sa hospital.
24:31Ang mga LRT commuter gaya nila, kung hindi lulusong sa baha, trike ang karaniwang sinasakyan.
24:36Dagdag kita para sa mga tulad ng tricycle driver na si Danilo.
24:40Ako, hindi ako nagagandaan dahil maraming naabala sa mga pumapasok ng trabaho.
24:45Kawawa naman sila.
24:46E yung ibang mga kasamang tricycle boy, nagagandaan sila dahil malaki ang kita nila.
24:50Para makatulong na bumaba yung baha ito, binuksan na nila yung isang sewer dito sa May Taft Avenue.
24:57Para daw dyan papasok yung tubig.
24:58Yung mga nandun naman na taga MMDA, ang ginagawa naman nila ay i-dedeclog nila, tatanggalin nila yung mga basura, binubuksan yung manhole.
25:06Kanina raw dito sa isa, ayan, dalawang sako ng basura na yung nakuha nila.
25:10At yan yung isa sa mga dahilan, kaya bumabaha dito.
25:14Sako-sakong burak ang nakuha sa mga drainage system.
25:16Yung higop, burak. Pag binugahan namin, burak din lalabas.
25:21Nahakot namin yung basura about three weeks ago.
25:25In a short period of time, talagang kung nangyari, malamang lahat yan lumulutang ngayon.
25:33Makikita mo, bahas sa Maynila, kahit saan ka magpunta, may makikita kang baha, pero wala kang makitang basura lumulutang.
25:41Samantala, kanina namigay naman ang relief goods sa mga nakatira sa ilalim ng tulay malapit sa Malacanang, si First Lady Liza Araneta Marcos.
25:51Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
25:57Mahigit 300 milyong piso na ang inisyan na halaga ng mga nasirang pananim sa bansa,
26:02na lang sa nagpapatuloy na masamang panahon,
26:04kabilang sa manganapin sala ang mga pananim na palay.
26:07Saksi, si Dalot Ingkuko.
26:12Grabe o, nakikipadabo lang talaga kami.
26:16Sa San Vicente, Abra de Ilog, Occidental, Mindoro, may mga magsasakang nagkukumahog para isalba ang kanilang pananim.
26:22Tumaas na kasi ang tubig sa palayan.
26:24Bigla, bigla talaga yung lakas ng ulan, grabe.
26:28Yan na, naglulusaw na.
26:30Sa Atok Benguet, maagang inani ng mga magsasakang, tanim nilang wombok o Chinese cabbage kahit hindi pa panahon ng anihan.
26:36Kesa daw masira ang gulay, nagbakasakali silang may bumili kung ibebenta nila.
26:42Sa kabuuan, 323 milyon pesos ang inisyal na halaga ng mga nasiram pananim sa buong bansa dahil sa halos isang linggong pag-uulan.
26:50Pero paniguro ng Department of Agriculture, walang dahilan ng publiko na mangambang baka kulangin sa supply ng pagkain o magmahalang presyo nito sa mga palengke.
27:00Sa gulay, karamihan ng mga naonang nagtanim ay na-harvest.
27:06So wala rin tayong nakikita.
27:08So yung mga nagtanim agad, prior to bagyo, yun yung maapektuan.
27:12But definitely, we can easily recover dito sa mga pagtatanim muli nila.
27:19So in effect, wala tayong inasahan na masyadong surge.
27:24Nasa 6,700 metric tons ang kabuuan nasirang palay.
27:28Pero paliwanag ng DA, nasa loob ito ng nakaproject na palay kada taong pwedeng masira o mawala bunsud ng mga bagyo.
27:36Sapat din daw ang supply para sa relief operations at para sa 20 peso rice program.
27:41Yung stocks din ni NFA ngayon, nasa 450,000 plus metric tons.
27:46So more than 9 billion bags yan na ginagamit for relief and for P20 program natin.
27:52So we have enough supply for calamity relief efforts plus yung sa P20 program natin.
28:00Ayon sa DA, pinaka-apektado ang Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Regions 6 at 12.
28:06Naglaan ng DA field offices and agencies nang hindi bababa sa P500 million pesos na intervention para makapagtanim muli.
28:14Iba pa yan sa nasa P400 million pesos naman na inila ang pautang sa mga magsasaka.
28:19Para sa GMA Integrated News, sa kasidan at tingkung ko ang inyong saksi.
28:24Dalawang bagyo na ang humahatak at pinalalakas ang habagat.
28:28Ang bagyong Dante huling namataan, 790 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes.
28:34North-west ang galaw nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
28:38Ang bagyong Emong naman, huling namataan 165 kilometers sa kanlura ng Sinait, Elocos Sur.
28:44South-west ang kilos nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
28:48Patuloy na palalakasin ang dalawang bagyo ang habagat na magdadala pa rin ng maulang panahon.
28:54Bukod sa habagat at dalawang bagyo sa loob ng Quar, meron ding sama ng panahon sa labas na mataas din ang chance na maging bagyo.
29:00Pero ayon sa pag-asa, pahilaga ang galaw nito at hindi tutumbukin ang Pilipinas.
29:08Napababa ng 1 percentage point ang taripan na ipapataw sa mga produkto ng Pilipinas na for export sa Amerika.
29:15Kasunod ito ng pulong niya ng Pangulong Bongbong Marcos at U.S. President Donald Trump.
29:20Saksi si Sandra Aguinaldo.
29:22Si U.S. President Donald Trump ang sumalubo kay Pangulong Bongbong Marcos pagdating sa White House.
29:32May patikim din si Trump sa pagpupulungan bago pa man sila magsimula.
29:36I just want to say it's an honor to have you. We're going to talk about trade today.
29:41We'll do a lot of business with you.
29:43Thank you very much, Mr. President.
29:45Of course, we're all very happy to be here to once again reaffirm the very strong ties between the Philippines and the United States.
29:54Ties that will go back over 100 years.
29:58Matapos ang pulong, agad na inilabas ni Trump sa social media ang napagkasunduan.
30:0219% aniya ang taripang babayaran para sa mga ie-export ng Pilipinas sa Amerika.
30:09Mas mababaya sa 20% na orihinal na planong ipataw sana simula ngayong Agosto.
30:15Sabi pa ni Trump, tuluyang bubuksan ang merkado ng Pilipinas at hindi papatawa ng kahit anong taripa ang mga produkto ng Amerika na ipinapasok sa Pilipinas.
30:26Gayunman, nilinaw ni Pangulong Marcos na para lang sa piling sektor ang zero tariff na binanggit ni Trump sa kanyang post.
30:35There were certain markets that they were asked to be open that are presently and right now are not open.
30:44The one of the major areas that he said were automobiles.
30:48Because we have a tariff on American automobiles, we will open that market.
30:53Ibig sabihin, wala ng taripang ipapataw sa mga kotse yung in-import mula sa Amerika.
31:00Lalakihan din ang Pilipinas ang dami ng in-import na produkto.
31:03The other side of that is an increased importation from the United States for soy products, wheat products, and pharma, actually, medicines, para makamura naman yung mga maging mas mura yung gamot natin.
31:21Tanong sa Pangulo, hindi kaya lugi ang Pilipinas dito?
31:25That's how negotiations go.
31:28We managed to bring down the 20% tariff rate for the Philippines to 19%.
31:34Now, 1% might seem like a very small concession.
31:39However, when you put it in real terms, it is a significant achievement.
31:47Tinawag din ni Trump ang Pangulo na very good and tough negotiator.
31:53Tinalaki rin sa meeting ang defense and security.
31:55He was very inquisitive about who the situation in our country, what are the threats that we have to worry about, and how are the other countries around Asia and Asia Pacific reacting to what's going on in West Philippine Sea.
32:20Including the status of the different militaries around the area.
32:26We covered a great deal of ground.
32:30Tinanong ng media si Marcos kung paano niya babalansihin ang ugnayan niya sa Amerika at China.
32:36There is no need, in a sense, to balance, as you characterize, to balance our relationship between the United States and China.
32:46Simply because our foreign policy is an independent thing.
32:50And we are essentially concerned with the defense of our territory and the exercise of our sovereign rights.
32:58And I don't mind if he gets along with China, because we're getting along with China very well, because I think he has to do what's right for his country.
33:06I've always said, you know, make the Philippines ready and do whatever you need to do.
33:10Kaugday naman sa planong magtayo ng pasilidad para sa produksyon ng mga armas sa dating base militar ng Amerika sa Subic,
33:18sabi ni Trump, mahalaga ito sa dalawang bansa.
33:20Very important. Otherwise, we win. We need ammunition. We're gonna end up, in a few months, we'll have more ammunition than any country has ever had.
33:28The United States is assisting the Philippines in what we call our self-reliance defense program,
33:36which is to allow us to be self-reliant and to be able to stand our own two feet whatever the circumstances that occur in the future.
33:45Sa kanilang meeting, formal na rin inibita ni Marco si Trump na bumisita sa Pilipinas.
33:51When are you coming to the Philippines, sir? Soon?
33:55For the ASIA?
33:56Mula dito sa Washington, D.C.
