Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Joseph Morong
00:30Nakabulletproof vest si Pasifiko Carly Diskaya II na dumating sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure.
00:38Naroon din ang asawa niyang si Sarah Diskaya.
00:51Apat na oras ang itinagal ng pagdinig ng ICI.
00:54Sa mga pagdinig ng Senado, inamin ang mag-asawang Diskaya na nagbibigay sila ng komisyon sa mga politiko at mga taga DPWH kapalit ng pag-award sa kanila ng kontrata.
01:05Mula 2022, Shams sa kanilang mga kumpanya ang nakakorner ng 31 billion pesos na flood control projects na kinikwestiyon ngayon.
01:13Tumanggi magbigay ng komento si Sarah hanggang sa makalis sila sa ICI.
01:17Pero sabi ng abogado nila, handa ng isiwalat ang mag-asawa sa ICI ang lahat ng kanilang nalalaman.
01:34Ibinigay rin nila sa ICI ang ledger ng umunin mga ibinayad sa dalawang individual na hindi muna nila kinilala.
01:40Bukos sa mga nabanggit na nilang pangalan sa Senado at sa Kongreso, may idadagdag pa raw silang mga pangalan.
01:46We will have a supplemental affidavit so magdadagdag kami ng mga pangalan doon in due time.
01:52Dapat magtugma yung IB contract, number, kung anong araw, anong project yun, sino tumanggap, magkanong porsyento.
02:01Ganun yun eh. So kaya nga tell all na kami, wala nang atrasan to.
02:04Sabi ng spouses si Skaya, inap is nap.
02:08Ano pa bang hinihingin yung sinceridad ng mag-asawa?
02:12Humaharap na ho kami. Lahat ho binibigay na ho namin.
02:15May mga information that we have to verify as usual because as I mentioned before,
02:20kailangan talaga suriin at saka i-review ng mga buti yung mga information na sinishare nila o binibigay nila sa komisyon.
02:29Kaugnay naman sa pagsisoli ng mga ari-arian, sabi ng abogado ng mga diskaya.
02:34Wala ho kami isusoli muna kasi na-freeze nga yung account eh.
02:38So hindi pa ho namin pinag-uusapan yan.
02:41Siyempre, financially constrained sila ngayon.
02:44Pero wala ho. Nap-freeze yung mga bank accounts nila eh.
02:48So lahat ba yung...
02:49Lahat, lahat ng bank accounts nila.
02:51Lahat ng bank accounts nila na-freeze ng abogado.
02:53Wala pa real properties?
02:54Wala pa. Wala pa kaming idea dyan.
02:58Pinababalik ng ICI sa susunod na linggo ang mag-asawa.
03:02Simula na mag-hearing ang Independent Commission for Infrastructure o ICI,
03:06hindi pinapayagan ang media na masaksihan ang pagdinig.
03:10Sa mga resource person at sa executive director nitong si Atty. Brian Osaka,
03:15nalalaman ang naging takbo ng pagdinig.
03:18Close door ang hearing ng ICI bilang pag-iingat para raw maiwasan ang trial by publicity
03:23at para hindi magamit ang komisyon sa anumang political agenda.
03:28Pero may mga nananawagang buksan sa publiko ang proseso.
03:31Sa isang Facebook post, sinimok ni Sen. Kiko Pangilino ng ICI
03:35na buksan ang pagdinig dahil napakahalaga ng transparency sa public accountability.
03:41Dagdag di mamamayang Liberal Partylist Representative Leila de Lima
03:44sa paglalantan ng katiwalian, bawal ang tagu-taguan.
03:48Sabi naman ni Akbayan Partylist Representative Persis Endanya,
03:51ang kawalan ng transparency ang dahilan kung bakit patuloy na nauulit ang mga kaso ng korupsyon.
03:57Napakasimple na kanilang trabaho. Panikilin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
04:03Pero kung itatago nila yung proseso, mauulit at mauulit ang nangyari dati.
04:07Hinihingan namin ang reaksyon dito ang ICI.
04:10Ang Malacanang naman hindi raw makikilam kung mananatiling pribado o isa sa publiko
04:15ng ICI ang kanilang mga pagdinig.
04:17Sa talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga bagong opisyal ng League of Vice Governors of the Philippines,
04:23binigyan din niya na dapat matapos na ang kasakiman at pang-aabuso sa kapangyarihan.
04:28Ladies and gentlemen, amidst the challenges affecting our institutions,
04:32we must remain firm, uncompromised, and united in fighting corruption.
04:39The unscrupulous abuse of power and greed must come to an end.
04:42Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
04:46Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:49Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended