Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update naman tayo hingilis sa Hagupit ng Bagyong Uwan sa Dagupan City dito sa Pangasinan.
00:06Bakibalita tayo live mula kay Sandy Salvasio.
00:09Sandy?
00:11Chris, sa mga oras na ito ay paminsan-minsan tayong nakararanas.
00:16Na nga malalakas na pagulan, gayon din na nga hangina.
00:20Kaya naman pinag-iingat po yung ating mga kababayan sa banta pa rin po ng panahon.
00:25Bagamat wala na sa kalupaan ang Bagyong Uwan, bakas naman dito sa lungsod ng Dagupan ang mga pinsalang iniwan nito.
00:35Sa aming paglilibot sa syudad ganinang umaga, maraming mga sanga na nagkalat sa daan at may ilan ding puno na pinatumba ng bagyo.
00:43Ang mga residente rito sa barangay Bunuan, Gaset, abala na sa paglilinis ng kanilang mga bakuran.
00:49Umabot kasi hanggang sa kalsada ang hampas ng alo ng baybayin, kaya't nagdala pa ito ng mas marami at mas malalaking kalat.
00:56Bunso din ng storm surge, binaha ang malalaking bahagi ng barangay.
01:01Ang mga barangay, Bunuan, Gaset at Bunuan, Binlock ang dalawa sa mga malalang tinamaan ng Super Bagyong Uwan.
01:08Ang evacuees sa dalawang barangay umabot na sa mahigit kumulang tatlong libong mga individual.
01:13Maliban sa bilang ng mga residenteng lumikas, marami rin mga bangka ang sinira nitong dumaang bagyo.
01:19Ang mga mangingisda, wala rin magawa kundi ayusin kung kaya pang ayusin ang kanilang mga nasirang panghanap buhay.
01:26Ang epekto ng storm surge umabot hanggang sa Central Business District ng Lungsod at ilang interior barangay.
01:32Ang malala, sinabayan pa ito ng high tide na lalo pang nagpataas sa antas ng baha.
01:38Ang mga residente at motorista, no choice, kundi suungin ang baha.
01:43Chris, muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag po basta-bastang lumusong sa tubig baha.
01:51Kung kinakailangan, magsuot po tayo ng bota o wader para hindi po natin makuha itong mga sakit na maaaring dala nitong tubig baha.
02:00Katulad na lamang ng leptospirosis.
02:02Mula sa GME Regional TV at GME Integrated News, ako po si Sandy Salvasio.
02:06Kime
Be the first to comment
Add your comment

Recommended