00:00Piniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutok at paglalaan ng suporta sa military and uniformed personnel sa ating bansa ngayong 2026.
00:09Samantala patuloy naman ang paghahanda ng gobyerno para sa malaking event na gaganapin sa bansa,
00:14nadadaluhan ng iba't ibang leader mula sa ibang bansa.
00:17Ito ang ASEAN 2026.
00:18Si Clazel Pardilla sa report.
00:20Palalakasin pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta sa military at uniformed personnel o MUP ngayong taon.
00:33Sa ilalim ng 2026 national budget, higit apat na bilyong piso ang inilaang pondo para sa kanagdagang 10,000 bagong posisyon sa sandatahang lakas,
00:45mga polis at iba pang uniformadong kawani ng gobyerno.
00:49Mga posisyong nagpapagaan ng bigat ng trabaho at magpapatibays sa kakayahan ng ating hanay na tumutugon sa panganib at sakuna.
01:00Ito ay karagdagang kamay, karagdagang lakas at karagdagang proteksyon para sa bayan.
01:07Sinimula na rin ang unang tranche ng taas sahod para sa MUP.
01:11P21.7 billion pesos ang inilagak para sa mga nasa servisyo at nagretiro.
01:19Ang mas mataas na subsistence allowance na nagkakalaga ng 350 pesos kada araw.
01:27Hindi ito sinulat lamang sa tubig.
01:30Ito po ay sigurado at may nakalaang pondo.
01:34Isang matinding pagkilala.
01:36Pagkilala na ang lakas ng loob ay kailangang may sapat na lakas ng katawan.
01:41At pagkilalang ang nagbabantay sa bayan ay dapat may sapat na pagkain at nutrisyon sa araw-araw.
01:48Kasabay nito ang pagbili ng mga bagong kagamitan na magsasulong sa modernisasyon ng sandatahang lakas.
01:56Ito po ay pagkilala sa napakalaking role ng inyong mga kasundaluhan sa pagbibigay ng siguridad para sa ating bansa.
02:06Samantala, tiniyak ng AFP at PNP na all systems go ang siguridad para sa ASEAN.
02:13Isa ito sa pinakamalaking event ngayong taon.
02:17Imbitado ang mga pinuno ng iba't ibang bansa.
02:21Handa rin ang pambansang pulisya sa umuugong na impeachment case laban kay Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte.
02:30We are ready to ensure public safety and implement relative loss.
02:35We're gonna secure the place kung saan magkakaroon ng impeachment and of course secure the necessary activity plus the personality.
02:47And we are ready for that.