00:00Nagpunta rin sa Cebu ang Office of the Vice President para magpaabot ng tulong sa mga apektado ng magnitude 6.9 na lindol nitong Martes.
00:08Nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga nawalan ng mahal sa buhay sa lindol.
00:14Ipinagdarasal din daw niya ang mga nawalan ng tirahan.
00:17Nakipagpulong si VP Duterte sa mga lokal na opisyal sa bayan ng Medellin.
00:22Namigay rin ng food bags ang tanggapan ng bisay sa katabing bayan ng San Remigio.
00:28Binigyan din nila ng makakain ang mga rescuer at volunteer.
00:33Bukod sa Cebu, sinabi ng OVP na magdadala rin sila ng tulong sa iba pang lugar sa Western at Eastern Bisayas na naapektuhan ng lindol.
Comments