Skip to playerSkip to main content
Inalmahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang aniya'y "below the belt" na akusasyon na nauwi sa pagbibitiw niya sa Independent Commission on Infrastructure o ICI. Tingin niya, may nakanti siya kaya binato ng mga isyu kabilang ang isang tennis court sa Baguio na gawa umano ng kumpanya ng mga Discaya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Inalmahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang anyay below the belt na akusasyon na nauwi sa pagbibiting niya sa Independent Commission on Infrastructure o ICI.
00:14Tingin niya may nakanti siya kaya binato ng mga issue, kabilang ang isang tennis court sa Baguio na gawa-umanon ng kumpanya ng mga diskaya.
00:24Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:25Naniniwala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mayroon siyang nagalit kaya kung ano-ano raw ang ibinato sa kanya sa kanyang maikling panunungkulan bilang Special Advisor at Investigator ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:45Sinabi ito ni Magalong ng magsilbi siyang resource person sa pagdinig ng Senado.
00:49Tinabi na may conflict naman ako being the mayor and at the same time being a member of the ICI.
00:54Then suddenly, here comes a below the belt naman na akusasyon na ay dahil merong project si Diskaya dun at maanumal yung tennis court.
01:06Sobra na yan. Kung bulok ba ako, lalabanan ko yung mga very powerful na tao dyan.
01:10Tinutukoy rito ni Magalong ang press con ni PCO Yusek Claire Castro noong September 26 kung saan sinabi ni Castro na hindi itinalaga si Magalong para mag-imbestiga para sa ICI.
01:22At ayaw aniya ng Pangulo mapabayaan ni Magalong ang trabaho niya bilang mayor.
01:26Binanggit din ni Castro ang posible aniyang conflict of interest dahil sa isang tennis court sa Baguio City na ipinatayo ng isa sa mga kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto ng gobyerno.
01:38I believe I struck a nerve or several nerves na they panic at kaya ganun ngayon nangyari.
01:45Sinabi rin Magalong na dumaan sa bukas at transparent na bidding ang naturang tennis court project noong 2022 at hindi paraway ito fully paid.
01:53Sa ambush interview matapos dumalo sa pagtinig, tumanggisi Magalong ni Natalia kung sino ang nasa likod ng aniya ay below the belt na atake.
02:01Mararamdaman mo talaga na anumalya rin yung pagkandak mo ng press con na yan.
02:06And probably she's taking orders from someone else na hindi ko alam.
02:11Hindi ko kaya yun sa...
02:12Any more questions?
02:21Pero, pero...
02:22Ngayon wala na raw komunikasyon si Magalong kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:26Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang Malacanang, kaugnay sa mga pahayag ni Magalong.
02:30Sinita rin niya si Resigned Congressman Zaldico na isinasangkot ngayon sa maanumaliang flood control projects.
02:37Para raw kay ako, Bicol Partialist Representative Alfredo Garbin Jr., maituturing aniang sakripisyo ang pagbibitiw sa pwesto ni ko.
02:44My God!
02:46Nagdakaw ka ng bayo, kata sasabi mo, ito was a sacrifice on your part.
02:51And it's not an abandonment.
02:54Ganyan na ba kababa yung standard natin sa kongreso, Mr. Chair?
02:59Ganyan na ba tayo kawalang hiyang ngayon?
03:03Manhid?
03:04Di ba?
03:05Napaka-calousness, hypocrisy.
03:08At nakaka-insulto sa mentalidad natin Pilipino.
03:16Nang tanungin kung naniniwala siyang credible at independent pa ang ICI.
03:20O naman, ako naniniwala pa rin ako na magiging maayos pa rin yan.
03:27Satayin ko, basta tuloy-tuloy lang investigasyon.
03:31Huwag lang i-re-reign.
03:34Magiging credible yan.
03:35Wala rin daw siyang nakitang anomalya sa mga pagdinig ng ICI,
03:39pero makabubuti raw kung buksan na ito sa publiko.
03:42Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended