Inaalam na ng DPWH kung kelan huling na-retrofit o pinatibay ang bumigay na tulay sa Alcala, Cagayan kahapon. Maghahain naman ng reklamo ang Kapitolyo sa mga may-ari ng mga truck na dumaan sa tulay lalo’t sobra-sobra ang bigat ng mga truck sa kapasidad ng Piggatan Bridge.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inaalam na ng DPWH kung kailan huling na retrofit o pinatibay ang bumigay na tulay sa Alcala, Cagayan kahapon.
00:09Maghahain naman ang reklamo ang kapitolyo sa mga may-ari ng mga truck na dumaan sa tulay,
00:15lalot sobra-sobra ang bigat ng mga truck sa kapasidad ng Pigatan Bridge.
00:21At live mula sa Alcala, Cagayan, nakatutok si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional.
00:27Jasmine!
00:30Vicky, tuloy-tuloy pa rin na isinasagawang investigasyon ng otoridad kung nais sa pagbagsak o pagkolaps ng Pigatan Bridge
00:38dito sa bayan ng Alcala sa probinsya ng Cagayana.
00:45Matapos ang 45 taon mula ng maitayo ang Pigatan Bridge sa Alcala, Cagayan noong 1980,
00:52tuluyan ang bumigay nag-iisang tulay na kumukonekta mula Tugaygaraw papuntang northern Cagayan sa Apari.
00:57Ang 74.7 meters sa tulay pa naman ang isa sa mga nagsisilbing daan para madalang mga pananim ng mga magsasakapanorte.
01:05Pasado alas 4 ng hapon kahapon nang mahati ang kongretong bahagi ng tulay at lumundo ang mga bakal nito,
01:14habang nakasampa at dumadaan pa ang ilang truck na puno ng palay at mais.
01:18Tigli-limampung tonelada ang bigat nila ayon sa Department of Public Works and Highways,
01:22kahit labing walong tonelada lang ang kapasidad ng tulay.
01:25Hindi bababa sa pitong sugatan.
01:27Kwento ng driver ng truck, maghahatid sana siya ng 650 na sako ng hinakot na palay para ibenta sa Cagayan City.
01:35Ang akala naman ng isa pang driver na si Patrosenio Batad ay lumindul lang.
01:39Dating nangyikong, dating natukul, hindi ko sir, bigla nga nag-glingol kay ilugan mo, hindi ko sir, bigla nga agtupak kay ilugan mo, nagbaba.
01:55So nga nagigim na kini minibela sir, nagigim na alta nila yung kini minibela, hindi din ko lahat ng sir.
02:03Napasugod na kagabi ang mga lokal na opisyal, lalot ang tulay, ang pinakamatandang tulay sa Alcala.
02:08Ayon kay Mayor Tin Antonio.
02:10Nagpatupad din ang rerouting plan ng munisipyo, habang iniutos naman ni Gov. Edgar Aglipay ang mahigpit na pagsubaybay sa ibang lumang tulay sa probinsya.
02:19Maghahain ang kapitulyo ng reklamo laban sa mga may-ari ng mga dumaang truck na inaalam pa kung sino-sino.
02:24Papakasuhan muna natin sila.
02:27Negligence, distraction to public property,
02:30at para merong tumanda rin yung mga hindi hinihwala dyan sa 18 tons na yan.
02:39Yung operator?
02:40Yung operator.
02:42Umapila naman ang mga driver na hayaan silang ilipat sa ibang truck ang mga palay para i-bent at hindi mabulok.
02:48Nagsasagawa na ng assessment ang DPWH para tukuyin ang mga susunod na hakbang.
02:52Kabilang sa inaalam ay kung kailan huling ni-retrofit o pinatibay ang tulay na dapat ay regular na ginagawa.
02:58Pupunta ako sa kagayan bukas, trabaho din natin mag-ayos ng mga nasisirang mga tulay.
03:03Sir, for clarity lang ha, walang kinalaman sa mga substandard yung bumagsak na tulay.
03:07Iba yung problema doon.
03:08Hindi ko pa masasabi yun.
03:09So, ina-assess pa lang.
03:10May initial feedback pero ano eh, hindi enough sa akin yung feedback ng district engineer.
03:16Kaya nagpadaga ako ng mga engineers from the central office.
03:19Sa 2026 National Expenditure Program ay may 45 million pesos na appropriation na nakalaan para si rehabilitation at major repair ng pigatan bridge.
03:29Pero hindi na ito umabot.
03:30National government po magpo-pondo nito.
03:34Mag-aanap po tayo ng pondo either dito sa budget ngayon or sa susunod na taon.
03:38Pero kailangan to at the very least may temporary bridge tayo na itayo dyan very soon.
03:42Vicky, bukod sa pag-alala yung pag-assist sa mga motoristang dumadaan sa may detour,
03:52kabilang din sa binabanti ng otoridad,
03:54ay yung mga residenteng nakatira lamang doon sa katabing barangay o yung pagtawid lamang ng tulay.
03:58Meron kasi mga residenteng na sinusubukang dumaan sa tulay kahit na ipinagbabawal yan ng otoridad.
04:03Kanina nga lamang, Vicky, ay mayroong ilang residenteng na sinusubukang dumaan mismo sa tulay
04:08dahil yung kanilang bahay ay paglampas lamang ng tulay at sila nga ay inabisuhan na ng PNP.
04:14Samantala, Vicky, ngayong gabi ay karagdag ang mga pulis personnel ang idineploy dito naman sa lugar
04:19para mabantayan din, Vicky, yung mga sako-sakong palay,
04:23ganun din yung mga construction supplies na karga ng mga truck na nandito dito mismo ngayon
04:28sa aming kinaroroonan sa may pigatan bridge sa bayan ng Alcala sa probinsya ng Cagayana.
04:33Vicky?
04:34Maraming salamat sa iyo, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
Be the first to comment