34:01Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
34:07Tatlong dam sa Luzon ang nagpapakawala ng tubig.
34:11Base sa datos ng pag-asa sa 8 a.m. kanina, isang gate ng ipodam sa Bulacan ang nakabukas.
34:17Tatlong gate naman ang nakabukas sa Mbuklaw Dam, habang dalawa sa Binga Dam.
34:21Pareho yung nasa Binga Dam. Patuloy rin binabantayan ang antas ng tubig sa iba pang dam.
34:28Balik normal na ang libelang tubig sa Marikina River.
34:31Panibagong problema naman ang sumiklab na sunog sa isang public market sa Luzon.
34:35Saksi si Tina Pangaliban Perez.
34:41Sa gitna ng pagbangon sa epekto ng masamang panahon, dagdag problema sa Marikina ang sunog sa public market.
34:49May tindahan kami sa baba. Narinig na lang namin sila.
34:52Sasabing sunog-sunog.
34:55Expect lang naririnig ko. Nag-anohan na kami.
34:59Nagliktita na kami.
35:00Ang sunog ma'am, ang nadamay is dito sa third floor.
35:04Ditong three-story na yung mababa is mercantile o mga tindahan.
35:11Wala tayong naitala na nasaktan o nasugatan sa mga sibilyan o sa ating kasamaan sa bumbero.
35:17Inaalam pa ng Arson Investigators kung saan eksaktong nagsimula ang apoy,
35:23ano ang naging sanhi nito, at kung magkano ang iniwan nitong pinsala.
35:29Sa ibang lugar sa Marikina, abala na ang ilan sa paglilinis na mga iniwang basura ng pagulan.
35:36Balik normal na ang label ng Marikina River.
35:39Kaya kahit may paminsan-minsang ulan nitong umaga, may mga namamasyal na sa riverbank para manghuli ng isda.
35:47Gaya ni Glenn Chavez, na lumikas nang umabot sa tuhod ang baha sa loob ng kanilang bahay sa parangay Santo Niño.
35:55Dinuligin na lang sa kapitbahay ang isda.
35:58May malalakas din ang loob na lumangoy sa ilog, kahit malakas ang agos.
36:03Mataas pa rin yung tubig sa Marikina River kahit normal na ang antas nito sa ngayon.
36:08Kaya hindi pa makapagsagawa ng dredging ang Marikina City LGU.
36:13Pero tuloy-tuloy naman yung clearing operations.
36:16Kung makita ninyo, tinatanggal nila yung mga putik at basura na inanod dito sa gilid.
36:22Kinahaponan, bahagyang gumanda ang lagay ng panahon.
36:27Kaya ang ilang lumikas, umuwi na.
36:30Dito sa Marikina Elementary School, lumikas kahapon ang isandaan at anunapotsyam na taga-barangay Santa Elena.
36:38Kanina, 66 na lang ang sumisilong sa paaralan.
36:41Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
36:49Binira ni Vice President Sarah Duterte ang pagtugon.
36:52Nag-administrasyo Marcos sa problema sa baha.
36:55Tinutulan din ang Vice Presidente ang mungkahin ng Amerika na pagtatayo ng ammunition manufacturing facility sa Subic Bay.
37:02Ang sagot ng Malacanang sa aking report.
37:07Sa isang interview sa The Hague, Netherlands,
37:11naghayag ng pagtutol si Vice President Sarah Duterte sa eminomungkahin ng Amerika
37:15na pagtatayo ng ammunition manufacturing facility sa Subic Bay, Zambales.
37:21Sabi ng Vice, walang independent foreign policy ang Pilipinas kung iisang bansa ang kinikilingan nito.
37:27Ang nakalagay sa ating saligang batas na meron tayong dapat independent foreign policy
37:35kung yung ginagawa ng gobyerno ay kumikiling sa iisang bansa lang.
37:40Ibig sabihin nun, wala na tayong true independent policy.
37:46Ang mungkahing Ammunition Facility, bahagi ng Defense Cooperation ng Amerika at Pilipinas,
37:51sa ilalim ng Enhanced Cooperation Agreement o EDCA,
37:54ang sabi ni Pangulong Marcos, makakatulong na yun sa pagiging self-reliant ng Pilipinas pagdating sa depensa.
38:00The United States is assisting the Philippines in what we call our self-reliance defense program,
38:09which is to allow us to be self-reliant and to be able to stand our own two feet.
38:15Binatikos din na Duterte ang pagtugon ng Ammunition Marcos sa problema ng mga pagbaha,
38:19kabilang ang mungkahin ng Pangulo na ipunin ang floodwater para magamit sa tagtuyot.
38:24Ipunin po natin lahat, tapos i-deliver po natin sa Malacanang para po may mainom siya.
38:29Sabi ng Palasyo, nakapagtataka raw na tila hindi alam ng BSE ang Republic Act 6716 o Act,
38:37Providing for the Construction of Water Wells, Rainwater Collectors,
38:41Development of Spring and Rehabilitation of Existing Water Wells in all Barangays in the Philippines.
38:47Kinutya niya ang suwestiyon na ito ng Pangulo na ipunin ang tubigulan.
38:55Marahil ay hindi po siya, hindi po niya batid ang batas na ito at ang pinapalabas lamang niya ay pag-iipon ng tubig sa timba.
39:08Pagdidiin ang palasyo, may direktiba ang Pangulo, gaya ng mga libring sakay at paghahanda ng food packs para sa mga naaapektuhan ng Bagyong Krisig.
39:16Hindi naman po talaga malalaman, marahil ni BSE Presidente kung ano po ang pag-prepare ng administrasyon patungkol po dito sa Bagyong Krisig dahil wala po siya sa bansa at nagbabakasyon siya sa Tahig.
39:29Hinihinga namin ang reaksyon dito ang BSE.
39:31Matapos ng dalawang araw, natagpuan na ang nakatakas na sawa sa San Fernando, Cebu.
39:38Tulong-tulong na binitbit ang sawa na nasa labing-alim na talampakan ng haba.
39:43Natagpuan ito sa atang nagtauhan ng DNR, di kaluyuan mula sa bahay, nang nag-aalaga sa sawa kaninang umaga.
39:49Masayang may-ari ng ahas na hindi sinaktan ang kanyang alaga, na sampung tonoro niyang inaalagaan.
39:55Giit ng may-ari, paiigting nila ang pagbabantay sa sawa para hindi maulit ang nangyari.
40:00Pero wala raw permit ang may-ari kaya inirekomenda ng LGO ng Cebu na i-turn over ang sawa sa DNR.
40:09Maglalabas ng Revised Calamity Loan Program ang Social Security System o SSS.
40:14Ibababa ang interest sa 7% mula sa dating 10%.
40:17Layon itong tulungan ang mga miyembrong nasa ilalim ng State of Calamity.
40:22Maaari rin i-renew pagkatapos ng 6 na buwan at magiging mas simple na ang activation process
40:27para mapabilis ang pagbibigay ng tulong pinansyal.
40:31Maaari na itong ma-activate sa loob ng 7 working days mula sa pecha ng kalamidad
40:35kumpara noon kung saan umaabot daw ito ng halos isang buwan.
40:40Bago sa saksi, pinagbigyan ng International Criminal Court to ICC Pre-Trial Chamber
40:51ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ng paglalabas nito ng desisyon
40:57kaugnay sa naon ng hiling na interim release ng dating Pangulo.
41:00Itong Hunyo, nagpahayag ng pagtutol sa interim release ang prosecution at Office of Public Council for Victims.
41:07Bilang tugon, humiling ang kampo ni Duterte na ipagpaliban ng pre-trial chamber
41:12ang paglalabas ng desisyon hanggang sa makompleto nila ang inihahandang impormasyon
41:17kaugnay sa hiling nilang interim release.
41:20From pambansang ginoot to pambansang third wheel, third wheel mode si David Licaco sa kanyang best friend na si Dustin Yu
41:33at kaduun itong si Bianca De Vera.
41:35Ibinahagi niya ang pitcho ng dalawa with caption, mahira pala mag-third wheel.
41:40Pero sa isa pang plot twist, siguradong di third wheel si David.
41:44Kumanda ng Ward of Fans dahil si David may special appearance sa GMA Prime Series na Beauty Empire.
41:50Kung saan, isa sa mga bida si Barbie Forteza.
41:56It's been seven months since I last acted, which makes me excited actually.
42:03And also, obviously, I'm working with Barbie again.
42:06At least kasama ko siya dito, even just for a day.
42:08Napag-usapan na namin to, syempre.
42:10Matagal na eh. Actually, matagal na siya dapat pumasok.
42:13Pero yun, finally, okay din na ngayon siya pumasok dahil bumibigat na rin yung mga eksena namin.
42:21So, perfect timing.
42:21Salamat sa inyong pagsaksi.
42:28Sa ngalan ni Pia Arcangel, ako si Marisol Abduraman.
42:32Para sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
42:36Pula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
42:41Hanggang bukas, sama-sama tayo magiging saksi.
42:45Mga kapuso, maging una sa saksi.
42:53Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.