State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bago ngayong gabi, nianig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Visayas.
00:05Sa bayan ng Daanbantayan sa Cebu, nagiba ang Archdiocese Shrine ng Santa Rosa de Lima.
00:13Dahil sa lindol, nagkansela na ng klase bukas sa Lapu-Lapu City para masuri kung may pinsala ang mga paaralan.
00:20Ramdam din ang pagyanig sa Haro-Iloilo City gaya sa simbahang ito.
00:25Hanggang sa Masbate City, umindayog ang mga chandeliers sa ilang gusali sa lakas ng pagyanig.
00:32Naglabasan din ang mga tao sa isang hotel.
00:34Ayon sa Feebox, magnitude 6.7 ang inisyal na lakas ng unang lindol na ang epicenter ay sa dagat sa silangan ng Bogo City pagka alas 10 ng gabi.
00:45May nakataas ngayong babala ng tsunami dahil sa dipangkaraniwang alon kaya pinaiwas ang publiko sa tabing dagat sa Leyte, Cebu at Biliran.
00:54Nasudan ito ng ilan pang aftershocks na ang pinakamalakas ay magnitude 5.1.
01:00Bago ngayong gabi sa patuloy na paghahabol sa mga ari-ariang katas ng mga kinurakot na flood control project.
01:16Inanunsyo ng Anti-Money Laundering Council ang pag-freeze sa 836 bank accounts, 12 e-wallets, 24 insurance policies, 81 motor vehicles o mga sasakyan, at 12 real estate properties.
01:30Saklaw ang mga ito ng ikatlong freeze order na inilabas ng Court of Appeals na ayon sa AMLOC ay pinakamarami mula ng simula ng pagsisiyasat sa mga kinurakot na proyekto.
01:40Hindi binanggit kung kanino ang mga yan. Kung isasama ang dalawang naunang asset freeze halos 3 milyong piso na raw, ang kabuang mga ari-ariang hindi na pinagagalaw ng AMLOC.
01:52Ipatatawag daw ang nagbitiw na congressman na si Zaldico at si dating Speaker Martin Romualdez ng Senate Blue Ribbon Committee.
02:01Pero habang hinahanap pa si Co, tila may tangka naman daw na maalis ang kanyang air assets sa listahan ng CAAP.
02:08Kinala ng DPWH, balak ibenta ang mga ito. May report si Tina Pangaliban Perez.
02:13Immediate and irrevocable ang resignation ni Zaldico bilang akobical partilist representative.
02:23Tinanggap na yan ni House Speaker Bojidi.
02:26Pero kung pagbabatayan ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, hindi pinapayagan ang basta-bastang pagbibitiw ni Co bilang mababatas.
02:34Nakasaad kasing hindi pwedeng payagan ang sinuwang public officer na mag-resign o mag-retard kung siya'y iniimbesigahan o may posibilidad na kasuhan
02:44kaugnay sa alinmang paglabag sa probisyon ng naturang batas o ng revised penal code pagdating sa bribery.
02:51Hinihingi pa namin ang tugon ng liderato ng Kamara tungkol dito.
02:55Sabi naman ang Malacanang, wala mang makapipigil kay Co na mag-resign bilang mababatas, hindi niya matatakasan ang posibleng kaso laban sa kanya.
03:05Kung hindi niya po tamasasagot at iiwasan niya, lalabas lamang po siyang guilty.
03:10So mas may ina po na maipaliwanag niya ang kanyang side.
03:13Inirekomenda na ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman na kasuhan si Co na iniuungnay sa budget insertions at mga maanumalyang flood control projects.
03:25Ang Senate Blue Ribbon Committee na naghihintay raw ng ilang development bago magtakda ng susunod na pagbinig,
03:33iimbitahan daw si Co at si dating House Speaker Martin Romualdez.
03:37Kung hindi sumipot si Co, ipasasampi na siya ng kumite.
03:41Kung no-show pa rin, iisuhan siya ng show cause order.
03:45At kung babaliwalain ito ni Co, sabi ni Blue Ribbon Committee Chairperson Ping Lakson, ipakokontempt na siya at sisilbihan ng arrest warrant.
03:54Ang imbitasyon naman kay Romualdez, idaraan kay Speaker D bilang pag-alang sa inter-parliamentary courtesy ng Senado at Kamara.
04:04Babala naman ni Sen. Bato de la Rosa, baka mag-ayas si Co, kay dating Bamban Mayor Alice Guo, kung magtatago pa rin siya sa ibang bansa.
04:13Arrest order coming from the Senate, not from the court, that compelled him to be delivered back to the Philippines.
04:24Hindi pa malinaw ang kinaroroon na ni Co, pero tila may pag-alaw sa kanyang nakakwestyong air assets.
04:30Ibinunyag ni DPWH Secretary Vince Dizon na tatlong helicopter na mga kumpanyang konektado kay Co ang tinangkang i-deregister o alisin sa talaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ng mga aircraft sa bansa.
04:46Hindi malinaw kung pareho ang mga ito sa mga ipinakita noon ni Dizon na air assets ni Co.
04:53Ginagawa ang pag-deregister kung nawala, nasira o kung ibebenta at ililipat sa ibang may-ari o ibang bansa ang isang aircraft.
05:02Hindi mo maibibenta at hindi maibibigay, mabibigay ng gustong bumili noon kung hindi i-deregister sa Pilipinas.
05:11Ang maganda, napigilan natin yung pag-deregister.
05:14At may standing order na ang kaap na lahat ng air assets na in-identify natin, hindi pwedeng i-deregister.
05:21Hiniling ng DPWH sa Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang air assets at iba pang ari-ariya ni Co.
05:29Kahit hindi umuwi si Congressman Zaldico, we will go after all these assets.
05:34Sabi nga ng Pangulo, hindi enough na may managot, hindi enough na may makulong, kailangan maibagig ang pera.
05:41Panawagan naman ang kasamhani Co. sa Acovical Party List na si Congressman Alfredo Garbin Jr. bigyan si Co. ng due process.
05:49Pag sabi niya in due time, he will return and answer all the allegations.
05:54Remember, there are no pending cases yet. He's entitled to this presumption of innocence.
06:01Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:07May ilang humihirit na isa publiko ang closed-door hearing ng Komisyong nag-iimbestiga sa korupsyon sa flood control projects.
06:15Kanina, nag-tell all na umano sa Komisyon ang mag-asawang diskaya at balak parao magpangala ng iba pang dawi.
06:21May report si Joseph Moro.
06:27Nag-finger heart pa si Sarah Diskaya noong Sabado na mag-sumite siya at ang kanyang asawang si Pasifiko Curley Diskaya sa Justice Department
06:35na mga umuniibidensya sa kanilang mga testimonya sa manumalyang flood control projects.
06:40How did it go po, ma'am?
06:42Ganda ko.
06:42Pero ngayong araw, tikom at mailap si Sarah Diskaya noong humarap silang mag-asawa sa Independent Commission for Infrastructure.
06:50Gaya nung itanong sa kanya kung handa rin ba silang isuko ang mga ari-aria nilang kinumpiska tulad ng mga luxury vehicle.
06:56Good morning, ma'am.
06:57I'm also willing to return mga properties like si LaPrice.
07:05Tamek din siya matapos sumalang ng humigit kumulang apat na oras sa ICI.
07:11Ang abogado ng mga diskaya ang sumagot kaugnay sa pagsasauli ng mga ari-arian.
07:16Wala ho kami isusulin muna kasi na-freeze nga yung account eh.
07:19Lahat ng bank account sila na-freeze ng abogado.
07:20Wala real properties?
07:22Wala pa. Wala pa kaming idea dyan.
07:26Aniya nag-tell all umano ang mag-asawa sa closed door hearing sa ICI.
07:30May isinimit na rin silang mga ledger nang umuni yung mga ibinayal sa dalawang tao na hindi muna nila isinapubliko.
07:36Dapat magtugma yung IB contract, number, kung anong araw, anong project yun, sinong tumanggap, magkanong porsyento.
07:45So gano'n yun eh. So kaya nga tell all na kami. Wala nang atrasan to.
07:48May dadagdag pa rao silang mga pangalan bukod sa mga nabanggitan nila sa Senado at Kamara.
07:54Pinababalik ng ICI ang mga diskaya sa susunod na linggo.
07:57Simula na mag-hearing ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
08:01Hindi pinapayagan ang media na masaksihan ang pagdinig.
08:05Sa mga resource person, as executive director nitong si Atty. Brian Osaka, nalalaman ang naging takbo ng pagdinig.
08:13Closed door ang ICI proceedings para raw maiwasan ang trial by publicity at para hindi magamit ang komisyon sa anumang political agenda.
08:21May mga information that we have to verify as usual because as I mentioned before,
08:26kailangan talaga suriin at saka i-review ng mabuti yung mga information na sinishare nila o binibigay nila sa komisyon.
08:35Pero may panawagan ngayong isa publiko at gawing transparent ang pagdinig.
08:39Si Sen. Kiko Pangilinan, hinimok ang ICI na buksan ang pagdinig dahil napakahalagaan niya ng transparency sa public accountability.
08:47Hindi raw mainam na hindi pinayagan ng ICI ang publiko na makamonitor nito.
08:53Hirit ni mamamayang Liberal Party List Representative Leila de Lima sa paglalantad ng katiwalian.
08:59Bawalan tagutaguan.
09:00At punto ni Akbayan Party List Representative Percy Sandania dahil sa kawalan ng transparency,
09:05kaya hindi masugpusog po ang korupsyon.
09:08Napakasimple na kanilang trabaho.
09:11Panikilin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
09:14Pero kung itatago nila yung proseso, mauulit at mauulit ang nangyari dati.
09:18Hinihingan pa namin ang reaksyon ng ICI sa mga panawagan ito.
09:22Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:26Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nananawagan,
09:30abuse of power and greed must come to an end.
09:33Panawagan naman ang grupo ng Catholic Schools,
09:36magdilay ang mga dating estudyante nilang nasasangkot ngayon sa korupsyon.
09:40May report si Ian Cruz.
09:44Hindi pa humuhupa ang problema ng korupsyon sa bansa.
09:48Kaya sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng League of Vice Governors of the Philippines,
09:54may tagubilin si Pangulong Bongbong Marcos.
09:56We must remain firm, uncompromised and united in fighting corruption.
10:02The unscrupulous abuse of power and greed must come to an end.
10:06Anya, mga opisyal daw dapat ang mas nakauunawa sa galit ng taong bayan.
10:13Our people are exhausted.
10:15They are disappointed.
10:16They are angry.
10:17Alam naman natin ang mga mali.
10:19Kaya dapat natin itama.
10:21Reforming our government is the only way we have to win back the trust of our people.
10:28Maging asimbahang katolika, hinimokong sambayanan na ipanalangin ang pananaig ng katotohanan.
10:35Isa ito sa mga hiling ng bagong arsobispo ng Cebu na si Most Reverend Alberto Uy,
10:41paraan niya may mapanagot sa korupsyon sa bansa.
10:44I am with them in our advocacy against any form of corruption.
10:51We really need to pray because right now it's difficult to see who is telling the truth.
10:58A lot of our people are really, it seems like helpless because they don't understand who is really telling the truth.
11:05So it's really important that we need to pray.
11:09Isa na marahil sa mga kasamang nalulunod sa isyo ng katiwalian, ang edukasyon ng mga kabataan.
11:16Punto nga ng Catholic Educational Association of the Philippines o SIAP sa pagtitipo ng Catholic Education Leaders.
11:23Sana naisip daw nilang mas mapakikinabangan ng mga estudyante ang pondong ibinubulsa ng mga kurakot.
11:31Gano'ng karaming eskwelahan ang i-improve mga facilities about addressing malnutrition of our school children.
11:38Hunger, di ba? Yung mga pera sana na gamit dyan eh.
11:43Pero napunta lang sa kamay ng ilang mahiyaman.
11:47Hindi lang daw public schools ang lihado sa korupsyon,
11:51kundi pati mga private schools na hirap na raw dahil sa baba ng enrollment.
11:55Sana matulungan kami for the survival of our private schools.
11:59Kasi kailangan ng buong bansa yan.
12:02So isasabi namin, complementarity and partnership.
12:05Kailangan ng buong bansa ang public at saka private schools.
12:08Panawagan nila palawakin ang private school scholarship program para maka-discount sa tuition fee maging ang elementary students.
12:17Dagdagan din daw ang subsidiya para sa sweldo ng private school teachers.
12:21Lalo't may mga nagnilipatan sa mga public school dahil mas malaki ang sweldo.
12:27Pag nilayan daw sana ito ng mga sangkot sa katiwalian, lalo't ang iba raw ay produkto ng Catholic schools.
12:35Nakakahiya naman kayo kung Catholic school graduate kayo tapos nagkokorab kayo.
12:41Kasi you're living lives contrary to the very essence of the values that we have taught you in the schools and university.
12:49Come home to your schools and university to rekindle the spirit of truth, decency, social justice, and social transformation.
12:59Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:03Eh dream ko kasing mag-bubble gang.
13:08Nag-aantay lang din ako ng imbitasyon.
13:10Ang dating pangarap ni It's Showtime host Vice Ganda, matutupad na.
13:15Kumpirmasyon ang ipinadalang bouquet of white roses ni Michael V sa kanya na may mensaheng,
13:20Thank you for guesting. Batang bubble ka na.
13:24At ang dressing room ng Unkabogable star sa IG story ni Bitoy.
13:28Two years ago, tila na manifest ni Kapuso Comedy Genius ang possibilities of seeing more of Vice Ganda.
13:38Fresh from his solo backpacking sa South America,
13:41sinalubong naman si Miguel Tan Felix ng kanyang mga taga-suporta.
13:45Lagi naman masaya kasama sila.
13:47So ngayon ito, celebration ng birthday ko. Sobrang happy ko.
13:51Ibang satisfaction din daw kay Miguel ang makapag-travel mag-isa sa South America
13:56para sa gaya niyang adventurous.
13:59Nakadalawang wonders of the world ako, yung Machu Picchu, pati yung Christ the Redeemer.
14:05So very grateful ako sa trip na ito.
14:09Sparkle star Rita Daniela, itinanghal na best actress sa Sinag Maynila 2025 Independent Film Festival.
14:17Para yan, sa paghanap niya bilang guro sa pelikulang,
14:19Madawag ang landas patungong pag-asa.
14:23Itinanghal namang pinakawarang personalidad ng taon sa telebisyon sa 2025 Indy Indy Excellence,
14:30Gawad sa Puso ng Sining, ang Encantadya Chronicles Sangre star na si Bianca Manalo.
14:35Oscar-winning actress Nicole Kidman at country music star Keith Urban
14:41napaulat na naghiwalay na matapos ang 19 years of marriage.
14:47Wala pang official confirmation mula sa power couple.
14:51Obri Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:56Update tayo sa Lindol sa Visayas ngayong gabi.
14:59Mag-uulat si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
15:02Femarie, may balita na ba kung ilan ang biktima ng lindol?
15:32Ang Cebu City. Kaya naman, isa sa ating pinuntahan ngayon,
15:36ang sa labas na bahagi ng Cebu, si Miricao Center,
15:39saan matikita natin ngayon ang lahat ng mga pansyente na nasa labas.
15:44Sasama natin ngayon atong mayor sa Cebu City,
15:49na siya ang magbibigay sa atin ng current situation.
15:53So, dito ngayon, dito sa Cebu City.
15:55Mayor, may mga nagbibigay na ba sa atin ng report?
16:00Kung may mga injured o may mga namatay?
16:04Mayor, ano nangyari?
16:06Okay, first, I am here at the CCNC,
16:09Cebu City Medical Center,
16:11because nandito yung mga pasyente,
16:15mga public pasyente na nandito.
16:19So, what we did is, yung lahat na pasyente,
16:23lahat na pasyente, actually,
16:27dinala namin dito sa baba, sa labas.
16:30We are anticipating, baka mayroong after-talk.
16:34Now, as of the moment, okay,
16:37I think we have two patients na sa taas,
16:41but I think 95% nandito na.
16:43But, so far, okay,
16:47we have, I think, about five patients
16:50na nadala ngayon
16:51because one, mayroong natamaan,
16:54mayroong nahulog sa taas,
16:55sa isang building,
16:56makatapos sa mga debris.
16:59Tapos, well, hindi naman na critical.
17:03The other one is,
17:04mayroong mga bata na panic.
17:07Because of the panic,
17:08medyo yan, parang natsang.
17:10Nahirapan mo.
17:11Nahirapan mo.
17:11In fact, nandito pa.
17:14Now, the other thing,
17:15I think, mayroong isang casualty
17:17because of the pasyente kanina,
17:19dumating kanina morning,
17:22tapos, because of,
17:24siguro sa promotion,
17:25o sa takot,
17:26then, talagang nagtaas yung pressure niya,
17:30and then, siguro kanina,
17:31mayroong emergency,
17:32but parang wala, hindi nadala.
17:35So, now,
17:36ang ngayon,
17:37I made a declaration na bukas,
17:40because what we need to do
17:42is to check lahat na mga building,
17:45in fact,
17:45including ito dito sa hospital,
17:48and lahat na mga
17:49government buildings,
17:51including bridges.
17:54Now, the other thing is,
17:55I'm also asking,
17:56kasi maraming high-rise building dito,
17:58I'm also asking the owners
18:00and the administrators
18:01sa lahat na mga high-rise buildings,
18:03alam mo,
18:04dito sa central IT district,
18:08and siguro business park,
18:09we have about 250,000
18:11BPOIT persons.
18:14So, nasa labat sila,
18:15actually,
18:16and then,
18:17kaya nga,
18:18nag-request ako,
18:18na-infect nila,
18:20and then,
18:21kung mayroong talagang problema,
18:22then we need
18:23to stop people going up.
18:25Now,
18:27then also,
18:27Lapin Mayor,
18:28dito sa Lapin Mayor,
18:30sa daan,
18:30in the middle office,
18:31itong mga pasyente,
18:33at walang cover.
18:35That's correct.
18:35Now,
18:36at the moment,
18:37pinadala ko na yung mga tents
18:39dito,
18:40and we are putting
18:41an emergency system
18:42somewhere here.
18:44In fact,
18:45CFP 7 office.
18:46Yes,
18:47in fact,
18:47in fact,
18:48in fact,
18:48of the BFD office,
18:50para,
18:51of course,
18:52kung nare-expect tayo,
18:53mayroong mga
18:54mga pasyente
18:57na dalhin dito.
18:59So,
19:00from here,
19:01I'm going to
19:02the areas
19:03like the City Hall,
19:05yung mga
19:05disaster thing
19:07natin,
19:07ang gas,
19:08and I requested
19:09the police,
19:10like for example,
19:11dito,
19:12maraming mga
19:13malbito,
19:16sabi ko,
19:17you need to
19:18find ways,
19:19kasi halos lahat
19:20ng mga
19:21pupuan,
19:23yung safe halls,
19:24na nasa loob,
19:26dinalanan natin,
19:27and then,
19:28pagkatapos,
19:29baka mayroong
19:30mga tao na,
19:31siyempre,
19:32pagkinasamantalahan
19:33yung mga
19:34kuwan,
19:35nangyari,
19:36magpula na ha,
19:37kung di ah,
19:38it's a problem,
19:39talagang problema.
19:40So,
19:41alert po lahat
19:43na yun.
19:43So,
19:45mayroong mga
19:46pullover,
19:47mayroong
19:47ilang station
19:48dito sa police,
19:49sabi ko,
19:50punta kayo sa area
19:50para magpanayom.
19:51We ensure the peace and order.
19:53Femery?
19:55Yes po,
19:56yes po,
19:56yes ato.
19:57Oo,
19:57Femery,
19:58kasi ang
19:59kinakatakot natin
20:00yung mga
20:00aftershocks,
20:01hindi pa natin
20:02alam kung ano yung
20:03extent
20:04ng pinsala
20:05ng lindol
20:06dito sa lugar na ito.
20:07Ano ang
20:08payo
20:09o ano ang
20:09panawagan ni Mayor
20:10para sa mga
20:11kababayan natin dyan?
20:13Sila ba ay
20:13kailangan lumikas
20:14muna sa kanilang
20:15mga tahanan?
20:16Sa ngayong gabi,
20:18at least,
20:18para malaman natin
20:19kung hindi na
20:20magkakaroon
20:21ng malakas
20:21sa aftershock.
20:22Kailangan natin
20:23sa ating mga
20:23kababayan
20:24especially
20:24pag may mga
20:25aftershocks pa,
20:25Mayor.
20:26Okay,
20:26ang sinabi ko lang
20:28na kailangan
20:29number one.
20:33Kung naputo lang
20:34ating linya
20:35ng komunikasyon,
20:37ayan po si
20:37Femery
20:38dumabok
20:38mula po
20:39sa GMA
20:39Regional TV.
20:40Maraming salamat
20:41sa inyo dyan
20:42at ingat.
20:43Sa bagong update
20:44ng PVOX,
20:44magnitude 6.9
20:46na ang lakas
20:47ng lindol
20:47sa Visayas
20:48ngayong gabi.
Be the first to comment