00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Balita sa Visayas at Mindanao mula po sa GMA Regional TV.
00:09May ilang sinkhole na po na lumitaw sa San Renegio sa Cebu
00:13matapos nga po itong magnitude 6.9 na lindol.
00:17Cecil, kamusta yung mga residente natin doon?
00:22Connie Pangamba, ang naramdaman ng ilang residente
00:26matapos madiskubre ang sinkhole sa ilang barangay.
00:29Kabilang dyan ang sinkhole sa Purok Siniguelas sa barangay Poblasyon.
00:33Napansin daw yan ng mga residente isang araw matapos ang lindol.
00:37May nahulog na rin daw sa sinkhole na mabutit nakaligtas naman.
00:41May sinkhole rin sa barangay Manyo.
00:44Pinayuhan na ang mga residente na huwag lumapit sa sinkholes para iwas disgrasya.
00:50Ayon sa mga eksperto, nabubuo ang sinkhole kapag nalusaw ang mga bato
00:54o carbonate rock sa ilalim ng lupa.
00:56Ilan sa mga sinyalis nito ang pagkakaroon ng hugis-bilog na bitak sa lupa.
Comments