Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Muling ipiniliwanag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mungkahin niyang mag-resign ang President, Vice President hanggang sa mga kapwa niya mambabatas.
00:10Nagsalitariyan ang Senador Kaugnay sa umuugong na pagpapalit ng liderato sa Senado.
00:15May ulat on the spot si Sandra Aguinaldo.
00:17Sandra!
00:18Yes Connie, pinanindigan nga po ni Sen. Alan Peter Cayetano yung panukala niya na mag-resign na raw yung lahat ng halal na opisyal mula doon sa Presidente, Vice President, Senador at Kongresista at agad daw magsagawa ng snap election.
00:39Sabi niya, sa tingin niya ay magandang ideya pa rin ito kahit pakakaunti raw ang sumuporta sa kanya.
00:46Punto niya, habang halos lahat daw ng mga ito ay suspect at nagtatakipan o yan ang paniwala ng marami daw tao, bababa raw ng bababa ang tiwala ng publiko.
00:58Magiging mabigat din daw ito para sa Senado dahil dati nang nagkaroon ng hakbang mula umano sa Kamara na magsagawa ng People's Initiative para amyendahan ng saligang batas at mawala na ang Senado.
01:12Tingin ni Cayetano, bagabat mukhang imposible sa ngayon ang kanyang ideya, ay maaring darating ang panahon para dito.
01:19Giit pa niya, hindi magtatagumpay ang panukalang ito kung isa lang ang magre-resign.
01:24Kasi nga daw, ang layunin ay national renewal o pagbabago sa ating bansa.
01:30At sa giniit nga niya na ang panukala naman niya ay hindi pwedeng tumakbo yung mga nakaupo na ngayon.
01:36Natanong naman si Cayetano tukos sa umuugong na posibli umanong pagkakaroon ng palitan ng liderato sa Senado para palitan si Sen. President Tito Soto.
01:46Isa sa kasi sa lumulutang ay pangalan mismo ni Sen. Cayetano na posibli umanong pumalit kay Soto.
01:53Pero aniya, wala naman daw umanong aktibong hakbang ang nasa minority para mangalap ng suporta para dito.
02:01Kaya raw siguro na pag-uusapan ito ay dahil siyem na yung miyembro ng minority at apat na lamang na suporta ang kailangan nila.
02:11Sa ngayon, Konya, ang inaantabayanan pa natin dito ay magkakaroon po ng kokos.
02:15Ang majority naman ngayong tanghali ata ito po ay sa gitna nga po ng pagbibitiw ni Sen. Panfilo Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
02:26at aabangan natin kung meron na po nga tumanggap ng pwesto na yan.
02:30So yan muna po ang pinakuling ulat mula dito sa Senado.
02:33Connie?
02:34Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended