Nagkalamat ang pagkakaibigan nina Sarah (Shaira Diaz) at Claire (Thea Tolentino) dahil sa isang lalaki. Ang nagugustuhan kasing college heartthrob ni Claire na si John Kenneth (Yasser Marta), boyfriend na pala ni Sarah. Ang mayaman at anak ng contractor na si Claire, aalukin ng trabaho si Sarah sa Cambodia para maisagawa ang paghihiganti nito sa dating kaibigan. Makatakas pa kaya si Sarah mula sa patibong ni Claire? Abangan ang kuwento ng 'Tadhana: Walang Kawala' ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs’ Facebook and Youtube livestream.
Be the first to comment