Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Oct. 5, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon sa ating lahat at naritong ulat sa lagay ng panahon ngayong hapon ng linggo, ikalimang araw ng Oktobre, 2025.
00:10Meron nga tayong dalawang bagyo na binabantayan sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
00:15Yung unang bagyo nga na may international name na si Typhoon Matmo o ito yung dating si Bagyong Paulo.
00:21At huli nga yung namataan sa layong 1,190 km kanluran na extreme northern zone.
00:28May taglay ito ngayon na lakas ng hangin na maabot ng 150 km per hour malapit sa sentro at mga pagbugso na umaabot hanggang 205 km per hour.
00:38Patuloy nga itong kumikilos pa kanluran, hilagang kanluran, sa bilis naman yan na 20 km per hour.
00:45At anytime from now, ngayong araw, ay maaari na nga yung maglandfall dito sa may katimugang parte ng China.
00:51Wala naman itong direktang epekto sa limang bahagi ng ating bansa, ngunit hinahatak nga nito yung Southwest Monsoon o Hanging Habagat
00:59na siya nagdadala ng makulimlim na panahon at mga kalat-kalat na pagulan dito nga sa may Palawan at sa Kalayaan Island.
01:07Samantalang yung ikalawa naman nating bagyo sa labas ng ating park,
01:10ito nga yung bagyo na may international name na si Tropical Storm Halong.
01:15At huli nga yung namataan sa layong 2,950 km silangan, hilagang silangan nitong extreme northern zone.
01:24May taglay naman ito na lakas ng hangin na umaabot ng 75 km per hour malapit na sentro
01:28at mga pagbugsupan umaabot hanggang 90 km per hour.
01:33At patuloy nga itong kumikilos, pahilagang kanluran ng napakabagal.
01:37At sa nakikita nga natin ay meron tayong dalawang senaryo na maaaring mangyari dito kay Tropical Storm Halong.
01:45Unang-una, kung mas maapektuhan ito ng ridge ng high pressure area na nandito sa may parteng silangan niya,
01:52ay maaaring nga na mas maaga itong kukurba pataas at hindi napapasok sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility.
01:59Ikalawa naman, kung mas maapektuhan naman ito ng ridge ng high pressure area na malapit nga dito sa may mainland China,
02:06ay mas kakanluran nga yung pagkilos nito at maaaring makapasok sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:14Ngunit, dito lamang siya sa may northeastern periphery ng ating par.
02:19At hindi naman natin nakikita na makakaapekto ito sa limang bahagi ng ating bansa.
02:25Kahit makapasok pa ito ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:28Ngunit, dahil nga makakapasok ito kung sakali, ay maaaring natin itong bigyan ng local name na si Kedan.
02:35O ito nga, kung sakali ang magiging ikalawang bagyo ngayong buwan na Oktubre.
02:39Sa magiging ilagay naman ng panahon bukas dito sa mainland Luzon,
02:44asahan nga natin na magiging mainit at maalinsangan sa umaga hanggang tanghali.
02:49Ngunit, pagdating ng hapon, dahil nga mainit, andyan na naman yung mga tsansa ng mga localized thunderstorms.
02:56Lalo na, umaabot yan ng hapon hanggang gabi.
02:58Ang temperatura nga, may kainitan at maaaring umabot 24 to 33 degrees Celsius dito sa may Lawag at sa Tuguegaraw
03:06at 24 to 32 degrees naman dito sa may Metro Manila at sa Legaspi.
03:11Sa may parteng Palawan, Kalayan Islands, maging dito nga sa may Zamboanga Peninsula at mga isla dito sa may Barm,
03:22kasama nga ang Basilan, Sulu at Tawitawi, makaranas din ng makulim-blim na panahon at kalat-kalat ng mga pagulan bukas
03:29dahil sa magiging epekto ng trough ng low pressure area.
03:33Samantalang, sa nalalabing bahagi nga ng Mindanao at dito sa may Kabisayaan, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan
03:41at andyan pa rin yung tsansa ng mga pulo-pulo at mga panandali ang mga pagulan, pagkidlat at pagkulog sa hapon hanggang gabi.
03:49Ang temperatura nga, mas mainit dito sa Mindanao at maaaring umabot hanggang 32 to 33 degrees Celsius
03:55at dito naman sa may Visayas, maaaring umabot hanggang 31 to 32 degrees Celsius.
04:01Kaya naman, mas matataas yung tsansa ng mga localized thunderstorm bukas, lalong-lalo na nga dito sa may parte ng Mindanao.
04:09Sa magiging lagay naman ng ating karegatan, wala pa rin tayong nakataas na gale warning
04:14kaya malayang maglayag lahat ng sasakyang pandagat.
04:17Ngunit, makararanas nga ng mga katamtaman na pag-alon dito sa may western seaboards ng northern at central Luzon
04:23maging dito sa may northern seaboards nga ng northern Luzon.
04:27Kaya naman, pinag-iingat natin yung ating mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat
04:32dahil itong mga katamtaman na pag-alon maaaring umabot ng 2.5 meters
04:37at kung sasabayan pa yan ng mga offshore thunderstorms ay napakadelikado sa ating mga maliliit na sasakyang pandagat.
04:46Sa magiging lagay naman ng panahon, sa susunod na tatlong araw dito sa may Luzon,
04:50asahan nga natin na magiging patuloy ang magandang panahon, generally fair weather.
04:56Ngunit, pagsapit ng hapon, andyan pa rin yung tsansa ng mga localized thunderstorms
05:01at yung temperatura maaaring umabot 32 to 33 degrees Celsius.
05:07Sa magiging lagay naman ng panahon dito sa may Visayas, sa susunod na tatlong araw,
05:11asahan nga natin na masasama na nga yung panahon dito sa may Iloilo City,
05:17kasama din ang iba pang bahagi ng western Visayas at Negros Island Region
05:21dahil sa nakikita natin magiging epekto nga ng trough ng low pressure area
05:26o kaya naman ng southwest monsoon o hangi habagat.
05:29Ngunit, sa nalalabing bahagi ng Visayas, magiging maganda pa rin ang panahon,
05:34pwera na lamang sa tsansa ng mga localized thunderstorms sa hapon hanggang gabi.
05:38Temperatura ay maaaring umabot 33 degrees Celsius at pinakamataas nga dito sa may Central Visayas.
05:46Sa magiging lagay naman ng panahon sa Mindanao, sa susunod na tatlong araw,
05:51yung mga kalat-kalat ng mga pagulan ay maaaring naman umabot dito sa may northern Mindanao
05:56maging dito nga sa may parte ng Davao Region.
06:00At dahil yan, sa magiging epekto din ng trough ng low pressure area at pagsapit ng Mercules,
06:04papatuloy pa rin yung kalat-kalat na panahon dahil din sa may giging epekto ng southwest monsoon o hangi habagat.
06:11Ngunit pagsapit ng Huwebes, mas magiging mainam na nga yung panahon sa malaking bahagi ng Mindanao
06:17at makararanas pa rin ng mga tsyansa ng mga pulupulo at mga panandaliang mga pagulan.
06:23Temperatura nga maaaring ding umabot mula 32 hanggang 33 degrees Celsius.
06:27Dito sa Kalakhang Maynila, ang araw ay lulubog ng alas 5.43 ng gabi
06:34at sisikat naman bukas sa madaling araw ng alas 5.46.
06:40Manatiling may alam sa lagay ng panahon at bisitahin ang ating mga social media pages
06:44sa may ex-Facebook at YouTube at isearch lamang ang DOST Pag-asa.
06:49At para sa mga karagdanga impormasyon ay bisitahin ang ating website pag-asa.dost.gov.ph
06:55At para sa mga thunderstorm advisories at rainfall advisories, bisitahin naman ang panahon.gov.ph
07:02At yan ang latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
07:06Charmaine Varilla, nag-uulat.
07:08Charmaine Varilla, nag-uulat.
07:38Charmaine Varilla, nag-uulat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended