Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naka-labas na ng Philippine Area for Responsibility ang Bagyong Opong pero nag-iwan po ito ng matitinding pinsala sa iba't ibang lalawigan.
00:08At sa Batangas may biyahe na muli ang mga sasakyang pandagat at iba pang pantalan matapos suspindihin dahil sa bagyo.
00:16Nakatuto si Oscar Oida.
00:21Tila blackbuster ang pila ng mga sasakyang sasampa ng Roro sa Batangasport.
00:26Matapos maantala ng ilang araw ang biyahe, bunsod ng masamang panahon.
00:31Nung nalaman po namin may biyahe, diretso kami dito sa Batangas, e yan yan, dinat na namin ang haba ng pila.
00:38Sa passenger terminal, pinipilahan na muli ang mga ticketing office.
00:43Bukas na ulit ang mga stall.
00:45Nakahinga naman ng maluwag ang mga pasahero matapos i-anunsyo ang resumption ng mga biyahe kaninang umaga
00:51dahil wala ng tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.
00:55Masayang masaya po ang pakiramdam ko.
00:58Gawa po ng makikita ko ang aking kapatid na namatay kahit sa huling gabi ng klamay.
01:04So much relief. May reunion sana kami three days ago.
01:10Matutuloy na talaga.
01:11Pero ayon sa pamunuan ng Batangasport, asahan pa rin daw ang mga delay sa biyahe.
01:17Magkakadelay talaga yung pag-alis ng iba because,
01:20kumbaga yung mga barko talaga lahat wala dito sa pantalan ng Batangas.
01:24Galing silang taguan, tumago sila, e medyo malalayo yung pinagtaguan nilang mga area.
01:30Yung mga ibang nakuha pa lang ng ticket ngayon, hindi pa sila ang priority makasakay.
01:35Mauuno talaga yung nasa loob ng boarding area.
01:37May biyahe na rin ang mga barko sa Calapanport sa Oriental Mindoro,
01:42kung saan umabot sa limandaang pasahero at may gitsandaang cargos
01:46ang stranded kahapon dahil sa bagyong opong.
01:49Sa direktiba ng Philippine Ports Authority, uunahing pasakayin ang mga ambulansya,
01:55may medical concerns at mga may dalang perishable goods at petrolyo.
02:00Mamadaliin naman daw ng Transportation Department ang pag-aayos ng Masbati Airport
02:04na suspendido ang operasyon mula Webes ng gabi dahil sa bagyong opong.
02:10Sabi ng DOTR, nasa 10-15 milyong piso ang halaga ng pinsala sa paliparan.
02:15Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended