Skip to playerSkip to main content
-Filipino designers, nagtagisan ng creativity at talent sa "Malikhaing Pinoy, The Grant 2025" ng Fashion Aid Philippines at DTI

-Breast milk, pangunahing kailangan ng mga sanggol na naapektuhan ng lindol

-Umuugong na pagpapalit muli ng liderato ng Senado, itinanggi ng ilang senador

- AFP Chief Romeo Brawner, Jr.: May ilang retiradong sundalo na nanawagan sa AFP na bawiin ang suporta kay PBBM

-Rampa papuntang Tabogon Port, nasira kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol

-Gabbi Garcia at Max Collins, looking fabulous sa Paris Fashion Week 2025

-Bianca de Vera, special guest sa first solo concert ni Will Ashley this October

-Ilang estudyante, may pa-Happy World Teachers' Day surprise sa kanilang guro


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Para mas matulungan ng Filipino designers, magkatuwang ang Fashion Aid Philippines at Department of Trade and Industry sa programang Malikain Pinoy, The Grant 2025.
00:11Ibinidaroon ang iba't ibang kasuotan, accessories, bags at furniture na proudly Pinoy made.
00:18Balitang hatid ni Bon Aquino.
00:20Nagtagisan sa creativity at talent ang mga Filipino designers sa paggawa ng mga kasuotan, accessories, bags at furnitures sa Malikain Pinoy, The Grant 2025 na ginanap sa Intramuros, Maynila.
00:36Kabilang sa entry, sayang Violeta accent chair ni Dey at Sheena na ito, nagawa sa hand-woven abaka rope katuwang ang basket makers ng Antiquera Bohol.
00:44Ang damit na igurotak ni Ira Longshab na tinahi gamit ang tela mula sa benggit.
00:49Ang gugma baby doll dress ni Gil Salazar na gawa mula sa retaso at naya bag ni Kiko Quintanar na crafted mula sa kahoy at dinisenyuhan ng shell.
00:58Ang patin pala kay inorganize ng Fashion Aid Philippines, isang non-profit organization na layong tumulong sa blooming creative designer sa bansa,
01:07katuwang ang Department of Trade and Industry sa pamagitan ng Malikain Pinoy program.
01:11Itong The Grant, para bang in-expose niya yung creativity ng mga Filipino.
01:17So it's a platform wherein if you're a young designer and if you want to join, put your work out there,
01:25yun yung pinaka-purpose nito. It's really honoring the creativity of Filipinos.
01:29Kabilang sa criteria for judging ay ang creativity, global appeal, execution and technical skill, originality at marketability.
01:38Mula sa daandang applicants nationwide, dalawang po sa kanilang itinanghal na finalists.
01:44Part dun is mentorship program. Ginag-guide sila to mold them.
01:50Siyempre, pag nag-apply sila, they're raw talent.
01:54So binibigyan namin sila ng advice on what to do, yung design directives, on how to do it.
02:01Present sa awarding ceremony si First Lady Liza Araneta Marcos na ayon sa Fashion Aid Philippines ay nagpakita ng buong suporta
02:09at tumulong para maging accessible ang local fabrics sa mga designer.
02:13Present din ang renowned Filipino fashion designers na si Naino Soto na isa sa judges,
02:18Francis Libiran, Paul Cabral at Michael Leyva.
02:22Dumalo rin sa event ang mga miyembro ng Diplomatic Corps at si GMA Network Senior Vice President
02:27and GMA Pictures President, Atty. Annette Gozon Valdez.
02:31Ang nagwaging ragwinner ay si Dea China na lumika ng Violeta Accent Chair.
02:36It's actually inspired by my lola.
02:38And I think na it's based sa story namin na I was raised by a single mom.
02:44So yung inspiration ko is them.
02:48I think that I want to challenge myself.
02:52It's hard to make a chair.
02:57Nakatanggap siya ng 1 million pesos at Australia Study Grant mula sa Embahada ng Australia.
03:03Nagbigay rin ang tour at study grant sa mga Embahada ng Australia, Malaysia at Japan sa mga piling finalists.
03:11Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:15Mainit na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
03:20Apektado rin ang mga sanggol ng malakas na lindol sa Cebu.
03:25Cecil, ano raw yung mga pangunahing pangangailangan sa inyong probinsya ng mga sanggol?
03:30Pony breast milk o gatas ng ina ang kailangan ng mga sanggol dito sa Cebu.
03:35May grupo sa University of Cebu na nag-organisan ng donation drive na nangulekta ng human breast milk.
03:41Ang problema, pahirapan nga lang daw sa pagbiyahe na posibleng abutin ng siyam na oras dahil sa malalang traffic.
03:48Paalala naman ng National Nutrition Council, hindi inirekomenda ang pag-todonate ng formula milk tuwing may sakuna o kalamidad.
03:57Mas delikado raw ito sa kalusugan dahil sa kakulangan ng malinis na tubig at mga sterilized na mga bote.
04:05Hindi pa man nag-iisang buwan bilang Senate President, umuugong ang usap-usapang papalitan si Sen. Tito Soto.
04:12May ibang mungkahi naman si Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano para maibalik daw ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
04:20Balitang hati at di Mav Gonzalez.
04:22Umuugang sa social media ang rigodod na naman sa Senado.
04:29Ang papalit umano kay Senate President Tito Soto, si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
04:35si Senate President Pro Tempore Ping Lakson, aminadong kung sino ang may numero siyang mananalo.
04:40Ngayon, sa pananaw ng aking mga kasamaan, nagkukulang din siya sa leadership.
04:46Laging ganyan naman sa Senate, kung sino yung mayroong majority, kung sino yung mayroong 13, at least 13,
04:52pwedeng tanggalin yung nakaupo at palitan ng kung sino man yung mayroong 13.
04:57Si Sen. Wingachalian itinangging may galaw para palitan si Senate President Soto.
05:02Ang tindig Pilipinas na isa sa organizers ng Trillion Peso March,
05:06supportado raw ang kasalukuyang mayorya, atutul daw sa anumang galaw ng minority,
05:11gaya ni Sen. Alan Peter Cayetano na mag-takeover bilang Senate President.
05:15Sa tingin ng grupo, kapag naging Senate President si Cayetano,
05:19maililibing daw ang mga anilay krimen ng mga Duterte sa isang bias at mapanlin lang na umunay transparency.
05:25Hinihingan pa namin ang tugon dito si Cayetano at ang Senate Minority.
05:29Sa isang Facebook post, may ibang leadership change na mongkahi si Cayetano.
05:33Dapat daw mag-resign na lahat, mula Presidente, Vice-Presidente, Senador at Kongresista,
05:39at magdaos ng staff elections bilang tugon sa anya'y kawalan ng tiwala ng taong bayan sa gobyerno.
05:45Pero hindi daw pwede tumakbo ang sino mang incumbent official sa isang election cycle.
05:50Hindi naman daw kailangan galawin ang mga gobernador, mayor at barangay chairperson.
05:54Imbis na mag-people power parao, magsakripisyo ang mga people servant.
05:58Wala pang pahayag ang Malacanang, Kongreso at Office of the Vice President Kaugnay Rito.
06:03Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:08Sa isang pahayag, sinabi ni Senate President Tito Soto na very confident siya sa suporta ng mga kapwa senador sa kabilang o kabila ng ugong na pagpapalit ng liderato.
06:20Sa panawagang staff elections, si Sen. Alan Peter Cayetano, wala raw itong constitutional o legal framework.
06:29Sabi naman ni Sen. Ping Lakson, hindi sagot ang staff elections para mabalik ang trust o public trust sa gobyerno.
06:36Dapat daw ay matiyak ang pagpapalusa sa mga sangkot sa katiwalian.
06:42Payag naman si Sen. Irwin Tulfo sa snap elections.
06:45Pero ano niya, posible ba raw yun sa ngayon? Kailangan daw ng batas para ponduhan yun.
06:54Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Romeo Browner Jr.,
06:59na may ilang retiradong sundalo na nanawagang bawiin ng AFP ang suporta kay Pangulong Bongbong Marcos.
07:07Sabi ni Browner, nangyari raw yan noong kasagsaga ng malawakang rally kontra katawilian noong September 21.
07:14Ayon daw sa mga retired na sundalo, may ibang mas karapat dapat maging Pangulo pero hindi naman tinukoy kung sino.
07:22Gayunman, tiwala raw si Browner na walang aktibong sundalo ang sumangayon sa panawagang yan.
07:27In-report na rin daw ito ni Browner sa Pangulo at sabi raw ng Pangulo, malaki ang tiwala niya sa AFP.
07:35Ganyan din ang naunang sinabi ng Malacanang nang lumabas ang usap-usapang may kudeta laban sa Pangulo.
07:41Naunan nang itinanggi ni Department of National Defense Secretary Gibot Yodoro na may nagbabalak ng kudeta sa AFP.
07:57Lima ang nasawi sa bayan ng Tabogon kasunod ng matinding lindol noong nakaraang linggo.
08:07Kamusahin na po natin ang sitwasyon doon ngayon sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
08:12Yes, Connie, matinding pinsala rin ang tinamon itong Tabogon Port dito sa Northern Cebu matapos nga yung malakas na lindol.
08:24At Connie, makikita naman natin talagang wasak itong kalsada papunta nun nga sa rampa nung kanilang pier dito sa Tabogon.
08:33Ang bahagi naman kung nasaan nga itong substation, itong Philippine Coast Guard ay talagang bumagsak at pa-high tide pa lang kanina.
08:42Pero dahil nga mababa yung bahaging kinaruroonan ng gusali ay napasok na rin ng tubig ang tanggapan.
08:48Mas mataas pa nga ang tubig nito ngayong nasa peak na ang high tide.
08:52Napansin din natin na yung boardwalk ay lunduna yung gitna pero yung dulo nito patungo sa isa pang park ay tuluyan na nga naputol ng malakas na lindol.
09:04Katabing bayan lamang, Connie, itong Tabogon ng Bogos City, ang epicenter ng magnitude 6.9 na lindol.
09:09Lima ang nasawi sa bayang ito ng Tabogon base nga sa tala ng pamahalaang panlalawigan.
09:14Apat sa kanila ang nasawi sa pagguho ng mga malalaking bato sa bundok sa akop ng barangay Piyo.
09:20Kabila nga sa nasawi ang lola, kapatid at siyam na taong gulang na babaeng anak ni Jomar Brigoli.
09:25Naiiyak nga si Jomar na ikwento ang pag-rescue sa kanyang anak.
09:29Anya, napinsala na nga ang paan ng kanyang anak na mahugot niya ito.
09:33At nagtatanong pa nga daw ito kung makakalakat pa ba siya.
09:36Nadala pa sa infirmary ang anak at kapatid pero agad din silang nasawi.
09:40Umaasa naman silang magkakaroon ng relokasyon dahil nga delikado ng sitwasyon doon sa kanilang lugar.
09:46At Connie, yun nga talagang yung mga napuntahan natin doon sa mga naguhuan yung bahay.
09:51Talagang relokasyon ang nais nilang mahingi sa DSWD at sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
09:57At ito namang mga taga-coastguard, Connie, talagang mataas talaga yung tide ngayon.
10:01Kaya lubog na lubog yung kanilang tanggapan.
10:04Nakausap natin yung ilang personnel nila at ang sabi wala na nga daw gamit dito at umaasa din sila siyempre na makukumpuni din kaagad itong kanilang pantalan.
10:13Sapagat yung coastguard dito ay kabilang sa mga nagbibigay ng maritime security sa pagitan nito ng isla ng Cebu at sa isla ng Leyte.
10:23Connie?
10:24Marami salamat, Ian Cruz.
10:25Living and looking fabulous ang ilang kapuso star sa kanilang Paris Fashion Week eras.
10:37Slaying the streets of Paris, si Gabby Garcia suot ang Filipino designers.
10:42Extra special ang moments dahil mala personal photographer ang boyfriend na si Calil Ramos.
10:48Mawawala ba naman ang French classic na croissant?
10:51Kasama rin ang perfect croissants sa Fashion Week galore ni Max Collins.
10:56Good food at good company sa pagitan ng mga show.
11:00Blonde rey na naman ang Fashion Week eksena ni Michelle D.
11:04Tuloy daw ang hashtag Dora in Paris escapade niya.
11:07Sa runway show ng isang sportswear, nakasama rin ni Michelle si its showtime host Ann Curtis.
11:13Pati na ang exo member na si Kai.
11:16Close kay Sparkle star at ex-PBB housemate Will Ashley ang isa sa mga special guest sa kanyang first solo concert this October.
11:29Yan ay walang iba kundi ang other half ng Wilka na si kapamilya ex-housemate Bianca de Vera.
11:36Kinumpirma yan ng stage Nova Entertainment na producer ng concert ni Will.
11:40Expect na layag na layag sa kilig on stage ang Wilka.
11:44Aside from concert stage, may dapat ding abangan ng shipper sa TV and big screen.
11:50Magkakasama rin kasi si Nawil at Bianca sa series na The Secrets of Hotel 88 at upcoming movie na Love You So Bad.
11:59Samantala ito na, kanya-kanyang entry ang mga estudyante para i-level up ang World Teachers Day na ipinagbibang po kahapon.
12:12Sa ilo-ilo, ang karaniwang makolesterol na regalo naging guilt-free at good for the heart dahil sa pakulo.
12:20Ito! Ito na nga! Shining!
12:24At ayan o, kumikintab-kintab sa mantika ang inihanda ng beloved student si Teacher Riza, kapalihan sa Oton National High School.
12:34Isa-isang tinanggahan ni ma'am ang mga tali.
12:36Pero ang nakabalot, hindi pala lechon kundi, ayan, estudyante ma'am!
12:44Hindi man crispy lechon ang tumambad. Malulutong na tawa naman ang hatid ng paandar.
12:49Pagkatapos niyan, inabot naman daw ni na classmates ang totoong gift para kay Ma'am Riza.
12:55Ang prank video ni U-Scooper, Lian Cordova, 4.5 million na ang views.
13:03Trending!
13:04Sayang, ano, hindi lechon pero mas maganda yung ata na.
13:08Oo, cute picture prize.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended