00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:06May init na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Patay ang isang batang lalaki ng makuryente sa General Santos City.
00:15Cecil, paano'y nangyari?
00:19Rafi, sumabit ang batang lalaki sa Bakod na may live wire
00:23ng isang pagawaan ng makina sa barangay Kalumpang.
00:26Kwento ng ama ng bata, pinauwi niya na noon ang anak na galing sa computer shop
00:31pero hindi niya napansing naglaro pa ulit ang bata sa lugar.
00:35Natanggal kalaunan ang bata sa pagkakasabit pero idiniklarang dead on arrival sa ospital.
00:41Ayon sa may-ari ng pagawaan, pangontra sa mga magnanakaw ang live wire.
00:45Nangako siyang tutulungan ang pamilya sa gastusin ng pagpapalibing sa batang lalaki.
00:51Tatanggalin na rin daw niya ang live wire na ayon sa kapitan ng barangay
00:55ay ipinagbabawal dahil dikit-dikit ang mga bahay doon.
00:58Walang planong manghabla ang pamilya ng Bikima laban sa may-ari ng pagawaan na kamag-anak nila.
Comments