Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:10Lima ang nasawi sa bayan ng Tabogon kasunod ng matinding lindol noong nakaraang linggo.
00:16Kamusahin na po natin ang sitwasyon doon ngayon sa ULOT ON THE SPOT ni Ian Cruz.
00:21Yes, Connie, matinding pinsala rin ang tinamon nitong Tabogon Port dito sa Northern Cebu matapos nga yung malakas na lindol.
00:33At Connie, makikita naman natin talagang wasak itong kalsada papunta nun nga sa rampa ng kanilang pier dito sa Tabogon.
00:41Ang bahagi naman kung nasaan nga itong substation, itong Philippine Coast Guard ay talagang bumagsak at pahaytide pa lang kanina.
00:51Pero dahil nga mababa yung bahaging kinaroonan ng gusali ay napasok na rin ng tubig ang tanggapan.
00:57Mas mataas pa nga ang tubig nito ngayong nasa peak na ang high tide.
01:01Napansin din natin na yung boardwalk ay lunduna yung gitna pero yung dulo nito patungo sa isa pang park ay tuluyan na nga naputol ng malakas na lindol.
01:12Katabing bayan lamang, Connie, itong Tabogon ng Bogos City, ang epicenter ng magnitude 6.9 na lindol.
01:18Lima ang nasawi sa bayang ito ng Tabogon base nga sa tala ng pamahalaang panlalawigan.
01:22Apat sa kanila ang nasawi sa pagguho ng mga malalaking bato sa bundok sa akop ng barangay Piyo.
01:28Kabila nga sa nasawi ang lola, kapatid at siyam na taong gulang na babaeng anak ni Jomar Brigoli.
01:34Naiiyak nga si Jomar na ikwento ang pag-rescue sa kanyang anak.
01:38Anya, napinsala na nga ang paan ng kanyang anak na mahugot niya ito.
01:42At nagtatanong pa nga daw ito kung makakalakat pa ba siya.
01:45Nadala pa sa infirmary ang anak at kapatid pero agad din silang nasawi.
01:49Umaasa naman silang magkakaroon ng relokasyon dahil nga delikado ng sitwasyon doon sa kanilang lugar.
01:55At Connie, yun nga talagang yung mga napuntahan natin doon sa mga naguhuan yung bahay.
01:59Talagang relokasyon ang nais nilang mahingi sa DSWD at sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
02:05At ito namang mga taga-coastguard, Connie, talagang mataas talaga yung tide ngayon.
02:10Kaya lubog na lubog yung kanilang tanggapan.
02:13Nakausap natin yung ilang personnel nila at ang sabi wala na nga daw gamit dito.
02:16At umaasa din sila syempre na makukumpuni din kaagad itong kanilang pantalan
02:22sapagkat yung Coast Guard dito ay kabilang sa mga nagbibigay ng maritime security
02:26sa pagitan nito ng isla ng Cebu at sa isla ng Leyte.
Be the first to comment