Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakatakda namang mag-inspeksyon sa bumagsak na Pigatan Bridge si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Tison ngayong araw.
00:08At live mula sa Alcala, Cagayan, may ulat on the spot si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
00:16Jasmine?
00:19Chris, bukod sa Pigatan Bridge, kabilang sa binabantayan o minomonitor ng provincial government,
00:25ganun din ang DPWH, ay ang mga lumang tulay sa probinsya.
00:28Kabilang dyan ang Magapit Bridge at Bunton Bridge.
00:35Magdamag na nakabantay ang mga pahinante at driver ng truck na nasangkot sa bumagsak na Pigatan Bridge sa Alcala, Cagayan.
00:42Lalo pat hindi pa rin naaalis ang mga kargang daang sakong palay at maisa truck na ito.
00:48Maging ang mga bakal at semento na karga naman ang isa pang truck, nagdagdag na rin ang pulis sa magbantay sa lugar.
00:53Kabilang sa binabantayan ng mga otoridad, ang mga residenteng nakatira malapit sa tulay.
00:57May ilang kasing residente na bumubuslit na dumaan sa tulay para makauwi sa kanilang mga bahay.
01:03One way lang po itong daanan natin, masaka masigit po yung daanan.
01:07Important na yung makadaan sila.
01:10Bahagi na kakaranas ng traffic papunta sa Northern Cagayan.
01:13Kagaya ni Michael na taga Pamplona.
01:15Ilang minuto rin siyang naipit sa traffic bago makadaan sa detour.
01:19Hiling nilang maayos sa gadang tulay, lalo pat ito ang kumukonekta sa Tugaygaraw City
01:23at maging sa mga bayan na nasa hilagang bahagi ng probinsya.
01:26Wala tayong magagawa ma, may nangyari. Maghintay.
01:33Nagpapatupad ng one-way traffic sa detour.
01:36Meron po kasi yung mga tao na tumitingin dun sa bubaba.
01:40Oo, bubaba. Liniwasan po natin yung pagdagan po yung...
01:46Samantala ngayong araw, inaasahang darating si DPWH at Sekretary Vince Dizon sa lugar
01:51upang magsagawa ng inspeksyon.
01:54Hinihintay naman ang provincial government ang resulta ng imbestigasyon ng DPWH
01:58kaugnay sa nangyaring pagbagsak ng tulay.
02:00Chris, ipakita ko lamang yung sitwasyon ngayon dito sa aming kinaroonan sa may pigatan bridge.
02:11Hanggang sa ngayon, Chris, ay nariyan pa rin.
02:13Hindi pa rin naaalis o natatanggal yung mga truck na involved sa pagbagsak nga o pag-collapse ng pigatan bridge.
02:21Ayon sa lokal na pamahalaan, Chris, ay wala silang kakayanan o equipment para alisin o tanggalin yung mga truck na nasa tulay.
02:29Samantala, Chris, bukod dyan, ang pinaka-concern ngayon ng mga farmers,
02:33dahil galing sila dito kanina para i-check naman yung mga sako-sakong palay na laman nitong truck na ito,
02:40ang pinaka-problema nila sa ngayon, since ito ay mga bagong aning palay,
02:43hanggang sa ngayon nga ay hindi pa naalis sa truck.
02:46Ang problema nila, Chris, yung mga palay mismo ay hindi na maganda yung quality.
02:50At ayon sa kanila, hanggat na hindi ito maaalis dito, hanggat hindi ma-transfer sa truck at ma-dispose,
02:56ay possible daw na hindi nila maibenta ng magandang presyuhan.
03:00Ang mangyayari dyan, Chris, ay ipapa-araw na lamang, ibibilid na lamang ng mga magsasaka
03:06at sila na lang mismo yung magpapagiling at for personal consumption na lamang yung mga palay na yan, Chris.
03:11Chris?
03:20Ismin Gabriel Galban.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended