Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nabulamog ng sunog ang mahimbing sanang gabi ng ilang residente sa Malate, Maynila.
00:05Umabot sa isang daang pamilyang nawala ng tirahan sa sunog na iniimbisigahan kung sinadya.
00:12Nangatotok si Jomera Presto.
00:18Patulog na sana ang karamihan sa mga residente ng sumiklabang sunog sa bahagi ng Leverisa sa barangay 705, Malate, Maynila, pasado alas 9.30 kagabi.
00:28Ang 50 years old na si Mase, nasa taas na ng kanilang bahay nang biglang sumigaw ang kanyang pamangkin.
00:41Nasunugan din ang mga residente na yan na galing sa kasal ng kanilang kamag-anak.
00:45Para maiwasan ang nakawan sa gitna ng sunog, 60 tauhan ng Manila Police District ang nagbigay siguridad sa lugar.
00:51Ayon sa Bureau of Fire Protection, dahil dikit-dikit at gawa sa light material sa mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy.
00:58Kaya agad itinaas ay kalawang alarma ang sunog.
01:01Tumagal na mahigit dalawang oras ang sunog bago na apula.
01:04Dakong alas 12.03 ng hating gabi.
01:06Umabot sa halos 40 truck ng bumbero ang rumesponde.
01:09Meron po tayong dalawang fire hydrant so hindi tayo nahirapan sa water supply natin.
01:15More than 15, 15 to 20, tinatayang 20 houses ang napektuhan.
01:21Nakalabas naman lahat ng residente, lalo at dead end ang dulo ng iskinitang nasunog.
01:25Tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
01:31Dito siya covered court na ito sa barangay 720, pansamantalang manunuluyan ng mga residente na nasunogan sa barangay 705.
01:37Sabi ng MDSW na sa 50 modular tents ang inilatag nila dito.
01:41Ang problema dahil masyadong maraming residente ang mga nasunogan, dalawang pamilya ang maghahati sa isang tent.
01:47Base sa kanilang datos, aabot sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan.
01:52Pero ang apoy, posibleng nagsimula raw sa dalawang residente.
01:56Hindi namin nakita, hindi namin nahagilap kung nasaan sila pumunta eh.
01:59Parang sumibat.
02:01Natatakot siguro sa mga nadamay ng sunog, baka bugbugin.
02:05Iniimbestigahan pa ng BFP at Manila Police District kung talaga bang sinadyang sunugin ang nasabing lugar.
02:12Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended