00:00Lubos-lubos ang pasasalamat ng mga residente nakatira malapit sa Bulkan Kanlaon sa natanggap nilang financial assistance
00:05mula sa programa ng Presidential Help Desk on Wheels ng Presidential Action Center.
00:11Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang nanguna sa pamahagi ng tulong, si Vel Custodio sa Detali.
00:19Isa si Ronaldin sa libo-libong individual na nakatira sa bayan malapit sa Bulkan Kanlaon sa Negros Occidental.
00:25Anong pumutok po ng Bulkan Kanlaon kami po ay sobrang kaba, takot at hindi alam po anong gagawin.
00:34Kasi po kami lang dalawa nung anak ko sa bahay.
00:38Lubos siyang nagpapasalamat sa support ang ipinamahagi na programang Presidential Help Desk on Wheels ng Presidential Action Center.
00:44Namahagi ang Office of the President ng 5,000 pisong tulong pinansyal sa mga residente ng La Carlota, Bago, Mursha, La Castelina, Ponte Vedra, San Carlos at Moses Padilla.
00:57Nagpapasalamat din po ako sa financial na binigay sa amin ngayon at saka kay Ferdinand Marcos.
01:07Maraming salamat po sa calamity assistant na binigyan niyo sa amin.
01:11Maraming maraming salamat po President Bongbong Marcos.
01:15Malaking tulong po ito sa mga kababayan namin dito sa Negros Occidental, lalong-lalo na po sa 4th District, dito ngayon sa La Carlota City, na nakatanggap po ng assistance mula sa iyong office sa mga affected ng Kanlaon eruption.
01:34Ang ipamimigay po ng aming opisina ay 5,000 piso mula po sa mahal ng Pangulo sa 5,000 beneficaryo po mula sa ibang-ibang bayan at syudad dito sa Negros Occidental.
01:48Layunin po ng programang ito na magbigay ng direkta at konkretong tulong sa ating mga kababayan na apektohan ng nakalipas na kalamidad.
01:57Nauna nang nagbigay ang pamahalaan ng financial assistance sa Kanlaon City noong nakaraang buwan.
02:03I would like to thank the Office of the President for the help they extended to the evacuees of Mount Kanlaon eruption.
02:14Bahagi ang tulong pinansyal ng Office of the President sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mabilis na pagbangon ng mga apektado na kalamidad.
02:24Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.